Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 10

edited;




Keira's Pov

"Okay ka lang?" Tanong saakin ni Elisne. Tumango naman ako at ngumiti ng kaunti. Nag aalala ako kay Risa. Ayoko, ayokong mawalan ng kaibigang katulad niya.

Marami na kaming napuntahan na Classroom, pero ni isa sa dala namin Magic pen ay walang umilaw. Yung iba ay nag uuwian na din. Grabe nga yung mga salitang natatanggap ko bawat Classroom. Iba na ang kasikatan ko ngayon. Kung dati ay sikat ako sa papaging matalino, ngayon ay sikat ako bilang halimaw. Nakakatawa nalang sila, grabe silang humusga.

"C.r lang ako." Paalam ko kay Elisne. Hindi talaga ako sa C.r pupunta, sa garden. Ang tambayan namin nila Risa at Ella. Umuwi na kasi silang dalawa kanina, sinabi ko kasing may sakit si risa.

Nang makarating ako sa Garden. Umupo ako sa may damuhan. Sila mama kaya kamusta na? Parang.... Parang ayaw ko na bumalik sa Academia. Feeling ko kasi may mangyayaring masama. At tiyaka mukhang hindi pa ako kabilang sakanila dahil hindi naman lumalabas ang kapangyarihan ko. Mukhang wala naman talaga ako nun at talaga malakas lang ang pagkatulak ko kay Glen.

Nagulat ako ng may umupo sa tabi ko. Si Zeke!! Bwisit, kabute ba to?

"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko sakanya.

Tinarayan niya ko. "Masama?!" Sigaw niya pabalik.

Tinarayan ko rin siya. "Suplada mo ngayon pero kagabi may nalalaman laman ka pang I like you baby."

Kumunot noo ako. "Ano bang pinagsasabi mo?!"

"Wala!" Sigaw niya rin.

Nanahimik nalang ako, Nanahimik din siya, pareho kaming nakatingin sa malayo. Meron sa puso kong.... Ugh! Ang saya ko! Ewan ko kung bakit.

"Keira?" Napalingon ako sa tumawag saakin sa likod.

"Blake."

Tumingin siya kay Zeke at tumingin pabalik saakin. "Pwede ba kitang makausap?"

Umiwas ako ng tingin sakanya. Si Blake, Blake is Glen boyfriend. "Tungkol saan?" Tanong ko.

"Let's talk private." Sabi niya.

Tumingin muna ako kay zeke na walang pakealam saamin. Tumaray ako at tumango kay Blake. Lumayo kami kaunti kay Zeke.

Nagulat ako ng bigla akong yinakap ni Blake. "B-blake.." Hinigpitan niya lalo yakap niya saakin. "Blake! Ano ba?" Sigaw ko at tinulak siya.

"I-im sorry. Sa ginawa ni Glen."

"It's okay. Ako naman ang sobrang nakasakit." Sabi ko.

"B-bakit bigla ka nawala?" Tanong niya, medyo natawa ako sa tanong niya.

"Sa tingin mo welcome pa ko dito sa ginawa ko kay glen?"

"K-kung h-hindi s-sana..." Hindi niya matuloy ang sasabihin niya. Kaya ako ang nagtuloy. Galit ako sakanya.

"Oo nga eh! Kung hindi ka sana nanloko! Hindi mangyayari to!" Sigaw ko sakanya. He wants to court me, habang sila pa ni Glen. Syempre dahil hindi ako tanga, Hindi ako pumayag. Kahit pa na siya ang kinababaliwan ng mga babae dito. Lagi siyang sunod ng sunod saakin, kaya napapagkamalan na kami. Hanggang sa nalaman ni Glen, at sinugod ako.

Yumuko siya. "I-im sorry. Ikaw. Ikaw yung mahal ko hindi si Glen." Sabi niya. Tumawa ko.

"Eh bakit mo pa jinowa si Glen? Haha Patawa ka rin. Hindi mo pala mahal pero jinowa mo. Pinapaasa mo lang yung babae, alam ko yun sa Part ko dahil babae rin ako! Onting respeto naman Blake. Babae ang nag dala sayo sa mundong ito." Sabi ko at iniwan siya dun.

He's a Jerk. Ang pagkakakilala ko sakanya, Mabait, Gentleman at matalino, dagdag mo na rin na gwapo nga siya. Alam kong sila ni Glen, kaya nung sinabi niyang gusto niya ko ligawan. Hindi ako pumayag, tinaboy ko siya pero kinukulit niya ko.

Nakita ko si Zeke nandun parin sa pwesto namin kanina. Nang makita niya ko tinaasan niya ko ng isang kilay, kaya tinarayan ko. Bwisit na nga ko kay Blake namBwisit pa siya.

Linagpasan ko siya at bumalik na kung nasaan sila Elisne.

"Oh andito ka na pala" Napatingin siya sa likuran ko. "And Zeke?" Tumingin ako sa likod ko, nasa likod pala si Zeke.

"Puntahan natin mga kaibigan mo?" Tanong ni Raquel.

Medyo nahiya naman ako, nandito kami para sa misyon hindi para saakin.

"K-kung ayos lang sainyo." Nakayuko kong sabi.

"Ano ka ba! Okay na okay syempre." Sabi ni Cymon.

"Nandito na rin naman tayo. Minsan lang kaya tayo pwedeng pumunta sa Mortal." Sabi ni Kaelon.

"Oh diba tara na." Sabi ni Hannah.

"Medyo magkakalapit lang kami ng bahay." Sabi ko. Lumabas na kami ng School. Failed ang mission namin, lahat ng Room nalibot namin hindi manlang Umilaw ang Magic Pen. Siguro naamoy nga dito ni Fairy Daisy. Baka bumisita lang iyon dito.

Pumunta kami sa bahay ng Magkapatid, kumatok ako sa pinto at pinagbuksan ako naman ako ng mama nila.

"Magandang Hapon po, Tita." Bati ko sa mama ng magkapatid.

"Oh Keira ikaw pala. At may kasama ka. Pasok kayo." Sabi niya at pinapasok kami. Pinaupo niya kami sa Sofa. At binigyan ng Juice.

"Kamusta po si Risa?" Tanong ko.

Medyo naging malungkot ang mukha ni tita. "Sabi ng doctor. Mahina na ang puso niya. A-anytime p-pwede siyan..." Hindi matuloy ni tita ang saaabihin niya.

"Shh. Tita wag mo na po ituloy. Hindi po ba siya ooperahan?"

Umiling si Tita. "H-hindi na daw, D-dahil w-wala na rin d-daw pag asa." Naiyak na si tita. Yinakap ko naman siya.

"Shh Tita. Kung sana may magawa lang ako eh. Sorry po." Sabi ko. Sana.... Sana Healing nalang kapangyarihan ko. Sana.. Yun nalang. Para gumaling agad si Risa. Sana healing nalang.

"Keira." Napatingin ako ng tinawag ako ni Hannah. Tama! Si hannah! Healing ang kapangyarihan niya diba?

Ngumiti siya saakin. "Kausapin kita." Tumango ako at bumitaw muna kay tita, Lumabas kami ng bahay.

"I'm a healing user." Sabi niya.

"H-hannah." Nahihiya ako. Hindi pa naman kami ganun magkakilala.

Ngumiti siya. "Hindi ko pa nagagawang pagalingin ang isang mortal. Pero wala namang rules sa Academia na bawal kaming gumamot ng mortal. Maybe i can help. I'll try." Sabi niya, Bigla ko siya yinakap, naiiyak nanaman ako.

"Salamat, salamat Hannah." Sabi ko. Tumawa siya.

"Mamaya ka na magpasalamat kung tumalab. Pero I'll try my best okay? Just don't cry." Sabi niya at yinakap din ako. Im so Lucky. So lucky to have them.

Pina distract namin kela Elisne si Tita at pumunta sa Kwarto ni Risa. Nakita namin siya nakahiga sa kama niya at nandoon si ella natutulog sa sofa.

Tinapat ni Hannah ang kamay niya sa Dibdib ni Risa.

Please. God. Please.

Nakita kong pinikit ni hannah ang mata niya, At nagconcentrate. Maya maya nakita kong umilaw ang kamay ni hannah.

Please. Sana gumaling na si Risa.

Dahan dahang nawala ang ilaw, nakita kong medyo napayuko si Hannah na parang nanghihina kaya hinawakan ko siya.

"Hannah are you okay?" Tanong ko. Bigla siyang tumingin saakin at hinang hinang ngumiti.

"Okay na siya keira. Gumana. Okay na siya. Ngunit hindi nawala ang sakit sa puso niya, Kaya na itong paoperahan. Hindi na malala." Nanghihinag sabi niya.

"Thank you! Thank you hannah. Pero bakit nanghihina ka? Hannah?!" Bigla siyang nahimatay. Oh my god.

Anong nangyari?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro