Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

edited;


Keira's Pov

"Anak naman, Ano ang ginawa mo bakit tayo pinapatawag ng Teacher mo?" Mom Asked while we're walking towards my Teacher's Office.

I'm nervous, So freaking much.  "M-ma h-hindi ko talaga sinasadya ang nangyari. Hindi k-ko rin a-alam b-bakit nangyari yun." Hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil sa sobrang kaba ko. Sobra akong natataranta at hindi ko alam ano ang nangyayari saakin.

Hinawakan ni mama ang kamay ko. "Oo sige, alam ko hindi mo sinasadya. Huminahon ka." Malambing na sabi ni mama. Kahit pilit niya akong pinapakalma ay hindi parin mawala ang takot saakin.

Nang makarating kami sa tapat ng opisina, Kumatok si mama at pinapasok naman kami ng Teacher nang makita kung sino kami.

"Kayo po ba ang magulang ni keira?" Tanong nito nang makaupo kami.

"Yes po, ma'am. Ano po bang ginawa ng anak ko? Sigurado po akong hindi niya sinasadya kung ano man ang nangyari."

"Alam ko po. Mabait na bata si Keira." Sang-ayon naman nang guro ko. Medyo nawala ang kaba ko dahil sa narinig ko na 'yon.

"Keira pwede bang lumabas ka muna? May pag uusapan lang kami ng mama mo." Nakangiting sabi saakin ng Guro ko. Bakit kailangan na palabasin pa ako? Hindi ba pwedeng marinig ko rin ang pag-uusapan nila dahil sa nangyari?

"S-sige po." Kahit gusto kong marinig ang pag uusapan nila ay pumayag nalang ako. Bago ako lumabas ng opisina ay tinignan ko muna si mama. Tumango lang siya at ngumiti.

Lumabas na ako ng Opisina. Naghihintay lang ako dito sa labas, nang bigla kong makita sila Risa at Ella, ang mga kaibigan ko.

Bigla akong niyakap ni Risa. "Okay ka lang ba?" Tumango ako at ngumiti ng kaunti.

"Anong sabi ni ma'am?" Tanong ni Ella.

"H-hindi ko pa alam. Kausap pa siya ni mama sa loob." Medyo naaiyak na sagot ko.

"Shh. Di mo sinasadya ang nangyari, okay? You just defended yourself." Pag papagaan ng loob saakin ni Risa.

"Kinakabahan padin ako. Kahit saang anggulo tignan ay delikado talaga ang ginawa ko. Kayo, okay lang ba kayo?" Tanong ko sakanila.

"Maaayos din ang lahat okay? Okay lang din kami. Mauuna na kami, Tumakas lang kasi kami sa Klase. " Sabi ni risa at niyakap ulit ako. Bago sila umalis yinakap din ako ni ella.

"Nandito lang kami para sayo." Huling sabi ni Ella bago sila umalis.

Hindi ko alam paano nangyari yun. Ang alam ko lang binubully nila ako...

Flashback

Naglalakad ako papunta sa Table nila Risa at ella nang biglang may humarang saakin. Si Glen. Ang galit na galit na babae saakin. Hindi ko alam kung bakit.

"Hoy keira!"

"Bakit?" simpleng sagot ko. Alam ko na 'to. Guguluhin niya nanaman ako. Halos araw-araw ata nangyayari 'to.

Bigla niyang hinablot ang buhok ko. "A-aray ko Glen." Ngiwi ko. Masakit ang sabunot niya, parang matatanggal na ang lahat ng buhok ko mula sa anit. Ang bigat ng kamay niya.

"You bitch! Inagaw mo na nga ang pagiging top 1 ko, inagaw mo pa pati boyfriend ko!" Sigaw niya. Alam ko lahat ng nasa canteen ay nakatingin na saamin. Yung iba sinubukan siyang awatin pero tinutulak niya.

"Glenda! Tumigil ka nga!" Narinig ko ang boses ni Risa.

"Glenda! bitawan mo si Keira!" Rinig ko ring sigaw ni Ella. Sa tingin ko inaawat nila si glenda.

"Bitawan niyo ko!" Binitiwan ni glenda ang buhok ko at nakita kong tinulak niya sina Ella at Risa. Kaya napaupo sila. Hinablot niya ulit ang buhok ko. Nakita ko ang sakit sa mukha ni risa nang itinulak siya ni Glenda. Mahina si risa, May sakit siya.

Biglang nagdilim ang Paningin ko. Hindi ko alam, Basta galit ako. Galit ako dahil sa pagtulak niya sa mga kaibigan ko. Dahil sa pagtulak niya sa may sakit na kaibigan ko.

Dahil sa galit ko ay parang nagkalakas ako nang loob para itulak si Glenda.

"Oh my god! Glenda!" Rinig kong sigaw ng mga estudyante.

Bigla akong natauhan. Nakita ko si glenda na naitulak ko sa Pader. Tumama ang ulo niya. Nakita ko sa pader...

May dugo.

Nakita kong nahimatay rin siya at lahat ng estudyante nagpanic at lumayo saakin. Tinignan ko silang lahat na may takot sa mukha. Nangininginig na din ako. Anong ginawa ko?

Hindi ko alam ang ginawa ko.

Masyadong malayo saamin ang pader, bakit natama siya don?

Alam kong malakas ang pagkatulak ko, pero di ko aakalain na aabot siya sa pader na malayo saamin. Nasa gitna kami ng Canteen. Bakit siya umabot doon?

Tinignan ko ang kamay ko.

Paano ko nagawa yun?

Paano nangyari yun?

"MONSTER!"

Napatingin ako sa mga estudyante na nakapalibot saakin. Nag iisa akong nasa gitna. Binabato din nila ako ng mga kung ano ano. Napaupo nalang ako at umiyak. Gusto kong isigaw na hindi ko sinasadya! Gusto kong sabihin na hindi ko ginusto ang nangyari, pero hindi ko masabi. Mahina ako. Mag-isa lang ako. Anong laban ko? Natatakot ako.

Biglang dumating ang principal at pinatigil ang mga estudyante. Tinanong niya sa isa ang nangyari at nang malaman niya ay kinausap niya ako na kailangan kong papuntahin ang Mama ko.

*End of Flashback*

Napatingin ako sa lumabas ng Opisina. Si mama. Bigla ko siyang niyakap.

"M-ma? ano? A-anong sabi ni Ma'am?" Sobrang ang kaba ko. Baka ipakulong ako...

"Anak. Kailangan mong lumipat sa ibang Paaralan." Parang gumuho ang mundo ko sa naring. Pero kung yun lang ang kailangan gawin, ayos lang.

Tumango ako. "Okay lang po saakin yun. Pero mama h-hindi ba nila ako kakasuhan?" Natatakot na tanong ko.

Umiling siya. "Hindi anak. maayos na daw ang kalagayan nung babae." Sagot nito.

"Mama. natatakot ako. P-paano ko yun nagawa? A-ang layo n-namin sa pader mama. P-paano ko yung nagawa?" Naguguluhan at takot na takot na tanong ko.

Yinakap ako ni mama. "Maiintindihan mo rin anak kapag lumipat ka na ng Eskuwelahan. Hindi ka na rin titira saamin." Mas lalong nagpaguho nang mundo ko nang marinig ko ang huling sinabi ni mama.

Napatigil ako. "M-ma? A-anong h-hindi n-na titira sainyo m-ma?" Kinakabahan na tanong ko.

"Anak papaliwanag ko saiyo mamaya ha? Umuwi na muna tayo."

Tumango ako kahit na sobrang kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa sasabihin ni mama. Kinakabahan ako sa anong mangyayari...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro