Abandon All The Hope
Abandon All The Hope
This book is a work of fiction. Names, characters, some places and incidents are product of the writer's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entirely coincidental.
Copyright © 2020 143_pink
Book design by Bianca Santos
All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems without permission in writing form the publisher, except by a reviewer, who may quote brief passages in a review.
Visit me on Instagram and Twitter:
biaaaancs_
Add me on Facebook: Bianca Amor Santos
⏪⏺️⏩
P R O L O G U E
Walking through the white washed corridors, I can't help but to noticed the surroundings around me— It was solemn and sad.
Ang dami kong nakikitang nakaputing uniporme, abala sa kani-kanilang mga ginagawa. Halata sa mga mata nito ang pagod at puyat sa pag-aasikaso sa mga pasyente, ngunit kahit gano'n ay maayos nilang nagagampanan ang kanilang mga trabaho. Sa kabilang banda naman ay kapansin-pansin ang isang chapel. Maraming tao do'n na taimtim na nagdadasal, ang iba nama'y umiiyak at ani mo'y nagmamakaawa na dinggin ang kanilang bawat mga hiling.
Naisip ko tuloy, sino ba ang labis na masasaktan kapag may nawala o namatay na tao? 'Yong maiiwanan ba, o 'yong mang-iiwan? Kapag ba namatay ka, totoo ba talagang may langit? Kung wala man, tunay kaya ang afterlife? Na pagkatapos nating mamatay, may patutunguhan pa rin ang kaluluwa natin?
Siguro kung ako man ang tatanungin kung sakaling totoo man 'yon.. sana sa lugar na 'yon ay malaya na ako. Sana sa lugar na 'yon ay maging masaya ako. Sana sa lugar na 'yon, hindi na ako makaramdam ng sakit at bigat sa puso.
Patuloy akong naglakad. Hindi ko alam kung tama ba ang pakiramdam ko, pero parang ang gaan. Palagay ko, walang nakakapansin sa presensya ko. May sinubukan kasi akong kausapin kanina kung saan ang daan palabas ng ospital na 'to, pero hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin. Sa hindi malamang dahilan, napahinto ako nang makita ko ang pamilyar na tao sa harap ko.
"Ma!" Tinawag ko ang pangalan niya, pero kagaya ng inaasahan ko ay hindi ito lumingon. Abala ito sa pagtingin sa salamin ng pintuan, habang sa tabi naman nito ay ang papa ko na pinapatahan siya.
"Ano pong nangyari? Bakit po kayo umiiyak?" Sinubukan ko silang lapitan at hawakan, pero laking gulat ko nang tumagos lamang iyon.
Anong ibigsabihin no'n? Bakit hindi ko sila nahahawakan?
I tried it once again, but then gano'n lang ulit ang nangyari.
"Hon, hindi ako makakapayag sa gusto ng mga doctor. Mabubuhay pa naman ang anak natin 'di ba? Magigising pa siya!"
Ano bang sinasabi nila? Sinong mabubuhay?
"Machine nalang ang bumubuhay sa anak natin. Pagod na siya at sa tingin ko, our daughter needs to rest."
Our daughter needs to rest?
Napadako ang tingin ko sa salamin ng pintuan kung sa'n sila parehas nakatingin. Halos nanlaki ang mata ko sa gulat nang makita ko ang sarili kong katawan. Ang daming nakakabit na kung ano-ano sa braso at ulo ko, tapos mukhang nangangayayat na din 'yong sarili ko.
"Let's set her free, hon. Sapat na 'yong tatlong taon para lumaban siya." Rinig kong pahayag ni papa. Sinubukan kong yugyugin ang balikat nila, pero kahit anong gawin ko ay hindi ko pa din sila mahawakan.
Bakit ba gano'n? Ano bang nangyayari sa'kin? Hindi ko maintindihan!
"Buhay pa po ako! 'Wag niyo naman akong patayin agad!" Angal ko pero kahit ano namang gawin ko, hindi nila ako naririnig.
Ilang saglit pa, may kinausap na silang doctor. Laking gulat ko naman nang makita na tinatanggal na nila 'yong mga machine. 'Yong heartbeat ko, unti-unti na ding nagiging straight.
Hala, patay na ba ako?
Para akong tanga na pinipigilan sila sa pag-aalis ng machine, pero alam ko namang kahit anong gawin ko ay wala akong magagawa. "Hoy, mga letse! Mumultuhin ko talaga kayo!"
Nakakagigil, bakit sila gano'n?
Sumuko na ba sila sa'kin? Nawalan na ba sila ng pag-asa na mabubuhay pa ako? Hindi ko na tuloy alam ang mararamdaman ko, gusto kong umiyak pero walang luhang pumapatak sa mata ko. Wala akong maramdaman na kahit anong pakiramdam.
Isa din sa pinagtataka ko, sa paanong paraan ba ako namatay? Ano bang nangyari sa'kin no'ng nabubuhay pa ako?
"Persephone Thana Lee, time of death.. 10:00 PM."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro