6. The One That Got Away
"Okay you may take a break."
The school bell jolts me into consciousness. Kanina pa pala ako kinakausap ni Cath and Karie, but here I am, masyadong maraming iniisip about sa past life ko.
"Are you alright? We can send you sa clinic." I shake my head and gave her an assuring smile. Aww, na-appreciate ko 'yong pagiging caring ni Cath ha.
"I'm okay. Let's go na." Pag-aya ko sa kanila. Ginuide naman nila ako papunta sa cafeteria, buti nalang may bakante kaming table na nakita. Umupo naman kaming tatlo, kanya-kanya na silang lapag ng pera ngayon.
"I'm craving sa japchae." Karie said while counting her money. "Kaso diet ako, sayang naman ang workout."
"Gosh Karie, who cares sa pagdadiet? You only live once, eat all you want!" Cath exclaims and we both laughed. Kaso na-interrupt ang tawanan namin nang biglang sumulpot si Adahara. She's smiling and nagwave pa siya ng kamay for a greeting. "Hi! Mind if we join here? Wala na kasing bakanteng table e."
"Sure, may tatlo pa namang chairs." Friendly na pagkakasabi ni Karie.
"Mygosh, thank you!" Adahara muttered. Ngayon ko lang napansin na kasama niya pala si Alber and Alaster.
As usual, tahimik lang si Alber with his earphones. Habang ako, todo iwas naman sa tingin ni Alaster. Gosh, balak niya ba talaga akong tunawin sa titig niya?
Inutusan ako ni Karie na mag-order ng pagkain. Hindi naman ako tumanggi at agad na tumayo. Gusto ko rin kasi makatakas sa paningin ni Alaster. Ang awkward lang kasi.
Nakapila lang ako ngayon, medyo maraming tao kaya super tagal bago ako makaorder. "Bliss," someone from behind me says. Turning around slowly, I see a familiar face, framed by a head of messy black hair. As usual, his eyes looked empty.
"I'm sorry about yesterday." Alaster said as he turned his face away. "I shouldn't have said those mean words to you. You were just trying to comfort me."
"It's okay." I said. This time, turn ko na mag-order. Sinabi ko lang sa tindera 'yong mga pagkain na bibilhin. Alaster insisted to help me with the tray, kaya hindi na ako nakatanggi pa. Nilibre niya pa nga ako ng cookies and cream shake, peace offering daw. "Thank you."
Nang makarating kami sa table, kanya-kanyang mundo na kami sa pagkain. Katapat ko ngayon si Alber na seryosong kinakain 'yong pizza niya. Napansin niya yatang nakatitig ako sa kanya.
"You want?" Alber offered. Hindi pa man ako nakakasagot ay nilagay niya na sa plate ko 'yong isang slice ng pizza. Potek, bigla kasi ako nagcrave sa kinakain niya! Tinatamad naman akong bumili kasi pipila na naman ulit.
"Thank you!" I smiled at him. Tinanggal ko 'yong pineapples sa pizza, then kinain ko na. Nagtaka naman si Karie sa ginawa ko.
"Bakit mo tinanggal? I thought you love pineapples in pizza? That's your favorite right?" Nagtatakang tanong ni Karie sa'kin. Nagsimula na namang umilaw 'yong kwintas ko. Hindi naman masyadong maliwanag kaya hindi halata.
"For a change?" I answered calmly then kumain nalang. Natigil din naman sa pag-ilaw 'yong kwintas kasi they are talking about something. So obviously, hindi ako 'yong center of attention ngayon. Panay ang tanong nila kay Adahara. Hindi naman ako masyadong nakikinig, busy ako kumain e.
"So, anong course mong balak kunin sa college? Ako architecture," Cath retorted.
"Plan ko magdoctor." Sagot naman ni Adahara. "Gano'n din si Alaster," she added.
"Wala bang mag engineering dito?" Karie asked. Sinagot naman siya ni Alber. "Computer engineering ako. Ikaw?"
"Industrial." Karie replied. Napadako naman ang tingin niya sa'kin. "Bliss? Naisip mo na ba 'yong course na kukunin mo?"
Napahinto naman ako sa pagkain. Hmm, ano ba maganda? "Civil nalang siguro."
"Wow, I didn't expect that huh! Nakwento mo kasi sa'kin before na plan mo mag psych or nurse." Cath uttered.
"Really, Bliss? That's awesome! Kaso balita ko, papatayin ka ng course na 'yan. Hindi lang mentally but physically din." Adahara commented.
"Wala namang course na madali lang." Pagpaprangka ko. Napatingin sa'kin si Karie and Cath, but I just shrugged. Si Cath naman, mukhang napansin na na-offend ko si Adahara.
"Ganyan lang talaga si Bliss." Pagco-cover up ni Cath sa'kin. Halata namang nainis si Adahara sa ginawa ko, pero she managed to smile pa din.
Ang plastic ha.
"Okay lang, I understand her naman since we're not close."
Ewan ko ba, hindi ako comfortable sa babaeng 'to. Parang may mali kasi. Hindi ko lang mapunto kung ano 'yon. Actually, ang dami pa nilang pinag-usapan. Hindi rin naman ako interesado kaya nagphone nalang ako.
"Ano Bliss, g ka?" Karie asked me.
"Saan ba?"
"Inuman after class."
"Oh? Wala akong pera." Sagot ko. Napatawa naman sila Alber sa sinabi ko. "Libre ni Adahara."
"Okay." Tipid na sagot ko nalang. Kahit naman tumanggi ako, for sure pipilitin akong sumama nila Karie and Cath e.
Bumalik na kami ng room after no'n, magta-time na din kasi. Sina Adahara, Alber and Alaster naman, tumabi sa pwesto namin. Mukhang close na nga sila e, wala lang talaga ako sa mood para makipagsocialize lol. Well, kahit papa'no naman may napala ako sa pananahimik ko, pinsan pala nila Alaster and Alber si Adahara. Akala ko naman, feeling close lang siya sa kambal.
Time flies so fast, uwian na namin. It's seven o'clock in the evening, balak nila maglakad papuntang terminal. Nagpaalam naman ako kay mom na may project akong gagawin at pumayag naman siya nang sinabi ko na si Karie at Cath naman ang kasama ko. As we walked, napansin ko namang nagsisimula nang pumatak ang ulan.
I checked my bag if may umbrella akong dala, but unfortunately.. nakalimutan ko pa! Susukob sana ako sa payong ni Karie, pero naunahan naman ako ni Cath.
Adahara is with Alaster, magkasukob silang dalawa sa iisang payong. Alber stopped walking. "What are you doing here?" I asked him. Nagtaka naman ako at binigay niya sa'kin ang payong niya. "Pa'no ka?"
"May jacket naman ako." He said as he pulls the hoodie up. Nagsisimula nang lumakas 'yong ulan, siyempre tinablan naman ako ng konsensya!
"Sumukob ka na dito, baka magkasakit ka pa." I insisted.
"Okay lang sa'yo?" He mumbled. I rolled my eyes naman. "Duh, sa'yo 'tong payong. Ba't tinatanong mo pa ako?"
He chuckled. Kinuha niya sa'kin ang payong at siya ang humawak no'n. "What's funny, huh?" I asked quickly.
"I've just remembered someone." He says softly.
"Ex mo? Uunahan na kita Alber ha, you're not my type."
"No, wala pa akong ex." He says and then he added. "Friend lang, pikunin din kasi 'yon gaya mo e. At Bliss, hindi rin kita type."
I look away, embarassed. Natahimik naman kami pareho habang naglalakad. Mukhang nahuli pa nga kami ng dating e, kami nalang pala ni Alber ang hinihintay.
Pahirapan bago kami makasakay ng jeep, rush hour kasi. Ang daming nag-uunahan sa pagsakay, muntik pa akong matumba kasi may bumangga sa balikat ko. Buti naalalayan ako ni Alaster. "Be careful."
Ang ending, sila lang 'yong nakasakay. Punuan talaga ngayon, naiwan tuloy kami ni Alaster at nag-abang ng susunod na jeep. "Bus nalang tayo?"
I nodded on his suggestion. Nagulat pa nga ako nang hawakan niya 'yong kamay ko, binitawan niya din naman 'yon nang makaupo na kami sa bus. "At last, nakasakay din." I say under my breath.
Malapit ako sa bintana nakaupo. Pinagmamasdan ko lang 'yong paligid habang nasa biyahe kaming dalawa. Nang magsawa ako, nalipat ang atensyon ko kay Alaster na sinusuot ang earphones niya ngayon. Inabot niya sa'kin 'yong isa kaya sinuot ko nalang.
"Baka hindi mo gusto 'yong music taste ko, ikaw nalang pumili."
Nag-scroll lang ako sa playlist niya. Pinili ko naman 'yong the one that got away ni Katy Perry. "Favorite mo?" He asked as the song plays.
"Yes." I said in delight.
"When you chose that, I almost thought you are her.." 'Yong girlfriend niya ba 'yong tinutukoy niya? "It is also Seph's favorite song."
"So, her name is Seph?" I asked and he nodded. "Nickname ko lang sa kanya. Ayaw niyang tinatawag sa pangalan na 'yon e, naaasar kasi siya." He paused for a moment. He smiled and looked at me with tears on the corner of his eyes. "Sayang lang, wala na siya.."
There's a hint of sadness in his voice while saying those words. I held his hand gently to make him feel that I am here. "I'm sure wherever your girlfriend is right now, she loves you very very much."
"I know, that's how she is." We looked at each other's eyes and it hurts me to see how miserable he looks like right now. "Sana lang talaga, nasabi ko 'yan sa kanya bago siya nawala. But I was too late."
"Pero hindi ka naman nagkulang para iparamdam 'yon sa kanya 'di ba? You've done your part Alaster. For now, you just have to learn how to accept it."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro