Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

4. Thana's Mission

"Thana.."

Someone's calling my name and I can hear it clearly. Matapos kong mawalan ng malay, nakita ko na lamang ang sarili na nasa lugar na 'to— kulay puting paligid at may hagdan pataas na hindi ko alam kung saan papunta.

I don't have any idea kung kanino nanggaling ang boses na 'yon, wala naman kasi akong kasama dito. The voice called my name again, hindi ko sure pero mukhang galing siya sa itaas? Liwanag lang 'yon, hindi ko nga magawang tumingala dahil sobrang nakakasilaw.

"I am God." He said. Literal na nanlaki 'yong mata ko. Joke time ba 'to? "T-Talaga po?"

"P-Pero, bakit po? Bakit ko po kayo naririnig? Nasa langit na po ba ako?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

"Do you trust me, Thana?" Sinagot niya 'yong tanong ko ng tanong din. Mas lalo tuloy akong naguluhan.

"Siyempre naman po!" agad kong sagot.

Then suddenly, may nagflash sa harapan ko na imahe. Mula sa itaas, kitang kita ko ang isang lalaki na nakaheadphones. Sa hindi malamang dahilan, napatingin ako sa mata niya. His eyes are filled with grief and somehow, my heart aches while looking at him. "Sino po siya?"

"Alaster Vayne, you're mission."

And before I could utter a word, nahulog ako bigla. I can't control it, may kung anong pwersa na humihila sa'kin pababa. I tried reaching that light na kausap ko kanina, but I failed. Sobrang hinang-hina ako at parang may mabigat na nakadagan sa katawan ko. Unti-unti, I opened my eyes. May naririnig akong nag-uusap, pero hindi ko sila maintindihan.

Buhay na ba ako? Is it true na kausap ko si God kanina at binigyan niya ako ng isang mission?

"How did this happen, Dr. Ramos? Base sa results ng x-rays, CT scans and MRI reports niya, napaka imposible na nabuhay pa siya. Ikaw ba naman tumalon sa 20th floor building?"

"I don't know, maybe miracles do happen?"

Napalinga ako sa paligid, mukhang nasa ospital ako ngayon. Hindi naman ako makabangon, gawa ng naka-cast ang halos buong katawan ko. I tried to talk, pero may tube na nakalagay sa bibig ko. Lumapit sa'kin 'yong doctor, tapos 'yong kausap niya kanina ay umalis na. Hindi ko alam kung bakit, pero mukhang importante 'yon.

"Mukhang okay naman ang vital conditions mo, no blood pressure and stable ang heartbeat. You can now wear an oxygen mask." Pagsusuri niya sa'kin. Siyempre naguluhan ako, paano ako nagkaroon ng heartbeat e patay na nga ako 'di ba?

"Nakikita niyo po ako?" I asked kahit medyo nahihirapan. Ewan ko, gusto kong manigurado sa sitwasyon ko ngayon.

I heard him chuckled. "Ofcourse, Bliss. Ang miracle patient namin."

Miracle patient? Bliss?

"Huh? Ako po si Thana."

Nakita ko namang nagtaka ito sa kinilos ko. "I think you need some rest."

Marami pa akong gustong itanong sa kanya, pero umalis na ito. Kaloka 'yong doctor na 'yon, mas marunong pa siya sa pangalan ko? E hindi ko nga kilala 'yong Bliss na 'yon e, although medyo pamilyar siya sa'kin.

Pero teka nga, ba't ba ako napunta sa sitwasyon na 'to? Parang kanina lang, kasama ko sina Naj, Rai at Alber na mag-stargazing ha? Bakit biglang nabuhay ako?

Shems, hindi ko na ba sila makikita?

"Glad to see you awake, Thana." May sumulpot bigla sa tabi ko. Nagulat naman ako ng makita siya.

"Amia, anong ginagawa mo dito?" Ang astig lang, hindi ako kaluluwa pero nakikita ko pa din siya!

"To give you this." Pinakita niya sa'kin ang kwintas. May pendant 'yon na light bulb, tapos sa loob merong feather? "Hala anong meron?"

"No one should suspect you that you're not Bliss. Iilaw 'yan if pinaghinalaan ka nila, kaya do your mission smoothly as possible kung ayaw mong mapahamak ka."

Nilagay ni Amia ang kwintas sa leeg ko. Speaking of that mission, may nakalimutan akong itanong. "Ano bang kinalaman ni Asher sa mission ko?"

She rolled her eyes. "It's Alaster, Thana."

"Salamander, Caliber kahit ano pa ang name niya, sabihin mo nalang pwede ba?" Sarcastic na pagkakasabi ko.

"Okay, here's the tea. Help him achieve acceptability towards the death of something dear to him. And in exchange, you can gain your lost memories."

"Shemay, kakayanin ko ba 'to?"

"Aba malay ko? Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan." She answered.

"By the way, goodluck nalang. Medyo mahihirapan ka sa isang 'yan, pero I know you can do it naman." Amia added and I just sighed. Nawala na din siya sa harapan ko pagkatapos no'n.

So, I'm not Thana anymore huh? Because from now on, I'm Bliss.

Hindi ko na halos mabilang ang araw na tinagal ko dito sa ospital. The doctors here are making sure na okay ang lahat sa katawan ko by running sample tests or reports. Until now kasi, hindi pa rin sila makapaniwala na nagawa ko pang mabuhay.

Ang dami ko ring adjustments na ginawa, lalo na no'ng dalawin ako ng parents ni Bliss. Ang awkward sa'kin na tawagin silang mommy or daddy, ang yaman kasi no'ng dating para sa'kin. Hindi ako sanay hehe.

"Baby, be honest okay? Bakit ka tumalon sa building na 'yon? May nagawa ba kami or pagkukulang sa'yo anak? I'm sorry baby if sobrang busy si mommy sa work. Promise, babawi kami ng daddy mo sa'yo." She hugged me tightly as she said those words. Wala naman akong masabi kasi hindi ko naman alam 'yong reason ni Bliss bakit siya nagpakamatay?

Narealize ko lang kasi kaya pala sobrang familiar ni Bliss sa'kin, siya 'yong nakita namin ni Naj na tumalon mula sa rooftop ng ospital. I sighed as I remember them, nakakamiss din pala ang kakulitan ng lalaking 'yon. Binalita kasi sa'kin ni Rai na kailangan ng tumawid ni Naj sa kabilang buhay. Wala man lang kaming maayos na farewell goodbye man lang. Aba, parang kapatid ko na din 'yon si Naj e.

"Hey baby, are you okay?" Potek, napalalim yata 'yong pag-iisip ko sa mga bagay bagay. Hindi ko namalayan na nandito pa pala sila.

"Ahm, okay lang naman po mom. Medyo pagod lang po." I smiled.

"Let her rest sweetie," sabi ng dad kuno ko. Inakbayan nito si mom para yayain ng umalis. "Okay, as if I have a choice."

Ang dami pa nilang bilin sa'kin bago sila umalis ng tuluyan. Binigay din nila sa'kin 'yong mga fruits na dala dala nila, kaya 'yon. Foodtrip lang ako dito habang nagpapahinga. Kaso, may biglang sumulpot na goblin sa harapan ko. "Yow Thana gurl!"

"Ano ginagawa mo dito?" Asar na tanong ko sa kanya sabay kagat ng apple. Yum!

"Binabantayan ka, obvious ba?" Attitude talaga kahit kailan.

"Aww, guardian goblin na kita niyan?" I teased him. Alam ko namang hindi niya ako mababatukan 'no. "Pasalamat ka talaga Thana at nasa katawan ka ni Bliss."

Humagalpak naman ako ng tawa dahil sa sinabi niya. Ngayon ko lang siya nakitang bwisit sa'kin, madalas kasi ako 'yong gano'n sa kanya e.

"Alam mo, hindi pa din ako makapaniwala na 'yong babaeng tinutukoy mo na minahal mo, si Bliss pala." Pagkukwento ko. Hindi ko mapigilang ngumisi. "Kaya siguro panay ang punta mo dito sa'kin e. Tsk, ikaw talaga Rai."

"'Wag kang feeling diyan Thana, ang layo ng pinagkaiba niyo. Suplada si Bliss, hindi pikunin." Pambawi niya naman. Okay, I admit pikunin naman talaga ako. But who cares? Charot.

"Yeah, whatever." I paused, may bigla kasi akong naalala. "By the way, nagkikita pa kayo ni Alber?"

"Wala na akong balita sa kanya simula no'ng wala kayo e. Busy din naman ako sa mga mission ko." Simpleng pagkakasabi niya. Kung gano'n, kawawa naman pala si Alber. Naisip ko tuloy kung nakapagpaalam man lang si Naj sa kanya, medyo naging close din 'yong dalawang 'yon e.

"Kamusta na pala 'yong paa mo?" Rai asked.

"May progress na, kahit papa'no nakakalakad na ako."

Nabalot na ulit kami ng katahimikan. Hindi rin naman nagtagal si Rai kasi may gagawin pa daw siya. So 'yon, ako lang ulit ang mag-isa dito. Sobrang bored na nga ako, gusto ko ng makaalis sa ospital na 'to e.

Napahawak ako sa kwintas na suot ko. As of now, wala pa namang nangyari na umilaw 'to. Pero infairness, ang ganda niya talaga. Ang unique ng necklace, mamsh!

"Bliss, we missed you so much!"

Hindi ko alam pa'no ako magrereact sa harapan nila, bigla ba namang pumasok at dambahin ako ng yakap!

"Hey Cath, stop na. Baka hindi na makahinga si Bliss sa'yo," sabi naman no'ng isang babaeng may salamin.

"Karie, you're being overprotective na naman!" conyong pahayag naman ni blonde girl. Wow, friends ba 'to ni Bliss?

Hindi ko alam pa'no ko sila i-approach, medyo kinakabahan kasi ako sa presence nila? Wews, pa'no ba 'to?

"Cat got your tongue, Bliss? No reaction?" Cath said sarcastically.

"Ahm, hello girls?" Alanganin kong bati sa kanila. Napakamot pa nga ako ng batok, kasi kita kong nagtataka sila sa kinikilos ko?

Oh shems, pa'no kung biglang umilaw 'yong kwintas? Hindi ko na alam anong gagawin ko talaga!

"Oh.." Biglang nagsalita si Karie, siguro to lessen the intense atmosphere here? "Baka may amnesia lang 'tong friend natin, kaya siguro 'di tayo naalala."

Pilit naman akong ngumiti. Makikisabay nalang siguro ako sa trip nila. "Ah, oo e. Sorry wala kasi akong matandaan tungkol sa inyo."

"Wew, I can't believe it. Hindi lang siguro ako sanay na kalmado ka, Bliss." Cath said, napansin ko namang unti-unting nagliliwanag 'yong kwintas kaya pasimple ko itong tinakpan.

"Be positive Cath, for sure naman magiging bad bitch na ulit 'yan like us. Need niya lang siguro ng time to heal." Karie commented.

Ilang oras din silang nagtagal dito kasama ko. Panay ang kwento nila sa'kin kung pa'no nabuo 'yong friendship naming tatlo, 'yong embarassing moments ko no'ng uminom daw ako ng alak at marami pang iba. Napag isip isip ko tuloy, wild pala talaga si Bliss!

"You're my idol talaga! And could you imagine that? Nakipaghiwalay ka sa ex mo because of the dare, who's that again?" Cath asked.

"Ken Reyes, I think?" Karie replied. Ken? Hindi naman siguro maliit ang mundo, kung si third eye guy ang tinutukoy niya 'di ba?

"Good for you talaga, Bliss! Buti nalang you broke up with him, ang weird kaya ng lalaking 'yon! Naalala ko pa kung ga'no ka kabaliw sa kanya dati."

Woah, kakaiba din ang mga type nitong si Bliss ha?

Marami pa silang kinuwento sa'kin at do'n ko napagtanto na sobrang layo ng personalities naming dalawa. Rebel na tao si Bliss, bad bitch ika nga ni Karie. Mahilig mag-shopping kasi uso siya sa trend, famous kasi maganda and higit sa lahat— she's strong. No one could ever mess up with her.

Pakshet, pa'no ko naman magagawa 'yon? Ang hirap lang.

"But wait, kilala niyo ba si Alaster?" Bigla kasing pumasok sa isip ko. Isa siya sa mission ko tapos wala man lang ako idea kung saan ko siya makikita.

"Si transferee guy ba ang tinutukoy mo? I thought you don't like him?" Cath answered.

"Ewan ko, for a change siguro?" I replied with a sarcastic smile.

"Kung bet mo siya, mahihirapan ka do'n Bliss. Balita ko, kamamatay lang ng girlfriend niya. Kaya nga siya lumipat ng school para magmove on e." Pagkukwento ni Karie.

"Gosh Karie, si Bliss pa ba? Don't understimate her flirting skills!" tuwang tuwa na sabi ni Cath. Sinakyan ko na lang ang trip niya.

"Just wait girls, I'll be his complete happiness. Besides, hindi ako pinangalanan na Bliss for nothing." I smirked.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro