2. Raia, The Goblin
"Sigurado ka ba dito, Thana?"
Napataas naman ako ng kilay. Potek, wala yatang tiwala 'to sa'kin e! "Trust me Naj, okay?"
Gaya nang napag-usapan namin, pumunta na kami sa bahay niya. Alas dose na ng gabi ngayon, pero hindi pa din natutulog ang mga kapatid niya— two girls and one boy to be exact. Jusko tama nga si Naj, ang babata pa nila para mag-survive sa mundong 'to.
Nasa sala lang kaming dalawa, pinagmamasdan ang ginagawa ng mga bata. Naglalaro lang ang mga ito at parang walang ideya sa pagkamatay ng kuya nila. Si Naj naman, halatang nagpipigil ng iyak. Sinubukan niya pa nga itong yakapin, pero hindi niya naman magawa. Maya-maya, may pumasok sa loob. Babae siya.
"Ate Leni!" Agad nagsipuntahan ang mga bata para yakapin siya.
"May dala akong pasalubong!" Masigla nitong bati. Nag-unahan naman ang magkakapatid para kuhain ang pagkain sa may plastik na dala niya.
Pinagmasdan ko naman si Naj. I think, ito 'yong kinukwento niya sa'kin na jowa niya. Sinubukan ni Naj na yakapin ito, pero siyempre hindi ito naramdaman ni Leni. Sa halip, pumunta ito sa may altar kung saan nakalagay ang litrato ni Naj. Nagsindi lang ito ng kandila at nag-alay ng isang dasal. Pagkatapos no'n, nakipaglaro na muli ito sa mga bata at hinaplos ang mga buhok nito.
"Simula ngayon, ako na ang mag-aalaga sa inyo." She smile as she wipe her tears.
"Ha? Nasa'n po si kuya?" tanong ng batang lalaki.
"Nasa heaven na ang kuya Naj niyo. Kaya dapat, magpapakabait kayo okay?"
Hindi ko na narinig 'yong buong usapan dahil biglang nawala sa tabi ko si Naj. Siyempre, hinabol ko siya. Nakita ko nalang siyang umiiyak. "Wala akong kwentang kuya.."
Paulit-ulit niya lamang 'yon binabanggit, wala naman akong masabing comforting words dahil 'di naman ako marunong. Tinapik ko na lamang ang balikat niya. "Ayaw mo na?"
Kumalma din naman siya, medyo matagal nga lang. Umupo kami sa may batuhan. Nagpakawala naman ito ng malalim na buntong hininga. "'Wag nalang natin sila guluhin."
"But, why?" Kaya nga sinuggest ko 'to e. Ano ba 'yan, wala na talagang thrill ang buhay ko.
"Hindi mo ba nakita? Tanggap na nilang wala na ako. Gano'n din dapat ako."
Bahagya naman akong nalungkot. So pupunta na siyang langit? Wala na akong kasama? Hays.
"Edi see you nalang sa heaven!" I waved him a goodbye at tumayo na. Babalik nalang ako sa coffee shop na tambayan ko.
"Uy, sa'n ka pupunta?"
"Huh? 'Di ka pa ba aalis?" Nagtataka kong sambit sa kanya. Inakbayan naman ako nito at malokong hinaplos ang buhok ko. "Ayaw mo bang sabay tayo? Tutulungan din kita."
"Talaga?! Tenchu kuya!"
Wala na kaming magawa. Sobra talagang boring. Kung ano ano lang ang pinagkukwentuhan namin ni Naj. "Ang dami mo ng nalalaman sa'kin, magkwento ka naman!"
Napakamot lang ako ng batok. "'Yon nga ang dahilan ba't hindi matahimik ang kaluluwa ko e. Hindi ko maalala kung sino ba talaga ako."
"Luh, pwede ba 'yon?"
I rolled my eyes. "Mukha ba akong nagsisinungaling?"
Naglalakad lakad lang kaming dalawa, alas dos na ng madaling araw ngayon. Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko ulit 'yong lalaking suplado. "Alber!"
Sumunod lang naman sa'kin si Naj habang hinahabol siya. Tinaasan pa nga ako ng kilay nito nang makita ako. "Ikaw na naman?" Napatingin siya sa kasama ko. "At nagdala ka pa ng kasama."
"Naj bro!" bati nito. Tinanguan lang naman siya ni Alber. Napakasungit, gigil!
"Hindi rin ba matahimik ang kaluluwa mo?" tanong ni Naj. Nagtataka siguro bakit nandito din siya.
"I'm not dead." Sarcastic na pagkakasabi ni Alber.
"Luh, amats ka ghorl?" 'Di ko napigilang barahin siya. Nginisian niya lang naman ako. "Ofcourse not."
Nagkatinginan kami ni Naj, parehas kaming nagtataka. Ang weird lang, kung hindi siya patay.. ba't namin siya nakikita? Goblin or grim reaper ba siya? Lol.
"I'm here because of astral projection." Boring na pagkakasabi ni Alber. Nagulat naman ako ng kotongan siya ni Naj. "Astig mo naman!"
"Sinubukan ko 'yan dati e, pero hindi ko magawa." Pagkukwento ni Naj. Mukhang nag-eenjoy naman si Alber na kausap siya, samantalang ako wala pa ding nagets sa astral projection na 'yan. Like, ano ba 'yon?
Anong nakakamangha sa bagay na 'yon? Duh.
"Pagpasensyahan mo na si Thana bro, medyo slow lang talaga 'to e. Pero mabait naman 'to!" Aba! Pinagtripan pa ako ha.
"Mukha nga." Alber shrugged then nakipag-usap na ulit siya kay Naj.
"Pa'no ka nakakabalik sa physical body mo? Hindi ba 'yan delikado?"
"Matagal ko na 'tong ginagawa. Pero wala namang masamang nangyayari, I guess?"
Marami pa silang napagkwentuhan. Tahimik lang naman akong nakasunod sa kanila. Kakapakinig ko e medyo nagets ko na din naman 'yong sinasabi na astral projection.
Hindi ko sure, pero may ability yata 'tong si Alber na makapagtravel leaving his physical body gano'n. Kaya naman namin siya nakikita, kasi nga gumagala din ang kaluluwa niya like us. But like what he said, hindi siya patay.
"Pwede naman. I can search for her background profile."
"Woah, salamat bro!" Hinila naman ako ni Naj sa braso. "Oh, tutulong na sa'yo si Alber!"
Tinitigan ko lang siya. As usual, hindi ko na naman sila maintindihan.
"Looks like she don't get it." Ngumiti si Alber sa'kin, shock naman ako kasi first time yata na hindi siya nakabusangot.
"Nagkwento kasi ako sa kanya ba't tayo nandito. Tapos namention ko 'yong sa side mo, na kaya ka hindi makatawid sa kabilang buhay kasi nga hindi mo alam kung sino ka. Willing si Alber na tumulong!" Ang energetic ni Naj ha.
"Okay, sabi mo e." Medyo nahiya naman ako slight. Siniko pa ako ni Naj. Gets ko naman kung ba't niya ako siniko. Wala lang, I just can't say it pagdating sa kanya.
Hindi na rin naman kami nagpansinan na dalawa, mukhang abala naman sila ni Naj na magkwentuhan. Medyo nagsisimula na rin umaraw, kaya nagpaalam na si Alber sa'min.
"Bukas ulit ah!" Paalala ni Naj sa kanya. Friends na yata silang dalawa.
"Yep! Bye!" At tuluyan na itong nawala sa paningin namin. May nakita kaming lomihan, kaya napatambay nalang kaming dalawa do'n.
"Hindi naman pala masungit si Alber e. Okay naman siya."
Sa'yo okay, sa'kin hindi.
"You don't need naman na humingi ng tulong sa kanya. Meron na akong nakausap na tao do'n."
"Puntahan natin?" Napaisip naman ako. Baka kasi hindi pa tapos ang examinations niya. Pero hayaan na nga! "Tara!"
Nasa utak ko pa rin 'yong sinaulo kong address niya. Madali lang naman naming na-locate kung nasa'n si third eye guy. Sakto pa nga'ng kakagising lang nito nang madatnan namin siya. Napasigaw pa ito nang makita kami.
"Anong ginagawa niyo dito?!" sigaw niya. Si Naj naman sinamaan siya ng tingin. "Kailangan sumigaw?"
Muntik pa akong matawa pero kinagat ko na lang 'yong labi ko. "Remember me? 'Yong sa coffee shop? You promise na tutulungan mo ako right?"
"Pero pwede umalis muna kayo? Magbibihis pa 'ko!"
Okay may point naman siya do'n. Niyaya ko si Naj na umalis muna sa kwarto niya at naghintay nalang sa labas. Ilang saglit pa, nasa tapat na namin ito. Huh, wala siyang dahilan sa'kin ngayon. Nakita ko sa calendar na sabado, kaya wala siyang pasok hmp!
"Ang aga naman kasi." Reklamo niya.
"Siyempre, time is gold!" Dahilan ko naman kay Ken. Hindi na ako nito pinansin at binuksan ang computer niya. "Pasalamat ka talaga mabait ako."
"Tenchu so much!" malambing na sabi ko. Hindi na ako nito pinansin at kung anu-anong sites ang binuksan.
"Name?"
"Persephone Thana Lee."
May pinagpipindot siya sa keyboard. Medyo gigil na din siya. "Wala ka namang account. Tao ka ba?"
Personalan lang?
Dami niya pang tinanong sa'kin, like 'yong name ng mga kamag anak ko. Kay mama 'yong nakita niya and nagstalk siya. 'Yong last post na nakalagay is 'yong picture ko, then may mga farewell messages sila sa'kin. May nabasa din akong mga comments saying "condolence" pero hindi ko naman sila kilala.
"Na-coma ka pala in three years? Bakit, may history ka ba ng sakit?" interesadong tanong ni Ken sa'kin, the third eye guy.
"I don't know." Pagsasabi ko ng totoo. Nagbrowse siya ng mga pictures sa account ng nanay ko. Pero wala siyang nakitang mukha ko man lang.
"Anti-social ka yata no'ng nabubuhay ka pa e," pagsa-side comment niya. Siguro nga? Ewan ko.
"Ayon oh! Click mo 'to!" May tinuro si Naj sa may screen. Agad namang tinignan 'yon ni Ken. Parang hindi ako 'yong nasa picture, nakasimangot kasi ako tapos may bangs pa na takip 'yong kalahati ng mata ko. Mahaba din 'yong buhok, tapos ang taba ko!
Myghad, ako ba talaga 'yan?
"Ang layo! Ikaw ba talaga 'yan? But wait, medyo familiar sa'kin 'yong uniform mo."
Nagsimula na naman siya magsearch ng kung anu-ano. Hanggang sa nalaman niya kung saang school ako nagmula— Liceo De Alabang.
"Ba't nandito 'yong kaluluwa mo sa Cavite? Ibang klase ka din 'no." Pang-aasar ni Ken sa'kin. Wala naman akong masabi kasi may point siya.
"Pa'no 'yan, pupunta tayong Alabang?" tanong ni Naj. Agad namang tumanggi 'tong si Ken. "Wala akong pera!"
Okay, hindi ko naman siya masisisi. Atleast, may idea na ako sa identity ko. "Okay na 'yon Ken, salamat sobra."
Sumunod lang naman sa'kin si Naj nang maglakad na ako paalis sa kwarto niya. Kaso, hinabol niya kami. "Wait lang, balik kayo dito after ilang weeks. Mag iipon ako."
Napalingon naman ako sa kanya. "Are you sure? Hindi ba ako nakakaabala?"
"Okay lang. Curious din ako sa buhay mo e."
Nagpaalam na kami kay Ken after no'n. Wala na naman kaming magawa nitong si Naj, kaya ginala niya nalang ako dito sa Cavite. Natatawa nalang ako sa mga trip namin kasi kada may dadaan, hinihipan namin 'yong leeg no'ng mga tao. Sabay, tatakbo sila at takot na takot!
"Nakita mo 'yon? Kulang nalang umihi siya sa takot e!" Humagalpak kami ng tawa. Sa sobrang lakas no'n, biglang humangin.
"Wait, may napansin ka ba Naj?"
"Ano 'yon?" Natatawa pa din siya hanggang ngayon.
"The more na sumisigaw tayo, mas lalo nila tayong nararamdaman!" excited na sabi ko.
"Tara mantrip!"
Pumayag nalang din naman ako. Hindi namin namalayan ang oras, tanghali na pala. Nandito kami ngayon sa mall, sobrang dami ng tao! Pumunta kami sa third floor at dumiretso sa sinehan. Mukhang dito kami maghahasik ng lagim! Hahahaha!
Tamang tama 'yong theater na pinasok namin, pinapalabas ngayon 'yong It Chapter Two. Siyempre, hinintay lang namin na makapasok na 'yong mga tao. Tuma-timing din kami sa pananakot para mas solid 'yong sigaw nila.
Kumanta ako ng malakas. "Nang mainlab ako sayo 'kala ko'y pag-ibig mo ay tunay pero hindi nagtagal lumabas din ang tunay na kulay!" Sumabay na din si Naj sa pagra-rap. Para kaming baliw na tawa ng tawa sa pagkanta. Hanggang sa 'di namin namalayan na namatay ang lahat ng ilaw sa sinehan.
Sabay sabay ding tumutunog 'yong mga cellphones nila at do'n nagpe-play 'yong movie. Ang creepy no'ng dating sa kanila, pero kami tawa lang ng tawa. Parang gusto ko na din tuloy magvlog, tamang prank lang hahahaha!
Nagpanic 'yong mga tao, kaso biglang nagsara 'yong mga pintuan. Hindi sila makalabas, kahit kami ay nagtaka ni Naj ba't gano'n na 'yong nangyari? 'Yong mga upuan sa sinehan, bigla nalang nagsilutangan. Malakas 'yong impact ng pagkakatama no'n sa mga tao, ang dami na ding dugo na kumalat sa sahig.
Hala, anong ginawa namin?
Little did we know, may mga demonyo ng nakapaligid. Sila pala ang gumagawa no'n. Ang bilis ng pangyayari, kasi may mga nagsulputan ng mga angels. Pinoprotektahan nila ang mga bata, tapos may dumating din na lalaki na may hawak na espada. Sobrang nakakasilaw 'yon, tapos nakipaglaban siya sa mga demonyo! Wow, ang astig!
Sumulpot naman sa harap namin si Amia, tapos may kasama siyang medyo may edad na lalaki. Parehas silang may hawak na itim na notebook. May kung anong mahika silang ginawa, tapos biglang wala na kami sa loob ng sinehan.
Okay wait, lagot yata kami.
"Hindi niyo alam kung ga'no ka-delikado 'yong ginawa niyo kanina!" Pangaral ni Amia.
"That's not our intention. Wala talaga kaming idea ba't biglang may mga evil demons na dumating." Paliwanag ko naman. Sinagot naman ako no'ng isa pang angel. I think, 'yon 'yong Older Angel Vincent na sinasabi dati sa'min ni Amia.
"Exactly, nakaakit kayo ng demonyo dahil sa ginawa niyo. Natakot niyo 'yong mga tao sa sinehan, buti nalang dumating ang goblin para pahintuin sila."
What the? Goblin?
At 'yon na nga, may sumulpot sa tabi ni Naj. 'Yon yata 'yong goblin na sinasabi ng mga angels.
"Goblin Raia, I command you na bantayan ang dalawang kaluluwa na 'to okay? Baka kung ano pang magawa nila." Utos ni Older Angel Vincent. Sumaludo pa itong goblin at ngumiti. "Masusunod Vicente!"
Wow, energetic!
"Siya nga pala, how's your mission?" tanong sa'min ni Amia.
"Okay na po ako. Tanggap ko na patay na ako. Pero hindi pa ako handa na umalis at sumama sa inyo." Seryosong pahayag ni Naj.
"And why?" Inis niyang sinarhan 'yong notebook na hawak niya.
"Sabay kami ni Thana na tatawid sa kabilang buhay."
"Awit naman, crush mo Naj?" pang-aasar ng goblin sa'ming dalawa. Lol, hindi naman siguro. Parang kuya na din ang turing ko kay Naj e.
"Okay, I respect your decision Naj. 'Till we meet again!"
Nagpaalam na sina Amia and Older Angel Vincent sa'min at naglaho na. 'Yong kasama naman naming goblin, nauna na sa paglalakad. Siyempre, tamang sunod lang kami sa kanya.
"Buntot ko ba kayo?" asar na sabi no'ng goblin. Attitude ah!
"Luh, feelingero?" pambabara naman ni Naj. Akala ko mag-aaway sila, pero bigla silang nagtawanan na parang baliw. Okay, bilib na talaga ako kay Naj ha. Friendly siya masyado!
"Hay nako, ang boring siguro ng buhay niyo dito. Sama kayo sa'kin gusto niyo?" Pagyaya ni Rai sa'min. Sabi niya, 'wag nalang daw goblin. Masyado daw formal, hahaha!
"Sa'n ba tayo pupunta? Hindi dapat tayo mapapahamak diyan ha!" Paalala ko.
"Kay Leo, the lucid dreamer."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro