Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

14. Suspicion

"You do know Ms. Fortalejo na masama ang magnakaw 'di ba?"

I have no words to say. Until now, iniisip ko pa din kung paano napunta sa'kin ang pera na 'yon. Hindi ako gano'ng klase ng tao, never kong magagawa 'yon at kahit kailan— hindi sumagi sa isip ko na nakawin 'yon.

"Admit it, Ms. Fortalejo. Mahiya ka naman sa ginawa mo, hindi ka ba talaga namin makakausap ng matino? Kanina ka pa hindi nagsasalita."

Her words lingers in my mind and at the same time, nasaktan ako. How can they be so quick to judge me? Hindi pa naman nila naririnig ang side ko ah. "Wala po akong kasalanan, ma'am. Hindi ko po magagawa 'yon."

"So, how can you explain that? Bakit nakita ang pera na 'to sa bag mo? Ang linaw na ng ebidensiya Ms. Fortalejo, aamin ka lang at hihingi ng tawad sa mga kaklase mo, ba't hindi mo kayang gawin?" Hindi ko naman mapigilan na mapapikit dahil sa pagsigaw nito sa'kin. Bigla namang nagsalita si Adahara. "Ah, Ma'am. 'Wag na po kayong magalit sa kanya. It's alright lang po, since nahanap na din naman po 'yong pera and it's my fault din naman for not taking care of it."

"How about you, Mr. Batacandulo, about 'yong sa phone mo?" Tanong ng adviser namin kay Ace. Tumango lang naman ito at hindi nagsalita. Because of that, narinig kong napabuntong hininga ang guidance counselor habang tinitignan ako. "Ms. Fortalejo, your classmates forgave you despite of what happened. Hindi ka ba magso-sorry sa kanila?"

"I didn't do anything wrong, Sir."

Napasinghap naman ang adviser ko sa'kin. Hindi niya yata nagustuhan ang attitude na ipinakita ko. Pero bakit ako magso-sorry sa bagay na hindi ko naman ginawa? I didn't steal anything.

"Okay then. I want you to think about what you did while you volunteer for duties for a week. Kayong tatlo, you can now leave."

Sabay-sabay kaming lumabas nila Adahara sa guidance office. Ang adviser naman namin, kausap pa din ang guidance counselor dahil hindi nito nagustuhan ang parusa sa'kin. Hindi pa yata sapat para sa kanya ang community service, mukhang want niya yata akong ma-expell e.

Habang naglalakad pabalik sa room, sakto namang nakahanap ako ng tyempo dahil humiwalay sa'min si Ace para magbanyo. I grabbed Adahara's wrist and gave her the coldest stare.

"Why did you do that? Alam mong hindi ako ang nagnakaw no'n, Adahara."

She rolled her eyes and binalibag ang kamay ko. "Don't touch me, thief. Ang galing mo rin magdeny 'no? The evidence is clear, Bliss. Ninakaw mo 'yong class fund."

"Why are you doing this to me?" Pinigilan ko ang sarili ko na 'wag maiyak. Super naiinis kasi ako, hindi ko lang minsan kinakaya na kontrolin ang emotions ko. "Simple lang. It's because I hate you. Ganito nalang, think about what you stole from me. Baka sakaling maliwanagan ka kung ba't ko 'to ginagawa."

And with that, she left without there's nothing wrong of what she had said. Hindi pa din mag-sink in sa'kin kasi. Pag-isipan ko daw kung ano 'yong ninakaw ko sa kanya. Sana ayos lang siya 'no. E hindi ko naman siya close, anong kukunin ko sa kanya?

Pagbalik ko ng room, halos lahat napatingin sa'kin at nagsimula na silang magbulungan. At ang pinakamasakit? Sina Karie at Cath lang naman ang mga pasimuno. I chose to stay silent at naupo nalang sa pwesto ko. I caught Alaster staring at me pa nga e, pero agad din niya itong iniwas. A part of it, siyempre nasaktan ako. Bakit niya ako tinitignan? Isa din ba siya sa naniniwala na nagawa ko talagang nakawin 'yong fund?

Hindi na bumalik 'yong adviser namin, so obviously lunch break na. Hanggang ngayon, issue pa din sa mga kaklase ko 'yong nangyari kanina— but I don't care, as long as hindi naniniwala si Alaster na magagawa ko 'yon. Nang makita ko siyang palabas na, agad ko siyang sinundan. "Alaster, wait!"

He stopped walking and moved his face to mine. He was just looking at me with his bored look while waiting passively for my response. "Do you suspect me too?"

"Why did you do it?"

I smiled bitterly. So, I'm right. Alaster thinks I stole it and I understand why. Actually, I don't want this to happen and I want to prove to him na hindi ko magagawa 'yon, but how? It seems like his decision is final.

"Believe me, I don't know especially 'yong sa phone ni Ace. With Adahara naman, I think she put it in there." I can see suspicion in his eyes, but he tried to still listen to my reasons. He rubbed his temples and said, "There's so much evidence against you. I need to know the truth so I can help you."

"I told you the truth, Alaster. I didn't do it."

"But—" I stopped him. No need to explain, I can see it clearly. "It's okay. I know that you don't trust me enough."

"Hindi naman sa gano'n.."

I turned away and hindi na pinakinggan pa ang sasabihin niya. Of all people kasi, siya 'yong inaasahan ko na maniniwala sa'kin. 'Yon pala, pati siya.. hindi ako kayang paniwalaan.

The following days are hard for me. Ramdam ko 'yong pambu-bully nila Karie and Cath sa'kin, itapon ba naman sa ulo ko 'yong mga pinagbalatan ng kinain nila. All of them were laughing, but as usual I chose to stay silent. Tinanggal ko nalang 'yong dumi sa buhok ko.

Pero, hindi nila ako tinitigilan. Kaya tumayo nalang ako para sana magbanyo at makaalis na sa room, pero tinakid naman ako ni Adahara. Binabato na nila ako ngayon ng plastic bottles— isa 'yon sa mga props na gagamitin namin for hiphop competition.

Yumuko nalang ako habang sinasalag ang mga 'yon. Pero nagulat ako nang humarang si Alber at natamaan ng malakas 'yong balikat niya. May iba pa ding tuloy sa pagbato, pero sinambot niya 'yon at galit na binato sa kung saan. "What do you think you're doing to her? Are you crazy?"

Napatigil ang lahat dahil sa sinabi niya, except for Cath na sinagot siya pabalik. "A thief that doesn't even apologize, isn't that crazy Alber?"

"And why are you protecting her by the way? Siguro magkasabwat kayong dalawa."

Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Karie. Umiwas naman ng tingin sa'kin si Alaster, while Adahara naman is smirking at me. Hindi nalang pinatulan ni Alber ang sinabi nito at hinigit nalang ako palabas ng room.

Nang makalayo na kami, he lend me his handkerchief. Tinignan ko lang 'yon, kaya siya na ang nagpunas ng dumi sa buhok ko. "You don't have to protect me Alber, tignan mo nadadamay ka pa."

"I will stand by your side." Seryoso niyang sabi habang nililinisan ako. I turned my face away. "But why? Hindi ka ba naniniwala sa kanila?"

"Ninakaw mo ba talaga 'yong pera?" Tanong niya din pabalik sa'kin. I looked at him and answered, "I didn't steal anything."

"Edi kung anong sinabi mo, 'yon ang paniniwalaan ko."

His words touched my heart. Hindi man ako pinaniniwalaan ng lahat, but there he is. "Thank you for believing in me. You're such a good friend, Alber."

Kita ko ang pagbabago ng expression sa mukha niya. Nilagay niya nalang sa kamay ko 'yong panyo. "Ibalik mo nalang sa'kin."

Then after no'n, he walked out. Anong problema no'ng lalaking 'yon? Ang moody niya talaga kahit kailan.

Nagsimula na ulit ang klase kaya bumalik na ako. May ilan lang na naglectures, pero mostly hindi umattend ang mga prof. Binigay na lang nila 'yong time nila for us to prepare costumes and practice na din para sa hiphop competition.

Ang bilis lang ng araw kasi dumating na 'yong mga costumes namin. Habang naging abala ang lahat sa pagre-ready ng props, ako naman ay nagco-community service kada bago mag-uwian. Nakakapagod man, pinanindigan ko nalang din kahit alam ko naman talaga na wala akong kasalanan.

As for Alaster naman, hindi pa din kami nag-uusap. Si Alber ang lagi kong kasama, hanggang ngayon kasi iwas pa din ang mga kaklase ko sa'kin pero nabawasan na din naman ang pambu-bully nila. Kaya 'yon, I made a decision. Para na din hindi awkward ang situation at para matapos na din 'to, minabuti ko nalang na magsorry sa kanila.

Habang busy ang lahat, tumayo ako at pumunta sa unahan. "Guys, pwede ko ba kayo makausap?"

Nakuha ko naman ang attention ng lahat. I gathered up my courage and said, "I'm sorry guys. Sorry for stealing the money, Adahara. Sorry din Ace sa pagkuha ng phone mo. Classmates, I hope you forgive me. Ayoko ng magkaro'n ng anything na issue between us, malapit na rin kasi ang hiphop competition kaya ayoko ng may awkward feeling. Gusto ko sana, maging solid ulit tayo as a whole section."

Kita sa mukha ni Alber ang pagtataka kung bakit ko sinabi 'yon but I managed to give him a smile. 'Yong mga kaklase ko naman ay napangiti at tumango nalang sa'kin, samantalang si Adahara at Ace naman ay hindi makatingin.

So I guess, everything is now settled then.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro