Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

12. The Moment I Died

"What are you doing here, Alber?"

It was a cold afternoon with a hard steely sky overhead. Obviously, undas break pa din namin ngayon kaya sobrang bored na 'ko dito. Not until nakita ko si Alber sa may tapat ng bahay namin dala-dala ang dalawang box ng pizza and macao imperial tea?

I raised my eyebrows. "Para sa'n 'yan?"

"You're craving for this, kaya naisipan kong dalhan ka."

Oh shoot! 'Yong shinared post ko kanina sa facebook, nakita niya pala. Wow ang effort ng lalaking 'to ha. "Gano'n ba? Thanks sa food Alber!"

Niyaya ko na siyang pumasok sa loob. Nandito kami ngayon sa kitchen area, umiinom ng milktea. Abala siya sa pagtatanggal ng straws sa box, kaya naisipan kong pictur'an siya. I mentioned him sa ig story ko and captioned "tenchu so much."

"So, how are you?" He asked while eating pizza. Tinago ko na din ang phone ko at kumuha ng isang slice. "Medyo bored pero keri lang."

Tinanggal ko 'yong pineapples sa pizza ko at nilagay sa kinakain niya. He chuckled naman dahil sa kinilos ko. "Ayaw mo talaga ng pineapples sa pizza 'no? Try mo kaya, masarap naman e."

"Eww, ayoko nga." Kahit kailan 'di ko titikman 'yon!

Marami kaming napag-usapan pero mostly about lang sa title defense. Nalaman niyang naglalaro ako ng mobile legends, kaya 'yon halos ilang oras kaming nag-rank. "Naks, panalo na naman!"

Potek, buhat na buhat ako e! Epic 1 na ako yehey!

"Basta ikaw lods." Natawa naman ako sa sinabi niya. Hmp, legend na kasi. "Mas lods ka, galing mag-kagura e!"

"Ikaw nga valir god e." Ganti niya naman sa'kin habang nakangiti. Alam ko namang ginu-good time niya lang ako, potek! Sakto lang naman ako mag-valir e.

"Sige ingat ka, salamat ulit sa foods!" I said and waved him a goodbye. Hindi ko na siya hinatid sa labasan dahil hindi rin naman siya pumayag. Kaya bumalik nalang ako sa kwarto ko and messaged him sa instagram.

roviebliss: update me pag nakauwi ka na ha.

While waiting sa reply niya, inabala ko nalang ang sarili sa pagyu-youtube at nanood nalang ng vlogs. Nagbeep naman bigla ang phone ko kaya chineck ko agad.

albear: dito na.

albear: dl ka cod, laro tayo.

At 'yon na nga ang nangyari, buong undas break ay naging playmate ko si Alber. Nakatulong din naman 'yon para hindi naman ako masyadong maboring dito sa bahay, hanggang sa start na ulit ng classes.

Naging hectic ang schedule namin, sunod-sunod ang mga performance tasks and quizzes. Hindi naman rejected 'yong chapter one ng group namin, kaya heto na! Title defense na!

Kami ang unang magpe-present, si Alaster kasi malas pumili ng number e. Pero okay na din naman para mabilis na matapos at wala ng iintindihin pa. Maaga kaming nagkita-kita sa may library para paghandaan 'yong mga possible questions na itatanong ng panel sa'min. Siyempre ako, todo aral pero deep inside lutang na talaga ako dahil sa kaba.

"Guys, basta kalma lang tayo. Alam ko namang kaya natin 'to basta magtutulungan lang tayo." Alaster tried to cheer us up by saying those words and that gave me a good feeling. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Kaya namin 'to!

Pumasok na kami sa loob ng audiovisual room at prinesent na ang chapter one. Sunod-sunod 'yong mga questions na binabato sa'min, pakiramdaman lang talaga kapag hindi alam ng isa. But in the end, napatalon nalang kami sa saya.

"Congratulations group one, well defended!"

Nagpicture taking lang naman kami ng mga kagrupo ko. Hays salamat at natapos na din! "Ano, celebrate tayo after class?" Pagyaya ni Alaster sa grupo. Pero nakakapagtaka, ba't siya nakatitig sa'kin? Naghihintay ba siya sa response ko?

Gusto ko mang sumama, pero pinigilan ko nalang. Parang gusto kong umiwas muna sa kanya, ayoko lang na ma-attach ako ng sobra kay Alaster dahil mahirap na. Mission ko siya e, ayoko namang mabigo ako dahil lang sa pagiging marupok ko.

"Kayo nalang muna siguro, may pupuntahan ako later e." Pagdadahilan ko. May sasabihin sana si Alaster sa'kin pero tinawag na siya ni Adahara na kasama si Karie at Cath ngayon.

Nakita kong masama ang titig ni Adahara sa'kin, probably dahil kausap ko na naman si Alaster. Kaya naman, I rolled my eyes to them.

Mga fake friends!

Vacant na namin, hinanap ko naman si Alber. Tutal nasa cafeteria na din naman ako, binilhan ko siya ng cookies and cream sandwich just to make him relaxed. Panigurado, sobrang kinakabahan na 'yon ngayon.

Nakita ko siya sa may PTA Lounge kasama ang mga kagroupmates niya. Lumapit naman ako para ibigay 'yong binili ko sa kanya. "'Wag ka kabahan, basic lang 'yon sa'yo!" I said while tapping his shoulder.

Tinanggap niya naman ito and he patted my head. Medyo sanay na ako sa actions niya, hilig niya talagang gawin 'yon sa'kin e. "Salamat dito."

May natitira pa namang oras kaya nireview ko nalang si Alber. Nagbigay na din ako sa kanya ng clue for possible questions para hindi siya mahirapan.

"Damn, kinakabahan ako amp." Alber said.

I pinched his cheeks naman dahil do'n. Ewan ko ba, ang cute niya lang kasi kapag frustrated. "Hay nako, kaya mo 'yan!"

Natapos na ang vacant period kaya bumalik na kami sa audiovisual room dahil magpepresent na sina Alber. Naghintay nalang ako sa labas at umupo sa may gilid. Inabala ko nalang ang sarili sa paglalaro ng call of duty hanggang sa 'di ko namalayan na tapos na sila.

"Ano kamusta?" I asked him. Nagulat naman ako nang yakapin niya ako ng mahigpit. "Well defended!"

Para akong naistatwa dahil sa ginawa niya. Nakakahiya kasi nakita pa ng groupmates niya 'yong pagyakap niya sa'kin, inaasar tuloy kami!

"Kayo ha! Parang may something!"

"Yieeee ang cute niyo!"

Napahawak naman si Alber sa batok niya pagkatapos niya akong bitawan sa pagkakayakap. Todo iwas naman ako ng tingin sa kanya. Potek, mga issue! "Baliw kayo, magkaibigan lang kami ni Alber."

Hindi pa sila natigil sa pang-aasar, pero dedma lang naman. Uwian na namin and as usual, sila Alber ang kasabay ko pauwi. Mukhang wala din naman sila sa mood gumala, kaya diretso uwi agad ako sa bahay. Himala nga na nandito ang mom at dad ni Bliss e. "Mano po, dad."

Tumango lang naman ito sa'kin. Kiniss ko naman sa cheeks si mom. "Dinner is ready baby, pagkatapos mong magpalit sumunod ka agad sa kitchen ha?"

"Okay mom." I said and dumiretso na sa kwarto ko.

The following days, ramdam ko na talaga ang hirap sa mga subjects. Mga walang consideration ang mga profs, talagang sinabay-sabay nila 'yong mga projects na ipapasa! Idagdag pa na may practice kami lagi sa umaga para sa hiphop competition. Tapos sa tanghali naman, may pasok kami.

Nakakapagod pero kakayanin.

Sa Greenbreeze ang meeting place namin for practice. May kamahalan ang venue, tapos ang gastos dahil may inupahan kaming choreo. Literal na bugbog ang katawan ko dahil ang hirap ng dance steps, tapos kapag may nagkakamali sa isa sa'min e pinapaulit ulit. "Okay na 'yan, water break tayo ng ten minutes then position tayo ulit."

Pumunta agad ako sa kubo, nando'n kasi 'yong bagpack ko. Kinuha ko do'n 'yong panyo para punasan ang pawis ko. At kapag minamalas ka nga naman, naiwan ko pa 'yong tumbler ko! Potek, nauuhaw pa naman ako.

"Gusto mo?" Alaster told me with a shy smile after giving me a bottle of water. Hindi na din naman ako tumanggi dahil uhaw na ako. "Thanks."

Ibabalik ko palang sa kanya 'yong bottle pero kita ko na agad si Adahara na masama na naman ang titig sa'kin. "Alaster come here, we need to talk!" She said and nagwalk out. Agad namang sumunod si Alaster sa kanya.

Ang weird lang talaga ni Adahara, magpinsan sila pero kung umasta 'kala mo e jowa si Alaster.

I shrugged with that thought. Napakaimpossible pero who knows 'di ba? Ayoko sana magconclude, pero sa actions niya kasi super halata.

"Position na! Nasa'n na 'yong iba?"

Agad naman akong naalarma dahil sa sigaw no'ng choreo namin. Binalik ko na 'yong handkerchief ko then pumwesto na. Terror pa naman 'to, mahirap na at pag-push up'in ako nito. "Sino nakapwesto dito? Ba't wala pa sila?"

"Si Adahara po diyan and Alaster po." Karie stated. Halata namang nag init ang ulo nito dahil sa sinabi ni Karie. "Kung sino mang nakakaalam kung nasa'n 'yong dalawa, pakipuntahan na habang may pasensya pa ako."

Okay, so no choice. Ayoko namang madamay sa punishment kaya pumunta ako sa may bakanteng lote sa likod ng basketball court para sunduin na sila. Nakita ko kasi sila kanina do'n na nag-uusap e.

Akmang magsasalita na sana ako pero feeling ko nawalan ako ng boses dahil sa nakita ko. Pa'no ba naman, I saw them kissing!

Alaster and Adahara are kissing for fuckin' sake!

I can't utter any word dahil sa gulat. Napatalikod nalang ako at napatakbo palayo sa lugar na 'yon habang hawak ang dibdib ko. Why am I affected? Ano naman kung naghalikan sila, Thana? Ano naman sa'yo?

Remember, the moment you died.. nawalan ka na ng karapatang masaktan pa Thana.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro