11. Trial Of Faith
"Uso magpahinga 'teh."
I was tapping something on my laptop when Rai came in. Gumagawa kasi ako para sa research namin, need na kasi later ni Alaster 'yong significance of the study. Tutal sinipag na din naman, nagbrowse na din ako ng mga RRL na pwedeng gamitin for our experimental research.
"'Wag ngayon Rai, stressed ako." I said as I scratched my head. Potek, ba't hindi mga latest 'yong mga articles dito sa google? Gigil, pinapahirapan ako masyado.
Halos ilang oras din akong nagbabad sa laptop at napahiga nalang dahil sa sakit ng ulo. I grabbed my phone para mag-message kay Alaster sa instagram.
roviebliss: nasend ko na sa gmail mo, na-receive mo na?
While waiting sa reply niya, I've decided na pumunta muna sa kitchen. I opened the refrigerator at sinilip kung anong meron do'n. Nakakita ako ng one liter na chuckie kaya nagsalin agad ako sa baso. Nag-beep naman bigla 'yong phone ko.
vynalaster: thanks, nareceive ko na.
roviebliss: okay, nandiyan na din yung mga RRL ha.
vynalaster: oh i see, hahaha sipag mo naman :)
Para akong baliw na napangiti sa sinabi ni Alaster. Uminom muna ako ng chuckie before I tapped a reply.
roviebliss: hindi naman masyado lol.
vynalaster: btw, tom sunduin kita sa inyo? mga 8 am.
roviebliss: okay, send ko nalang sayo yung loc.
After kong masend sa kanya 'yon, I took a shower na. It's saturday, kaya nandito lang ako sa bahay. Si Rai naman, mukhang nagtampo yata sa'kin kasi 'di ko siya pinansin kanina. Hinihintay ko naman siya dumating kasi tapos na ako sa mga gawain ko, pero wala naman siya. So, inabala ko nalang ang sarili ko sa social media.
Kinabuksan, maaga akong kumilos para mag-ayos ng sarili. Naka black high waist pants and v-neck white shirt lang ako ngayon with matching white sneakers. Simple lang ang outfit ko, sa sementeryo lang naman kami pupunta ni Alaster e.
I texted mom na may lakad ako ngayon and pumayag naman siya. Sakto namang dumating na si Alaster with his BMW. Binuksan ko 'yong front seat and nagseatbelt.
"Angas naman ng kotse." I commented. Tumawa lang naman siya at nagfocus na lang sa pagdadrive.
"Kumain ka na? Daan muna tayo sa drive thru if you want." He suggested. Lumiko siya sa mcdo and as usual, libre niya na naman lahat.
Tamang lantak lang ako ng chicken burger dito. Dahil nagdadrive si Alaster, sinusubuan ko naman siya ng french fries. "Saya mo siguro maging jowa, laging libre sa pagkain e."
"'Di lang kasi ako sanay na babae 'yong gagastos." He said with a forced smile. Napansin kong wala siyang energy ngayon and his eyes looked sad. Dahil na din sa boredom, ginala ko 'yong paningin ko sa loob then I noticed the pink flowers sa back seat. "Carnations!"
"Seph's favorite flower."
Natahimik naman ako sa sinabi niya, that's also my favorite flower. Kinusot ko 'yong mata ko, medyo inantok ako dahil do'n. Hanggang sa 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa buong biyahe namin.
"Nandito na tayo?" I asked nang maalimpungatan ako.
Pinark niya 'yong kotse niya sa gilid kaya naman lumabas na ako. Shemay kahit nakaupo lang ako sa biyahe, feeling ko pagod na pagod ako!
While we walked along the main streets, I started to examine the place. Sobrang pamilyar kasi sa'kin, 'yong parang ang tagal ko nang nakapunta dito? "Nasa'n tayo?" I asked Alaster na bitbit ang carnations.
"Muntinlupa."
Habang naglalakad, may mga nakasalubong kaming estudyante. Parang nakita ko na 'to e, ito yata 'yong uniform na suot ko no'ng nagpapatulong ako kay Ken about sa informations ko noon.
"We're here." Nasa bandang dulo pala 'yong sementeryo. Pumasok kami sa loob, nakasunod lang naman ako kay Alaster hanggang sa huminto kami sa may tapat ng puno ng mangga. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko nang makita ang pangalan ng puntod sa harapan ko.
"Bliss meet Persephone Thana Lee, my girlfriend."
Persephone Thana Lee, that's my name..
Tears spill over and flowed down my face like a river escaping a dam. I could hold the heartbreak no longer, so I fell to the grass. As more tears came, more thoughts of us whirled through my head.
My memories.. our memories. I remember it like it was yesterday.
"Hey are you okay?" His tone sounded a little alarmed. I glanced up at him. He held out a hand but instead of taking it, I hugged him tightly. "Ali.." I said under my breath.
I continued to cry in muffled sobs against his chest. He caressed my back, trying to soothe my pain eventhough he doesn't know what's going on in my head. Nang mahimasmasan ako, bumitaw ako ng pagkakayakap sa kanya. Bigla tuloy akong nahiya, para akong tanga.
"Y-You called me Aly, tawag ni Seph 'yon sa'kin.." Yes love, I know. All along, ako lang pala ang tinutukoy mo. Kaya naman pala.
Kaya naman pala nasasaktan ako sa t'wing nagkukwento ka tungkol kay Seph.
Kaya naman pala sobrang pamilyar niya sa'kin.
Kaya pala ang bilis ng tibok ng puso ko kapag nandiyan ka.
Kaya pala, dahil ako si Seph.
Nilapag niya ang carnations sa lapida at saka huminga nang malalim. "I never knew this was hard. Ang hirap tanggapin na wala ka na talaga Seph. Ang hirap mong i-let go, ang dami nating memories na binuo e. Damn, ba't naman ganito?" I am crying and it hurts so much na wala kang magawa. Gusto kong sabihin sa kanya na, "Uy, heto ako oh. Nandito na ako sa tabi mo oh."
Pero alam ko namang hindi ko pwedeng gawin 'yon. Why? Because of this fuckin' mission! At ang sakit lang para sa'kin na ako dapat ang tutulong sa kanya para matanggap niyang wala na si Seph.
Na wala na ako.
"Kung nasa'n ka man, I hope you're happy. I hope you're at peace. And I want you to know that you will always be that girl na sobra kong minahal." I held his hand. Namumugto na ang mata niya kakaiyak. I hugged and comforted him, ito na lang naman ang magagawa ko e. Nang kumalma siya, saka ako nagsalita.
"Hi Seph.." It felt awkward na tawagin ang sarili kong pangalan, so I paused for a moment. "I am B-Bliss, Alaster's friend."
"Lagi ka niyang kinukwento sa'kin, I always admired your personality. Napakagenuine mong tao kaya hindi ko rin masisisi si Alaster na hindi agad i-accept 'yong nangyari sa'yo."
I sniffed quietly, tears threatening to spill from my eyes. I looked at Alaster with a sad smile. Different memories started gushing on my mind.
Of how he courted and confessed his feelings to me.
Of how he satisfied me with my cravings.
Of how he understand me even with my mood swings during my red days.
Of how he accepted me with all of his heart.
And of how he surprised me in every little things he do.
It was perfect. Our love story was almost perfect.
If only I had not died.
"You're making that face again." Alaster said and I looked at him confusedly. "You're always making that face that looked like you wanna say something to me but you don't wanna say it."
You're actually right, Alaster. I have a lot to say, but I can't.. I can't ruin my mission. Kung sasabihin ko bang ako si Seph, will you believe me? I guess not. Hindi mo na rin naman ako maalala pagkatapos nito e.
Because my life as Bliss is just temporary. Siguro, susulitin ko nalang ang natitira kong araw kasama ka.
I turned my face away. "Tara na, baka mag-alala na sa'kin si mom."
He nodded and naglakad na kami pabalik sa kotse niya. Buong biyahe ay tahimik lang kami. No one dared to broke the silence, kahit ako dahil sobrang nakakadrain. Sobrang unexpected ng mga nalaman ko.
The situation is causing me a lot of heartache.
Nang makita ko na ang bahay namin ay tinanggal ko na ang seatbelt ko. I waved him a goodbye. Hinintay niya lang naman akong makapasok sa loob hanggang sa umalis na siya.
Agad kong binagsak ang sarili sa kama at umiyak. Ang bigat at ang sama ng loob ko. 'Yong mission ko, ang unfair lang! Bakit kailangan Niya gawin 'to sa'kin?
Nakakatorture lang kasi.
"Why are you crying? What happened?" Rai asked. I wiped my tears, nakakahiya baka ang wasted na ng mukha ko.
"I gained my lost memories with him. Rai, I'm Seph. I'm his girlfriend.." I bit my lip trying to hold back my tears, pero ang hirap lang talaga. Kusa nalang itong tumutulo kahit pigilan ko.
He hushed as he stroked my long dark hair on my back and his hand came to rest in the nape of my neck. He drew me against his chest and it relaxed me a bit. "Just let it out. I'm here okay? I'm here."
"Rai, God is so unfair! Ano bang ginawa ko sa kanya? Hindi naman ako nagnanakaw, always naman akong nagpe-pray sa kanya, active naman ako sa youth groups ah? Base naman sa pagkakaalala ko, hindi naman ako naging masamang tao. I can't understand why this is happening to me.."
"These trials are only to test your faith, to see whether or not it is strong and pure." Hearing the concern in Rai's voice sent a chill down my spine. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya and smiled at him sincerely.
"Thank you as always, Rai. Maybe you're right, hindi ko dapat kinu-kwestyon ang plano Niya. He's God afterall and I must trust Him." He sighed as he patted my head.
"Humans are very interesting. You choose the same choices you made, even in different bodies. And even in different time, you always choose the same person."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro