10. A Lifetime
"Okay, sa significance of the study nalang kita i-assign."
I nodded as I write every details para sa experimental research namin. Malapit na kasi ang pasahan ng chapter one then may title defense pa after undas break. By the way, kagrupo ko nga pala si Alaster.
"Kuha na din kayo ng articles para sa RRL natin para 'di na tayo mahirapan sa chapter 2." Alaster added dahil siya ang napiling leader ng group. Pagkatapos niya kaming i-assign sa mga tasks, napagpasyahan na naming umuwi.
Last subject namin ang research, sina Karie and Cath naman may pinuntahan. Magkagrupo sila sa research e, so hindi nila ako masasabayan sa pag-uwi.
Napatingin ako sa gawi ni Alaster, magkasama na naman sila ni Adahara. I just shrugged, malamang Thana! Magka-apartment kaya sila, obviously lagi talaga silang magkasama.
Hays, ang issue ko talaga.
I waited nalang sa waiting shed para sumabay kina Alber. Si Ken ang naabutan ko do'n kaya tumabi nalang ako sa kanya. "Hinihintay mo din si Alber?" I asked.
"Oo, pati din si Leo." He replied.
Marami ng taong nagsisilabasan, parang may zombie apocalypse nga e. Inabala ko nalang ang sarili ko na tignan ang paligid, kaso bigla naman nagsalita si Ken. "Bakit nasa katawan ka ni Bliss?"
"Mission." I simply said. Nagsimula na namang umilaw 'yong kwintas kaya tinago ko nalang sa loob ng uniform ko. "You need my help?"
"Sure Ken, 'pag kinailangan ko. Pero as of now naman, keri ko pa." I snapped. May itatanong pa sana siya sa'kin pero dumating na si Leo.
"Oh Bliss, nandito ka pala. Sabay ka ulit sa'min?" Leo said. Ang friendly talaga ng lalaking 'to!
"Yes, pwede ba?"
"Oo naman, kasama ka na sa tropa 'no." Nakipag-apir pa sa'kin si Leo na siyang ikinatawa ko. Hindi rin naman nagtagal, nandito na sa harap namin si Alber. Tumayo na kaming tatlo at naglakad na papunta sa terminal.
Sinabayan ako ni Alber sa paglalakad, si Ken at Leo naman ang magkasama sa harapan namin. "May nagawa na kayo sa research?" I asked.
"Tapos na, practice na lang kami for title defense. Kayo ba?"
I blew out my cheeks. Kainggit naman! "Sana all! Kami sisimulan pa lang namin."
He chuckled a bit then ginulo 'yong buhok ko. "Ano ba topic niyo?"
"The effectiveness of banana stem fiber as an alternative component in making paper bags." Proud kong sagot sa kanya. Well, saulo ko 'yong research title namin! "Wow, saulo mo huh?"
"Practice lang!" I laughed. Marami pa kaming napag-usapan, mostly about sa mga quizzes bukas. Kailangan ko na palang magreview mamaya, ayaw ko bumagsak 'no!
"Himala at may pakialam ka sa grades mo?" Nagsimula na namang umilaw ang kwintas ko. Gaya nang lagi kong dahilan. "For a change."
Sakto namang nandito na kami sa terminal, ito namang mga kasama ko nairita dahil ang haba ng pila sa red cab. "Rob muna tayo." Leo declared.
Inakbayan naman kami ni Ken. "Tara arcade!" Napatingin naman sa'kin si Alber, waiting for my response. "Oo na, tara na. Baka sabihan niyo pa akong killjoy 'pag di ako sumama."
"Yown! Gumising ka nalang bukas ng maaga para magreview!" Leo exclaimed as we walked papunta sa robinson. Gaya nang sinuggest ni Ken, nag-arcade kami. Bumili si Leo ng tokens, naglalaro sila ngayon ng hockey ni Alber. Panay naman ang tawa ko habang pinapanood sila.
"Marunong ka bang kumanta? Samahan mo 'ko!" Hinila naman ako ni Ken sa isang videoke'han. May mini stage sa gitna and microphone do'n.
"Ano bang bagay sa'kin?" Tanong ni Ken habang naghahanap ng kakantahin sa song book. "Weak by Michael Pangilinan?" I suggested na sa tingin ko ay nagustuhan niya naman. Sinelect niya na 'yong number and kumanta na siya sa gitna.
"I don't know what it is that you've done to me, but it's caused me to act in such a crazy way.."
Hmm, not bad. Maganda boses ni Ken ha.
May mga upuan sa tapat ng mini stage kaya umupo ako habang pinapanood si Ken. Nagulat naman ako nang tumabi sa'kin si Alber. "Tapos na kayo maghockey? Sino nanalo?" I asked. May consequence daw kasi 'pag natalo sabi ni Leo.
"Leonard." He said.
A deep frown furrowed his brows as he openly stared at me, his eyes studying every square inch of my face. Natigil lang 'yon nang tawagin siya ni Leo. "Alber, kakanta ka ha! Ikaw 'yong natalo!"
"No way, iba nalang." Alber protested. I walked towards Leo para humanap ng song na kakantahin ni Alber. "Lifetime!" I exclaimed. Lumapit naman siya sa tabi ko para tignan 'yong napili ko.
"Ben&Ben huh?" Alber murmured. I gave him a huge smile habang pinipilit pa din siya. "Dali na, sing it for me! I want to hear your voice!" I giggled.
"Di ako marunong kumanta." Alber said ominously before walking away. Pero wala na siyang magagawa, pinindot ko na 'yong number e!
I clapped my hands nang matapos si Ken na kumanta. Hinila ko naman si Alber sa unahan and inabot sa kanya 'yong mic. "Sing it, please?" I said as I blew out my cheeks. He sighed and grabbed the mic. "Too cute."
Bumalik na ako sa pagkakaupo and cheered for him. Kinuha ko naman 'yong phone ko para magvideo, minsan lang ang mga ganitong moments 'no!
"Go Alber!" I shouted and nilipat kina Ken and Leo 'yong vid na hindi makapaniwalang kakanta ngayon si Alber.
"Ayos Bliss, lakas mo talaga!" Natatawang sabi ni Leo then tinapat ko na ulit kay Alber 'yong phone ko.
He began to sing and everyone looked so pumped with his music. Akala ko ba hindi siya marunong kumanta? Ayos naman ah!
"Was there a lifetime waiting for us in a world where I was yours?"
I can't help but be amazed at him as he sing that line. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang 'yon, pero habang kinakanta niya 'yon ay nakatitig siya sa'kin?
"Was it the wrong time, what if we tried giving in a little more, to the warmth we had before?"
I just admired the scene and I was captivated by his voice. Todo support pa din si Leo and Ken na ang ingay sa tabi ko. "Naks singer!"
"Tangled with another's eyes.. never mind, you were never mine."
He looked intently into my eyes, it felt like he was telling me something but I can't figure it out. I shooked my head, napa-praning na naman siguro ako.
"Glimpse of me and you. Oh, you were a good dream."
I stopped the video and posted it sa ig story ko. I mentioned Leo and Ken sa vid, lumapit naman ako kay Alber after niya kumanta. "May ig ka? Mention kita."
Kinuha niya sa'kin ang phone ko and searched his username. Binalik niya din naman sa'kin after niya i-follow. Hmm, not bad. May five hundred plus followers siya pero wala namang post kahit isa. "Followback mo 'ko ha!"
"Oo na ma'am." Alber said sounding defeated.
Pagkauwi ko sa bahay, hindi na ako nakapagreview dahil bagsak agad ang katawan ko sa kama. Gumising nalang ako ng maaga and effective naman dahil active ang brain cells ko. Nasagutan ko naman lahat ng quizzes and perfect pa!
"Wow, ang taas ng scores mo ha." Cath retorted as she grabbed my paper. Si Karie naman, tinaasan pa ako ng kilay. "Baka may kodigo."
Inagaw ko naman sa kanila 'yong paper ko. "'Wag niyo ako igaya sa inyo." I said sarcastically. Lumapit naman si Adahara sa'min.
"What's going on here?" Maarteng tanong niya. Boses niya palang, naiirita na ako. Tutal vacant na din naman, iniwan ko nalang sila do'n.
Kagigil lang kasi.
"Badtrip ka?" Nagulat naman ako sa pagsulpot ni Alaster sa tabi ko. The next thing I knew, kasabay ko na siya maglakad. "Pagsabihan mo 'yang pinsan mo ha, nakakagigil na sila."
"Chill." Alaster said amusedly. "Ganto nalang, samahan mo nalang ako sa college building."
"Ba't naman tayo pupunta do'n?"
"Malalaman mo kung sasama ka."
Mahaba pa naman ang oras ng vacant, kaya sumama nalang ako. Medyo malayo din 'yong nilakad namin hanggang sa may nakita kaming parang kubo. Sa loob no'n, may mga nagtitinda ng typical merienda foods like french fries, footlong, siomai, fishball and more.
Siya 'yong nag-order sa'ming dalawa, siyempre libre niya na naman ulit. Maligaya na naman tuloy ang tiyan ko habang kumakain ng kwek-kwek at kikiam. "Sarap talaga ng pagkain 'pag libre! Thanks Alaster!"
"Parang bata." Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko. Butterflies started to flutter in my stomach. I shooked my head, hindi 'to pwede Thana ha. Mission ang dahilan kung ba't ka nandito, hindi para lumandi gaya nang sinabi ni Rai sa'yo.
"So, what are your plans?" Alaster started the conversation. "Sa undas break ba?" I snapped back.
"Yeah." He answered. I chewed my food before responding. "Wala naman, ikaw ba?"
He drew in a long breath. "I'll visit her grave. Gusto mong sumama? I want you to meet her, Bliss."
"Sure, no problem Alaster."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro