1. Soul Searching
So, am I really dead?
I sighed heavily. Wala na talaga akong magagawa 'no? Talagang hindi na ako mabubuhay pa kasama sina mama at papa. Gusto kong magalit sa kanila, pero hindi ko din naman sila masisisi kung tuluyan na silang nawalan ng pag-asa sa'kin.
I gave a bitter laugh. From now on, a hospital is a depressing place for me. I continued walking as I get lost and wonder aimlessly around this place. It gave me time to think and reflect on the events that had happened today. A sign told me to turn right. I complied and turned right into a carpeted corridor.
Sa wakas, nakita ko na rin ang exit ng ospital.
The double doors swung open and fresh air hit me like a bullet. I even stopped midstep and let it fill my lungs then suddenly, bigla akong nagulat nang may kung anong matigas ang tumama sa noo ko.
Teka, nauntog ba ako? But how?
Pag-angat ko ng tingin, isang maputing lalaki ang nakita ko. Kitang kita ko ang pagtataka niya sa kilos ko, so it means nakikita niya ako? Hindi kaya..
"Patay ka na rin ba?" Tinuro ko pa siya. Tinaasan lang naman ako nito ng kilay, tapos hindi ako pinansin.
Wow ha, ang snob!
"Hoy, nakikita mo ako 'di ba? Wait, sama na ako sa'yo!"
Lumapit ako sa tabi niya. Mukha nga'ng naiinis pa 'tong lalaking 'to sa presensya ko. Pero ayos na din 'to, hindi na ako mag-isa at may kasama na din ako. Kaso nga lang ang suplado niya.
"Anong pangalan mo?" I asked him pero wala naman akong nakuhang sagot sa kanya. Ang tahimik niya naman masyado.
"Ingay, psh."
"Sungit naman, hmp."
Hindi ko nalang siya pinansin at pinagmasdan ang paligid. Now it was dark and it looked completely different. There was an isolated car park surrounded by different departments of the hospital. The lot was empty of cars and the only light came from the entrance behind me and the street lamps illuminating the white paint and untrimmed hedge rows designed to keep automobiles in perfect unison. As I walked out a way into the cold night, I heard him uttered something. "Alber."
Diretso pa din ang tingin niya habang naglalakad. So, that's his name? Napangiti ako sa 'di malamang dahilan. Alam ko namang hindi siya interesado sa'kin pero nagpakilala pa din ako. "I'm Thana."
"Ah okay."
Malalim akong bumuntong hininga. Iniwan ko nalang siya at umiba ng daan. Sana naman makahanap ako ng kaluluwa na gaya ko din, 'yong mabait sana at hindi kasing sungit niya hmp.
"Maawa na kayo boss, babayaran ko naman po e!"
Napahinto ako nang marinig ko ang boses na 'yon. Hinanap ko kung saan 'yon galing at napadpad ako dito sa isang playground. Tahimik ko silang pinagmasdan. May isang grupo ng kalalakihang may malaki ang katawan. Nakasalampak naman sa damuhan ang kawawang biktima na parang nagmamakaawa.
"'Yan na din ang sinabi mo no'ng nakaraan Naj! Pero ano? Wala pa din!" Sigaw ng lalaki at tinadyakan ang duguang lalaking walang kalaban-laban. Napalunok na lamang ako, bakit nila ito ginagawa sa kanya?
"Ginagago na lang yata tayo niyan' bossing e!" Gatong naman ng kasamahan niya kaya mas lalong umusbong ang galit nito.
"Bukas po! Bukas po, b-babayaran ko po! 'W-Wag lang po ngayon kasi birthday ng kapatid ko, h-hinihintay niya ako ngayong araw!" Pagsusumamo nito. Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot para sa kapatid niya hays.
"Aba, inuutusan mo ba kami?!"
Wala nang nagawa 'yong lalaki dahil pinagpapalo na ang katawan niya ng tubo at baseball bat. Nang malatay na nila ang katawan nito, agad silang tumakbo paalis.
Nakakagigil lang, may gano'ng kasamang taong nabubuhay dito sa mundo amp!
Pumunta ako sa kinaroroonan ng lalaki. Tinitigan ko ang mukha nito. Halos hindi na nga siya makilala dahil sa pasa at sugat niya. Mukhang kasing edad ko lang siya, medyo pandak nga lang hehe.
Habang pinagmamasdan ko ito, may kung anong sumulpot na puting liwanag sa tabi ko. Maputi ang balat niya at may hawak siyang itim na notebook. Seryoso lang ito habang nakatingin sa kawawang biktima kanina.
"Najie Xin. 20. Cause of death, blood loss."
May kung ano siyang binabasa do'n sa itim na notebook. Umangat naman ang kaluluwa ni Naj, nagulat naman ako nang makita ang itsura nito. Pwede na rin ha, pogi din naman.
"Patay na ako?" Gulat na gulat siya. Napaturo pa nga siya sa sarili niyang katawan e. Hindi niya yata expect na mamamatay siya, lol.
"Hindi ba halata?" masungit na sabi no'ng babae. "Sumunod ka sa'kin."
Nauna nang maglakad 'yong babae. Malakas 'yong kutob ko na anghel ang isang 'to e. Pero attitude nga lang, hahaha!
"Pero.. 'yong kapatid ko." Malungkot na sabi ni Naj.
"You know what, hindi ko magets ang mga tao. Aware naman siguro kayo na people are destinied to die right?"
Okay, tama nga ang hinala ko na anghel siya.
Wala namang nasagot si Naj. Nabaling naman ang paningin sa'kin no'ng attitude na anghel. "And who are you? At anong ginagawa mo dito?"
"I'm Thana. Actually, hindi ko din alam ba't nandito pa ako."
"This time dapat may sumusundo na sa'yo e." May kung ano siyang kinakalikot sa itim niyang notebook.
"Curious lang, angel ka ba?" tanong ko.
"Oh yes, Thana." Proud na sagot nito.
"Ah, e bakit wala kang halo tas pakpak?"
Tinarayan lang naman ako nito. "Duh, who need wings and halo kung kaya naman namin mag-teleport?"
Attitude na anghel talaga 'to.
"And you, Naj. Follow me okay? 'Wag ng makulit."
No choice si Naj kung hindi sumunod. And sa isang iglap lang, bigla na silang nawala sa paningin ko.
Huhu, ang sad naman. Bakit kaya wala pa ding sumusundo sa'kin?
Bumalik nalang ako sa kinaroroonan ni Alber para hindi naman ako lonely dito. Kaso, hindi ko na ito nakita sa bench pagbalik ko. So literally, ako nalang talaga ang mag-isa ngayon.
Ang lungkot naman maging isang kaluluwa, hays.
Natulog nalang ako dito sa bench. Pagkagising ko, umaga na. Akala ko nga, mawawala ako 'pag may araw na hehe. Buti naman at hindi.
Narealize ko lang bigla, may advantage pala kapag kaluluwa ka nalang. I mean, hindi man lang kasi ako nakakaramdam ng gutom. Tapos ang gaan pa sa feeling kasi tamang lutang ka lang sa ere ganyan.
Tutal wala naman akong magawa, tumagos ako sa isang coffee shop. May nakita kasi akong pogi dito na nagbabasa ng libro, kaya tinabihan ko at tinitigan ko ng malala.
Sayang, patay na ako!
"Shit." Pagmumura niya. Aba, minumura ba ako nito? Hindi pwede 'yon, mahalin nalang pwede pa! Char!
"Hoy, hindi ako shit okie. I'm Thana!" pagsasalita ko kahit alam ko namang hindi ako nito naririnig. Siyempre, kaluluwa nga e!
"I don't care." Hala! Bakit parang nakikita niya ako? Wait, omg! Baka tao na ako ulit?
Tumayo na ito at kinuha ang gamit niya. Siyempre, tamang sunod lang ako sa lalaking 'to. Pasimple ko namang tinignan 'yong ID niya, he's name is Ken pala.
"Nakikita mo ba talaga ako? Seryoso, tao na ba ako ulit? Waahh!" tuwang tuwa kong sabi. Pero bigla din akong nalungkot nang tumagos ang katawan ko sa mga tao.
So, kaluluwa pa din pala ako.
"Stop following me, okay? May exams pa ako." Pinagtitinginan na siya ng mga tao, inaakala yata na ang weird niya kasi nagsasalita ba naman siya mag-isa.
Humalukipkip naman ako. "So, may third eye ka pala? Help me naman please? Pero dahil may consideration naman ako, hindi muna kita guguluhin."
Nagshrug lang naman siya then naglakad na paalis. Hindi ko naman na siya sinundan pa.
Kingsland Village, Blk 18 Lot 2 pala ha.
Okay, tamang tambay lang ulit akong coffee shop. Pinapanood ko lang dito 'yong mga customers na uminom ng kape. Hays, kamiss naman maging tao ulit. Pero 'di rin naman ako sure kung naging masaya ba ako no'ng nabubuhay pa ako.
Daming tanong, wala namang sagot.
May kung anong puting liwanag akong nakita sa may glass door. Pinagkatitigan ko 'yon ng maigi, narealize ko na 'yon 'yong attitude na angel kasama si.. wait! Si Naj? Bakit nandito sila?
Agad naman akong lumapit sa kanila. Shems, ba't bigla akong kinabahan?
"Unfortunately, nalaman ko kay Older Angel Vincent na hindi pa kayo makakatawid sa kabilang buhay."
As expected. Hindi pa naman talaga kasi ako handa. May gusto akong malaman sa pagkatao ko, pero hindi ko naman matukoy kung ano 'yon. Nagkatinginan kami ni Naj, umiwas naman ako agad ng tingin. Shy type ako ih!
"Both of you have unfinished business here sa earth. Atsaka, need niyo rin i-accept na patay na kayo. 'Yon bang magaan na ang puso niyo para nang sa gano'n, matahimik na din ang kaluluwa ninyo dito sa lupa."
"Pero pa'no? E kaluluwa na lang naman kami. Wala na kaming magagawa." Totoo naman right?
"Ano bang ginagawa ng mga kaluluwa para maramdaman sila?" tanong pabalik no'ng anghel.
"Manakot?" sagot naman ni Naj. Nanlaki naman ang mata ko. Wait, mananakot talaga kami ng tao? Shet!
"Exactly, kailangan niyong makahanap ng taong makakatulong sa inyo para ma-accomplish niyo 'yong agenda niyo sa buhay." Masungit na pagkakasabi nito sa'min.
"May tanong ako." Tinaasan lang naman ako nito ng kilay. Attitude talaga!
"Bakit ang sungit mo? May regla ka ba?" Para siyang si Alber. Babaeng version nga lang. Pinipigilan namang tumawa ni Naj, namula naman itong si attitude sa hiya.
"Alam mo tutal tinutulungan mo na din naman kami, let's be friends! Ano bang name mo?" Mukhang naghe-hesistate pa siyang sumagot, pero sinabi niya na din naman.
"Amia."
After niyang sabihin 'yon, bigla nalang siyang nawala. Kami nalang tuloy ni Naj 'yong naiwan dito.
"Tara, tambay coffee shop?" pag-aya ko sa kanya. Tumango naman ito at sumunod sa'kin. Umupo kami sa bakanteng upuan. Okay, let's start this daldalan session!
"So Naj, bago kita daldalin. My name is Thana." Para akong baliw, oo aminado naman ako.
"No need to be formal. Ano bang gusto mong itanong?" natatawa nitong sambit sa'kin. Mukhang na-sense niya ang pagiging chismosa ko hahaha.
"To be honest, napanood ko 'yong pambubugbog sa'yo. Bakit ba nila ginawa 'yon sa'yo?"
"Utang. Sinisingil nila akong magbayad, pero anong magagawa ko? Madami akong binayaran sa school, pagkain pa namin ng.. k-kapatid ko." Natigilan siya bigla. Oo nga pala, naalala ko na hinihintay siya ng kapatid niya dahil birthday nito. 'Yon siguro ang dahilan kung ba't hindi matahimik ang kaluluwa niya.
"Birthday niya no'ng araw na 'yon 'di ba? Kaya ba may pag-aalinlangan ka na tumawid sa kabilang buhay?"
"A part of it, oo."
A part of it? So may iba pang dahilan?
"Si Leni.. hindi ko kayang iwanan siya, Thana. Madami pa kaming plano no'n e. And God knows how much I love her."
Ahh 'yon naman pala. May naiwan pala siyang jowa dito sa lupa. Thana all!
"Pero ang 'di ko lang maintindihan, bakit kailangan bawiin niya agad 'yong buhay ko? Marami akong maiiwan, bata pa 'yong mga kapatid ko. Kawawa naman sila."
Ramdam ko 'yong bigat na pinagdadaanan ni Naj. Pero atlis, swerte siya dahil alam niya kung ano 'yong bagay na hindi siya mapatahimik. E ako? Patuloy ko pa ring kinukwestyon kung ano ang pagkatao ko. Like, sino ba talaga si Persephone Thana Lee no'ng nabubuhay pa siya?
"Gusto mo ba, puntahan natin sila?" Offer ko sa kanya.
"Hindi ba tayo nag-aaksaya ng oras niyan?" Pabiro ko namang tinapik ang balikat niya.
"Sinabi ko bang ngayon? Siyempre mamayang gabi tayo pupunta!" excited na sambit ko.
"Ha?" naguguluhang tanong niya.
"Mananakot tayo mamayang gabi!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro