Abaddon School Part 1.1
Hi Ms_Singkit13 Para sa'yo po 'tong chapter na ito. Maraming salamat po ulit sa magandang cover.❤
Chapter One:
LINCOLN'S POV
Ring!!! Ring!!! Ring!!!
Paktay na naman ako!! Tumakbo ako ng napakabilis - niyong tipong mala-flash sa bilis. Yari na naman ako kay prof masungit!!
"Tabi! Tabi! Tumabi kayo diyan! P*tcha! Tumabi sabi!" sumisigaw na ako habang tumatakbo pero 'tong mga 'to parang walang naririnig. Alam ng late na ako! Sasapakin ko na 'tong mga 'to eh!
"UMALIS KAYO SA DADAANAN KO!"
Dumagundong na sigaw ng isang lalaki.
P*tcha! Kilala ko niyong boses na n'yon ha. Napahinto ako sa pagtakbo at nilingon ko sino niyong sumigaw.
Da f*ck tama nga niyong hula ko...facker si Fayce pala niyong sumigaw.
Nang madaanan niya ako, "Oy ogag, anong tinatayo-tayo mo diyan? Ayaw mo naman siguro mapunta sa detention diba?" sigaw niya sa akin habang nilalagpasan na niya ako.
Napabalik ako sa sarili ko ng sabihin niya n'yon. P*tcha! Oo nga pala! Nasabayan ko si Fayce sa pagtakbo. May mga nababangga na kami pero wala kaming pake sa kanila. P*tek!
Hinihingal kami ng makarating kami sa tapat ng room namin. Bubuksan palang namin ang pinto, nang bumakas ito.
"MR. STEIN and MR. DAWN! DETENTION NOW!" malakas na sigaw ni prof masungit. P*tcha! Parang nabingi yata ako doon ha!
Tinignan ko si Fayce, pero 'tong hayop na 'to parang wala lang sa kanya. Magkaiba talaga sila ng kapatid niya eh. Paker!
"Ano pa hinihintay mo Mr. Stein? Sumunod kana rin kay Mr. Dawn!" sabi ni prof masungit.
Nang tumingin ako sa gawi niya, putek 'tong Fayce na 'to naglalakad na papuntang detention.
Bago ako umalis, sumilip muna ako sa room namin at nakita ko si Debra na nakatingin sa akin na umiiling-iling. Tsk! Yari na naman ako sa kanya!
Sumunod na rin ko kay Fayce, baka may sabihin pa nyong masungit na n'yon.
Nang maabutan ko si Fayce, "Taen* bakit umalis ka agad?" tanong ko sa kanya.
"Wala naman tayo magagawa kahit magmakaawa tayo sa prof na n'yon. Pusong bato ang hayop na n'yon eh!" Naiinis na sabi niya.
Nakita na namin ang corridor ng detention room. Paker! Ito na naman ako,papasok na naman dyan!
Nang makarating sa harap ng detention room, nakita na naman namin ni Fayce ang Prof na nagbabantay dito.
"Mr. Stein and Mr. Dawn kayo na naman pala!" umiiling na sabi niya. "Mr. Dawn bakit hindi mo gayahin ang kakambal mong si Faye para tumino ka naman!" dugto nito.
Pero 'tong si Fayce parang walang naririnig, pagkatapos niyang maglista sa isang malaking notebook, dumiretso lang ito papasok. Nagsulat na rin ako at pumasok na rin, wala rin naman kwenta kung pakikinggan namin nyong prof na n'yon parehas sila ni masungit, magsama sila!
Pagkapasok ko, wala akong makitang maganda sa detention room na 'to. Mayroon 'tong upuan na nakadikit sa mismong pader, mahabang lamesa at ilaw na kulay dilaw na nasa pinaka-gitna talaga. Para itong detention room ng mga preso.
Lalong dumilim ang room ng isara ng prof na nyon ang pintuan. Nakakatakot sa detention room na 'to. Parang may nakatingin sayo.
Sobrang tahimik, wala kang maririnig maski ang ingay sa labas. Kinuha ko ang cellphone ko pinasak sa tenga ko ang earphone. Matutulog na lang ako baka paggising ko tapos na ang detention namin at uwian na rin.
FAYCE'S POV
"Master Fayce, kumain po muna kayo." sabi ni manang adeng sa akin. Siya ang yaya namin ng kakambal kong si Faye simula bata.
"Huwag na po kayong mag-alala Manang! Sa school na ako kakain, malalate na po ako sa subject ng prof naming masungit! Si Faye po ba?" Tanong ko kay Manang adeng.
"Naku, maagang pumasok n'yong kakambal mong nyon. May gagawin daw kasi sila sa school kaya maaga umalis." Sabi ni manang kaya tumango na lang ako.
"Sige Manang, aalis na po ako." Sabay labas ko.
Wala ang mga magulang namin kaya si Manang ang nag-aasikaso sa amin. Sa susunod na araw pa sila uuwi dahil mahalaga n'yong appointment nila kaysa sa amin ng kakambal ko. Tsk!
Badtrip naman oh! "F*ckers! Get out to our way!" sumisigaw na sabi ko. T*ragis! Ngayon pa, nagkaroon ng banggaan oh!
Humanap ako ng way para makarating agad sa school na n'yon. Pero naknang tipaklong, late pa rin ako nakarating sa school.
Tapos langhiya 'tong prof masungit na ito, Gustong-gusto talaga kaming ilagay ni Lincoln sa detention room, eh! Sa isang linggo halos dalawang araw kaming nasa detention dahil sa subject niya! Kainis!
Nilingon ko si ogag, pero langya natutulog na si ogag. Naka-earphone pa. Tsk! Matutulog na rin sana ako ng bumakas ulit ang detention room...pumasok doon ang bagong dating...langya naman oh! Pwede bang sa isang Araw hindi kami nyong magkakasama sa isang detention room.
"Oh Mr. Dawn and Mr. Stein, nandito na si Mr. Mon nahuli lang ng dating." Sabi ng prof na nyon. Mukhang masaya pa siya na kumpleto ulit kami dito ha!
"Tsk!" Mahinang sabi niya ng makapasok sa loob. Dumilim ulit ang paligid at tanging liwanag lang namin ay niyong ilaw na kulay dilaw na masakit pa sa mata. Langya! Wala ba silang pambili ng bumbilya?
Umupo si Ivan sa kabilang side, at umubob sa lamesa. P*tcha! Ano 'to? Tutulugan ako ng dalawang 'to? Makatulog na nga rin! Matutulog na sana ako ng magsalita si Ivan.
"Bakit tayong tatlo laging nandito?" walang ganang sabi niya.
"Sus! Hindi kana nagbago sa atin, tayo lang naman nyong hindi sumusunod sa mga rules dito! Alam mo namang puro tuta nyong mga estudyante dito! F*cking life Bro!" sagot ko sa kanya. Talaga namang tuta nyong mga estudyante dito. Sunod-sunuran sa mga prof.
Tumingin si Ivan kay Lincoln, "Tulog niyang isang niyan?"
Imbis na sumagot, tumango na lang ako.
"Bakit ka na naman nandito Ivan?" tanong ko sa kanya.
"As usual, nakakatamad niyong prof namin, kaya ayun lumayas ako sa klase niya. 'Wag ka palang mag-alala nandoon nyong kapatid mo, nag-aaral ng mabuti." ngumisi ang isang ul*l na 'to. "Kayo? Bakit na naman kayo nandito ULIT?" dugtong ni ogag, talagang diniinan niya ang ULIT. Barkada nga namin siya.
"Late kami nitong si Lincoln. Langya kasi, ang agang pumasok ng prof namin sa room! Sa susunod kukunin ko nyong relos niya at iaadjust ng 1hr para siya naman ang late! Paker!"
Tumatawa si ogag, langya 'to! Pinagtawanan pa ako! Tsk!
"Maiba nga tayo tol, about kay Debra, ayos na ba kayo?" usisa ko sa isang to. Pero langya, biglang tumahimik Hahahaha. "Ano bat tumahimik ka dyan? Hahaha paker ka! Sumagot ka ngayon tol! Hahaha." tumatawang sabi ko dito.
Si ogag umubob sa lamesa at pumikit. Hahaha asar talo talaga eh! Tsk! Napapailing nalang ako sa kanya. Tsk! Makatulog nga rin!
LINCOLN'S POV
"Tulong! Tulong! Tulong!"
"Whaaaaaa!"
Naalimpungatan ako sa mga ingay na naririnig ko. Paker! A-ano niyon?
Nagising ako at nilibot ang paningin ko sa buong detention room, pero iba ang nakita ko si Ivan. Langya, kanina pa ba nandito 'tong isang 'to? Nakita ko rin si Fayce, tulog rin katulad ni Ivan. Tsk! Mga tulog mantika.
Wait, B-bakit ko naririnig nyong mga payahaw ng mga tao kung naka-earphone naman ako. Tinignan ko ang cellphone ko pero bakit lowbat 'to? Full charged to ha? Tinanggal ko ang battery baka may problema lang pero langya wala pa rin.
"T-tulongggggg! Tulooooonggggg!" Ayan na naman nyong payahaw ng mga tao.
Lumapit ako sa pintuan ng detention room, pero wala niyong prof na nagbabantay sa amin. Imposible namang iwanan kami nun, kung aalis nyon dapat may estudyanteng nagbabantay sa amin.
"TULONG! TULONG!" Malakas na sigaw ang narinig ko.
Nagulat na lang ako ng makita ang Prof na nagbabantay sa amin na tumatakbo papunta sa amin na duguan at halos lumabas na ang kanyang buto sa kaliwang balikat niya. Hindi na nakalapit ang Prof sa detention room ng mapahiga siya sa malamig na sahig.
- end of chapter One -
VOTE. COMMENT. SHARE.
Thank you!😊❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro