Abaddon School 2.9
Chapter Nine: 2nd day sa Isla de Tempter
FAYCE'S POV
Nagising ako dahil may narinig akong pagsabog. Mukhang malapit lang dito.
Sumilip agad ako sa bintana, may nakita akong usok na nanggagaling lang malapit dito.
Kinuha ko agad ang micro uzi at ginising sina Lincoln at Rey. Nagpalit na kami ng bantay ngayon, ang nasa sala ngayon ay sina Gino, Spencer at Ivan. Si Debra ay tulog ngayon dito sa taas, kasama namin.
"Tngina, Fayce, inaantok pa ako!" Kusot mata niyang sabi.
Pusanggala! Nasa bingit kami ng kamatayan, ganito pa rin siya.
"Langya! Bakit ba Fayce?" Ito rin si Lincoln, mainit agad ulo.
"Pusanggala kayo, hinaan niyo nga mga boses niyo. Natutulog pa si Debra." sabi ko sa mga 'to.
Lumapit ako sa gilid ng bintana, "May pagsabog na naganap kanina. Hindi ko alam kung galing sa mastermind ang pagsabog o sa mismong mga kaklase natin."
Isa-isa silang lumapit sa bintana, may usok pa rin na nanggagaling sa pagsabog.
"May pagsabog na nagaganap. Ano na next nito? Iisa-isahin tayo?" Problemadong sabi ni Rey.
"P-paano tayo makakatago sa kanila kung nahahanap din nila tayo ng dahil dito."sabi ni Lincoln sabay turo sa collar na suot niya.
Pusanggalang! Collar 'to!
"Gisingin na natin si Debra. Rey, puntahan mo na sila Spencer at Ivan sa baba. Kailangan natin maghanda."
Bumaba si Rey para tignan kung gising na ba sina Ivan at Spencer. Ginising naman ni Lincoln si Debra.
Pagkagising ni Debra, bumaba agad kami para puntahan sila.
Nadatnan namin silang mga nakaupo sa sofa.
"Narinig niyo ba ang pagsabog?" tanong ko agad sa mga kupal na 'to.
"Narinig namin." Simpleng sagot ni Spencer sa tanong ko.
"Kanina pa kami gising, nakita namin lahat ang nangyayari kanina." dugtong ni Ivan.
Nangyari kanina? Anong ibigsabihin niya?
Bago pa ako makapagtanong, inunahan na niya ako magsalita, "Nakita namin sina Macky at Athena na hinahabol nina Anton at Liam. Gusto namin sila tulungan pero pinigilan ako ni Spencer. Baka kasi tayo naman ang balingan nila."
Tumango ako sa sinabi niya, "Sa kanila galing ang pagsabog?" tanong ko rito.
"Oo, sa kanila galing ang pagsabog. Granada yata ang tinapon nina Athena kina Anton. Hanggang doon na lang nakita namin dahil lumiko sina Athena doon sa may kakahuyan." atleast nakahinga ako na sa kanila galing ang pagsabog. Akala ko sa mastermind na.
"Akala kasi namin galing sa mastermind," sabat ni Lincoln sa usapan
"Kaya naman pala si ogag, dali-dali akong ginising." Sabi ni Gino na ngayon ay tumatawa na dahil sa sinabi niya.
Nahagip ng paningin ko si Rey na ngayon ay nanlilisik na ang mga mata na nakatingin kay Gino. Away na naman 'to.
"Guys," tumingin kami kay Debra na ngayon ay nakatayo pa rin. "Hindi ba kayo nagugutom? Ako kasi nagugutom na. Baka pwede na ako magluto ng breakfast natin?"
"Tulungan na kita,"
Umalis sina Debra at Ivan. Sa aming magbabarkada sila lang naman ang magaling magluto. Pati pala ang kakambal ko... Pusanggala! Kapag nakita ko ang mastermind, ako ang papatay sa kanya.
---
Kumakain na kami ngayon.
"Sino-sino na kaya ang namatay bukod kina Jonvic at Loren?"
Oo nga, bakit walang nag-aannounce?
"Hindi sila nag-aannounce?" Tanong din ni Ivan.
"Mukhang may pinaplano ang mastermind,"
"Ang tanong anong plano niya ngayon?" Seryosong sabi ni Ivan habang nakatingin sa amin.
"Mag-iingat na lang tayo,"
Kailangan talaga namin mag-ingat. Hindi namin alam kung ano tumatakbo sa utak ng mastermind at sa mga kaklase namin.
Natapos kaming kumain at nandito ako sa sala nagbabantay. Ang nasa taas naman ay sina Spencer.
"Ano na kaya nangyayari sa iba nating kaklase at kay Ms.Niña ayos lang kaya sila?" nag-aalalang tanong ni Debra.
Kami ngayon ang nasa baba kasama rin namin sina Ivan at Gino.
"Okay lang siguro sila,"
"Wag mo silang intindihin, Debra. Ang isipin mo ay ang mga buhay natin. Ngayon lang 'wag ka muna maging mabait at maging maalalahanin." Seryosong sabi ni Gino.
Alam ko ang nararamdaman ni Gino, once na kaming naloko ni Joaqui.
Tumango ako sa sinabi ni Gino, buhay muna naming pito bago ang iba.
Nagkukwentuhan kami dito sa sala ng may marinig kaming putukan na naman.
Naging alerto kami ng dahil doon. Kinuha ko agad ang micro uzi ko. Kinuha naman ni Ivan ang shotgun niya, nilabas naman ni Debra ang kwarenta'ysingko ng baril niya at ang kay Gino naman ay samurai.
Nagulat kaming aligagang bumaba si Lincoln.
"Inaatake tayo nina Anton at Liam!" Natatarantang sabi niya.
Shete! Paakyat na dapat kami ng may biglang may nagpaputok galing sa labas.
"Sht! Tago!" Sigaw na sabi ni Gino.
Nasa likod kami ngayon ng mga sofa. Walang tigil na pinapaputukan kami
"Pusanggala! Ayaw tayo tigilan!" Hindi kami makabwelo. Maski si Ivan na may hawak ng shotgun hindi makaputok.
"Tngina! Okay lang kayo d'yan?" Nakita namin si Rey na nasa hagdanan.
"Okay lang kami, kayo d'yan?" balik tanong ko sa kanya.
Nakikipagbarilan na rin si Rey sa mga nagpapaputok sa amin. Si Ivan at Gino rin ay nakikipagbarilan na rin. Kinuha ni Gino ang baril ni Debra.
"Rey, back-up!" Narinig naming sigaw ni Spencer na nagmumula sa taas.
"Si Liam ang pumupuntirya sa amin taas malamang si Anton dito sa inyo,"
Pagkasabi niya iyon, umakyat na siya para tulungan si Spencer.
Nang makahanap ako ng tyempo, nagpaputok na rin ako. Ngayon ko malalaman kung maganda ba talaga 'tong micro uzi.
Sina Debra at Lincoln nakatago pa rin sa likod ng sofa maski kami.
Tumigil kami, 'di na nagpaputok ang nasa labas.
"Wala na?" Tanong ni Gino.
"'Di ko alam. Tumahimik na siya." sagot ko rito.
Sumilip kami, puro butas na pinto ang bumungad sa amin.
"Tngina niyo mamatay rin kayo!" malakas na sigaw na nagmumula sa labas.
Pusanggala! Boses ni Anton 'yon.
"B-boses ni Anton?" naniniguradong sabi ni Debra.
Tumango kami sa kanya.
Pagkasabi ni Anton 'yon, bigla ulit siya nagpaputok.
"Sht! Hindi pa pala siya tapos!"
Lahat kami ngayon nakatago, hindi kami makaresbak sa kanya. Shete!
"Napatay na namin si Liam!" sigaw na nanggagaling sa taas.
Nakita namin sina Spencer at Rey, "Napatay na namin si Liam,"
"Sht! Napatay niyo nga si Liam kami naman papatayin ni Anton. Ogag!" sigaw ni Gino kay Rey.
Narinig naming may nagbukas ng pinto. Shete!
"Pumasok siya," sabi ni Spencer sa amin.
"Tngina niyo! Papatayin ko kayo!" Pagkasabi niya 'yon, nagpaulan ulit siya ng bala sa amin.
Umiiyak na si Debra. Lumapit si Ivan sa kanya.
"Sssshhh! Tahan na..." pag-aalo ni Ivan.
Nakita kong sumilip si Rey, sa isang pagputok niya tumigil ang ingay na nanggagaling kay Anton.
"Patay na," sabi ni Lincoln ng nakatingin sa may bandang pinto.
Tumayo na rin ako at nakita ko si Anton na nakahiga na sa sahig at umaagos ang dugo na nagmumula sa kanyang ulo.
"Headshot pala, hindi ko naman inaakala na sa ulo ko siya matatamaan," mayabang na sabi ni Rey.
Napa-iling na lang kami sa kanya.
Binuhat nina Gino at Lincoln ang katawan ni Anton. Nakita rin namin ang katawan ni Liam tadtad ito ng bala. Hays, Spencer at Rey talaga! Binuhat naman namin ni Ivan ang katawan ni Liam.
Nilibing namin sila katabi ng bangkay nina Loren at Jonvic.
"Apat na napapatay natin. 4 na rin silang nagtatangka sa mga buhay natin. Sino naman kaya next?" Tanong ni Lincoln sa amin.
"Hindi natin alam basta mag-ingat na lang tayo," sagot ni Spencer.
- to be continued -
VOTE. COMMENT. SHARE. FOLLOW.
Thank youuuuu!💋💕
A/N:
4 down, 18 to go! Sino naman kaya ang next na magpapatumba kina Lincoln, Ivan, Debra, Fayce, Gino, Rey at Spencer? Kakayanin ka ng barkada na mabuhay hanggang Day 7? Abangan...
• Jonvic, Loren Anton at Liam is out.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro