3.1
AS: The Last Fight (3)
Chapter 1
"Oh-My-Gee! I'm so excited! First time kong kasama kayo sa outing na 'to! Right, bessy!" Maarteng sabi ni Maddie kay Debra. Sabay pa silang tumili. Mga babae talaga.
Buti na lang talaga nasa likod kami ni Gino ng adventure type na minamaneho ngayon ni Rey at nasa passenger seat si Fayce.
Akala ko nga kasama iyong ka-fling niya ngayon.
Kasama namin sa likod ang mga pagkain para sa three days outing namin. Okay na iyong na sa likod kami ni Gino kaysa katabi ang maarteng si Maddie na iyon.
Pinasak ko ang aking airpods. Sumandal sa bintana at patulog na sana ako ng may kumalabit sa akin.
"Ilang oras byahe?" Tinignan ko siya ng masama. Patulog na sana ako, e.
Hinayupak.
"Almost nine hours ang byahe tas dadaan pa tayo sa liblib na lugar na aabutin tayong two to three hours." Sabi ko sa kanya.
Para siyang binagsakan ng lupa dahil sa sinabi ko.
"Ang tagal pala ng byahe natin. Nakakainip nu'n." Matagal talaga.
Kaya nga madaling araw kami umalis para wala pang gaanong sasakyan at 'di gaanong traffic.
Nang wala ng siyang sasabihin, natulog na ako. Inaantok pa talaga ako.
"Linlin, wake up! Kakain muna tayo."
"Uhhmmm..." May tumapik sa aking kanang pisngi pero 'di ko pinansin at bumaling sa kabilang side.
"Lincoln, gising!"
May kumakalabit naman ngayon sa akin, "Uhmmm..." Tinapik ko ang kamay na kumakalabit sa akin kung sino man niyon.
Alam nilang inaantok pa ako, e. Langya. Magpatulog naman sila.
"Pusanggala!" Napabalikwas ako ng gising ng may malakas na sumampal sa kanang pisngi ko.
Napahawak ako sa pisngi ko na umiinit at kumapal dahil sa sampal.
Binalingan ko si Gino na ngayo'y ngumingisi sa akin.
"Bakit ka nanampal! Alam mong natutulog iyong tao!" Umiling siya sa akin.
"Si Maddie,"
Binalingan ko si Maddie at masama ko siyang tinignan.
"Ayan! Edi, gumising ka rin! Kanina ka pa nila ginigising, e. So, tinulungan ko sila." Parang wala lang sa kanya na sinampal niya ako.
Kaya naman pala hiniwalayan ito ni Rey, sadista.
Hindi ako kumibo pero sa loob-loob ko, tinotorture ko na siya. Bumalik siya sa pagkakaupo niya.
"Sorry, Lin. Kanina ka pa namin ginigising, e. Hihinto kasi tayo sa isa sa mga fastfood na madadaanan ni Rey." Malambing na sabi ni Debra.
Tumango na lang ako rito. Nawala antok ko.
"Bakit kasi 'di mo ko ginising?" Naaasar na sabi ko kay Gino.
"Gago. Kanina pa kita ginigising, walang effect. Malay ko bang sasampalin ka ng amazona-ng iyon." Mahinang sabi niya sa huling word.
Umiling na lang ako rito.
Kaya pala naghiwalay silang dalawa. Amazona plus sadista equals 'di talaga ako tatagal sa relasyon kapag si Maddie.
"Nasa'n na ba tayo, Gino?" He's shrugged.
"'Di ko rin alam, Lin. Tulog din ako kanina at ginising lang ako nila Debra. Ayon nga lang maling gising sayo." Sabay tawa niya.
Tawa lang.
Huminto ang sinasakyan namin Adventure type sa isang Payaso. Fastfood.
Bumaba kami. Bumangad sa akin ang tawa ng dalawang siraulo.
"Bagong tattoo, Lin?" Natatawang sabi ni Fayce.
"Bakat na bakat," pinakyuhan ko na lang sila.
"Nasa'n na ba tayo?" Lihis ko ng usapan.
"Malayo pa tayo, Lin. Inabutan tayo ng traffic." Bagot na sabi ni Rey.
"Kailangan ng yelo niyan, Lincoln. Masakit niyan kapag 'di mo nilagyan." Tukoy ni Rey sa bakat na kamay ni Maddie sa pinsgi ko.
Medyo pumipintig nga, e.
Naglakad na ako papasok sa fastfood. Nang makaupo sina Debra at Ivan ang pumunta sa counter.
"Fayce, palit tayo maya. Iidlip lang ako saglit." Sabi ni Rey ng siyang katabi ko at kaharap ni Fayce.
Tumango naman ang isa. May ka-text yata.
"Dude, sino na namang ka-text mo? Bagong chicks?" Pilyong tanong ni Gino. Nag-wiggled pa kilay niya.
"Si Sheena," plain na sabi niya.
"OMG! Buti wala pa kayong aids, nuh? Paiba-iba ang mga babae. Yuck!" Sabi ni Maddie sabay rolled eyes niya sa amin.
Tumuwid ang pagkakaupo ni Fayce dahil sa narinig, "kaysa naman sayo, ang plain mo kaya hiniwalay ka ni Rey."
Uh-oh!
"Excuse me, Fayce. Ako ang nakipaghiwalay sa kanya. Nakita ko lang naman siya may kahalikang babae. Ewww."
Nagpipigil na kami ng tawa dahil sa sinabi ni Maddie.
"Excuse me, ha?!" Mimicked Gino.
"Move on, move on din, Maddie. Tagal na nating hiwalay, ha. 'Di ka pa rin nakakamove-on? Ang bangis ko naman pala sayo." Sabay ngisi pa ni Rey.
Tatayo na sana si Maddie at babatukan na sana niya si Rey ng saktong dumating sila Ivan.
"Anong nangyayari, guys?" Nagtatakang tanong ni Ivan.
"Wala. Ka-text ko lang si Sheena. Nagkukwentuhan lang sila Rey."
Buti na lang talaga nakaisip agad ng paglusot 'tong si Fayce.
"Totoo ba n'yon, Lin? Bakit parang susugod si Maddie kay Rey?" Napamaang ako kay Debra. Bakit ako tinanong niya? P'wede namang si Gino.
"Ewan ko d'yan," baling ko kay Maddie na siyang katabi ni Gino. "Akin na iyong ice na hiningi, 'Van. Ang sakit na talaga ng kanang pisngi ko."
Sabay kuha sa inabot niya sa aking baso na may ice cube at binalutan sa panyo habang dinadampi-dampi ko sa aking kanang pisngi.
"Maddie, totoo ba iyong sinabi ni Lin?" Tinignan namin si Maddie ng palihim pero 'di ito nakatakas kay Ivan. Umiling na lang ang huli sa amin.
"Oo, Debs. Sabi kasi ni Gino hindi raw pantay blush on ko? Pantay naman diba?" Tumango si Debra sa kanya. Galing talaga umacting nito.
Ilang minuto lang, dumating agad ang inorder nila. Kaya walang ano-anong kumain kami. Tahimik lang kami habang 'di makamayaw sa pagkain.
Biglang may tumawag sa phone ni Fayce at sinagot niya ito.
"Hello? Medyo malayo pa kami, 'my... Oo, naman magtetext ako sayo kapag nakarating na kami... Hindi na ako bata, 'my, marunong na nga ako gumawa... Hays! Oo, promise... Sige na bye!"
Pagkababa niya ng kanyang phone, binato siya agad ni Ivan ng fries sa mukha.
"May mga babae,"
"What? Alam naman nila iyon. Diba Debs?" Dahan-dahan tumango si Debra.
Kakain ulit siya ng may tumawag na naman sa kanya.
"Tanginang 'to, hindi na natapos-tapos ang tawag."
Tumawa na lang kami sa kanya.
"Oh?"
Ni-loudspeaker niya yata. Rinig namin ang background sa kabilang linya.
"Fayce, baby, diba sa singkayaw rin kayo pupunta?"
May mga naririnig pa kaming mga ingay sa kabilang linya.
"Yes, Sheena. Medyo malayo pa kami. Why?"
Fling nga lang niya. Walang kabuhay-buhay kung sumagot sa girlfriend.
"Doon din kami pupunta with my friends, Nicole and Lilac. Do you know them na diba?"
Maarte talaga magsalita ang isang 'to.
"Yes. It's good to know. See you there, baby."
"Yes, see you there! Actually, ilang oras na lang nandoon na kami. Kagabi pa kami bumabyahe, e. Dapat pala sumabay na lang kami sa inyo."
Umiling si Fayce sa kaartehan ng ka-fling.
"Wait, Nicole, look may signage, oh!"
"Oh yes! Malapit na tayo. 250 km na lang!"
So, malapit na nga sila.
"Malapit na kayo, Sheena?"
"Yes, baby, 250 km na lang bago ang singkayaw island. May mga nakakasabay kaming mga car na papunta rin doon."
"Okay, ingat."
"Okay! Can't wait to see you, baby!"
Sabay naputol ang tawag sa linya.
"Nawalan yata sila ng signal. Biglang nawala." Sabay pakita sa amin ng phone niya.
"Mukhang mahirap makahanap ng signal sa islang 'yon."
"Walang silbi ang mga phone natin. Puro picture then after three days upload." Sabay tawa namin sa sinabi ni Maddie.
Dakilang Selfie Queen.
Natapos na kaming kumain at nagpalit ng p'westo sina Rey at Fayce. Si Fayce na ang nasa driver seat at si Rey ang sa passenger seat.
× × × ×
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro