Flashback 3
Hilam ang mata ni Haniyah at di na niya alam kung saan siya patutungo. Ang tanging nasa isip niya lang ay tuluyan nang makalayo.
Patawid siya sa kabilang kalsada nang makarinig siya ng malakas na busina. Naipikit niya ang mga mata at hinintay ang pagbangga ng sasakyan sa kanya ngunit sa halip na kotse isang kamay ang humawak sa kanya. Napapiksi siya nang makita ang isang matanda na nakahawak sa braso.
"Anong nangyari sa'yo iha?" nag-aalalang tanong nito. Napailing ang dalaga kipkip pa rin ang kumot sa katawan niya.
"Saan ka nakatira? Ihahatid kita..." tuloy-tuloy nitong saad. Sunod-sunod na iling naman ang isinagot ng dalaga.
Wala sa sariling napasunod siya dito nang ipasok siya sa kotse nito. Alam niyang delikado ang sumama lao na't hindi niya ito kilala pero kailangan niyang makalayo mula sa lugar na iyon.
"Anong nangyari sa'yo?" tanong ulit nang matanda nang nagdadrive na ito. Nasa edad singkuwenta na marahil ito dahil halata ang kulubot nito sa mukha.
Hindi sumagot ang dalaga at tumingin lamang sa malayo. Napailing na lamang ang matanda sa inakto ng dalagang wala sa sarili.
Ipinasok ng matanda ang sasakyan sa isang subdivision. Binagalan nito ang takbo nang makita ang dalagang kapitbahay na nakatayo sa tapat ng bahay nila. Binuksan niya ang bintana sa katapat ni Haniyah at binati ang kapitbahay.
"Mag-aalas dos na, bakit nasa labas ka pa?" bati nito sa kapitbahay. Ngumiti naman ang isa at tumitig sa dalagang nasa loob ng kotse nito.
"Ganda ng bago mong syota mo, lo!" sagot nito saka natatawang tumalikod.
"Lokong bata!" sambit naman ng matanda bago napagkit ang mata sa dalagang nakasakay sa kotse niya. Napangiti siya ng maaninag na sobrang ganda nga ng dalaga.
"Halika sa loob iha!" yaya niya sa dalaga nang maipasok niya sa garahe ang kotse niya. Mag-isa na lamang ang matanda sa bahay nito dahil ang mga anak niya ay nagsipag-abroad na.
Hindi gumalaw si Haniyah sa kinauupuan niya kahit nung pagbuksan siya ng matanda sa pinto ng kotse. Tiningnan lamang niya ito. Inaarok niya kung mukha din itong may gagawing masama sa kanya. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Nang masiguro niyang kaya naman niya itong labanan kung sakali ay nagpasya siyang lumabas na ng sasakyan at sumunod sa matanda.
"Gusto mong magkape muna para mahimasmasan ka?" saad ng matanda. Hindi siya sumagot.
Pumunta ang matanda sa kusina. Sinundan ito ng dalaga. Maaaring wala siya kanina sa sarili nang muntikan na siyang magahasa pero umaandar pa rin ang utak niya.
Baka pag nalingat siya ay patulugin siya ng matanda at halayin din.
Nakahinga siya ng maluwag nang mapansing wala itong ibang kasama sa bahay. Nagtimpla ito ng kape. Nagulat pa ito nang makita siyang nakatayo ilang dipa mula sa kanya. Iniabot ng matanda ang kape sa kanya ngunit umiling siya.
Tiningnan siya ng matanda.
"Magbihis ka muna. Halika at dalhin kita sa kwarto ng anak ko." saad nito. Hinawakan siya nito sa braso. Umilag siya dito.
Napailing ang matanda sa inakto ng dalaga. Nauna na itong naglakad papunta sa may hagdan. Napangisi ang matanda nang mapansing nakasunod ang dalaga sa kanya.
"Kumuha ka lang dito ng damit mo sa closet." Saad ng matanda kay Haniyah.
"Sige, punta lang muna ako sa silid ko iha, magbihis ka nalang diyan sa banyo." Tinuro nito ang isang pintuan sa loob ng silid. Sinundan lamang ito ni Haniyah ng tingin.
"Pag may kailangan ka nasa kabilang kuwarto lang ako." Paalam ng matanda. Napansin nito ang pagkaasiwa ng dalaga.
Pagkasara ng pinto saka lamang nailabas ni Haniyah ang luha na kanina pa nais mag-unahang lumabas mula sa kanyang mga mata. Napaupo siya sa sahig at yakap ang sarili habang patuloy pa rin ang paghikbi.
Mahigit isang oras siyang nasa ganoong posisyon hanggang napakalma niya ang sarili at lumapit sa closet para tumingin ng damit.
Nakita niyang puro shorts at spaghetti straps ang nasa closet. Ayaw sana niyang suotin pero wala naman siyang ibang pagpipilian.
Pagkatapos maligo ay nahiga na siya sa kama. Napaiyak siya nang maisip ulit ang nangyari sa kanya. Hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang gawin sa buhay niya.
***
Nagising siya nang maramdamang may humahaplos sa hita niya. Nang imulat niya ang kanyang mata, tumambad sa harap niya ang matandang may-ari ng bahay na tinutuluyan niya.
Napabalikwas siya, pagtatangkaan na naman ba siyang gahasain? Bigla siyang napatayo nang hindi inalis ng matanda ang kamay sa hita niya.
Mabilis niyang tinungo ang pinto. Ayaw na niyang sumigaw, pagod na siyang sumigaw ng saklolo dahil wala din namang tutulong sa kanya. Nangyari na ito sa kanya ng dalawang beses at batid niyang ang sarili lamang niya ang maaaring magligtas sa kanya.
Tumakbo siya sa kanan pero wala naman siyang makitang hagdan kaya bumalik siya at tumakbo ulit pakaliwa. Sakto namang nakalabas ang matanda sa kuwarto at hinila ang buhok niya. Nagpumiglas siya sa kabila ng sakit na dulot ng paghablot sa kanya ng matanda.
"Dito ka nalang tumira, aalagaan kita!" saad ng matanda habang patuloy siyang nagpupumiglas. Hindi na niya ito sinagot bagkus ay buong lakas na tinanggal ang kamay nito. Di na niya alintana kung matanggal ang buhok niya, ang importante ay makaalis na siya ng bahay.
Mabilis siyang tumakbo, nabuhayan siya ng pag-asa nang makita ang hagdan. Pero mabilis ding sumunod sa kanya ang matanda.
"Bibigyan kita ng maraming pera, wag ka lang umalis!" saad pa rin ng matanda. Nahawakan siya nito sa braso ngunit tinabig niya lang ito saka tumakbo na pababa ng hagdan. Nasa gitna siya ng hagdan nang makarinig siya ng kalabog. Paglingon niya, nakita niya ang matanda na mabilis na napadausdos sa hagdan.
Nahintakutan siya nang tuluyan na itong malaglag sa hagdan. Pagtingin niya rito ay mukha na itong walang buhay.
Dahil sa pagkabigla at takot, mabilis siyang lumabas ng bahay at walang lingon-likod na tumakbo palayo ng lugar.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro