Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

A Woman's Rage (4)

Claire's POV

Ilang araw lang ang itinagal ng matanda sa ospital bago ito tuluyang namatay. Nakipagluksa din ako para naman di nila maisip na ikinatuwa ko rin ang nangyari.

Marami ang dumalo, palibhasa ay mayaman ngunit ilan lang ang tinandaan ko. Yung talagang mayayaman na kakilala niya.

Nandito kami ngayon sa sala at hinihintay ang abogado para sa last will and testament ng matanda.

"So let's start." Saad ng abogado. Napatingin ako sa dalawang anak ni Fajardo, tumango naman ang mga ito.

"Ang bahay ko sa Los Angeles ay iniiwan ko sa anak kong si Franie at ang bahay ko sa Florida ay iniiwan ko naman kay Freda." Umpisa ng abogado. Nakayuko lang ako. I don't care about those houses.

"Ang mansion ko sa Forbes ay iiwan ko sa aking dalawang anak na sina Franie at Freda. Ang 60 million sa bangko ay paghahatian nina Franie, Freda at ng aking asawa na si Claire." Napatingin ako ng marinig ko ang pangalan ko. I looked at his daughters, ngumiti naman ang mga ito sa akin.

20 million para sa mahigit apat na buwang pagpapakasasa sa katawan ko? Ang damot naman ng matandang manyak na yun!

"Ang condo tower sa Makati, resthouse sa Tagaytay, dalawang resorts at tatlong hotel na nakapangalan sa akin ay automatikong ililipat sa pangalan ng aking asawa na si Claire sa oras na ako'y mamatay."

"What!?" halos magkasabay na bulalas ng magkapatid nang marinig ang huling bahagi ng testamento.

Parang gusto kong lundag sa tuwa. Okay din pala ang matandang hukluban. Marunong magbalik ng pabor.

"I'm sorry pero ito ang habilin ng ama niyo kaya kailangan nating sundin." Saad ng abogado sa dalawa. Napadako ang tingin nila sa akin. I didn't move. Kahit naman magwala sila. Akin na ang mga iyon. Wala na silang magagawa.

Pigil na pigil ang galit ng dalawa hanggang sa makaalis ang abogado.

Tumayo ako para umakyat na. Kailangan ko ng mag-empake. I don't own this mansion.

"Hindi mo naman siguro aariin ang lahat di ba?" saad ng nakababatang anak ni Fajardo. Lumingon ako para tingnan siya. Hindi ako nagsalita at muling tumalikod.

There is no way I will give it to them. Katawan ko ang ipinuhunan ko para makuha ang mga iyon.

Wala silang magagawa, everything is mine now. Mine alone!

***


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro