Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
__________



Sa sumunod na araw ay dinalaw ako ni Elaine. Pinipilit ako nitong sumama sa kanilang family reunion na gagawin sa isang resort.

"Jimenez ka na din!" sabi pa nito sa akin habang kumakain kami ng dala niyang cake.

Pero napayuko na lamang ako. "Ayoko sumama, Nahihiya ako" malumanay na sagot ko sa kanya.

Pabiro ako nitong hinampas sa braso. "Mga pinsan lang naman namin iyon, Samantha. Every year nagplaplano si Ate Yesha ng Christmas vacation para sa mga magpipinsan. Asawa ka ni Kuya kaya kasama ka. Kasama lahat." Pamimilit niya pa sa akin.

"Si Luke na lang. Habang nasa bakasyon kayo, Uuwi na lang muna ako kila Mommy" sagot ko.

Pero inirapan ako nito at tsaka humba ang kanyang nguso. "No, Sam. Kasama ka, You are a freaking Jimenez now! Yes, Palagi na tayong magkasama sa mga outing!" natutuwang sabi pa niya sabay yakap sa akin.

Hindi nagtagal ay dumating na si Luke. "Anong ginagawa mo dito, Baby?" Tanong ni Luke dito tsaka hinalikan si Elaine sa ulo.

"Don't call me baby, Kuya. Mag kasing tanda lang kami ng asawa mo!" pagsusuplada ni Elaine dito.

Tumawa lang si Luke dahil dito at akmang hahakbang na sa hagdan ng nagsalita muli si Elaine. "Oh? Asan yung kay Samantha?" tanong nito na maging ako ay naguluhan din.

"Huh?" nagtatakang tanong ni Luke.

Tumaas ang isang kilay ni Elaine dahil dito. "Kadadating mo lang. Hinalikan mo ako sa noo eh asaan yung sa asawa mo?" tanong pa nito.

Tamad akong tingnan ni Luke pero nagawa pa din niyang ngitian si Elaine. "Mamaya kami magtutuos niyan pag wala ka na, Istorbo ka eh!" natayawang sabi ni Luke, pero nalulungkot ako. Mamaya kami magtutuos pag wala na si Elaine, Mamaya niya ako bubugbugin.

"Ayiee, Gusto ko ng magkaroon ng pamangkin" hiyaw niya.

Natuwa ako dahil sa reaction nito, para nanaman kasi siyang nababaliw. "Bakit hindi ka pa kasi magasawa!" biro ko sa kanya pero mali dahil napatingin ako kay Luke at nagdilim nanaman ang paningin niya.

"Ano ka ba... ay wait" napahinto siya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. "Sasagutin ko lang to" paalam niya sa akin tsaka lumabas.

Bigla akong natakot dahil kami nanamang dalawa ang naiwan dito. Agad akong tumayo para sana ilagay sa kusina ang pinagkainan namin ng padarag na hinablot ni Luke ang braso ko. 

"Napaka bad influence mo talaga sa kapatid ko, Balak mo pang hawahan ng ugali mo!" madiing sabi niya kasabay ng paghigpit ng hawak niya sa braso ko.

"Masakit Luke..." daing ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko pero agad niya akong itinulak. "Don't touch me! Nakakadiri ka!" sabi niya pa sa akin.

"Oh! Nandito pa ako! Excited kayo masyado!" pangaasar ni Elaine ng maabutan niya kami.

"Hahatid na kita baby. Delikado sa labas" sabi nito sa kapatid.

"Hindi na Kuya, May lakad pa kami ng mga kaibigan ko. Basta ininform ko na si Samantha tungkol sa early Christmas vacation natin nila Ate Yesha" sabi nito sa kapatid bago humalik sa akin at sa Kuya niya.

"Bye, Enjoy!" natatawang sabi niya pa sa amin.

Nang makalabas si Elaine ay hinarap ko si Luke. "Kung gusto mo, hindi na lang ako sasama Luke" paguumpisa ko.

Inirapan niya ako matapos samaan ng tingin. "Ayoko naman talagang isama ka. But, wala na akong choice!" mapanuyang sabi nito.

Nang dumating ang araw ng kanilang christmas vacation ay maaga kaming naghanda ni Luke. Ayoko man sanang sumama para hindi na ako makarinig pa ng kung ano galing kay Luke ay wala din akong nagawa dahil kailangan.

"Samantha! That bitch! Samantha!" inip na sigaw ni Luke.

"Andyan na..." nagmamadaling akong bumaba sa hagdan. Tapos na kasi ito at nasa labas na.

"Ano pa bang arte mo? Paimportante ka masyado!" sabi nito at tsaka nagdadabog na sumakay sa kanyang sasakyan.

Hindi ko alam kung saan ako sasakay kaya naman ng hindi pa din ako kumikilos ay binusinahan ako ni Luke dahil sa pagkainis.

"Ano pang hinihintay mo diyan? Pasko? Punyeta napakatagal!" inis na sigaw nito sa akin.

"Sa...san ako sasakay?" malumanay na tanong ko sa kanya.

Mas lalo itong nainis. "Tangna! sa gulong gusto mo!? Sumakay ka na! wala talagang araw na hindi mo ako binibwiset! Panira ng araw..." gigil na sabi nito.

Kaya naman pumasok agad ako at sumakay sa harap. "Ano bang laman ng utak mo? Wala ka na bang ibang alam kundi puro kalandian!?" asik niya sa akin habang dinuduro pa pagpasok ko sa loob ng sasakyan.

"Ayaw mo kasi akong katabi diba? Kaya hindi ko alam kung saan ako lulugar..." mahinang sagot ko sa kanya habang nakayuko.

"Sumasagot ka na ngayon?" galit na tanong niya sa akin, ano mang oras ay parang sasaktan nanaman ako nito.

"Nagtatanong ka kasi..." naluluhang sabi ko.

Agad niyang hinawakan ng mahigpit ang panga ko. "Punyeta napakatanga mo, Wala kang alam gawin kundi puro konsumisyon!" pagbabanta nito at padabog akong binitawan.

"Mag seatbelt ka, pag ako nagkabit niyan sasakalin pa kita!" sabi nito at mabilis na pinaandar ang sasakyan. Hindi na lang ako umimik buong byahe, Mumunting hikbi ko lang ang naririnig ko. Sa may bintana na lang din ako nakaharap para hindi niya makitang umiiyak ako.

Matapos ang ilang oras na byahe ay nakarating na kami sa isang maganda at malaking resort sa may Batangas. Ang nakakatandang pinsan nila ang nagmamayari nito. Maririnig mo kaagad ang tunog ng alon mula sa may entrance. Napakaganda.

"Luke bro! long time no see!" natatawang bati sa kanya ng isang gwapong lalaki. Mukhang pinsan niya, pero mas gwapo pa din si Luke para sa akin.

"Sebastian..." nakangiting tawag ni Luke dito. Niyakap ni Luke ang lalaking iyon pagkatapos.

"Kasama ko ang asawa ko..." sabi nito at tsaka lumingon lingon para tawagin ang kanyang asawa.

"Babe!" tawag niya sa babaeng mayroong mahaba at kulot na buhok.

"Meet Carol, my wife" pagpapakilala nito at tsaka niya hinapit ito at hinalkan sa ulo.

"Luke..." pagpapakilala naman nito at naglahad ng kamay kaso ay pinalo iyon ni Sebastian.

"No touch bro!" laban ni Sebastian dito.

"Possessive asshole!" akusa ni Luke sa pinsan na pinagtawanan lang din nilang dalawa. Agad namang nabaling ang pinsan niya sa akin. "Ito ba ang asawa mo?" tanong niya habang nakatingin sa akin.

Tamad na tumango si Luke. "Samantha..." nakangiting pagpapakilala ko sa kanya. Pero hindi na lang ako naglahad ng kamay dahil baka magalit lang si Luke, sabihing naglalandi nanaman ako.

Naputol ang pagpapakilala namin ng lumapit ang mga pinsan niya at pinagkaguluhan siya. 

"Si Elaine?" tanong niya sa mga ito.

"Papunta na sila..." biglang sagot ng isang babaeng mukhang sopistikada. Ito na siguro si Ate Yesha.

Nabaling ang tingin niya sa akin at agad tumaas ang kilay niya. Nalayo ako kay Luke ng hilahin siya ng mga pinsan niya sa kung saan. Naiwan kami ni Ate Yesha. "You are Samantha, right?" masungit na tanong niya.

"Opo, Ate Yesha..." nakangiting sagot ko sa kanya.

"Don't call me Ate..." masungit na sabi nito.

"Ok na sana si Grace noon. Kawawang Luke, bakit sa isang basura pa bumagsak" panlalait nito sa akin bago niya ako iniwang magisa.








(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro