Chapter 7
Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
"TangIna talaga. Napakamalas ko." Inis na sabi nito sa sarili
Muli niya akong binalingan, ang talim ng tingin niya sa akin. "Kagagawan mo Itong lahat!" turo ni Luke sa akin. "Kung hindi ka ba naman malandi!" sabi nito pero hindi na nadugtungan pa ng hinila na siya ni Matteo palayo sa akin.
Napalunok ako. "Sorry..." paumanhin ko kay Zyrene dahil nasaksihan pa niya ang mga ganitong ganap.
Kita ko ang pagaalala nito sa akin. "Lagi ba?" tanong niya sa akin. Pero imbes na sumagot ng totoo ay napailing na lamang ako.
"Kasalanan ko naman, tatanga tanga kasi ako kaya ganyan " sabi ko pa.
Hindi ko alam kung anong pinagusapan nila Matteo at Luke sa may dinning. Pero nanatili lang kami ni Zyrene sa may sala. Hindi nagtagal ay lumabas na ang dalawa, pero kaagad dumiretso si Luke paakyat sa kanyang kwarto.
"Cellphone mo?" tanong ni Matteo sa akin. Hindi ko alam kung para saan pero ibinigay ko naman iyon kaagad sa kanya.
"Ilalagay ko dito ang number naming dalawa ni Zyrene. Pagnaulit ito, tawagan mo kami, bubugbugin ko na yang lalaking yan" sabi ni Matteo habang nagtatype sa cellphone ko.
Napangiti na lamang ako. "Salamat..."
"Aalis na kami. Tumawag ka, wag mong hahayaang bugbugin ka ng gagong yon!" sabi ni Matteo.
"Tumawag ka ha!" nagaalalang sabi din ni Zyrene.
Napapaluha na lamang ako pag naiisip ko kung gaano kawalang pasencya sa akin ang aking asawa. Pagkatapos kong magligpit ay nagkulong na lamang ako sa kwarto dahil masama pa din talaga ang pakiramdam ko. Magpapahinga muna ako, bababa ako mamaya para maghanda ng tanghalian.
Nang makaidlip ay nagkaroon ako ng konting lakas. Bumaba na ako para makapagluto. Ngayon araw ang birthday party ni Daddy. Siguradong busy silang lahat para sa paghahanda. Isa na rin siguro sa dahilan kung bakit hindi pumasok si Luke ay dahil imbitado siya. Pasado alas onse na ako nakapagluto. Nahirapan pa akong maghiwa dahil sa mabigat pa din ang aking pakiramdam.
Habang hinihintay na maluto ang ulam na niluluto ko ay napaupo ako sa may kitchen counter at duon idinukdok ang ulo ko. Sobrang bigat kasi nito. Napaangat lamang ako ng tingin ng narinig ko ang pagbukas ng refrigirator. Nakita ko si Luke na naglalagay ng yelo sa ice pack. Napansin ko kaagad ang pasa nito sa kanyang pisngi.
"Ako na diyan..." pagprepresintang sabi ko.
Pabato niya iyong inabot sa akin, pero napangiti pa din ako. Ako na ang nagtuloy na lagyan iyon ng yelo, Samantalang umupo naman si Luke sa kinauupuan ko kanina.
Matapos kong malagyan iyon ay lumapit ako sa kanya at ako na ang nagdampi nuon sa kanyang pasa. Kung hindi dahil sa katangahan ko kanina hindi niya ako sisigawan ng ganun. Hindi din sana siya masusuntok ni Matteo. Kasalanan ko talaga.
Kahit papaano ay natuwa ako sa aming posisyon. Nakaupo siya habang ako ay nakatayo sa harap niya, Para lang kaming normal na magasawa. Ang saya siguro nun. Kaya naman agad akong napangiti.
Kumunot ang noo ni Luke ng makita niya."Stop smiling, Bitch" mahinahong suway nito.
Napanguso na lamang ako at pinagtuonan ng pansin ang kanyang pasa. Pero sabik talaga akong makausap siya.
"Pupunta ka ba sa party ni Daddy?" tanong ko sa kanya.
"Yah..." tamad na sagot niya sa akin.
Kung ganoon pwede kaya akong sumama sa kanya? "Pwede bang..." hindi ko pa natuloy ang sasabihin ko ng kinontra niya na kaagad ito.
"Ayaw kang makita ni Daddy duon. Wag mo daw sirain ang party niya, Isa ka pa naman daw dakilang panira..." nakatinging sabi nito sa akin. Nakipagtitigan ako sa kanya at nakita kong walang bahid ng kalokohan iyon. Mukhang natutuwa pa siyang makita akong nasasaktan dahil sa mga sinasabi niya. kaagad naginit ang mata ko pero pumatak na ang luha ko dahil sa sumunod niyang sinabi.
"Ayaw niya daw makakita ng basura don". Walang kaemo-emosyong sabi nito.
Dahil sa pagnamnam ko sa mga salitang sinabi niya ay napatigil ako sa paggagamot sa kanyang pisngi. "Akin na nga yan. Dami mong arte!" sabi niya tsaka inagaw ang nasa kamay ko pero, nagulat at nailang ako ng nagkadikit ang mga kamay namin. Para akong nakuryente. kaagad naginit ang magkabilang pisngi ko at napayuko.
"Tss...Don't act like you're innocent, Samantha. Because, it was never your first" sumbat niya sa akin tungkol sa nangyari sa amin.
Tumayo siya para umalis ng kaagad ko siyang niyakap kahit nakatalikod. Mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Kahit sa ganitong paraan ay masaya na ako. Ang sarap sa pakiramdam na yakap yakap ko siya ngayon.
"Remove your fucking hands, Samantha. Kung ayaw mong masaktan" banta nito sa akin.
Pero imbis na bumitaw ay mas lalo kon siyang niyakap ng mahigpit. "I feel so unwanted." humahagulgol na sabi ko sa kanya.
"Mahal lang naman kita, Mahal ko si Daddy. Wala naman akong ginagawang masama. Lahat naman ginawa ko na, Ano pa ba? Ano pa bang kulang?" Umiiyak na tanong ko.
Hindi siya nagsalita. Nabato na lamang siya sa kanyang kinatatayuan. Pero kalaunan ay dahan dahan niyang tinanggal ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya at nang magtagumpay ay walang imik itong dumiretso paakyat sa itaas.
Nang mag alasais na ng hapon ay nanatili akong nakahiga sa aking kama at nakabaluktot dahil sa lamig. Hindi na ako nagabalang gumawa ng dinner dahil aalis naman si Luke. Mataas ang body temperature ko base na din sa huling kuha ko gamit ang thermometer. Inalagaan ko ang aking sarili, hindi na bago iyon sa akin dahil bata pa lang ay ako na mismo ang nagaalaga sa aking sarili.
(FlashBack)
Malakas ang buhos ng ulan sa labas ng aming bahay. Wala sina Mommy, Daddy, at Ate Sabrina. Nakatanaw lamang ako sa may bintana. Hanggang sa naisipan kong ilagay na lamang sa opisina ni Daddy ang mga letter ko para sa kanya.
Pumasok ako sa opisina niya. Dahil hindi ko naman kabisado ito at hindi ko makapa ang ilaw ay nakasangga ako sa isang babasaging bagay. Gumawa iyon ng malakas na ingay sa buong kwarto. Kinapa ko iyon at napangiwi ako ng nabubog at nasugatan ang aking kamay.
"Anong ginawa mo!?" isang malakas na sigaw ang narinig ko kasunod ng pagbukas ng ilaw sa kwarto.
Natakot. "Daddy..." tawag ko sa kanya.
Kita ko ang biglaan nitong galit. "Walang hiya kang bata ka! Stupida" sigaw niya pa at kaagad akong sinampal.
Nabigla ako dahil sa lakas nuon, nakakabingi. "Samuel, Samuel..." mahinang pagbulong ni Daddy.
Kaagad akong napatingin sa nabasag ko kanina at nakitang ang urn ng abo ni Kuya Samuel ang nabasag ko. "Daddy, sorry..." sabi ko at akmang lalapitan ko ito ng itinulak niya ako kaya naman napasubsob ako.
"Wala kang idinulot sa pamilyang ito kundi puro kamalasan. Sana ikaw na lang ang namatay at hindi ang anak kong si Samuel!" galit na sigaw nito.
"Anak niyo din po ako, Daddy..." umiiyak na paalal ko sa kanya pero agad nagdilim ang kanyang aura at kaagad ako nitong itinayo gamit ang pagkakasakal.
"Wala akong anak na kagaya mo!" sigaw niya sa pagmumukha kong punong puno na ng luha.
Napaubo ako dahil sa pagkakasakal niya. "Daddy hindi po ako makahinga" nahihirapang sabi ko. Pero wala siyang pakialam. Mula sa pagkakasakal sa akin ay hinigit niya ng mahigpit ang aking braso.
"Lumabas ka sa pamamahay ko!" sabi nito at kinaladkad ako pababa. Muntik na nga akong mahulog pero wala lang siyang pakialam.
"Sonny wag! Maawa ka naman sa anak mo!" pagpigil ni Mommy sa kanya ng makarating na kami sa may sala.
"Hindi ko anak tong walang kwentang batang to!" sabi ni Daddy at parang gamit akong hinagis palabas ng bahay. Hinyaan niya ako duon kahit pa malakas ang buhos ng ulan.
Giniginaw na ako dahil sa lamig. Ilang beses tinangka ni Mommy na tulungan ako pero hindi niya kaya si Daddy. Mag dadalawang oras na akong nakaupo sa may harapan ng gate namin. Sinubukan na din akong bigyan ng mga guard ng payong pero tinakot sila ni Daddy na sisisantehin.
Nakatulog ako sa kakahintay, pero nagising ako sa pagyugyog sa akin ni Mommy. Tumila na din ang ulan. Nasa harapan ko ngayon si Mommy na namamaga ang mata dahil sa pagiyak.
"Sorry ,baby" umiiyak na sabi nito sa akin bago niya ako mahigpit na niyakap.
Pero bigla na lang akong nawalan ng malay. Nagising na lamang ako habang pinupunasan ni Mommy ang aking buong katawan. "Humigop ka muna ng sabaw" sabi sa akin ni Mommy at dahan dahan akong pinaupo.
Nasa kalagitnaan pa lamang ako ng pagkain ng bigla dumating si Daddy. "Sophia ,matulog ka na. Wag mong pagaksayahan ng oras yang walang kwentang batang yan. Istorbo, Masyadong maarte!" sabi nito kay Mommy.
Paalis na sana siya ng humirit pa siya ng isa. "Malas"
(End Of FlashBack)
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro