Chapter 6
Warning: This might contain words, settings and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
Pinilit kong tumayo kahit pa nanginginig ang katawan ko dahil pa din sa matinding takot. Matapos niyang makaraos ay kaagad niya akong iniwan duon. Nakaramdam ako ng galit para kay Luke pero masyado ko siyang mahal kaya naman alam kong matiis ko pa din ito. Nangako akong hindi ko siya iiwanan sa hirap o sa ginhawa. Kung kailangan kong magtiis bago niya ako matutunang mahalin ay gagawin ko.
Dumiretso ako sa aking kwarto at kaagad na sumalubong sa akin ang dilim. Mariin akong napapikit ng muli ko nanamang marinig ang tawanan ng mga lalaking umabuso sa aking noon. Dahil duon ay napatakip na lamang din ako sa aking tenga.
"Wag Po!..."
"HAHAHA!!!"
"Mommy..."
"Good bye, little Samantha!"
"BANG!"
Napasigaw ako dahil sa pagbabakasakaling maalis sila sa isipan ko pero hindi ako nagtagumpay, hindi mawala sa isip ko ang boses nila. Rinig na rinig ko pa din iyon. Wala na akong nagawa kundi ang tumakbo para sana takasan iyon hanggang sa hindi ko na namalayang nakalabas na ako sa aming bahay.
Iyak ako ng iyak habang naglalakad ako sa kalsada, hindi ko pa din alam kung saan ako pupunta. Gabi na at tahimik na ang paligid, hanggang sa napunta na lamang ako sa may playground ng subdivision.
"Ayoko na..." umiiyak na sambit ko at nagsumiksik sa ilalim ng slide. Napasigaw ako ng biglang kumidlat. Dahil na din sa lamig ng gabi ay napayakap na lamang ako sa aking sarili. Muli kong ipinikit ang aking mga mata at muling naalala ang umpisa ng lahat.
(FlashBack)
Naglalaro kami sa playground ng mga kaibigan ko ng biglang may humintong kulay puting van. Lumabas mula duon ang hindi bababa sa limang lalaki. Lumapit sila sa amin at kaagad nilang kinuha ang isa sa mga kaibigan ko. Dahil sa takot ay nagtakbuhan kami palayo. Pero sa aking pagtakbo ay narinig ko ang pagiyak ng aking kalaro kaya naman muli akong bumalik para puntahan siya.
Sinundan ko ang mga lalaking kumuha dito at patagong sumakay sa likod ng puting van. Nagulat ako ng kaagad na may nahulog na baril sa aking gawi.
"Mommy!" Umiiyak na tawag ng kaibigan ko sa Mommy niya.
"Manahimik ka!" nakakatakot na sigaw ng isang lalaki.
Dahil sa gulat ay napasigaw din ako kaya naman dahil sa takot at napaiyak na lang.
"Punyeta sino to?" gulat na sabi ng lalaking nakakita sa akin.
(End Of FlashBack)
Biglang bumuhos ang malakas na ulan, pero hindi na ako nagpagod pa na tumakbo at sumilong para hindi ako mabasa. Hanggang sa nakita ko si Luke.
"Anong kaartehan nanaman ito, Samantha?" inis na tanong niya sa akin.
May hawak itong payong. Sa likod niya ay ang dalawang guard ng subdivision. "Nakita ho kasi namin siya kanina pa umiiyak diyan. Hindi naman po namin malapitan" paliwanag ng isa sa mga guard kay Luke.
Napatango ito. "Ako na ang bahala dito" sabi niya sa mga ito. Umalis ang mga gwardya kaya naman ng kaming dalawa na lamang ay kaagad niyang inabot ang aking braso at mahigpit na hinawakan iyon. Hindi ako umimik kahit sobrang sakit na non.
Hinila niya ako patungo sa sasakyan at padarag na ipinasok. Tahimik lamang siya habang pabalik kami sa bahay. Hindi rin naman ako nakaimik dahil sa lamig dala ng basa kong katawan at ang lamig sa loob ng sasakyan.
Pagdating naman sa bahay ay dali dali niya ako muling hinila papasok at tsaka sinampal. "Wala kang ibang ibinigay sa akin kundi puro kahihiyan" galit na utas niya.
"Hindi ko na kaya...natatakot ako" umiiyak na sumbong ko sa kanya habang nanginginig pa din ang katawan ko dahil sa lamig.
"Ayoko na silang maalala. Natatakot ako Luke!" sumbong ko sa kanya at umiiyak na napasubsob sa aking mga palad.
"Hindi mo na pala kaya eh, edi umalis ka na" walang kaemoemosyong sabi niya sa akin.
Hindi na lamang ako nakaimik pa. "Bukas na bukas, linisin mo ang buong bahay pati na din ang sasakyan ko. Wala ka talagang kwenta, istorbo" sabi pa niya sa akin bago na siyang naunang umakyat sa kanyang kwarto.
Hinang hina ako ng gabing iyon, hindi ko alam kung hanggang kailan kakayanin ng katawan ko ang lahat ng ito, pero ramdam ko na talaga ang pagod.
Tumunog ang alarm ko kinaumagahan, kahit gusto ko pang manatili sa pagkakahiga ay hindi ko magawa dahil kailangan ko ng bumangon para paghandaan si Luke ng almusal. Ilang pilit ko pa sa katawan ko ay hindi din ako nagtagumpay. Muli akong kinain ng antok.
Mula sa aking muling pagkaidlip ay bumangon na ako. Tanghali na at medyo nagulat pa ako ng hindi man lang ako pinuntahan ni Luke sa kwarto para gisingin. Mabigat ang pakiramdam ko at ramdam na ramdam ko ang init ng aking katawan, mukhang nilalagnat ako. Pagkababa ko ay naabutan ko si Luke na nakaupo sa may sofa at nanunuod ng basketball sa tv.
"Hindi ka pumasok?" gulat na tanong ko sa kanya.
Tamad niya akong tiningnan at inirapan bago niya muling ibinalik ang tingin sa pinapanuod.
"Pakialam mo ba. Hindi naman ikaw ang nagpapasahod sa akin, Ako pa nga ang nagpapalamon sayo!" galit na singhal nito.
Natahimik na lamang ako. Hindi na ako nagsalita dahil masyado pang mahina ang aking katawan para tumanggap ng pamimisikal niya.
Nagtimpla ako ng kape bago uminom ng gamot. Hanggang sa may biglang nag doorbell.
"Buksan mo nga iyon, punyeta ang ingay" iritadong reklamo ni Luke. Kahit tuloy nanghihina ay tinakbo ko iyon para pagbuksan.
Pagkabukas ng gate ay kaagad kong naabutan ang kaibigan nito at ang girlfriend niya. "Matteo ano ba! tumigal ka diyan!" Dinig kong suway nito sa kanyang boyfriend.
Nang mapansin na nila ang presencya ko ay kaagad itong ngumiti sa akin."Hello, Samantha!" nakangiting bati nito sa akin.
"Pasencya ka na sa ingay, ito kasing si Matteo na aabno nanaman!" paumanhin ni Zyrene at inirapan si Matteo.
"Ha! wag mo akong irapan ng ganyan, Baby. Baka iuwi kita ng wala sa oras at mapagod ka!" nakangiting pangaasar ni Matteo dito. Kitang kita ko ang biglang pamumula nito.
"Manahimik ka!" pagsusuplada ni Zyrene.
Napangisi na lamang si Matteo, ganyan talag silang dalawa, makulit. "Pasok kayo..." nakangiting sabi ko. Agad silang sumunod sa akin kahit hindi pa din natatapos ang pagbabangayan nila.
"Humanda ka sa akin mamaya Mrs. Samonte papagurin kita!" humahalakhak na pangaasar ni Matteo sa girlfriend.
"Hindi naman kita papakasalan!" balik na sabi nito.
"Paanong hindi mo ako papakasalan eh, bubuntisin kita!" sabi nito.
"Pervert!" inis na bulyaw ni Zyrene.
Hanggang sa nakapasok na kami sa bahay at nakita na nito ang aking asawa."Luke!" nakangising tawag ni matteo dito at pagkatapos ay binatukan ang aking asawa.
"Putang...ano ang kailangan mo!?" bulyaw na tanong ni Luke dito.
"Goodmorning din!" pangaasar ni Matteo. Agad niyang hinapit si Zyrene sa bewang para paupuin sa sofa katabi niya.
"Kukuha lang ako ng maiinom niyo. Ano bang gusto niyo" tanong ko sa aming mga bisita.
Nagulat ang mga ito. "Bakit, wala ba kayong katulong?" tanong ni Matteo pero agad siyang siniko ni Zyrene dahil sa kadaldalan.
Sasagot pa lang sana ako ng bigla ng sumagot si Luke at pinatay ang TV. "Eh anong silbi niyan kung kukuha pa ako ng katulong?" walang emosyong sabi nito.
Kaagad kumunot ang noo ni Matteo "Hey, Bro..." suway niya sa kaibigan.
Para pababain ang tensyon ay kaagad tumayo at lumapit sa akin si Zyrene."Tulungan na kita!" sabi niya sa kin kaya naman magkasama kaming pumunta sa kusina. Gumawa kami ng dalawang kape kara kay Matteo at Luke, Juice naman ang kay Zyrene.
"Eh ikaw?" tanong niya sa akin.
Tipid ko itong nginitian."Kakatapos ko lang kumain" sabi ko.
Muli kaming bumalik sa may sala habang dala dala ni Zyrene ang juice niya at ang kape ni Matteo at ako naman ay dala ang para sa aking asawa.
Naabutan namin ang mga ito na naguusap. "Sige na, Luke. Ang KJ ng gagong toh!" pamimilit na sabi sa kanya ni Matteo.
Inis na napakamot si Luke sa kanyang batok. "Ayoko nga sabi!" iritadong sagot pa nito
"Sasama nga si Kervy at si Grace!" sabi pa ni Matteo.
Grace...
Dahil sa pagiisip ay hindi sinasadya akong natapilok dahilan kung bakit natapon ang hawak kong kape kay Luke. Malakas itong napasigaw at napamura.
Napatayo si Luke kaya naman tumayo din sina Matteo at Zyrene para daluhan ito. "Sorry, Luke. Hindi ko sinasadya" nagaalalang sabi ko sa kanya.
Lalapitan ko na sana siya para tulungan siya ng kaagad niya akong sinampal. "Nananadya ka ba talaga? Napakatanga mo!" galit na sigaw niya sa akin at akmang lalapitan ako ulit ng bigla ng pumagitna si Matteo.
"Bro, wag ganyan!" suway nito sa kanya.
Pero ayaw magpaawat ni Luke, gusto niya talaga akong lapitan para saktan. "Putangina, Matteo umalis ka diyan papatayin ko yang walang kwentang babaeng yan" galit na sabi niya habang dinuduro ako.
Pero kaagad siyang natahimik ng suntukin siya ni Matteo na ikinagulat din niya.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro