Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 59

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________



"Saan Nanggaling ang wound mo Lolo?"

Tanong ni Lucas, Nasa bahay kami ngayon nila Mommy. Dinalaw namin si Daddy dahil nung isang araw pa lamang ito nakauwi galing sa hospital. Ngayon ay ako ang nagpapalit ng gasa ng sugat niya habang nakatayo sa gilid namin ang kambal. Nasa may likod ng balikat ang sugat nito.

"Nakipag laban ako sa isang witch apo..." natatawang sagot niya sa mga ito.

Agad nanlaki ang mata ng kambal. "What kind of witch Lolo? The one that have a magic stick? or the witch that rides a flying broom?" Namamanghang tanong ni Suzy.

"The witch that have a gun, Baby..." humahalakhak na sagot ni Daddy.

Agad napasimangot ito. "Wala naman pong ganuon, Lolo" nakangusong sabi nito.

"Just kidding" nakangiting sabi nito at hinagkan ang dalawa.

Iniwan ko silang tatlo duon sa may kwarto para bumaba sa may kitchen para tumulong kay Mommy. Bago pa man ako makapunta duon ay nakasalubong ko si Ate Sabrina.

"Samantha" tawag niya.

"Bakit Ate?"

"Sorry...Sorry sa Lahat" sabi niya pero sa ibang direction nakatingin.

"Ano ulit?" mangiyakngiyak na tanong ko, dahil sobrang unexpected nito.

Masungit itong bumaling sa akin. "Bingi lang?" pagsusuplada niya.

Hindi na ako sumagot at mabilis siyang niyakap. "Wala yun Ate, sorry din sa lahat ng nagawa ko sayo. Sa kakulitan ko..." umiiyak at tumatawang sabi ko sa kanya, pero lalong nadagdagan ang kasiyahan ko ng ginantihan niya ang yakap ko.

"Shhh...Epal ka naman eh, Ako yung nanghihingi ng sorry nakiki-epal ka!" natatawa pero medyo paos na sabi niya.

"Sorry, Sana mapatawad mo ako Sam. Alam kong marami akong hindi magandang nagawa sayo, pero promise babawi ako" paniniguro niya.

Agad akong humiwalay at hinarap siya. "Wala na yon Ate, ang mahalaga ngayon ayos na ang lahat. Matagal na kitang napatawad, Ang importante ngayon masaya na tayo. Ok na kami ni Daddy, May ate na din ako..."

Akala ko ay matutuwa siya sa sinabi ko pero inirapan niya ako at ginulo ang buhok ko. "Tsk. Bakit kaya hindi ka man lang naambunan ng konting kasupladahan? Tingnan mo ako? ikinakaganda ko yun!" mataray na pangaral niya.

"Ha?"

Mas lalo siyang nainis sa inasal ko "Hay naku ewan ko sayo..." natatawang sabi niya at inakbayan ako.

"Masyado kang mabait, ang bilis mong magpatawad..."

"Edi hindi muna kita patatawarin?" pangaasar ko sa kanya.

Napabitiw sa pagkakaAkbay sa akin. "Gaga! wala ng bawian!" pagsusungit niya na ikinatawa ko lang.

"Teka kamusta na yung worth a million dress mo?" nakangiting tanong niya.

Tinawanan ko lang siya hanggang sa muli siyang magsalita. 

"Teka! sabihin mo nga sa kanya pakilala ako dun sa pinsan niyang si Nathan!" nakataas kilay na hamon niya.

"Si Nathan? Bakit type mo?" tanong ko.

"Ay hinde! Luka! malamang!" panunuyang sabi niya.

"Sige na nga. Para mabawasan yang kasungitan mo, kailangan mo na ng lovelife!" biro ko.

"Good!" nakangising sabi nito at nakipagApir pa.

Sobrang saya ko dahil kaming tatlo nila Mommy at Ate Sabrina ang naghanda para sa dinner, Ngayon ko lang naramdaman ang ganito, sobrang saya.

"Good evening, Dad!" dinig kong sabi ni Luke na malamang ay kararating lang.

"Daddy!" sigaw nung kambal. Nasa sala si Daddy at ang kambal, samantalang kaming tatlo ay nasa may dinning at naghahain.

"Sige anak tawagin mo na sila, at makakain na..." utos sa akin ni Mommy.

Tumango lang ako dito at tumungo sa sala, Nakasalubong ko pa si Fiona na nakayuko.

"Mommy kailan ako magkaka Daddy?" tanong nito kay Ate Sabrina na na naglalagay ng mga plato, napahinto pa nga ito bago bumaling sa anak.

"Mommy, Tawag ka ni Daddy!" nagulat ako ng biglang sumulpot ang kambal sa harap ko at hinila ako papuntang sala kaya naman di ko na narinig ang paguusap nila Ate.

Mula sa pagkakaupo ay tumayo si Luke at mabilis akong nilapitan. "Hi..." malambing na bati niya.

"Hi...Ginabi ka" masungit na sabi ko at umakto pang tumingin sa suot kong relo. "Tss...Baka Nambabae ka don" dugtong ko pa.

Tiningala ko si Luke pero ngisi lang ang sinalubong niya sa akin. Hinihintay ko siyang sumagot, pero mukhang wala siyang balak, kaya naman tinaasan ko siya ng kilay pero nagulat ako ng hinawakan nito ang baba ko at mabilis na hinalikan ang labi ko. Akala ko simpleng halik lang pero nabigla talaga ako ng mas lalo pa niyang pinalalim iyon.

"Daddy, Ambastos mo po!" naiinis na sigaw ni Lucas dahilan para matigilan kami.

"Anong bastos dun man?" natatawang baling niya kay Lucas.

"I just want to show your Mom...how much I love her" pilyong sabi nito ng bumaling sa akin.

"Hey! Mawalang galang! Respeto sa walang lovelife!" suway ni Ate Sabrina sa amin. Pati din pala si Mommy ay nanunuod na sa amin kaya naman nakaramdam na ako ng hiya.

"Tama muna yan mga anak...Kumain na tayo" nakangiting sabi nito at nilapitan si Daddy para alalayan.

"Lucas, Suzy tara na..." tawag sa kanila ni Ate Sab.

"Yes, Tita..." mabilis na tumungo ang kambal papunta kay Ate Sabrina.

Taas kilay akong bumaling kay Luke ng kaming dalawa na lang ang naiwan sa may sala.

"Show your Mom how much I love her?" mapanuyang sabi ko tsaka siya inirapan.

"Got a problem Mrs. Jimenez?" pilyong sabi nito at agad kinawit ang braso niya sa bewang ko.

Nakatingala ako sa kanya habang tinititigan siya pero naputol iyon ng suwayin kami ni Ate.

"Kakain pa ba kayo? o gusto niyo ng umuwi at magkulong na lang sa kwarto?" pangaasar nito.

"Shut up, Sabrina!" naiiritang baling ni Luke dito.

"Hoy, irespeto niyo ako!"  natatawang sabi nito.

"Respect your face!" iritado pa ding sigaw nito at mabilis akong hinila papunta sa dinning.

"We have something to tell you..." basag ni Daddy ng katahimikan.

"Ano po iyon, Dad?" tanong ko.

Tumingin muna ito kay mommy at pinisil ang kamay niya. "Me and your Mom, Decided na sa States na muna for a couple of months. We need to have a break...alam niyo na tumatanda na kami ng Mommy niyo"

Agad akong napanguso. "Pero Daddy...Gusto pa kitang alagaan dito, tsaka hindi pa masyadong magaling yang sugat mo. Are you sure kaya mo ng bumyahe?" nagaalalang tanong ko.

Sinuklian ako nito ng ngiti bago sumagot. "How sweet of you, Sam. But i'm sure kaya ko ng bumyahe" paniniguro niya.

"But I want to be with you, for sure kasama din sina Ate..." malungkot na pahayag ko.

"Just couple of months, baby. Babalik din kami agad dito" pagaalo sa akin ni Mommy.

Tumango na lang ako at binigyan sila ng ngiti. "Ok"

Pagkatapos ng dinner ay umuwi na din kami, mabilis nakatulog ang kambal dahil na din siguro sa pagod. Nakatingin ako sa kawalan habang nakasandal kay Luke dito sa kama namin, tahimik lang din siya at nakikiramdam.

"Luke..."


"Hmm?"


"I'm sorry, I read your Journal" mahinang sabi ko.

"What journal?" medyo gulat na tanong niya.

Sandali ko siyang sinulyapan at pinisil ang ilong niya tsaka uli ako humarap sa kawalan. "Yung pinagawa sayo ni Tito Simon..."


"The old or the latest?"


"Latest ofcourse...sabi ni Tito tinago mo daw yung journal mo nung bata ka pa" sagot ko sa kanya.

Hindi na ito sumagot, dinig ko na lamang ang mabibigat niyang paghinga. "I wish i can see the old one" walang kagatol gatol na sabi ko.

Naramdaman ko ang pagiling niya. "It's so painful baby. No need for you to know..." malambing na sabi niya.

"I'm sorry..."

"Sorry for what?" nagtatakang tanong niya.

"I'm sorry because I became so desperate to have you. Kaya nagawa ko yung noon, kaya napilitan kang ikasal sa akin. Lately ko lang nalaman, nung naAksidente ka na, For you, I am a living proof ng dark past. Hindi ko alam na grabe pala ang epekto sayo tuwing nakikita mo ako. I thought nakalimot ka na, kala ko nakalimutan mo na ako. I'm sorry, I cause you pain..." paos na sabi ko at mas lalong napahigpit ang yakap ko sa kanya.

"Don't be sorry, Sam. Sa totoo lang gusto kong mag thank you sayo kasi pinikot mo ako" napahito pa ito dahil sa pagtawa. 

"Kung hindi nangyari iyon wala sana akong Lucas at Suzy. Wala sana akong asawang katulad mo...kung hindi nangyari yon, wala sana akong Samantha" medyo huminang sabi nito at napalunok ako ng medyo narinig ko ang nagbabadyang paghikbi niya.

Isang mabigat na paghinga ang kanyang pinakawalan bago muling nagsalita.

"I'm such a lucky bastard na magkaroon ng Samantha na...Tinanggap lahat ng masasakit na salitang sinabi ko pero minahal pa din ako. Samantha na ininda lahat ng suntok, sampal at pananakit ko pero minahal pa din ako..." sandali itong napahinto ng dahil sa pagiyak.

"Si Samantha na sobra ng nasasaktan pero minamahal pa din ako..." madamdaming sabi niya tsaka ako hinalikan sa ulo.

"I love you, Sam. I love you, baby. Sorry for everything. I'm sorry for all the pain...I'm so thankful to have you..." malambing pero madiing sabi niya tsaka lumipat ang ulo niya sa leeg ko para sumumsob.

"Hindi ka ba galit sa akin Luke?"

Tiningala ako nito at binigyan ng nagtatanong na mukha. Nakita ko ang luha sa kanyang pisngi, pinunasan ko muna ito bago siya sinagot.

"Sa nangyari sa baby..." malungkot na sabi ko sa kanya.

"Kung natuloy yun Sam. And I need to choose, Ikaw ang pipiliin ko, walang pagdadalawang isip" paninigurado niya at batid na batid ko talaga ang sensiridad sa pananalita niya.

"But anak natin yon, Luke..."

"But I can't bear to live without. I know, I sound heartless but I will surely choose you" nihihiya pero matapang na sagot niya.

Nginitian ko na lang si Luke at hindi na umimik, ginantihan ko na lang ang mahigpit niyang yakap. Naiintindihan ko na si Daddy ngayon, nung ikinwento niya sa akin yung time na kailangan din niyang mamili between me and Mommy. si Mommy din ang pinili niya parang si Luke sa akin ngayon pero its so different, pareho kaming nakaligtas ni Mommy. Pero kami...We lost our child.

"Me, I want the pink Mogu Mogu, Daddy" malambing na turo ni Suzy sa Daddy niya.

Nasa grocery kaming apat ngayon at mayroon talaga silang kanya kanyang request.

"Just this? wala ka na bang ibang gusto baby?" tanong niya sa anak.

"Wala na po Daddy...pero I want to eat pizza" paglalambing niya.

"As you wish princess...kakain tayo after mag grocery"

"Yehey! thank you, Daddy" sabi nito at tsaka yumakap kay Luke.

Busy kami kay Suzy ng magulat kami ng may nagbabangayan palapit sa amin. Nanlaki ang mata ko ng nakitang si Lucas iyon hinahabol ng isang mukhang nagtratrabaho dito sa grocery base na din sa suot niyang uniform.

"Lucas..." tawag ko sa kanya at agad siyang nilapitan.

"Ma'm pasensya na po...kasi po ininom niya na yung coke" reklamo nung lalaki.

Agad akong napatingin kay lucas. hawak nito ang isang coke in can at mabilisang tinungga.

"Lucas...Bakit mo ginawa yon? dapat nagsabi ka sa amin." suway ko sa kanya.

"It's ok, ako na ang bahala dito bumalik ka na sa trabaho mo" sabi ni Luke duon sa lalaki

Agad nanlaki ang mata nito. "Sir Luke!" naihiyang sabi nito at yumuko pa.

"Sorry po hindi ko po alam na anak niyo..." paumanhin nito.

"It's ok sige na, you can go"

Babalingan ko na sana si Lucas ng may pamilyar na babae akong nakita.

"Tine..." tawag ko sa kanya.

Nawala ang ngiting isasamlubong ko sana sa kanya ng humarap na ito sa amin. "Anong nangyari sayo?" nagaalalang tanong ko ng makita ang pasa sa gilid ng labi niya.

Tipid itong ngumiti. "Wala to..."

"Buntis ka?" nakita kong medyo may umbok na ang tiyan nito.

"So totoo pala ang nabalitaan ko kila Matteo, Bumalik na ba si A kaya ganyan?" singit ni luke mula sa likod ko.

Tumango lang si Tine at yumuko. "Fuck...Nahawa ba yun sa akin?"

Problemadong singhal nito. Agad kumunot ang noo ko pero nagulat kami ng nagmadaling nagpaalam si tine sa amin.

"Anong nagyayari?" tanong ko ng nasa sasakyan na kami at pauwi.

"Ewan ko kay Timothy, Nababaliw na ata" tamad na sagot nito.

"Anong sabi nila Matteo at Kervy?"


"Hindi ko alam..." wala sa sariling sagot niya.

"Hindi mo ba siya kakausapin?" patuloy na tanong ko. I do care for Tine, nagdaan ako sa ganun eh.

"Magigising din yang si Timothy. Malalaman din niyang hindi lahat ng papakawalan niya mabilis na babalik sa kanya pag ginusto niya."

"Parang tayo?" taas kilay na tanong ko.

Sandali itong sumulyap sa akin at ngumisi, Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan habang nagdridrive siya.

"Iba tayo, baby..." nakangising sabi niya at hinalikan ang kamay ko.

"Patay na patay ka kaya sa akin!" pangaasar niya.

Agad nanlaki ang mata ko, "Kapal ng mukha nito!" singhal ko sa kanya.

"Mahal mo naman!" Patuloy na sabi niya na ikinapula ng pisngi ko.

"Mahal na mahal..." nakangiting bulong ko at ibinaling ang paningin sa bintana, pero nakalimutan ko nga palang napakatalas ng pandinig ng isang ito. Bumaling ako sa kanya ng pinisil niya ang kamay ko at nagulat ako ng nakitang mapula si luke, Anong nangyari sa kanya? Pero nasagot ang tanong ko ng magsalita ito.

"Damn Baby, Kinikilig ako..."







(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro