Chapter 57
Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
I feel so empty, so incomplete. Yan ang naramdaman ko pagmulat ng aking mata. I'm so lucky na nakasurvive ako, tapos na. Natanggal na ang tumor sa ovary ko at wala na din ang baby ko. Napahawak ako sa aking sinapupunan, medyo may hapdi at kirot pa din akong nararamdaman dahil sa pagkakaopera sa akin. Pero hindi iyon. Wala na siya, wala na yung isang buhay pa sa loob ko, ngayon? Mag isa na lang ako, bilang isang ina hindi ko na siya mararamdaman, wala na siya. Wala na ang baby ko.
"Oh thank God gising ka na anak!" nakahingang maluwag na sabi ni Daddy.
Pero lumaki ang mata nito ng makita niyang umiiyak ako. "Baby, Why are you crying? makakasama sa iyo iyan anak. Please wag ka ng umiyak..." nagaalalang sabi nito at agad akong inalo.
Nakatayo siya sa gilid ng aking kama habang marahang hinahaplos ang ulo ko. "Shhh...You need to rest. Stop crying please hindi alam ni Daddy kung anong gagawin" he said, helpless.
Tinitigan ko siyang mabuti. Did he really care for me? May pake na ba talaga siya sa akin? Mahal na ba talaga ako ni Daddy? Can I be his princess too? like Ate Sabrina.
"I hate my self, Dad..." umiiyak na sambit ko.
"Shh, No baby. Don't be, Ginawa mo ang lahat you tried your best, pero ito yung best option para sa lahat. You Just did the right thing" patuloy niyang pagaalo sa akin. I see it, titigan ko pa lang siya mata sa mata, nakikita kong may love at care na siya sa akin. But it won't be that easy. I still want to test him.
"No Daddy. Natulad ako sayo, sabi ko ayokong maging katulad mo. Pero ito ako ngayon...wala na ang baby ko, ang sama sama kong ina"
Nabato siya sa kanyang kinatatayuan at nakatitig lamang sa akin, gulat sa kanyang mga narinig. Hindi ito kumibo pero bumagsak lamang ang kanyang balikat, matapos makabawi ay nagiwas na ito ng tingin sa akin na para bang nahihiya siya sa akin at hindi siya makatingin.
"I'm sorry anak, At wag mo sabihing katulad na kita ngayon. You're different baby, ang pagiging isang katulad ko ay napakalaking kaduwagan, kahihiyan...at hindi ka ganuon" madamdaming sabi nito sa akin.
Kahit medyo naging mailap ay walang ginawa pa din si daddy kundi ang alagaan ako. Sinabi niya na ding hindi niya pinapayagan si Mommy na dito matulog sa hospital dahil masyado iyong nakakapagod, nagpapalit lamang daw sila pagkailangan niya ng pumunta sa opisina.
"May kailangan ka na ba anak? sabihin mo sa akin..."
"Daddy...wala pang ilang minuto ng itinanong niyo iyan sa akin, can you just calm down? Magsasabi naman po ako kung may kailangan ako, you don't need to ask me time to time" suway ko dito, dahil sa ginagawa niyang iyon ay ako ang napapagod sa kanya. Ni hindi man lamang nito magawang umupo, and I bet nakukulitan na din yung doctor sa kakatanong niya.
"Sorry..." medyo na patawa pang sabi nito at tsaka umupo na sa may sofa. "Sabik lang naman akong alagaan ka anak. Alam mo na and daming panahon ang nasayang sa ating dalawa, Ayoko namang may masayang pa ulit kahit isa" patuloy niya na hindi ko pinagbigyang pansin at tinalikuran na lang.
Pagkagising ko ay agad kong naamoy ang asim ng sinigang. Amoy pa lamang ay alam ko ng si Mommy ang nagluto nuon.
"Samantha, Baby ko!" masayang tawag nito sa akin tsaka ako mabikis na dinaluhan, hinalikan muna ako nito sa ulo bago tinulungang makaUpo.
"Mabuti naman at ok ka na. Grabe anak wag mo ng uulitin iyon, Kung may nararamdam ka ay sabihin mo agad sa amin ng mabilis nating maagapan..." nagaalalang pangaral niya sa akin.
Tipid akong ngumiti sa kanya at tumango. "Nagugutom na po ako, Mommy..." parang batang sabi ko habang nakahawak pa sa tiyan.
Napangiti naman si Mommy at ginulo na lamang ang buhok ko, pero ng ihahanda niya na sana ang makakain ko ay agad sumingit si Daddy. "Ako na ang maghahanda ng pagkain niya, sige lang at magusap lang kayo diyan" sabi nito na hindi man lang matapunan ng tingin si mommy dahil busy siya sa pagaayos.
Kibit balikat na bumaling sa akin si Mommy. "Mommy pwede ko po bang makausap si Luke at ang mga bata?"
"Ofcourse, Hija...naubusan na nga ako ng palusot sa magaAma mo, napakakulit at sila na mismo ang tumatawag sa akin." masayang kwento ni Mommy habang nagtitipa sa may cellphone.
"Here..." nakangiting abot niya sa akin.
"Lola, Gising na po ba si Mommy? hindi na po ba siya busy?"
Agad bumungad sa akin ang maAwtoridad na boses ni Lucas. "Baby..."
"Mommy!?, Daddy! Suzy! si Mommy na ito!" sigaw nito sa kabilang linya.
Napatawa ako ng agad akong nakarinig na parang may natumba or something.
"Hello Samantha? Baby, bakit ngayon ka lang tumawag!? Nagalala ako sayo!" galit ngunit punong puno ng pagaalalang sabi ni Luke.
"Daddy! Give me the phone! kausap ko pa si Mommy! ang daya mo po!" dinig kong pagmamaktol ni Lucas sa kabilang linya.
"Shhh...Man si Daddy muna ok?" suway niya dito na agad minaktulan ni Lucas, narinig ko naman ang sweet ma boses ng anak kong babae ng bahagya nitong tinawan ang kuya niya.
"Ano Samantha? Magsalita ka nga, Ni hindi mo man lang magawang tumawag dito! kami pa ang kailangang tumawag sayo, dapat talaga hindi na kita pinayagan diyan eh!" himutok ni Luke.
"Sorry...medyo busy kasi dito. Pero syempre miss ko na kayong tatlo!" sagot ko sa kanya kahit medyo naluluha na.
"Miss mo na pala kami eh! bakit hindi ka pa umuwi!?" galit na tanong niya pero tinawanan ko lang.
"Malapit naman na. Wag ka ngang sumigaw diyan! ok ka na ba? magaling ka na?" pangangamusta ko sa kalagayan niya.
"Ofcourse! ang gagaling kaya ng mga nurse ko dito!" pagbibida niya.
Nginitian ko na lamang ang sinabi niya kahit hindi niya ito makikita. Miss na miss ko na silang tatlo, Kung alam lang din siguro nila ang kalagayan ko ay paniguradong gagaling ako agad sa pagaalaga ng tatlong iyon.
"Sorry, Luke..."
"Ha? Para saan? Bakit Samantha? Iiwan mo na ba kami, May lalaki ka na diyan? Hindi ka na babalik? aabandunahin mo na kami?" out of nowhere na tanong niya.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" naiinis na natatawang tanong ko sa kanya.
"Eh ikaw! ano bang ikinasoSorry mo diyan!?"
"Wala...gusto ko lang mag sorry" gusto kong magsorry dahil naglihim ako at dahil wala siyang alam sa nangyari sa anak namin.
"Miss na miss na kita! hindi mo ba ako na mimiss!?" pagmamaktol nito sa kabilang linya.
"Syempre miss ko na kayong tatlo"
"Sabi ko miss na kita Samantha! ako lang. Hindi kaming tatlo!"
Sasagot na sana ako sa kanya ng marinig ko nanaman ang frustrated na hinaing ni Lucas sa kabilang linya.
"Ang daya mo po talaga, Daddy!"
Mga Ilang oras din kaming nagusap ni Luke at ng mga bata, patuloy pa din ang pagaagawan ni Luke at Lucas sa cellphone kung sino ang kakausap sa akin, kami naman ni Suzy ay napapatawa na lang. Sumenyas si Mommy na magpaalam na muna daw ako para makakain. Nung nakausap ko sila ay nawala ang nararamdaman kong gutom kaya hindi ko na napansin ang nakahandang pagkain sa aking tabi.
"Kumain ka ng marami anak, Alam ko namang miss na miss mo na si Luke at ang kambal" sabi ni Mommy at iniayos ang tray ng pagkain na mapalapit sa akin.
"Hindi na masyadong mainit ang sabaw anak. Gusto mo bang ibili na lamang kita? o painit na lang natin sa may kitchen?" suwestyon ni Daddy na inilingan ko lang dahil nagumpisa na akong sumubo.
Si Mommy at Daddy lang ang naguusap habang kumakain ako. Pero hindi nakaligtas sa akin ang pagsulyap sulyap sa akin ni Daddy. "Sabihin mo kung ubos na ang tubig mo at sasalinan ko" nakangiting sabi niya.
Bahagya lang akong tumango dahil sa paninibago sa pakikitungo niya sa akin.
"But, Luke should know..."
"I know Mom, but not now. Pag ok na ang lahat...pag stable na" sagot ko.
"Are you still worried about the threat?" nagaalalang tanong ni Mommy.
"Ofcourse Mom. Ang kambal ang pinaguusapan natin dito. Hindi pwedeng maging kampante lamang ako lalo na't nalaman kong nawawala si Yesha" problemadong pahayag ko.
"Don't worry, Baby. Nothing will happen, we will all protect you and the twin" paniniguro ni Mommy.
Ilang araw pa ang lumipas ng pananatili ko sa hospital. Sabi naman ng Doctor ay pagpatuloy ko lang ang pagpapahinga ko. Dinalaw na din ako ni Lola at Mommy Eli kasama si Tito Simon. Pinilit ako ni Lolang sahihin kay Luke ang lahat pero sinabi kong hindi muna sa ngayon, kagagaling lang din niya sa aksidente. Hindi sila masyadong umimik tungkol sa pagaabort ko sa bata, kaya naman hindi na lang din ako nagsalita.
[Luke Pov]
"Saan kayo pupunta?" tanong ko kina Mommy at Lola.
"May bibisitahin lang kami sa hospital" medyo alanganing sagot ni Mommy.
"Sino? Ang dami niyong dala ah..." puna ko sa basket ng prutas na dala nila.
"Kaibigan lang..." nakayukong sagot uli ni Mommy sa akin.
"Ano bang problema niyong dalawa? Bakit hindi kayo makatingin sa akin?" natatawang puna ko dahil kahit si Lola na tahimik lang ay sa iba at malayo ang tingin.
"Wala anak, sige aalis na kami..." pagiiba ni Mommy ng topic. Hihilahin na sana niya si Lola ng hindi ito natinag sa kinatatayuan niya.
"May itinatago ba kayo sa akin?" tanong ko dahil may iba akong pakiramdam sa inaasal ni Lola.
"Ano ka ba anak, Wala..." natatawang sabi pa uli ni Mommy.
"Tell him, Eli. Hindi na bata yang anak mo. Hindi naman pwedeng asawa niya na lang palagi ang naghihirap, kailangan siya ni Samantha" seryosong sabi ni Lola kahit hindi sa amin nakatingin.
"Anong meron? Bakit nasali si Samantha dito? Ano ba talaga ang nangyayari? Tell me please..." naguguluhang sabi ko.
"Kung ako ang tatanungin mo, Hijo. Ayokong magsinungaling sa iyo, pero ayoko ding sirain ang pangako ko kay Samantha..." singgit ni Lola at nagwalk out na.
Agad ko namang binalingan si Mommy na naiwang nakayuko sa harap ko.
"Mom?"
[Samantha Pov]
"Excited ka ng umuwi?" tanong ni Daddy habang inaayos niya ang mga gamit ko.
Tumango lamang ako sa kanya, habang nakaupo sa may hospital bed. Ayaw niya akong patulungin, siya na daw ang bahala sa lahat.
Si Mommy naman ay abala sa bills namin. Pinapanuod ko lang si Daddy na magayos ng gamit ko kaya naman dahil sa wala na akong magawa ay bahagya kong itinaas ang damit ko para silipin ang tahi ko, may takip ito pero kitang kita mo kung gaano kalaki.
"Kung sa bahay ka na lang kaya muna natin dumiretso anak? Sigurado kasing mapapansin pa ni Luke iyang panghihina mo, at sigurado akong dahil miss na miss ka na nun ay baka bigla ka na lang hubaran" natatawang biro niya.
Gusto ko sanang tumawa pero nakakaramdam ako ng konting kirot sa tahi ko. "Si Daddy talaga..." mahinang bulong ko at napayuko na lang, ngayon lang kami nagusap ng ganito tapos iyon pa ang topic. Ramdam ko tuloy ang pamumula ng aking pisngi.
"If I can turn back time, Sana binigyan ko yung sarili ko ng oras na alagaan ka, Protektahan at mahalin, sana hindi na lang ako naging madamot. Sana kahit papaano ay binigyan kita ng pagmamahal at aruga ko. Sorry baby, Alam kong huli na ang lahat dahil nagawa ko na, pero kung bibigyan ako ng pagkakataong bumawi ay gagawin ko ang lahat, kahit buhay ko pa ang kapalit" umiiyak na sabi ni Daddy.
Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong kinilabutan at parang may namuong kung ano sa lalamunan ko. "Daddy naman...Kahit naman hindi pa kita tuluyang napapatawad ayoko namang mawala ka. Gusto ko lang bigyan yung sarili ko ng oras, Oras na makalimot para sa second chance na ibibigay ko sa inyo. Wala ng bakas ng nakaraan...I love you po, Daddy kaya wag niyo pong sabihin yan" maluha luhang sabi ko at tsaka ako na ang yumakap sa kanya. Kahit anong pilit kong pagmamatigas iba pa din talaga pag taong mahal mo na ang pinaguusapan. Mahal na mahal ko ang Daddy ko. Kahit ganito man ang nararamdaman ko, alam ko sa puso kong matagal ko na siyang napatawad.
Mahigpit na yakap agad ang ibinigay ko sa kanya, pero naputol iyon ng biglang bumukas ang pintuan. "I'm sorry to interrupt you..." nakanguso pero mangitingiting sabi ni Mommy.
"But you need to sign something, Daddy" malambing na tawag nito kay Daddy.
Bago tuluyang umalis ay pinahidan niya muna ang pisngi kong basa ng luha. "Wag ka ng umiyak Baby ko. Sige ka papangit ka niyan!" natatawang suway nito sa akin at hinalikan ako sa noo.
Nakangiti akong nakatingin sa pintong nilabasan nila ni Mommy. Ang sarap sa feeling. Pero naputol ang pagmumuni ko ng biglang tumunog ang cellphone, agad ko itong sinagot ng makitang si Mommy Eli ang tumatawag.
"Hello po, Mommy..."
"I'm sorry Samantha hija, nasabi ko..." natataranta at nagaalalang sabi nito.
"Ang alin po?" Pagtataka ko.
"Si Luke. Alam na ni Luke, at kung hindi ako nagkakamali ay papunta na siya diyan"
Para akong binubusan ng malamig na tubig. kabastusan man ay nabitawan ko na ang cellphone at di man lang nakapagpaalam kay Mommy Eli.
"Anong gagawin ko?..." problemadong tanong ko sa sarili.
Hindi ako mapakali. Gusto kong maglalakad lakad sa loob ng kwarto pero hindi ko pa masyadong kaya, paano ko sasabihin kay Luke? Paano?
Lalong lumakas ang pagtatambol ng puso ko ng pumihit ang doorknob. Parang sasabog na ito sa lakas na isiping andyan na si Luke pero kakaibang kilabot ang naramdaman ko ng hindi si Luke ang pumasok sa aking kwarto.
"Hello, Little Samantha"
"Ate Yesha..."
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro