Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 56

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________




"Really Daddy?..." paniniguro ni Lucas kay Luke.

"Ofcourse Man...magaling na ako" sagot naman ni Luke dito.

Nang narinig ko kagabi na tinawag niya ang pangalan ko ay sobra sobrang saya ang naramdaman ko pero wala akong ibang nagawa kagabi kundi ang yakapin na lamang siya ng mahigpit at umiyak sa kanya. Nakaupo pa din ito sa kama habang nakasandal sa headboard ng kama, pinapakain siya ng kambal. Medyo wala pa itong lakas kaya naman kailangan niya pang ikundisyon ang katawan niya, kakaalis lang din nila Tito Simon at Lola.

"Daddy we have a good news for you..." malambing at magaliw na sabi ni Suzy dito.

Pero sa kabila nun ay agad akong kinabahan sa gusto niyang sabihin. "Baby...Pumunta na kayo kay Yaya at maligo, ako na ang bahalang magpakain kay Daddy, ok"

"Pero Mommy sasabihin ko pa kay Daddy yung good news" nakangiting sabi nito sa akin pero sa tiyan ko nakatingin.

"Next time baby...take the bath first ok?"

Agad bumagsak ang balikat nito pero nagawa pa ding sundin ako. "Let's go now, Suzy..." tawag sa kanya ni Lucas at inakbayan pa ito palabas.

Sinundan ko sila ng tingin at ng tuluyan ng masara ang pintuan ay agad akong bumaling kay Luke. bigla namang nagtaasan ang mga balahibo ko sa tingin niya sa akin, nakataas pa ang isang kilay nito at ang labi niya ay nagbabadyang magbigay ng isang pilyo at nakakalokong ngiti.

Hindi ko na lamang pinansin iyon. "Kumain ka na"

"Subuan mo ako" utos niya.

Napairap na lamang ako at lumapit sa kanya pero napahiyaw ako ng bigla ako nitong hinila kaya naman napakandong ako sa kanya, agad nitong inikot ang dalawang braso niya sa bewang ko at agad akong niyakap ng mahigpit.

"Hindi mo pa din sinasabi sa akin kung bakit ka umiiyak kagabi" malambing na sabi nito habang nakasubsob sa tagiliran ko.

"W...wala yun na miss na kasi kita..." alanganing sabi ko habang pilit kong pinipigilan ang nagbabadyang luha at hikbing gustong kumawala, gustong gusto ko ng sabihin sa kanya pero pinili kong sarilihin na lamang ito.

"May problema...alam kong meron" matigas na sabi nito pero nanatili pa din siya sa kanyang posisyon.

"Wa...wala nga...ang kulit mo naman" mahinahong sabi ko, gusto ko sanang sabihin iyon sa paraan na kunwari ah naiinis ako pero hindi ko magawa dahil parang may malaking batong nakaharang sa lalamunan ko.

Tiningala ako nito at matalim na tiningnan napaiwas naman ako ng tingin dahil duon, kahit marami na kaming napagdaanan ni Luke ay kakaiba pa din ang nararamdaman ko sa tuwing titingnan at lalapitan niya ako para pa din akong bumabalik sa pagkateenager.

"Mahal mo pa ba ako, Samantha?" seryosong tanong niya.

Agad akong napatitig sa kanya, sa pagtitig kong iyon ay siniguradong kong punong puno ng pagmamahal para masagot ang tanong niya pero mukhang di niya ito makuha.

"Wag mo akong titignan Samantha. Sumagot ka" seryoso at nagbabantang utos niya.

Sa una ay tumango lang ako. "Oo...oo naman, Hindi mo naman na kailangang itanong iyon" paniniguro ko sa kanya.

"Labas sa ilong..." tamad na sabi nito at mabilis na tinanggal ang braso niyang nakayakap sa akin, agad niya itong inilipat sa likod ng ulo niya kaya naman nakita ko ang pagflex ng biceps niya.

"Hindi naman ah!" depensa ko.

Pero hindi ako nito pinansin at pumikit pa, Agad namang dumapo ang mga mata ko sa nakauwang na labi nito. mamulamula ito at medyo mamasamasa, ilang lunok muna ang ginawa ko bago dahan dahang inilapit ang mukha ko sa kanya. Naalala ko dati nung gusto kong malaman kung mahal na ba niya ako o di pa, hinalikan ko din siya noon. 

Libo libong boltahe ng kuryente ang naramdaman ko ng maglapat na ng tuluyan ang aming mga labi, dahil dito ay kusang napapikit ang mga mata ko. Pero nainis ako ng hindi man lang sinuklian ni luke iyon kaya naman mas lalo ko pang idiniin ang labi ko sa kanya, agad kong naramdaman ang pagGuhit ng pilyong ngiti sa kanya labi, kaya wala akong nagawa kundi ang humiwalay na lang.

"Kung makangudngod naman ito ng labi niya..." natatawang sabi niya.

Inirapan ko na lamang siya habang nakayuko, akala ko ba gusto niyang sagutin ko ang tanong niya kanina, ngayon naman ay pagtatawanan niya ako, nakakainis siya!

"Napaka hayok!" mas lalo pa itong tumawa.

"Nakakainis ka!" hiyaw ko at umalis sa pagkakakandong sa kanya.

"Teka bakit?..." natatawang tanong pa din niya.

Dumiretso ako sa may sofa at umupo duon. "Magpapaalam nga pala ako..." pigil ko sa kasiyahan niya,

Tumaas lamang ang kilay nito. "Gusto kasi akong isama ni Mommy. May kailangan siyang daluhang seminar sa may Laguna" pagpapatuloy ko.

Agad kumunot ang noo niya. "Ilang araw?"

"Mga ano...1 to 2 weeks" alanganing sagot ko.

"Ganun katagal? Pinagloloko ko ba ako Baby? Seminar 2 weeks?" iritadong sabi niya.

"Hindi ko alam. Pero baka kasi may iba pa siyang puntahan o ano, kailangan daw kasi niya ng kasama" sagot ko.

Agad nitong iniwas ang tingin niya sa akin at humalukipkip. "Hindi ba pwedeng si Sabrina na lang?"

"Ayaw naman ni Ate ng ganun, hindi mo siya mapipilit"

"Kagagaling ko lang, iiwan mo agad ako" panunumbat niya.

Napatayo ako at dali daling tumungo sa kanya, umakyat na din ako ng kama para tabihan at yakapin siya.

"Sandali lang naman, Promise pagbalik ko di na ulit ako aalis" maluha luhang sabi ko.

"Siguraduhin mo lang baby, dahil pag hindi ka bumalik ikamamatay ko"

Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya at para na din mawala ang tensyon. "Parang ilang linggo lang...di naman ako mamamatay!" natatawang biro ko sa kanya.

pero di natinag ang seryosong pagmumukha nito. "Mabuti na yung nagkakaliwanagan tayo" seryosong sabi niya at hinalikan ako sa ulo.


Naging maayos at masaya ang mga lumipas na araw sa amin, unti unti na ding nababawi ni Luke ang lakas niya at talaga namang todo ang alaga at bantay sa kanya ng kambal, pero kami nila mommy ay todo pa din ang pagiingat sa banta sa buhay ng kambal, Na pagpasyahan na din naming wag ng sabihin kay Luke ang lahat, hindi pwede dahil hindi pa kami sigurado kung nasa kundisyon na ba talaga siya.

Mabuti na lamang at naniwal ito sa palusot kong seminar namin ni mommy, ang totoo kasi niyan ay kailangan kong mawala para sa gaganaping operasyon. Hindi ko man ipinapahalata sa kanila ay sobrang kalungkutan ang nararamdaman ko, alam kong masyado pang maaga para maramdam ko ang batang nasa sinapupunan ko pero ang malamang nasa loob ko siyang ay isa ng paraan para maramdaman kong hindi lang ako nagiisa, may isang buhay pa akong dinadala,pero ang isipin ding kailangan ko siyang tanggalin ay nagpapadurog ng puso ko.

"Wag kang magalala dito hija...kami ang bahala sayo. At kung ang mag-aama mo naman ang paguusapan ay makakasiguro kang ligtas sila duon." payo sa akin ni tito simon.

Nasa hospital na ako ngayon at nakaConfine, hinihintay ko na lamang ang schedule ng operation ko, nasa isang private room ako, ang parents ko at parents lang ni Luke ang nakakaalam pati na din si lola at ilan sa mga tito at tita niya.

~*~*~*~

"Hindi na kita love, Mommy! Hindi na kita Love!" sigaw ni Lucas at pilit akong tinutulak at lumalayo sa akin.


"Baby bakit?" umiiyak na tanong ko sa kanya.


Pero lalo lang itong nagtago sa likod ni Luke. "You lied Mom! I hate you too!" sigaw din ni suzy habang karga ni Luke.


Agad kumunot ang noo ko. "Luke ano bang nangyayari!?" naguguluhang tanong ko.


Pero blanko at matigas lamang ang ekspresyon nito. "I hate you Sam...Mas pinili mong iwanan kami, mas pinili mo ang batang yan!" sigaw niya.

"Samantha anak..."

Mabilis akong napaupo mula sa pagkakahiga, isang panaginip...panaginip lang


"You had a nightmare?" malambing na tanong ni Daddy sa akin. Napatingin ako sa paligid at nakitang siya lang ang nagbabantay sa akin.

Saglit akong tumango at bumalik sa pagkakahigang nakatalikod sa kanya.

"May kailangan ka ba? Sabihin mo kay Daddy ok?" paglalambing niya.

Di ko pa din siya pinansin at mas pinili na lamang pumikit pero nagulat ako ng maramdaman kong humalik ito sa aking ulo at malambing itong hinaplos.

"Kung pwede ko lang kunin lahat ng sakit na nararamdaman mo ay gagawin ko. Kulang pa nga iyan sa lahat ng kasalanan ko" kwento niya.

"Mas matatanggap ko pa sana kung ako ang naghihirap at hindi ikaw Anak. Sana ako na lang, sana sa akin na lang lahat ng sakit mo" pagpapatuloy niya at medyo napaos na din ang boses.

Ipinagsawalang bahala ko pa din ang mga sinabi niya at mariing pumikit, ayoko ng drama ngayon. Ng mapansin siguro niyang wala aking pakialam ay umalis na din ito, Maya maya ay nagpagpasyahan ko na ding umupo at ganuon na lamang ang gulat ko ng makitang nakaupo si Daddy sa upuan sa gilid ko.

Mas lalong lumaki ang mga mata ko ng makita kung ano ang mga hawak niya. Grabe ang pagtatambol ng puso ko, mabilis na nagtubig ang mga mata ko ng makita kong hawak niya ang lahat ng mga letters na ibinibigay ko sa kanya nung bata pa ako sa tuwing may okasyon o kaya naman ay pagkatapos niya akong saktan at gulpihin.

Agad gumuhit ang sakit sa aking puso at mabilis naramdaman ang pamumuo ng kung ano sa aking lalamunan ng makitang isa isang nagpapatakan ang luha mula sa kanyang mga mata. At masaganang nagtuluan ang sa akin ng sinimulan niyang basahin ang mga ito,

"Dear Daddy, Naiintindihan ko po kung bakit niyo ako pinalo ng sinturon, naiintindihan ko din po kung bakit niyo ako ikinulong sa bodega, Kasalanan ko po...kasalanan ko kasi nabubuhay po ako..." sandali itong napahinto ng gumaralgal ang kanyang boses sa pagbasa ng sulat ko sa kanya nuon.


"Minsan po ay gusto ko ng magpakamatay, kasi gusto kong makitang ngumiti kayo Daddy. Kaso napanuod ko yung paborito kong pelikula, kawawa yung matanda duon, walang nagaalaga sa kanya...naisip ko po kayo agad Daddy. Sabi ko sa sarili ko, dapat hindi muna ako mamatay walang magaalaga kay Mommy at kay Daddy pag matanda na sila, kaya naman kahit ano pong gawin niyo sa akin ay ok lang, basta masiguro kong maaalagaan ko kayo pagtanda niyo Daddy..."

Pagkatapos basahin ang isang letter na iyon ay sinubukan nanaman niyang magbukas ng isa pa. 

"Tama na po" madiing sabi ko.

Pero hindi siya nakinig sa akin. "Dear Daddy...Happy birthday, alam ko naman pong hindi niyo papansinin itong sulat ko, pero wala na po kasi akong ibang maisip na iregalo sa inyo. Wag po kayong magalala hindi ako lalabas ng kwarto ko para hindi niyo ako makita, para hindi masira ang araw niyo. Basta Daddy ang wish ko sana maging healthy ka palagi love na love po kita. Sana andito na lang si Kuya Samuel para naman mas masaya ka Daddy. Kung ang wish mo ngayong birthday mo ay sana mawala na lang ako ay ok lang...basta maging masaya lang ang pinaka love kong Daddy sa buong mundo"

"Daddy pwede ba tigilan niyo na" matigas at medyo tumaas na din ang boses ko.

Pero lalo akong nainis ng inilapit nito ang hintuturo niya sa kanyang labi at sumenyas na tumahimik ako. "Ayoko na sabi, ayoko na. tigilan niyo na, Please" 


Agad bumagsak ang balikat nito, "Pwede ba...Tigilan niyo na ang pagpapaalala sa akin ng mga masasakit na naranasan ko sa inyo, Ayoko na niyan..."

"Nung sinabi sa akin nuon ng Mommy mo na buntis siya sayo ay sobra ang saya ko. Malaki na noon ang Ate Sabrina mo kaya naman hindi namin inaasahan ang pagdating mo. Sobrang excited kaming lahat nuon nung nalaman naman iyon pero nung araw na ipapanganak ka na ay nalagay sa peligro ang buhay ng Mommy mo...Dumating sa puntong pinapili na ako ng Doctor kung ikaw ba o ang Mommy mo ang ililigtas ko, sa mga oras na iyon ay wala akong pagdadalawang isip. Ang Mommy mo agad ang pinili ko. Pero nagmatigas siya at sinabing maguundergo na lang siya ng caesarian, atleast daw duon ay may chance na mabuhay kayong dalawa." paguumpisa niya.

 "Wala akong magagawa kung iyon ang gusto niya pero biglang namuo ang galit at takot sa dibdib ko na baka may mangyaring masama sa Mommy mo, Alam kong napakasama kong ama pero ang laman ng bawat dasal ko ay ang Mommy mo lang..." sobrang hirap na siyang banggitin ang mga huling salita dahil todo todo na talaga ang pagiyak niya pero nagpatuloy pa din siya.

"Sabi ko...Sana mabuhay ang asawa ko kahit mamatay na ang bata ay ok lang basta buhay lang siya. Ang asawa ko na lang, kahit wag na yung bata. Pero, nakayanan niyo. Nakayanan ng Mommy mo nabuhay kayong dalawa, ng makita ko nuon ang maamo mong mukha ay halos kamuhian ko ang sarili ko. Paano ko naatim na hilingin na sana mamatay na lang ang batang ito, gayong wala naman siyang alam. Wala siyang kamuang muang" 

"Hindi kita malapitan at mahawakan noon, takot ako na sumbatan mo ako dahil sa hiling kong sana ay mawala ka na lang. Dumagdag pa ang nangyari sa iyo, halos hindi ako makahinga dahil hindi nanaman kita nailigtas, wala akong nagawa para sa anak ko. Sobra sobrang galit na ang naramdaman ko noon..."


"Kaya po sa akin niyo ibinunton?" sumbat ko.     

"Hindi ko na alam ang mga ginagawa ko nuon Anak. Patawarin mo ako, Nabulag ako sa galit ko" pagmamakaawa niya at tukuyan ng tumayo at lumapit sa akin.

"Wala akong kasalanan, Daddy..." garalgal na sabi ko.

"I know baby...I know" pagaalo niya.

"Wala akong kasalanan para iparanas niyo sa akin ang ganuon, Wala naman akong ginawa kundi ang mahalin kayo, kaya kahit sinasaktan niyo ako ay iniisip kong kasalanan ko kasi..." pagsusumbong ko.

"Kung ano man ang mangyari sa akin ngayon...magiging masaya na ba kayo? diba ito naman ang matagal niyo ng gusto? ang mawala ako!"

Agad lumakas ang hikbi nito. "Hindi anak. Hindi Samantha. Lumaban ka, Please. Babawi pa si Daddy sayo babawi pa ako anak, Kung nasabi ko man nuon na gusto kong mawala ka ay sobra kong pinagsisihan iyon. Mahal kita Samantha, hindi ko man naiparamdam at naipakita sayo...Mahal na Mahal kita" pagmamakaawa niya at mahigpit akong niyakap.

"Lumaban ako Nuon para mabuhay, para sa inyo Daddy pero wala naman akong napala, Lumaban ako nuon para sa inyo pero kayo mismo gustong mawala na lang ako..." sumbat ko sa kanya.


"Do the same again, Baby. Please...Lumaban ka ulit para kay Daddy" desperadong sabi niya.

Napatitig ako sa kanya, Sobrang titig na sinigurado kong tatagos hanggang kaibuturan niya.

"How can I fight for the same reason, If I'm still broken?"








(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro