Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 54

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________



Halos hindi ako makagalaw sa kinalalagyan ko. Sumisikip na din ang dibdib ko na isiping nangyari nga iyon sa kanya. Hindi ko alam kung anong unang dapat kong gawin. Habol habol ko ang aking hininga habang tuloy tuloy na tumutulo ang aking luha. Gusto kong sumigaw, Gusto kong magwala. Parang may malaking bagay na nakabara sa aking lalamunan.

"Paano?" nanginginig na sambit ko.

Agad naagaw ang atensyon ko ng may kumatok sa pintuan. "Samantha, Hija..." tawag ni Mommy Eli sa akin.

Sa pagkataranta ay hindi ko na inalintana ang mga bagay na natamaan ko para lang mabilis na makarating sa may pintuan. Pagkabukas na pagkabukas ko nuon ay agad ko siyang niyakap at automatiko akong napahagulgol.

"Sorry Mommy, Sorry hindi ko alam. Hindi ko alam..." humahagulgol na sabi ko habang mahigpit na nakayakap sa kanya. Kailangan ko ng suporta dahil kung hindi ay siguradong babagsak ako dahil sa panghihina.

"Hija anong problema?" nagaalalang tanong nito habang hinahaplos ang likod ko.

"Hindi ko po alam. Sorry hindi ko po alam..." yun lang ang paulit ulit na lumabas sa aking bibig. Hindi ko na macontrol ang sasabihin ko dahil kahit pati labi ko ay nanginginig din.

"Shhh...Hija calm down" pagaalo sa akin ni Mommy. Pinilit ako nitong ipinasok uli sa may kwarto at iniupo sa may sofa.

"Mommy...Paano nangyari kay Luke iyon. Bakit hindi ko alam. Bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit ngayon ko lang malaman?" singhal ko dahil sa frustration.

Agad nanlaki ang mata ni Mommy Eli. Pagkatapos ay napatingala pa ito para pigilan ang luha niya. "Matagal na naming ibinaon sa limot iyon, Hija. Ipinagpatuloy namin ang buhay na parang wala lang nangyari. Hindi nangyari. Ganun din si Luke...Ganun din siya Sam" nangingiyak ngiyak na sabi pa niya.

"Pero paano po nangyari?" naguguluhang tanong ko.

Matagal pa itong nabato. Para bang inaalala niya uli ang lahat ng nangyari nuon, parang sinisigurado pa niya kung sasabihin ba niya o hindi. "Ikaw at ang kuya Samuel mo na lang ang naabutan ng pulis duon sa lugar na pinagdalhan sa inyo. Tumakas sila kasama si Luke..." pumiyok pa ito sa gitna ng pagkwekwento niya pero nagawa pa din niyang magpatuloy. 

"3 days bago sila nahuli sa bago nilang pinagtaguan. Duon nangyari iyon, Under ng influence of drugs and alcohol yung mga walang pusong lalaking iyon. Hindi ko alam kung paano nila nagawa iyun sa anak ko" hindi na napigilan ni Mommy Eli ang umiyak. Sa bawat pagbigkas niya ay nanduon ang puot at pagkamuhi sa mga taong gumawa nito.

"Naabutan namin si Luke na nakahiga sa may gilid, Walang suot na damit at puro pasa ang mukha. Inalagaan kong mabuti ang anak ko at ni minsan hindi ko siya pinagbuhatan ng kamay. Halos hindi ko siya malapitan noon, Parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit na makita ang anak ko sa ganuong kalagayan. Pinagsamantalahan nila si Luke. Ginawa nilang parang laruan ang anak ko. Halos mapatay ng Daddy mo yung isa sa mga gumawa nuon sa kanya, Hindi yon dapat naranasan ng ng anak ko. Hindi dapat nangyari iyon sa kanya..." napayuko na lamang si Mommy at napahagulgol.

Gustong gusto kong lapitan si Mommy para yakapin, Pero ang pagsasalarawan sa itsura ni Luke ng mga oras na iyon ay nagiging dahilan kung bakit hindi ko magawang tumayo at lapitan siya. Hindi ko magawang matulog nung kinagabihan. Hindi ko na din sinubukang alamin kung sino ang gumawa nuon sa amin dahil paniguradong kamumuhian ko lang siya. Ayoko ng dagdagan pa ang bigat na aking nararamdaman.   

Kinaumagahan ay pinilit kong maging masigla ng hinarap ko ang kambal.

"Ayoko na duon, Mommy...Nakakainis yung anak ni teacher duon!" naiinis na kwento ni Lucas.

Pinilit kong ngumiti sa kanya para makita niyang nakikinig ako sa kwento niya kahit lumilipad ang utak ko.

"Ang dami naman naming boys dun! Ako pa ang pinili niyang sundan. Nakakainis! If ever she will touch my butt again!? I will surely punch her face!" nangigigil na sambit nito at itinaas pa ang kamao.

"Why Kuya? Diba Daddy told us na wag makipagaway? Tsaka she's a girl. You should respect Girls, Because Mommy and me is also a girl" pangaral sa kanya ng kapatid

"You and Mommy are different. I both love you. But that pig! She's annoying! I hate her!" asar na asar na sabi na sagot ni Lucas.

Sinundo siya ni Axus para pumunta na sa swimming class niya. Naiwan kami ni Suzy sa kwarto kasama si Luke. Busy ito sa paglalaro ng luto lutuan niya kaya naman napagpasyahan kong tabihan na lamang si Luke at lakas loob na bukalatin muli ang Journal niya. Naagaw ang atensyon ko ng sumunod na sulat dahil medyo iba ang sulat nito. Parang wala siya sa sarili ng isinulat niya ito.

Tito,

I'm sorry. I want to say sorry, Tito but in the other side I just keep saying na bagay lang sa kanya iyon. I force her, No! I raped her. Hindi ko alam kung anong nangyari, nabalot ako ng galit...Fuck! Hindi ko inakalang kaya kong gawin iyon.

Tito,

Is it possible for me to fall in love with her?

Hanggang duon na lang muna ang binasa ko, Sa oras na ito tama na muna iyon.

"Mom, can I play outside?" tanong ni Suzy habang nakadungaw sa may bintana.

"Dito ko na lang sa loob,Baby. Mas safe dito" malambing na sagot ko sa kanya.

"I want to play with them, Mom or I want to eat that oh! Yung dirty ice cream..." turo nito.

Nakatingin sa akin ang mapupungay nitong mga mata na nangungumbinsi. Hindi ko naman ito matiis kaya naman tumango na lamang ako.

"Yehey! Thank you, Mommy!" tumatalon talong sabi nito.

Sinamahan ko siya hanggang sa bumaba kami pero nagulat ako ng makitang may tatlong lalaking kausap si Mommy Eli.

"Saan kayo pupunta, Hija?"

"Sa labas lang Ma...may ipinabibili lang si Suzy" nakangiting sagot ko.

Matagal pa medyo sumagot ito. "Sa maids niyo na lang ipautos. Mas safe kung dito lang kayo sa loob" hindi makatinging sabi niya sa amin.

"May problema po ba ma? Tsaka bakit parang dumami ata ang body guard natin ngayon?" nagtatakang tanong ko.

Tipid at pilit itong ngumiti sa akin. "Nothing Hija. Just for our safety" nagmamadaling sagot niya at halatang umiiwas.

Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. At sinunod ang utos niya na sa maid na lang iyon ipagawa.

"Lola, are you ok?" tanong ni Suzy habang hawak ang ice cream niya. Pagkapasok namin sa bahay ay naabutan namin si Mommy Eli na nagmamadaling umakyat sa itaas.

"Yes, Baby. May pupuntahan lang si Lola" sagot nito kay Suzy at ngumiti pa.

Kagaya ng nakagawian ay nagkulong lang kaming dalawa sa kwarto kasama si Luke. Wala pa din kasi si Lucas dahil nasa swimming class pa niya.

"Mommy, hindi pa po ba tired si Daddy? He always stare at the wall" nakangusong puna nito sa akin.

Tipid akong ngumiti sa kanya at pinunasan ang pisngi niyang may ice cream pa. "May iniisip lang si Daddy" palusot ko dito.

"Ano po? Is it important? Than us?" may bahid ng selos na sabi nito.

Agad ko siyang kinandong at niyakap. "Syempre mas importante kayo kay Daddy" pagaalo ko sa kanya.

"Ayaw na ba niya sa atin Mommy? Babalik na lang ba ulit tayo sa US?"

Agad ko siyang pinaharap sa akin at Ikinulong sa aking dalawang kamay ang mapula at matambok niyang pisngi. "Ofcourse not baby...Ayaw ni Daddy na bumalik na tayo duon. Kasi gusto niya dito lang tayo, Kasama niya"

"Really? How about we try to hide, Mom. So Daddy will go and find us!" Masiglang pahayag nito.

Napangiti lang ako dahil sa sinabi niya. "Pero mahihirapan si Daddy kawawa naman siya pagpinaghanap pa natin siya diba?" malambing na sabi ko.

Agad itong napanguso. "I'm just suggesting, Diba nga po...You will only realize the worth of something if it's already gone" pagpapaliwanag niya na ikinalaki ng mata ko.

"Saan mo naman nakuha yan, Baby?" naaamaze na tanong ko dahil parang masyado pa siyang nata para sa mga hugot lines ng mga kabataan ngayon.

"Kay Tita Elaine po" nakangiting sagot niya.

Napangiti na lang ako at napailing. "You're too young for that, Baby"


Tito,

Wala akong kasalanan Tito. Wala akong kasalanan!

Tito,

Nagsakripisyo siya!? Isinasampal niya sa akin na nagsakripisyo siya!? Bakit? Sino ba ang halos mabaliw nung iniwan namin siya duong duguan, Walang malay. Sa loob ng tatlong araw na iyon wala akong inisip kundi siya! Na sana buhay pa siya! Kasi babawi ako sa kanya! Nung oras na pinaglaruan at inabuso nila ako siya lang ang inisip ko! Na tama lang to! Na tama lang na maranasan ko yun kasi naranasan niya din iyon. Hindi ako maguiguilty kasi ako din! Ako din binaboy! Pero putangina malalaman kong aalis siya! Tapos after ng ilang taon, Babalik siya at ipipilit ang sarili niya sa akin! Putanginang sakripisyo yan!

Napapunas ako ng luha ko dahil sa aking nabasa. Isang sampal din iyon sa akin dahil all this years inisip kong swerte si Luke dahil nakalimot siya. Nakamove on siya. Palagi ko na lang ipinapamukha na ako ang kawawa. Na ako lang ang may karapatang kaawaan dahil akala ko ako lang ang nakaranas.

Bumaba ako sa sala ng sinabi ng isang sa mga kasambahay na ipinapatawag ako ni Mommy Eli. Nagulat ako ng madatnan ko si Mommy Eli at Lola don nakaupo, hindi lang iyon! Pati din ang iilang mga tito at tita nila Luke. Pati si Tita Carina na sumampal nuon sa akin nung naaksidente si Lola ay nanduon, Nakayuko. Parang hindi makatingin.

"Good afternoon, Po" magalang na bati ko sa kanilang lahat.

"Sit down Hija..." tipid na ngiting sabi ni Mommy sa akin at tumabi ako sa kanya.

Walang may balak magumpisang magsalita man lang sa kanila. Pero agad binasag iyon ni Tito Dame. "Samantha, Hija...Alam naming marami kang problema ngayon. Lalo na ang kalagayan ni Luke ngayon. Pero gusto naming maging handa ka" panimula niya at talaga namang kitang kita sa kanya ang pagiging professional.  

 "Kailangan nating magingat. No, Kailan niyong magingat. Ikaw at ang kambal..." seryosong sabi nito.

Agad kumunot ang noo ko. "Ba...Bakit Po? Ano Po bang problema?" naguguluhang tanong ko.

Kahit sa aking tanong ay parang wala pa ding may gustong maunang sumagot at nagulat na lamang ako ng tumayo si Lola at mabilis na dumalo sa akin.

 "Diosmio, Hija. Kung alam ko lang na sayo nila isisi ang nangyari sa akin, Ay noon pa sana ako nagsalita. Hindi ko alam ang buong pangyayari matapos akong maaksidente, Walang may gustong mag kwento sa akin. Dahil na din sa aking kalagayan. Akala ko kung hahayaan ko na kang eh magiging ayos pa ang lahat. Akala ko magbabago pa siya at marerealize niyang mali ang gusto niya. At bilang pamilya niya ay hindi natin ipagdadamot sa kanya ang pangalawang pagkakataon, na andito tayo para suportahan siya at tulungan siyang magbago. Hindi ko alam na maalala na si Yesha..." maluhaluhang sabi nito at damang dama mo ang pagsisisi at may bahaid ng hinanakit sa bawat pagbigkas niya ng salita.

"Ano po ba talaga ang ibig niyong sabihin Lola? Ano po ba talaga ang nangyayari?" desperadang tanong ko dahil naguguluhan na din talaga ako.

"Si...si Yesha ang dahilan ng pagkahulog ko. Gusto ka niyang patayin nuon nung nalaman niyang buntis ka. Gusto niyang makuha ang buong companya pero dahil buntis ka alam niyang mabilis ng maililipat kay Luke ang buong companya"

Mula sa pagkakatayo ay nanghina ako at napaupong muli. Sa hinaba haba ng panahon. Kasalanan pala talaga ni Yesha ang pinagbabayaran ko. Halos kamuhian ko ang sarili ko dahil ang buong akala ko ay ako ang may kasalana non. Nagalit si Luke sa akin dahil iyon din ang paniniwala niya. Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa galit na nararamdaman ko kay Ate Yesha. May isang salita talaga siya, Sisisrain niya ang buhay ko. Tama nga siya, Nasira nga!

"And...Nawawala siya ngayon, Tumakas siya sa mga nurse niya sa may resthouse sa Tagaytay, base sa mga recent medical status niya she got even worst. At hindi maganda iyon" Si Tito Dame pa din ang nagpaliwanag.

Agad nagtaasan ang mga balahibo ko. Kahit ayoko man ay hindi maiwasang hindi ako dapuan ng takot. "Baba...Babalikan niya po ba kami? Galit pa din po ba siya? Sasaktan niya pa din po ba ang mga anak ko?" wala sa sarili kong tanong dahil kahit anong gawing tapang ko ay nagiging mahina at takot ako para sa kaligtasan ng kambal ko. Lalo na ngaun at wala si Luke para protektahan kami.

Mariing umiling sina Lola at Tito Dame. "Kaya nga Hija ngayon pa lang magdoble ingat na tayo. Ayaw naming may mangyari pang hindi maganda ng dahil nanaman kay Yesha. Don't worry proprotektahan namin kayo. Walang mangyayaring masama sayo at sa mga bata" paniniguro niya.

Napasubsob na lamang sa aking mga palad. Bakit ganito? Bakit sabay sabay naman? Bakit ngayon pa!? Kung kailan wala si Luke para sa amin? Ramdam ko na lamang ang pagdamay sa akin ni Lola at Mommy Eli at ang paniniguro nila sa aking walang mangyayaring masama na ayos lang ang lahat. Pero hindi ko alam, Grabe ang takot na nararamdaman ko dahil hindi na lang ako ito. Maging sina Suzy at Lucas ay damay din dito.

"Samantha..." napatingala ako ng tinawag ako ni Tita Carina.

"I'm sorry Hija, sa nagawa ko sayo. Sa mga nasabi ko" nahihiyang paumanhin nito.

Tumango  lang ako sa kanya. Kahit gustong gusto kong ngumiti sa kanya para ipahatid na ok na iyon wala na iyon sa akin. Pero kahit tipid na ngiti ay hindi ko kayang ibigay. Hindi ko na kayang magkunwaring ayos lang ako lalo na't ang kaligtasan na ng kambal ang pinaguusapan dito.

Sa Kalagitnaan ng katahimikan ay biglang lumapit ang isa sa aming mga katulong. "Ma'm Samantha may sulat po para sa inyo..." Abot niya sa akin ng isang may kalakihang envelope.

Aabutin ko na sana ng medyo nagpakita ng pagaalinlangan si Tito Dame. "Ok lang po..." sabi ko sa kanya.

Dahan dahan ko iyong binuksan at ramdam kong ang lahat ay nakaabang sa nakalagay duon. "Kanino ba galing?" tanong ni tito sa katulong,

"Eh Sir wala pong nakalagay eh, Iniwan lang po sa mail box"

Hindi ko na inalintana ang paguusap nila at nagpatuloy lang. Ilang lunok pa ang nagawa ko ng makita ko na ito ng lubusan. Halos manginig ang kamay ko sa pagkakahawak ng picture ng mga anak ko na may sulat ng pulang ballpen ang mukha. Base sa pagkakaguhit dito ay halatang galit at nanggigigil ito dahil halos mabutas na ang picture. Ang masasaganang luha ko ay nagsituluan nanaman, At halos sumikip ang dibdib ko ng mabasa ang nakasulat sa likod nito.

"One of these days...History will repeat itself. Mark my words, little Samantha!"






(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro