Chapter 53
Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
Tito,
I don't know what to do. Ayokong iwanan si Grace lalo na ngayong may problema siya. I feel so helpless. Hindi ko alam ang gagawin ko. I'm blaming myself kasi hindi ko siya nailigtas. Naaksidente siya at hangang ngayon ay hindi pa gumigising, Hindi ko kayang dumalaw man lang sa kanya sa hospital. Hindi ko kayang makitang ganuon siya, For the second time wala nanaman akong nakagawa para sa babaeng mahal ko, Wala talaga akong kwenta.
Yan agad ang unang sulat na nabasa ko pagkanukas ko ng journal ni Luke, marahil ay nangyari ito bago pa man sila pumuntang US nuon. Wala pa din ang kambal at umalis na din si Tito Simon kaya naman napagpasyahan kong basahin pa ang sumunod dito.
Tito,
Simula nung dumating kami dito ay palagi na lamang akong nananaginip. Simula nang makita ko ulit siya ay parang bumalik nanaman sa akin yung masamang alaala. I don't want to see her, Ayokong lumapit man lang sa kanya, Because she is a living proof that wala akong nagawa para sa kanya, I'm so stupid, And I hate this feeling. I hate her.
Medyo nagtubig ang aking mata sa aking nabasa. Kung hindi ako nagkakamali ay ako ang tinutukoy niya dito. I'm a living proof of the dark past? Kaya ba ganuon na lang ang trato niya sa akin? Ganuon na lang ang pandidiri at galit niya sa akin? Which means, Naalala niya talaga ako?
Napahinto ako sa susunod na pagbabasa ng biglang may kumatok. Dali dali ko iyong binuksan at nakita si Mommy Eli.
"Ma...may kailangan po ba kayo?" tanong Ko.
"Yung kambal?" medyo nauutal na tanong nito.
Agad kumunot ang noo ko dahil sa inaakto nito, Parang natatakot siya na parang nagpapanic hindi ko alam kung bakit at anong problema.
"Kasama po ni Axus at Elaine. May problema po ba Ma?" nagaalalang tanong Ko.
Umiling ito pero hindi pa rin sapat para makumbinsi man lang ako. "Tatawagan ko lang si Elaine, The kids should go home now" mabilis na sabi niya at agad dinukot ang cellphone sa bulsa.
"Hello, Elaine..."
Hindi ko na nadinig ang sumunod nitong sinabi dahil lumayo na siya sa akin. Kaya naman pumasok na lang ulit ako sa kwarto at pinagpatuloy ang pagbabasa.
Tito,
Akala ko makakatakas na uli ako sa bangungot na iyon ng nagpasya sila Mommy na bumalik na ng Pilipinas. But that girl! To hell with her! She sets me up! Kahit kailan hinding hindi ko gagawin sa kanya iyon! I don't even know how to approach her, because even her face is shouting stupidity to me! Fuck this life! How can I even live in the same roof with her!? Pagsisisihan niya to! I will make her life miserable, Hanggang siya na yung sumuko sa akin. I want her out, I want her out of my life. Hindi siya nakakatulong sa akin Tito, Lalo lang bumabalik sa akin ang lahat.
He hates me. Yun lang yun. Tuluyang naglabasan ang luha ko sa aking nabasa. Ngayon ko lang nalaman na ganito. Hindi ako nakakatulong sa paggaling niya, I'm so stupid, ng pilitin ko siya sa sitwasyong ito. Hindi ko alam na ganito pala ang epekto ko sa kanya. Na ako ang dahilan kung bakit hindi pa din siya makamove on sa past. Marahan akong lumapit sa kama niya at hinaplos ang buhok niya habang natutulog ito.
"I'm sorry, Luke. But nagawa ko yun kasi mahal kita..." lumuluhang sabi ko sa kanya tsaka siya hinalikan sa noo.
Tumabi ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. All these years, akala ko ako lang ang nahihirapan sa pagalala ng nakaraan. Hindi ko alam na nahihirapan din pala si Luke, akala ko ako lang yung nagsasakripisyo na itago at kimkimin na lang lahat ng nangyari noon. Hindi ko alam na ganuon din pala ang ginagawa ni Luke.
Nagpagpasyahan ko ng bumaba ng marinig kong dumating na yung kambal.
"Are you really a dragon Tita elaine?" dinig kong natatawang tanong ni Lucas.
"Ofcourse not Kuya, Tita Elaine is like a Princess..." sweet na sabi ni Suzy.
"Alam mo Lucas, Wag kang magpapaniwala diyan sa Tito mong panget!" naiiritang sabi ni Elaine na sinundan ng halakhak ni Axus.
"Ako panget? Eh ano ka pa?" natatawang sabi nito at nakipagapir pa kay Lucas.
"Inaaway niyo nanaman ang Tita Elaine niyo" singit ko sa kanila.
"Mommy!" Agad tumakbo ang dalawa sa akin.
"Nag enjoy ba kayo?"
"Yes, Mom!" Sabay nilang sabi.
"But sana next time kasama ka na. Tsaka si Daddy" malungkot na sabi ni Lucas,
"Syempre naman. Next time kasama na kami ng Daddy ok?" pagaala ko sa kanya.
"Sabi ni Tito Axus, Sasamahan niya ako sa first day ng swimming class ko. It's supposed to be Daddy..." patuloy niya.
Napatingin ako kina Axus at Elaine at nginitian sila. Buti na lang at nandito sila para sa mga bata. Dahil kung ako lang ay baka hindi ko kayaning ipaliwanag sa kanila ang nangyayari at kalagayan ng Daddy nila ngayon.
"Dito na kayo kumain. Magpapahanda na ako ng dinner kay Manang" sabi ko sa dalawa.
"Yes, Tito Axus! Dito na lang kayo magdinner ni Tita Elaine" masiglang sabi ni Lucas at parang close na close na agad sila.
Tumango naman si Axus para sundin ang gusto ni Lucas. Kahit papaano ay nagiging masaya ang mga bata sa presensya nung dalawa. Pagkatapos kumain ay tumulong pa ang mga itong patulugin ang dalawa tsaka sila umalis. Kaya naman naghanda na din ako para matulog ng biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hello..."
"Sam..." agad kong nakilala ang nagmamayari ng boses na iyon.
"Elijah...Bakit napatawag ka? Anong kailangan mo?"
"Pwede ba tayong magusap? Bukas. I really need to talk to you, Importante lang please" pagmamakaawa niya.
Marahil ay inisip nitong mahihirapan na siyang kumbinsihin ako dahil sa nangyari nung huli kaming magkita.
"Ok, sige"
"Thank you, I'll text you kung saang restaurant" parang nakahinga ng maluwag na sabi nito.
Hindi ko na hinintay na may idugtong pa ito at agad nang pinatay ang tawag. Kinaumagahan ay maaga nitong itinxt kung saan kaming restaurant magkikita.
Tito,
I can't believe I slapped her, Nadinig kong umuungol siya dahil siguro nananaginip siya. I tried na gisingin siya pero ayaw niya, Kinabahan ako kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya. I started to panic. Wala na akong ibang alam na paraan para magising siya. I was so desperate so I have no choice but to slapped her. Gusto kong maawa, But everytime na maaalala ko ang nakaraan ay bigla na lang nagiinit ang ulo ko so wala akong ibang nagawa kundi ang insultuhin na lamang siya. By that, gumagaan ang pakiramdam ko. Gumagaan ang pakiramdam ko na wala akong kasalanan, Wala dahil siya ang may gusto non hindi ako.
I deserve it, Yun lang ang pumasok sa isip ko everytime na nababasa ko ang journal ni Luke. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang pumapasok sa isip niya everytime na nakikita niya ako. Pero I guess alam niya. He just denying it. Yun marahil ang epekto ng treatment niya. Ang matutong ideny ang lahat para mawala sa isip niya. Nasubukan ko na din iyon nuon, Pero hindi umubra dahil grabe yung traumang dinanas ko. Hindi ko alam kung saan humuhugot si Luke ng hinanakit niya, dahil ang pagkakaalam ko lang naman ay nasaksihan lang niya ang pangaabuso sa akin, marahil ay may mas malalim pang reason kung bakit ganon. Tama nga si Tito Simon, Si Luke lang ang makakasagot ng mga tanong ko. Ililipat ko na sana uli sa sunod na page ng biglang mapansin ko ang pagdating na ni Elijah. Kanina pa ako dito sa restaurant na itinxt niya.
"Sorry I'm late. Si Aliah kasi..." paumanhin nito at mukhang galing pa ito sa pagtakbo.
"I'm glad nabanggit mo din ang anak mo sa wakas" panimula ko dahil totoong ngayon ko lang narinig na banggitin niya ang pangalan ng anak niya.
Hindi nito pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy. "Look Sam...I'm sorry sa nangy..."
"Wala na iyon Elijah, Can you just make it straight to the point?" tanong ko at di na siya pinatapos.
Bumagsak ang balikat nito sa pagkadismaya. "Pumayag ang mga Jimenez na ibigay muna sa akin ang custody ni Aliah. Dahil sa condition ni Yesha...Isasama ko siya sa US, At uulitin ko Sam...Gusto kong sumama kayo ng kambal" desperadong sabi nito.
"Ano!?" medyo tumaas na din ang boses ko.
"Nasagot ko na yan Elijah! Ayoko! Ayoko ng bumalik doon. Ayoko ng iwan si Luke...Bakit ba hindi mo na lang ako hayaan. I know malaki ang utang na loob namin sa iyo, Pero please naman intindihin mong ito ang desisyon ko" madiing pagpapaliwanag ko sa kanya.
"You don't understand, Sam..." frustrated na sabi niya.
"Then let me understand!"
"I know kung anong nangyari kay Luke. He is not capable to protect you and the twins, Kaya nga sumama ka na sa Akin..." hindi ko na siya pinatapos and then I slapped him.
"How dare you para sabihin yan? Luke is not capable of protecting us huh? Why Elijah? are you even capable? You want to protect us? But in the first place wala kang ginawa kundi paikutin ako, You lied..." panunuyang sumbat ko.
Mariin itong napapikit, "I lied because I want to protect you, Sam. I want to protect you" madiing pangungumbinsi niya.
"You want to protect us? Ni sarili mo ngang pamilya ay hindi mo na protektahan, Alam mo bang sobra akong naguiguilty? inilaan mo lahat ng oras mo para sa amin, samantalang pinabayaan mo si Ate Yesha at si Aliah..." panununsensya ko sa kanya, dahil kahit ako ay ganuon din ang nararamdaman.
"Bakit hindi ka na lang mag stay dito at ikaw ang magalaga sa asawa mo?" suwestyon ko.
"I don't love Yesha...I never did" nagaalangang sabi nito.
Agad nanlaki ang aking mata. "Then why did you marry her? Nagkaroon pa kayo ng anak" I asked with frustration.
"I am his Doctor. I want to help her, Sobrang desperado na niyang magkaasawa at magkaanak para sa Lola mo" paguumpisa nito ng kwento niya,
"Para kay Lola?" nagtatakang tanong ko dahil di ko magets kung ano ang koneksyon ni Lola duon.
"Yun ang kundisyon ng Lola ni Luke noon. Akala niya pagnagkaanak at nagkaasawa na siya ay sa kanya ibibigay ang companya na in the first place para kay Luke lang naman talaga. That's why she is so depressed at hindi ko na alam kung ano ng tumatakbo sa isip niya. Delikado siya, Sam. So I want you to come with me..." pakiusap niya at nagawa na nitong hawakan ang kamay ko ay mahigpit na hinawakan.
"No. Hindi ko iiwan si Luke..." matigas na sabi ko at ginamit ko ang buong lakas ko para mabawi ang kamay ko.
"Please Sam, Kahit para sa kambal na lang..."
"Kung para sa kambal ang iisipin ko mas lalong hindi kami aalis dahil ang wag iwanan si Luke ang makakabuti sa kanila. I became so selfish sa limang taong inilayo ko sila sa Daddy nila. Hindi ko na ulit uulitin iyon, That's it Elijah. Hindi ko iiwan si Luke. Hindi na ulit" pinal na sabi ko at mabilis siyang iniwan duon.
Nang makarating ako sa bahay ay agad kong naabutang naglalaro ang kambal sa kwarto namin ni Luke.
"She's annoying Daddy. She's so Fat and napakakulit niya!" kwento ni Lucas sa Daddy niya.
"What is it Baby?" natataaang singit ko. Dahil hindi nito naramdaman ang presensya ko.
"Hello, Mommy!" mabilis itong tumakbo sa akin para halikan ako.
Kakauwi lang din pala nito sa kanyang first day sa swimming lesson. "How's your day?" malambing na tanong ko.
Agad itong humakukipkip at napasimangot. "I have a classmate, oh No! Anak siya ni Teacher. Mataba siya at nakakainis! I think may crush iyon sa akin. Ayoko sa kanya! She is so annoying!" iritadong pagkwekwento nito.
Napatawa ako. "Baka naman friendly lang..."
"No Mom! She touched my butt!" galit na sabi nito at iminuestra pa ang paghawak sa pwetan niya.
Narinig ko ang malambing na tawa ni Suzy na naglalaro ng luto lutuan niya "And Tito Axus just make fun of me. If wala lang tao duon! Lulunurin ko siya! Nakakainis! She is sore in the eyes" Parang nandidiri pang sabi niya.
"Baby...Gusto lang siguro niyang makipagkaibigan sa iyo" pagkukumbinsi ko.
"No Mom! I hate her, That's final" Masungit na sabi niya at agad nagmartsa pabalik sa kinauupuan niya kanina.
Hapon na ng dumating uli si Tito Simon. Tamang tama, I want to clear things out.
"Minsan makakabuti din kay Luke hija kung ilalabas niyo siya ng bahay. Para naman maiba yung nakikita niya" payo nito habang chinicheck si Luke. Tango lang ang sinasagot ko sa kanya dahil hindi ko alam kung paano ako magsisimulang magtanong.
"Sige magtanong ka na" natatawang sabi nito na parang nababasa niya ang nasa isip ko.
"Uhm Tito...Alam po ba niya? Naaalala po ba niya?" magulong tanong ko.
Tipid na ngumiti ito sa akin, at maayos na umupo sa gilid ng kama ni Luke kung saan diretsong nakatapat sa upuan na kinalalgyan ko. Bago sumagot ay tumingin muna ito kay Luke tsaka marahang tumango tango. Hindi pa siya nagsasalita ay gusto ng kumawala ng mga luha ko, Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko.
"I taught him to forget everything in the past. Pero syempre hindi ko naman makokontrol ang lahat ng iyon. Na kay Luke pa din iyon kung paano niya gagawin. Then in the middle of his progress napansin kong he used one of the defense mechanism that I told him. And one of that is the denial. Naaalala niya lahat, but he always denies it. Hindi ko naman siya masisisi dahil ang hirap din ng pinagdaanan niya" malungkot na kwento nito sa akin at hindi ko na namalayang lumuluha na pala ako.
"Ano pong pinagdaanan?" naguguluhang tanong ko.
"Ask him" sagot niya at itinuro ang journal na nakapatong sa side table.
"Just be sure na kung ano man ang malaman mo ay hindi magbabago ang tingin mo sa kanya. Hanga ako sa paraan ng pagtatago niya non. Pero in the end of the day ,naging masama ang epekto ng pagtatago niya ng totoong naranasan niya"
Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang gustong iparating ni Tito sa akin. Kaya naman hanggang sa nagpaalam na ito ay hindi na ako nagtanong. Pagkaalis niya ay mabilis kong kinuha ang journal at binasa. Hinanap ko ang huling sulat niya na binasa ko. At mabilis na inilipat iyon sa kasunod.
Pero halos mabitawan ko ang Journal ng maramdaman ko ang panginginig ng aking kamay dahil sa aking nabasa.
Tito,
How dare that woman accused me na wala akong alam sa nangyari sa kanya at hindi ko naiintindihan iyon!? She even shouted at my face! Bakit!? Siya lang ba ang inabuso? Siya lang ba ang na rape!?
With that I stunned.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro