Chapter 51
Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
"Samantha hija..." masayang salubong sa amin ni Mommy Eli.
"Mommy..." tawag ko din sa kanya at tsaka ginantihan ang yakap niya.
"Daddy who is she?" mausisa nanamang tanong ni Lucas sa likod ko.
Humiwalay ng yakap sa akin si Mommy Eli at tsaka hinarap ang dalawa. "Ito na ba ang mga apo ko?" maluhaluhang sabi nito.
Tumango ako at nginitian siya. Kaya naman agad itong lumuhod para pantayan ang dalawa. "Ang ganda at ang gwapo..." puri niya sa mga ito habang marahang hinahaplos ang mukha ng dalawa.
"So Lola din po namin kayo?" tanong ni Lucas dito.
Tumango lang si Mommy Eli at agad niyakap ang dalawa. "Samantha, hija..." tawag naman ng Daddy ni Luke sa akin.
"Daddy..."
"Welcome back..." masayang sabi nito at tsaka ito naglahad ng kamay para mayakap ako.
"Thank you po..." nahihiyang sagot ko.
"Look Daddy, Ang gwapo at ganda ng mga Apo mo...Ang tanda na talaga natin" natatawang sabi ni Mommy.
"Hi there kids" magiliw na tawag ni Daddy sa mga ito.
"Hello, Po" sabay na sagot nung kambal.
Lumapit siya sa mga ito at binuhat si Suzy. "What's your name Baby?" malambing na tanong niya.
"My name is Suzy Laine Gazier po..." magalang na sagot nito.
"Jimenez baby..." malambing na pagtatama ni Luke.
"Ops..." Natatawang sabi ni Suzy at napatakip pa ng bibig.
Agad namang natawa sina Daddy at Mommy sa inakto nito. "How about you, Baby?" baling naman niya kay Lucas.
Agad napalitan ng pagkakunot ng noo ang mukha ni lucas At humalukipkip pa ito. "I'm not Baby..." tamad at medyo iritadong sabi nito.
Agad nanlaki ang mata ni Daddy at napangisi. "Manang mana" nakangising sabi nito.
Napatawa ng mahina si Luke dahil sa reaction ng Daddy niya. "Introduce your self, Man"
"I'm Lucas Eion Gazier, Jimenez what so ever" tamad na sabi nito na ikinatawa namin.
"Lakas ng dugong Jimenez nito" natatawang sabi ni Daddy at ginulo ang buhok ni Lucas.
"And this baby girl is so sweet...Manang mana sa Mommy" malambing na baling nito kay Suzy na walang ginawa kundi ang ngumiti.
"Oh...Andito na si Baby Suzy at si pareng Lucas!" maingay na sabi ni Elaine at parang hayok na hayok na pinaghahalikan yung dalawa.
"Tita! I want to meet tito Racer!" masiglang sabi ni Lucas at agad nabuhayan ng dugo.
Agad kumunot ang noo ni Mommy at ni Daddy, kaya naman si Luke na ang sumagot sa kanila. "He wants to meet Axus, He want to become a car racer, Right man?"
"Yes! Ofcourse! Can I meet him? Can I meet him please?" nagmamakaawa na pakiusap nito.
"Ofcourse Hijo. Sasamahan ka ng Tita Elaine mo" sagot ni Daddy sa kanya.
"Thank you, Sir!" masiglang sabi nito at sumaludo pa.
"Hala bakit ako!? Si Marcus na lang!" dipensa ni Elaine.
"Anong problema nito? Tara Lucas! Puntahan natin ang tito Axus mo" yaya sa kanya ni Marcus na pinsan nila Luke.
"But I don't know you..." nakangusong sabi ni Lucas.
"I'm your Tito Marcus" pagpapakilala nito.
"Ok, But I want Tita Elaine to come with us...Please?" Paglalambing niya.
"Samahan mo na, Baby..." Pakiusap ni Mommy kay Elaine.
"Aryt! May magagawa pa ba ako? Eh ang cute mo!" nakangiting sabi nito tsaka niya hinila si Lucas.
"Ikaw naman sweetheart, ipapakilala kita" sabi ni daddy kay Suzy at magkasama nila ni Mommy na inakay ito.
"Solo nanaman kita!" mapangasar na sabi ni Luke at inakbayan pa ako. Inirapan ko na lamang siya.
"May papakilala ako sayo!" pilyong sabi nito at hinila ako kung saan.
Nagpahila na lamang ako sa kanya, Dumaan pa kami sa mahabang buffet at sa mga iilang naglalakihang round table. Maya maya ay natanaw ko na sila Daddy, Mommy at Suzy na nakatayo sa harap ng isang round table. Agad kumalabog ang puso ng makita kung sino ang nakatalikod sa amin.
"Kamukhang kamukha ni Samantha ang isang ito..." natatawang sabi nito.
"Granny..." malambing at natatawang tawag ni Luke dito dahilan para mapalingon ito sa amin.
Pagkaharap niya ay agad nagtuluan ang luha kom "Meet my wife Lola..." natatawang sabi ni Luke pa din.
Hindi na ako Nakapagligil at agad na akong lumapit at niyakap siya. "Lola, Ok ka na Lola..." umiiyak na sabi ko. Dahil para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan ng makitang maayos na ulit siya at malakas. Umalis ako nuon na wala pa siyang malay, Pero ngayon ay nagbalik na ang dating sigla niya.
"Namiss ko po kayo..."
"Samantha..." malambing na tawag niya sa pangalan ko.
"Namiss din kita Hija...Pero diosmio, Wag mo naman akong patayin at hindi ako makahinga" natatawang reklamo niya sa mahigpit kong pagkakayakap.
"Ay sorry po..."
Hinawakan nito ang dalawang kamay ko, At pagkatapos ay marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. "Mukhang tao ka na Hija..." natatawang sabi niya na ikinatawa ko din.
"Si Lola talaga..." natatawang sabi ko.
"Mommy...Mommy! I finally meet Tito Racer!" masiglang tawag ni Lucas na buhat buhat ni Axus habang papalapit sila sa amin, sa gilid naman nila ay ang nakasunod na si Elaine.
"Daddy! I meet Tito Racer!" di makapagpigil na sabi nito.
"Aba'y Hijo ikaw na ikaw talaga ang isang ito" naaamaze na sabi nito kay luke habang di maalis ang tingin kay Lucas.
Maya maya ay bumaling ito sa akin na may malaking ngiti sa labi. "Ang galing mo Hija...Kuhang kuha mo ang technique para makabuo ng kambal! Ang galing mo!" natatawang sabi nito at tsaka ako pabirong kinurot sa tagiliran.
Agad uminit ang pisngi ko. "Lola ako ang nagtodo effort, kaya sa akin galing ang technique hindi kay Samantha" natatawang sabi ni Luke.
"Pero kay Samantha ko iyon tinuro...Diba Hija?"
Lalo akong napayuko at napakagat labi pa. "Hindi niyo naman po naituro sa akin Lola..." nahihiyang sabi ko.
"See?" pagbibida ni Luke.
Nagkibit balikat si Lola. "Ang galing mo Apo! Manang mana ka sa Lolo mo!" natatawang pagbibida nito.
"Lola..." daing ni Elaine na naging dahilan ng tawanan nila.
Pagkatapos ng kainan ay may mga ginawa silang palaro para naman sa mga bata, Nagulat nga ako't nawala ang pagiging mahiyain ng Kambal, Si Axus naman ay hindi makaalis sa nakahilerang tanong ni Lucas. Wala namang ginawa si Lola kundi asarin ako sa kanina pang technique na pinagsasabi niya, at ang baliw na si Luke ay lalo pa itong ginagatungan. Nang dumilim ay tinawag ang lahat na lumabas para sa inihandang fireworks display.
"Hoy Luke! Dun ka nga sa loob! Mamaya ay murahin mo nanaman ako dahil sa paputok na yan!" natatawang baling sa kanya ni Sebastian.
"Fuck you, asshole! Dun ka nga!" inis na bulyaw niya dito.
"See!?" pangaasar ni Sebastian tsaka tumawa.
"Shut up!" inis na singhal ni Luke.
"Daddy are you afraid of fireworks?" tanong ni Suzy.
"Ofcourse not! Daddy is big na! And he is brave, Why would he be afraid of fireworks?" pagbibidang sagot ni Lucas sa kapatid.
"Right Dad?"
"Yeah ofcourse..." nagaalangang sagot ni Luke dito.
"Pumasok ka na sa loob. Sasabihin ko na lang sa dalawa na may kailangan kang gawin, Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila." pangungumbinsi ko sa kanya.
Umiling iling ito at nginitian ako. "Ano ka...Paputok lang yan" matapang na sagot niya.
"Sure ka ba?" paniniguro ko.
Tumango tango ito at binigyan ako ng sandaling halik. "Hoy bawal PDA dito!" singhal ni Sebastian sa kanya.
"Gago!" natatawang sagot ni Luke.
"1...2...3" malakas na bilang nila at masunod nuon ang malakas pero magandang fireworks display ang napapanuod namin. Sobrang ingay sinabayan pa ng malakas na tawa at lalo na ang sigawan ng mga bata dahil sa tuwa, Ang iba pa nga ay tumatalon talon pa.
"Shit.." mumunting daing ni Luke.
"Ok ka lang ba? Pumasok na kaya tayo?" malakas na sabi ko sa kanya dahil di kami magkarinigan.
Mariin itong nakapikit na para bang sobrang sakit ng ulo niya, Kaya naman wala na akong ibang choice kundi hilahin siya papasok, Kahit papaano ay naibsan ang ingay dito.
"Ito...Uminom ka muna ng tubig" abot ko sa kanya.
"Medyo nahilo lang ako sa usok" palusot niya.
"Magpahinga ka kaya muna sa itaas" nagaalalang suwestyo ko.
"I'm ok, Baby. Wala lang ito" paniniguro niya sa akin. Tinabihan ko siya sa may sofa at agad siyang yumakap sa akin.
Maya maya ay nawala na ang putukan at mabilis na nagsipasok na ulit sila. Pero lubos na umalingaw ngaw ang iyak ng isang batang babae.
" I want Mommy! I want Mommy! I don't like here!" humahagulgol na sigaw nito.
"Aliah...Wag ka ng umiyak, Andito naman sina Lolo at Lola. Andyan din ang mga Tita mo, Tingnan mo ang mga pinsan mo naglalaro lang" pagaalo ni Tito Ysmael.
"I want Mommy! I want Mommy! Please!!!" sigaw nito.
Nanahimik ang lahat at tanging sa kanya lang nakatuon ang pansin. Ang iba ay naawa pa dito.
"Kawawa naman yung bata, Pati siya nadadamay" problemadong sabi ni Luke.
"Kay Ate Yesha bang anak yan?" tanong ko.
Tumango tango ito bilang sagot sa akin. Pinagmasdan ko ang batang babaeng iyon at agad kong napuna kung sino ang kamukha niya.
"Si...Elijah ba?" nagaalangang tanong ko.
Agad namulat ang mata ni Luke. "Anak ni Ate Yesha at Elijah yan" diretsong sagot niya.
Hindi na ako umimik pagkatapos, Paano nagawa ni Elijah na baliwalain ang anak niya ng ganito? Limang taon ko siyang nakasama at kahit kailan ay hindi ko man lang siya nakitang nagbigay ng kahit kaunting oras para dito. Makalipas ang ilang sandali ay natahimik din ito at nagbalik na ang lahat sa dati.
"Iuuwi ko na muna ito para makapagpahinga" sabi nung isang lalaki at kung hindi ako nagkakamali ay ito ang Daddy ni Ate Yesha.
"Ganuon ba? Sige magingat kayo, Babalik ka ba agad?" tanong ng Daddy ni Luke.
"Oo. Ihahatid ko lang ito sa yaya niya" sagot ni Tito Ysmael.
"Kung gusto mo Tito ako na lang. May pinapakuha si Daddy sa akin, Idadaan ko na lang si Aliah" suwestyon ni Luke.
"Ganuon ba? Sigurado ka ba diyan?"
"Opo, Sige ako na po ang bahala" sagot ni Luke.
"Ok lang ba sayo, Hija?" tanong niya sa akin.
"Opo, Ok lang po" sagot ko.
"Sandali lang ako. Babalik ako agad" paalam ni Luke at mabilis akong hinalikan sa labi. Bago pa ito tuluyang tumayo ay bumulong la ito sa tenga ko.
"I love you..." nakangiting sabi niya.
Napanguso lang ako sa kanya at napangiti. "Uy! Kinilig siya!" pangaasar niya sa akin na inirapan ko lang. Matapos niyang magpaalam sandali sa parents niya ay umalis na muna ito para ihatid si Aliah.
Kanina pa kwento ng kwento sa akin si Lucas ng nalagap niyang impormasyon kay Axus pero hindi ko alam kung bakit parang naglalakbay ang diwa ko at hindi ako mapakali. Isa't kalahating oras na kasi ang nakalipas at hindi pa din bumabalik si Luke. sa tansya ko ay walang isang oras ang pauwi at pagbalik dito. Kaya naman kinundisyon ko na lamang ang sarili kong baka natraffic lang siya.
"Hoy! Anong problema mo? Kanina pa nagkwekwento sayo yung anak mo parang wala ka sa sarili diyan" puna sa akin ni Elaine.
Sasagot pa lang sana ako ng bigla silang magkagulo. "Hindi mo ba matawagan? Kanina pa iyon ah?" hindi mapakaling tanong ni Tito Ysmael.
"Anong nangyayari Marcus?" tanong ni Elaine sa pinsan.
Bago sumagot ay tumingin muna ito sa akin. "Wala pa kasi si Aliah sa bahay nila Tito..." nagaalangang sagot niya.
"Ha? Kanina pa sila umalis ah..." kinakabahang sabi ko.
"Yun na nga eh..."
Kaagad namuo ang kaba sa aking dibdib, asaan na sina Luke? Maya maya ay natanaw naming tumatakbo ang isa sa mga pinsan nilang si Clark, at lalo akong muntik hindi makahinga sa sumunod nitong sinabi.
"Naaksidente sina Luke"
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro