Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 48

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________



" I was expecting for a mega ultra punch! Asaan na!?" natatawang pangaasar ni Matteo pagkabalik mamin. Pinasundo lang kami ni Kervy sa tauhan niya gamit ang speed boat.

"Gago!" natatawang sabi ni Luke habang nakapulupot ang braso sa bewang ko.

"Wow, blooming si Luke!" dagdag pang pangaasar ni Timothy.

"Tigilan niyo nga ako mga gago!" natatawang bato ni Luke sa mga kaibigan.

"Ayy! kaw Papa Luke ha!" pangaasar ni Matteo hamit ang boses babae.

"Humanda ka sa amin papa Luke!" ganuon ding gawa ni Timothy tsaka nilapitan si Luke at nagala 7 years old nanaman silang nagkilitian pa. Kaya naman napailing na lang ako.

"Mommy! Mommmy!" tumatakbong tawag sa akin nung kambal kaya naman sinalubong ko na din sila.

"Mommy sabi ni Tito Matteo kinidnap ka daw ni Daddy!" pagsusumbong ni Suzy.

"Yeah right! That's why I hate him!" masungit na sabi ni Lucas at nakahalukipkip pa.

Napatawan na lamang ako. "Mommy, I miss you po..." malambing na sabi ni Suzy at niyakap pa uli ako.

"And another one, Sabi po ni Tito Matteo, pagbalik niyo dito may baby na sa tiyan niyo Mommy...how come?" nagtatakang tanong ni Lucas at nagpalungbaba pa.

"That jerk!" mahinang daing ni Luke. Napabitiw din si Suzy at matingin sa akin, tapos kay Luke.

"Ofcourse not! Walang baby sa tiyan ni Mommy, Syempre kayong dalawa lang ang baby namin..." masiglang sabi ni Luke kaya lumiwanag ang mukha ni Suzy.

"Really, Daddy!?" masiglang sigaw nito tsaka tumalon para yumakap kay Luke. 

 "Syempre!" sagot nito at kumindat pa kay Lucas.

"I hate you pa din Daddy!" sabi nito at nagmartsa palayo. Dinilaan ko si Luke at sinundan si Lucas pero dinig ko ang paghalakhak niya.

Naging masaya ang ilang araw naming pagsasama sama, Kahit wala namang masyandong event ay maging enjoy ang lahat. Andyan yung pagbabangayan nila Lucas at Ken, Murahan nila Luke, Matteo, Kervy at Timothy, at ang girls talk namin. Pero syempre kailangan na din naming bumalik sa mga trabaho namin ganuon din yung apat.

"Basta! Mauulit to ha!" sabi ni Timothy, Habang kanya kanya na kaming lagay ng mga gamit namin sa kanya kanya naming sasakyan.

"Basta dapat pagnaulit to! Kasal na kayo niyan ni Tin!" seryosong sabi ni Kervy dito kaya naman agad itong natahimik.

"Basta ang alam ko lang pagnagkita kita ulit tayo! Ako ang may pinakamaraming anak!" natatawang sabi ni Matteo kaya naman agad siyang nakatanggap ng batok may Zyrene.

"Joke lang sweetheart! Ikaw naman..." panunuyo niya dito.

"Basta Tito Luke! Ako lang ang pwedeng manligaw kay Suzy ha!" sabat ni Ken.

"Hoy! Hindi nga pwede!" inis na suway ni Lucas.

"Tuli muna bago ligaw, brad!" natatawang payo ni Matteo dito at isang batok naman kay Kervy ang natanggap niya.

Naging mabilis din ang byahe namin pauwi, Tulog ang dalawa sa back seat. "Luke, Pagkauwi may pupuntahan lang ako sandali ha" paalam ko sakanya.

Saglit siya sumilyap sa akin. "Ha saan? Hindi ba pwede bukas yan? Magpahinga ka muna..." suwestyon niya.

Napailing ako. "Malapit ng matapos ang medical mission nila Elijah. Ngayon umaasa pa din siyang sasama kami ng mga bata pabalik sa US, Ayoko namang umasa siya, kailangan ko na siyang makausap agad" paliwanag ko.

"I hate the fact that you care too much for others. Niloko ka niya, He doesn't deserve any explanation kung bakit hindi na kayo sasama sa kanya..." paliwanag ni Luke.

"Pero, Luke. Andun na tayo. Oo nga niloko niya ako, Pero hindi kaya nagawa niya lamang iyon dahil gusto niya akong protektahan? Kami ng mga bata..." balik na pagpapaliwang ko din sa kanya.

"But Sam, I think maling ideya yun. Wrong idea, Baby..." pagpilit niya sa akin.

"Sandali lang promise!" paniniguro mo at itinaas pa ang kamay.

"Sige basta sasama ako..." parang ayaw na sagot pa niya.

Pagkatapos naming maiuwi ang mga bata ay dumiretso kami sa condo nila Elijah at Viel.

"Kung gusto mo paextend pa natin yung medical mission. Basta wag lang ngayon..." nagaalangang sabi nito.

"Sino ka naman para ipaextend yung medical mission!" natatawang pangaasar ko sa kanya.

"Ako lang naman ang major sponsor non, Samantha..." mayabang na sabi nito na nagpanganga sa akin.

"Seriously!?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"My plan A para mapauwi kayo dito at ang Plan B ko ay si Daddy..." natatawang kwento niya.

"At talagang nagkuntsabahan pa kayo ha!"

"Kailan mo ba kakausapin ang Daddy mo Sam? Kailan mo siya patatawarin?" tanong ni Luke.

"That's a different issue, Luke..." tamad na sagot ko dito at nanahimik na. Tumigil naman din siya sa pagtatanong.

"Hintayin mo na lang ako dito, Ako na lang ang aakyat..." paalam ko kay Luke ng nasa may parking lot na kami.

"Sasama ako, Baby..." pagpupumilit niya.

"Wag na ako na lang mas makakapagusap kami pag kaming dalawa lang. Baka mamaya ay unahan niyo agad ng init ng ulo niyo pareho..." pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Sa labas ng pinto..." hirit pa niya.

Umiling iling ako at iniangat ang cellphone.  "30 minutes tatawag ako sayo pagnagkaroon ng problema at kung wala pa din akong tawag at hindi pa ako nakababa ay umakyat ka na..." taas kilay kong tanong na para bang humihingi na ng permiso.

"That long? Hindi ba pwedeng pagusapan yon ng 5 mins lang?" frustrated na tanong niya.

Agad akong napatawa at hinampas siya sa braso. "Grabe naman ito!" natatawang suway ko.

Magsasalita pa sana uli ito para mangatwiran nanaman ay agad ko ng isinabit ang braso ko at tumingkayad para mahalikan siya.

"Thank you, Baby. I'll call you ok?" malambing at maarteng sabi ko para manahimik na siya.

"Sinumulan mo ha! Tapusin mo to mamayang gabi!" mapangakit na pagbabanta nito.

"Sure, Mr. Jimenez!" mapangakit din na sagot ko sa kanya na naging dahilan ng mumunting mura niya.

Sa likod ng pagtawa ko ay ang namumuong kaba habang palapit na ako sa floor nila Elijah. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng ganito. Wala naman akong dapat ikakaba kaya pinilit kong ialis jyon sa aking isip. Pagkadating sa tapat ng pintuan ay nakailang katok ako ngunit wala pa ding response man lang kaya naman sinubukan ko ng tawagan si Viel.

"Hello..." bungad nito.

"Hello Viel, Nasa tapat ako ng pinto ng condo unit niyo. Ano? Nasa loob ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo diyan? Look Sam, Umalis ka na muna..." parang kinakabahang sabi nito.

"Bakit? Asaan ba si Elijah? Gusto ko sana siyang makausap..." 

"Not now, Sam...Elijah is a mess right now. Hindi na ako diyan sa condo umuuwi, Nagaway kami. kaya please umalis ka na muna" pakiusap niya.

"Sige" naguguluhang sabi ko at lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng gumalaw galawa ang door knob nito, Agad akong pumihit para umalis ng bigla itong bumukas.

"Samantha" tawag nito sa akin.

Kahit kinakabahan ay nagawa kong harapin siya at nanlumo ako ng makita ang bagong itsura nito. Medyo mahaba na ang bigote, Gulo gulo din ang buhok niya, nakapants lang ito at parang may hangover pa ata.

"Elijah anong nangyari sayo?"nagaalalang tanong mo.

"Sam..." tawag niya sa akin tsaka niyakap ako. nakumpirma kong nakainom ito ng naamoy ko ang alak, Naramdaman ko ding bumigat ito kaya naman sinubukan ko siyang akayin papasok.

"Ano bang nangyayari sayo? Bakit kayo nagaway ni Viel ayan tuloy wala kang kasama dito" pangaral ko sa kanya habang sinusubukan kong iupo siya ng maayos sa may sofa.

Ng maiupo ko na siya ay pumihit ako para pumunta sa kwarto niya para naman maikuha ko siya ng damit pero pinigilan niya ako. "Sam wag mo akong iiwan please..." nagmamakaawang sabi nito.

"Kukuha lang ako ng damit mo" paalam ko sa kanya kaya naman binitawan niya din ako.

Matapos kong makakuha ay isinuot ko na ito sa lanya. "Sam, Bumalik na tayo. Bumalik na tayo sa US ng mga bata. Kukuha agad akong ng ticket, Sige na..." pakiusap niya.

"Makikipagusap sana ako sayo ngayon, Elijah. Pero mukhang hindi tayo magkakaintindihan ngayon kaya babalik na lang ulit ako sa ibang araw." Paalam ko dito.

"No, Sam. Pwede mong sabihin ngayon sa akin kung ano ang pakay mo" hamon niya.

"Sa susunod na lang, Elijah..."

"No Sam, ngayon na. Dahil kung masasaktan lang din naman ako sa sasabihin mo bakit hindi pa ngayon? Ngayon na, Samantha. Para isang sakit na lang" mangiyak ngiyak na sabi niya.

Para din akong maiiyak sa sitwasyon niya ngaun, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ngayon. Wala siya sa kundisyon. 

"Tell me, Samantha! Sige na, Sabihin mo sa akin kung bakit hindi ka na sasama!" medyo tumaas ang boses pagkasabi nito.

"Sorry..." yun lang ang lumabas sa aking bibig. Hindi na ako nagulat na alam na niya. Matalino si Elijah at kung may namumuo mang konklusyon sa isip niya ay talagang tinutotoo niya iyon.

"Bakit? nauto ka nanaman niyang walanghiyang asawa mo?"

"Hindi!" mariing pagtanggi ko.

"Eh ano? Nagpaangkin ka nanaman?" isa pang sagot niyang naging dahilan para masampal ko siya.

Ininda niya lang ang sakit at ni kahit anong ekspresyon ay di siya nagpakita.

"Hindi Elijah! Nalaman kong asawa mo Si Yesha, At hindi mo man lang sinabi sa akin! Nagsinungaling ka!" sumbat ko sa kanya.

Nagulat ako ng padabog itong tumayo at hinrap ako kaya naman nakatingala na ako ngayon sa kanya. "Ex wife, Samantha. Ex" madiing sabi nito.

"Kahit na! Alam mo. Parang tama nga sila eh. Parang masyado kang misteryoso. Baka nga hindi pa talaga kita kilala..." sigaw ko sa kanya at tinangkang tatalikuran siya ng hinigit ako nito sa braso at padabog na iniupo ako nito sa may Sofa. Iniharang din nito ang dalawang kamay niya para di ako makaalis.

"Alam mo Elijah, Gusto kitang makausap ng maayos eh, Pero wala ka sa sarili mo ngayon. Babalik na lang ako pag nasa tamang pagiisip ka na..." matapang na sabi ko at tinangkang itulak siya pero di ko man lang ito natinag.

"Paano ka ba inangkin ni Luke, Samantha at hindi mo na siya kayang iwan ngayon?" tanong niya na ikinakaba ko.

"Pwede ba, Elijah!" Singhal ko sa kanya.

"Paano!?" sigaw niyang ikinagulat ko.

"Nababaliw ka na Elijah!" natatakot na sabi ko. Agad kong kinapa ang cellphone sa bulsa ko para matawagan si Luke.

Pero agad niya itong kinuha sa akin at binato kung saan. Dahil sa gulat ay nasampal ko nanaman siya.

"Hindi ikaw ang Elijah na nakasama ko ng limang taon" malumanay na sumbat ko dito.

"Kasi initsapwera mo ako, matapos kitang kupkupin kasama ang kambal mo ay ganito lang ang igagantin mo sa akin? Iiwanan niyo ako?" panunumbat niya.

Hindi ko nasagot ang sinabi niyang iyon. "Depressed ka , Elijah" pagpapakalma ko sana sa kanya.

"Doctor ako, Samantha! Alam ko kung anong nangyayari sa akin!" sigaw niya.

"Nababaliw ka na Elijah, nababaliw ka na kagaya ni Yesha!" sigaw ko din sa pagmumukha niya at nagulat ako ng dumapo ang kamay nito sa pisngi ko.

"Oo Samantha! Nababaliw na ako sayo" madiing sabi nito.

"Hindi dapat, Elijah. Sorry, Pero hindi dapat" lumuluhang sabi ko dahil hindi ko inasahang Magagawa niya akong sampalin ng ganuon.

"Ako naman ang mahalin mo, Samantha...nagmamakaawa din ako sayo. Ako naman ang mahalin mo ngayon" pakiusap niya.

"Pero, Elijah..."

"Please, Sam. Ginawa ko naman na ang lahat para sayo, Yung pagpapakasal ko kay Yesha para sayo yun. Lahat Sam lahat ng ginagawa ko para sayo. Isinakripisyo ko lahat para sayo. Please, Sorry kung nasaktan kita, hindi na mauulit yun. Mahal ko yung kambal. Mamahalin ko sila na parang akin. Please, Sam sumama ka sa akin..." pagmamakaawa niya.

"Si Luke ang mahal ko, Elijah..."

"Pero mas mahal kita" paniniguro niya.

"Parehong magulo ang pagiisip natin ngayon, aalis na muna ako" Sabi ko at tinangkang umalis uli sa pagkakacorner niya pero kasabay ng pagtangka kong tumayo ay ang pagdiin niya sa akin sa may sofa dahilan para mapahiga ako at mabilis niya akong pinangibabawan.

"Elijah ano ba?" pagpupumiglas ko pero wala akong narinig na kahit anong sagot mula sa kanya.

Lalo akong napasigaw ng mahigpit nitong hinawakan ang dalawang kamay ko at idiniin sa magkabilang gilid ng ulo ko at tsaka ako tinangkang halikan. Kahit anong gawin kong pagiwas ay malaya niyang nahalikan ang labi ko. 

"Elijah, please wag..." pagmamakaawa ko. Pero parang wala lang siyang narinig at nagpatuloy sa ginagawa niya.

"Elijah!" Sigaw ko dito ng bumaba na ang halik niya sa leeg ko

"Elijah! Maawa ka please wag!" nanginginig na sabi ko ng nagawa niyang hawakan ang dalawang kamay ko ng isang kamay niya lang at malaya niyang naigala ang kamay niya sa katawan ko.

"Luke, please. Luke natatakot ako..." umiiyak nabulong ko sa pangalan niya.

Agad napahinto at nabato si Elijah sa narinig. Nadapo ang tingin niya sa akin at parang binuhusan siya ng malamig na tubig at agad nabago ang ekspresyon ng mukha nito.

"Sorry Sam, Sorry Sam..." paulit ulit na bulong nito at nagawa pang yakapin ako. Pero nanigas lang din ako sa posisyon ko dahil parang di pa din klaro sa pagiisip ko ang mga nagagawa ni Elijah ngayon.

Nagulat ako ng bigla itong nawala sa ibabaw ko at agad natumba kung saan, Napaupo ako at nakita ko ang galit na galit na mukha ni Luke, kita din ang panggigigil din dito at ang mahigpit na pagkakakuyom ng kanyang kamao.

"Fuck you! Don't you ever dare touch what's mine"  galit na sigaw ni Luke




(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro