Chapter 45
Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
"Mommy..."
"Lucas natutulog pa ang Mommy mo" dinig kong suway ni Luke kaya naman iminulat ko na ang mata ko.
"Yehey! Good morning, Mommy!" masiglang bati nito sa akin tsaka ako niyakap.
"Good morning, Baby..." ganting nati ko sa kanya.
"Good morning din, Baby..." mapangasar na sabi ni Luke kaya naman nawala ang ngiti sa labi ko.
Pinagtaasan mo ito ng kilay. "Si Lucas" panunuya at masungit na sabi ko sa kanya.
Agad itong napangisi. "Si Suzy" natatawang sabi niya at may halong pangaasar kaya naman inirapan ko na lamang ito.
"Mommy let's eat breakfast na..." hila sa akin ni Lucas.
"Mauna na kayo, Susunod na lang si Mommy"
"No, Mom. Hihintayin na lang po namin kayo sa may living room" sabi nito at nagtatatakbo na.
Napailing na lang ako at napangisi. "Ehem..." nawala ang ngiti ko ng umepal nanaman si Luke.
"Anong problema mo? Lumabas ka nga! Magaayos ako!" tamad na utos ko.
"Ayoko nga!" pangaasar niya.
"Isa Luke!" pagbabanta ko.
"Pwede ka namang magbihis kahit nandito ako ah! Kahit nga ako pa ang magbihis sayo!" natatawang sabi niya.
"Pwede ba! Umagang umaga!" inis na suway ko.
"Bakit? Bati naman na tayo diba?"
Napatawa ako sa sinabi niya. "At sino namang nagsabi sayo?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Hindi na nga kagabi..."mahinang sagot niya.
Napatawa ako ng pagak. "Para namang hindi ka pa sana'y sa lokohan Luke..." panunuyang sabi ko.
"Sana'y ako Sam...Kaya alam kong totoo yung sinabi mo" seryosong sagot niya.
Di ako nakaimik sa ibinato niyang sagot sa akin kaya naman napairap na lang ako sa kawalan. "Di ka talaga lalabas?" malumanay na tanong ko. Dahil kahit ano namang gawin ko ay di ko talaga mapipilit ang isang ito. Kaya naman nagisip ako ng paraan para gantihan siya sa katigasan ng ulo niya.
"Hindi" matigis na sagot niya.
"Ok..." kibit balikat na sabi ko tsaka tumayo. Sinadya kong tumayo sa harapan ni Luke na nakaupo ngayon sa may upuan.
Dahan dahan kong binubuksan ang butones ng suot kong pantulog habang diretsong nakatingin kay Luke na ngayon ay di maalis ang tingin sa akin nang umabot na sa pangapat na butones kung saan kita na ang malaking parte ng balat ko dahil wala akong suot na bra dahil kagagaling ko lamang sa tulog ay kitang kita mo na ang dahan dahang pagtulo ng mga butil butil niyang pawis.
"May problema?" pinilit kong maging seryoso ang boses ko kahit gustong gusto ko ng matawa ng di na ito mapakali sa upuan niya.
"Manonood ka lang ba talaga Luke? Hindi mo ba ako tutulungan?" Mapangakit na sabi ko na naging dahilan ng pagkabato niya. Di ko mabilang kung nakailang lunok siya dahil sa narinig.
"Tutulangan..." nauutal na sagot niya at dahan dahang tumayo.
Diretso siyang nakatingin sa bandang dibdib ko habang papalapit sa akin. Nang malapit na ay aabutin na sana niya ang damit ko ng nagulat ito sa biglang pagtabig ko ng kamay niya.
"Wag na nga! Ang bagal mo eh..." pangaasar ko sa kanya. Agad nalukot ang mukha nito, Nagkibit balikat na lamang ako at pumihit na para mag walk out dahil gusto ko na talagang ilabas ang tawa ko dahil sa itsura ni Luke.
Tatalikod na sana ako ng hinigit ako nito sa braso. "B...Bakit?" natatawang tanong ko.
"Fuck it, Samantha..." pagod na singhal nito at mariing pumikit at napatingala pa.
Kumunot ang noo ko at napangisi, Anong problema nito? Pero di sinasadyang napatingin ako sa kanya down there at nawala ang ngisi ko ng makitang medyo nakaumbok ito. Napalunok din ako at kinabahan sa nagawa ko.
"Ano Luke, Mauna ka nang lumabas suusunod na lang ako" nauutal na sabi ko pero di maalis ang tingin mo duon, Di ko alam kung bakit pero napatingin ako sa mata niya ng medyo pinisil niya ang braso kong hinahawakan niya.
"You made that, Samantha. Anong gagawin mo ngayon?" seryosong tanong niya habang titig na titig sa aking mga mata.
Dahil sa klase ng pagtitig niya ay nawala ako sa aking sarili, Pero di ako nagpatalo kaya naman sinikap kong labanan ang kakaibang pagtitig niya sa akin na nagiging dahilan ng pagkawala ko sa wisyo. "Nagugutom na ako Luke bihis lang ako" nauutal at di mapakaling paalam ko.
Agad itong napapikit ng mariin. "Fuck it, Samantha ang sakit mo sa puson" frustrated na singhal niya.
"Gutom lang yan Luke..." natatawa pero kinakabahang biro ko.
Agad umigting ang bagang nito at tinitigan akong mabuti. "Baka nga Baby. Kaya dalian mong magbihis at baka ikaw ang kainin ko" pagbabanta niya na naging dahilan ng agaran kong pagtakbo papunta sa banyo.
"Than me?" naabutan kong singhal ni Lucas sa kapatid. Nakaupo silang tatlo sa sofa habang nakabukas ang TV. Samantalang si Luke naman ay titig na titig sa akin pagkalabas ko ng kwarto. Di ko na lamang siya pinansin at ibinigay ang buong atensyon ko sa nagbabangayang kambal.
"No Kuya. I mean..." Depensa sana ni Suzy pero agad pinutol ni Lucas dahil agad itong lumakad palapit sa akin.
"Mom I'm hungry lets go" yaya niya sa akin na parang wala lang.
"Bakit hindi mo pinakinggan yung gustong sabihin ni Suzy?" malambing na tanong ko.
Agad itong humalukipkip at ngumuso pa. "Kasi Mommy, Sabi niya mas cute si Ken kesa sa akin dati nung nasa America pa tayo ako lang ang cute!" pagrarason nito naikinakatawa ko lang.
"Gutom lang yan, Baby..." natatawa at malambing na pagaamo ko kay Lucas. Di sinasadyang mahagip mg mata ko si Luke na ngayon ay nakapoker face na nakatingin sa akin.
Ngingisian ko sana siya para asarin kaso nga lang ay naalala ko manaman yung kanina. "Tara na nagugutom ma yung mga anak mo" yaya ko.
"Anak natin Samantha, natin" pagtatama nito.
Nagkibit nalikat na lamang ako. "Nagugutom na yung mga anak natin Luke." irap na sabi ko sa kanya. Ang arte niya kainis.
"Let's go Baby..." sabi nito.
"Ano bang ginagawa ko? Palabas na nga di ba" inis na singhal ko dito. Agad silang tatlo nanahimik. Kaya maman tiningnan ko sila at nakanganga sila sa akin.
"Ano?" inis na tanong ko kay Luke with matching taas kilay pa.
Napangisi ito pero nanatili ang pagkaseryoso ng kanyang mukha. "Si Suzy..." sabi nito at agad hinila ang dalawa palabas.
Naiwan akong nakanganga duon. "Daddy what happen to Mommy?" tanong ni Lucas.
"Nababaliw na siya kay Daddy..." natatawang sagot nito sa kambal. Tsaka ko naman narinig ang tawa nilang tatlo.
"Damn you, Luke!" sigaw ko sa inis. Pero lalo lang lumakas ang tawa nito.
"Basta ok na sa akin ang Lima. Ayokong nahihirapan tong sweetheart ko eh..." singit ni Matteo nang makalabas kami sa may cottage.
"At sino nagsabing papayag ako na lima?" mataray na sagot naman ni Zyrene dito. Nasa harapa kami ng hapagkainan lahat at wala nanamang ginawa ang magkakaibigan kundi mag lokohan.
"Ouch..." natatawang pangaasar ni Timothy kay Matteo.
"Kaya naman natin supportahan yun ah! Hindi naman tayo maghihirap!" pangangatwiran ni Matteo dito.
"Ayoko nga, Tapos pagyumaba ako lalo! may rason ka ng mangbabae!" pagmamaktol ni Zyrene.
Agad niyakap ni Matteo ang asawa. "Ikaw lang naman ang mahal ko eh! tsaka Di ko kayang mangbabae. Ikaw lang naman yung tipong nakikita ko pa lang natuturn on na ako..." pilyong sabi ni Matteo kaya naman kung ano anong kantyaw ang inabot niya.
"Landi mo Bro!" sigaw ni Timothy dito.
"Bakit ikaw Kervy?" panghahamon ni Matteo dito.
"Kung ilan ang kaya ni Grace. Kung ilan ang gusto niya" seryosong sabi nito pero kay Grace nakatingin. Agad mapangiti si Grace at yumakap dito.
"Tss. Kunwari pa to!" panunuyang asar ni Matteo dito.
"Eh ikaw ba Luke? Malaki na ang kambal, Pwedeng pwede niyo ng sundan" suwesyon ni Timothy kay Luke. Agad akong napatigil ng kain sa aking narinig.
"Depende, paguusapan pa namin ni Sam" seryosong sagot nito.
Pagkatapos ng mga paguusap nila ay nawalan na ako ng gana. Nagchange topic na din sila at kung saan saan na umabot ang usapan nila. Nagexcuse ako sandali para sagutin ang tawag ni Elijah.
"Hello..."
"Hi kamusta na ang bakasyon niyo? Yung kambal?" tanong niya. Halata din sa boses nito ang pagod.
"Ok naman kami, nageenjoy yung kambal, mukhang pagod ma pagod ka..." nagaalalang sabi ko.
Nadinig ko pa ang mahinang pagtawa nito. "Ok lang ako...Medyo marami lang talagang trabaho..." sagot niya.
"Edi magpahinga ka na...Wag mo na kaming alalahanin. Ok lang kami, Pagbalik namin ng manila dadalawin ka namin ng Kambal. Ikamusta mo na din ako kay Viel" sabi ko.
Di agad ito sumagot sa akin. Narinig ko pa ang malalim nitong pagbuntong hininga. "Elijah..." tawag ko sa kanya dahil di pa din siya nagsasalita.
"2 weeks na lang Sam. After 2 weeks tapos na ang trabaho ko dito. Sasama pa ba kayo pabalik?" mahinang sabi nito sa huling salitang binanggit niya.
Di din agad ako nakasagot sa tanong niya. Naalala ko malapit na nga pala matapos ang Medical Mission. at iuwi na ulit kami sa America.
"Sam..." nanlulumong tawag niya sa akin dahil nabato na din ako.
"Oo naman..." wala sa sariling sagot ko.
"I'm scared you won't Sam. Natatakot akong baka iwanan niyo na ako ng kambal..." paos na daing nito.
Agad naantig ang puso lo ng marinig ko ang malumanay at mangiyak ngiyak na boses niya. "We will Elijah, Sasama kami, tsaka hindi ka naman namin iiwan..." pagaalo ko sa kanya kahit di ako sigurado sa mga pinagsasabi ko din.
"Sasama kayo pabalik sa America?" paniniguro niya pa ulit.
"Oo Elijah. Sasama kami pabalik sa America..." paniniguro ko din sa kanya at ganuon na lamang ang gulat ko ng may biglang humigit sa braso mo at mabilis na inagaw sa akin ang cellphone.
"Shit Luke..." gulat na daing ko at napahawak pa sa dibdib.
"Ano bang problema mo!?" inis na tanong ko sa kanya ng makabawi na ako.
Matalim itong nakatingin sa akin at parang ano mang oras ay sasabog na ito sa galit pero kita kong nagpipigil lamang siya. "Hinding hindi kayo sasama Samantha!" mariin at galit na sabi niya.
"Bakit ka ba nakikinig sa usapan namin!?" galit ding tanong ko.
"Walang sasama Samantha! Dito lang kayo sa akin! Sa akin lang!" paghyhysterical nito.
"Ewan ko sayo!" inis na sabi ko at akmang kiwan siya duon. Pero mabilis nanaman niya akong hinigit sa braso.
"Paano kung sabihin ko sayong asawa pa din kita dahil tinapon at sinunog ko yung divorce laper na pinirmahan mo 5 years ago?"
"Edi ipawalang bisa natin ngayon! Ganon kadali Luke!" tamad na sabi ko.
Dahil sa pagsagot sagot ko ay lalo siyang nagalit. "Fuck, Samantha! Ilang beses ko bang sasabihing layuan mo yang Doctor na yan!"
"Ano bang problema mo kay Elijah!? Baka nakakalimutan mo Luke! Siya ang aagalaga sa amin ng mga bata ng limang taon na wala ka..." sumbat ko sa kanya.
Agad napatitig at manlumo ito sa harap ko. "Kasi lumayo ka...Iniwan mo ako" malungkot na sumbat niyang ewan.
Agad ko siyang binigyan ng ngiting peke, ngiting punong puno ng pait. "Kasi sinaktan mo ako..." balik na panunumbat ko din sa kanya kaya naman lalong nanlumo at bumagsak ang balikat nito.
Napapikit pa ito ng mariin "It's my fault Sam, I know. Pero hindi mo kilala si Elijah. Di mo talaga kilala kung sino siya"
"Kung ang tinutukoy mo ay ang sikreto miya ay magkakamali ka Luke! Alam ko na dahil sinabi niya na sa akin na Doctor siya ng pinsan mong si Yesha dahil may sakit ito sa pagiisip" matapang na sagot ko sa kanya.
Agad itong napatingala at napapikit pa ulit. "That fucking liar!" matigas na sambit niya.
"Ano ba talagang pinuputok ng butsi mo Luke!?"
Iminulat niya ang kanyang mata at diretsong tumitig sa akin. "That Doctor is my cousin's ex husband, Sam..."
Sabi niya na nagpalaglag ng panga ko. Pero hindi pa din siya nakuntento at ginawa pa niyang klaro ang lahat.
"That Elijah is Yesha's ex husband"
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro