Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 42

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________



"Stop it, Elijah" malumanay na suway ko dito.

Nawala ang tensyon sa pagitan naming tatlo ng tumakbo ang dalawa papapit sa amin. "Mr. Can we eat? Can we eat please?" sabi ni Lucas habang tumatalon pa.

"Baby. Why didn't you tell it to me, instead?"

"Because Mom, He promised" sagot ni Lucas habang hirap na hirap buhatin ang mga naglalakihang plastic niya na naglalaman ng mga laruan.

Napatingin ako kay Luke pero hindi ito natinag. Ganuon pa din ang tingin niya sa akin katulad ng tingin niyang magtataka dahil sa mga pinagsasabi ni Elijah.

"Anong pinagsasabi nito, Baby?" naguguluhang yanong ni Luke tukoy kay Elijah.

"Whoa, baby big word!" panunuyang sabi ni Elijah.

"Oh shut up, you mother fucker!" galit na baling ni Luke dito habang dinuro pa.

"Luke!" suway ko sa kanya.

"Mr. what is mother fucker?" tanong ni Lucas sa ama.

"Lucas. Let's go" yaya ko sa kanya para mawala ang masamang salitang masa isip niya.

"We're going to eat now, Mom?" masayang tanong niya.

"Yes..." sagot ko at hinila sila ni Suzy palayo duon.

Tahimik kong pinagmasadan ang mga anak ko habang sarap na sarap kumain. "Nalagay ko na sa sasakyan ang mga toys mo, Man!" masayang singit ni Luke.

"Thank you, Man!" magiliw na sagot ni Lucas habang punong puno ng spaghetti sauce ang mukha.

"Dahan dahan lang sa pagkain Lucas" suway mo dito at pinunasan ang mukha niya.

"Nanduon na din yung mga toys mo, Baby" malambing na sabi nito kay Suzy at tinabihan ito at hinalikan sa ulo.

"Thank you, Daddy" sagot niya pagkatapos ay niyakap pa si Luke.

Agad akong nagulat sa sinabi ni Suzy, Ganuon din si Luke. "What are you talking about Suzy?" nagtatakang tanong ni Lucas sa kapatid.

"Lucas your mouth is full" change topic na suway ko.

"Sorry, Mom" sagot niya pero patuloy pa din siya sa pagnguya.

Nakahinga ako ng maluwag dahil di na nagusisa pa si Lucas. Pero nagulat ako dahil sa biglaang pagdaldal ni Suzy. "You and Daddy are like twins too! Didn't you see that?" tanong ni Suzy sa kapatid.

Agad napatigil si Lucas ng pagkain at mukhang nawalan pa ng gana. "Suzy, hindi porket binili tayo ng toys ni Mr. eh Daddy na natin siya" Sagot niya sa kapatid.

Napanguso si Suzy sa sinagot ng kapatid kaya naman bumaling ito kay Luke. "Hindi ba po kayo ang Daddy namin?" malambing na tanong niya.

Agad napalingon sa akin si Luke kaya naman umiling lang ako sa kanya. Matagal siyang tumitig sa akin na tila ba humihingi ng permiso.

"See!? I tell you hindi siya" masiglang sabat ni Lucas na para bang nanalo siya.

Tumigas ang ekspresyon ni Luke. "Suzy is right, I am your Daddy" sagot nito na agad ikinatuwa ni Suzy.

Nagulat ako, pero ginantihan lang ni Luke ang titig ko sa kanya. Para bang hindi siya nagsisi na lumabas iyon sa bibig niya.

"Mommy, is that true?" mangiyak ngiyak na Tanong ni Lucas na nagpabalik sa akin sa wisyo.

"Baby, Let me explain..."

"You lied Mom! You Lied!" galit na sigaw nito at mabilis na tumakbo kung saan.

"Lucas!" Sigaw na tawag ko at hinabol siya.

Puro mabibigat na hininga ko na lamang ang kaya kong gawin. Kanina pa kami hanap ng hanap kay Lucas sa buong mall Pero hindi pa din namin siya makita.

"Lucas, baby asaan ka na na?..." nanghihinang sabi ko at napaupo na lang sa may Blbench.

"Sorry, Mom..." umiiyak na yakap sa akin ni Suzy.

"Wala kang kasalanan, Baby..." pagaalo ko sa manya.

"Ok. Pupunta kami, thank you..." sagot ni Luke sa kausap niya sa Cellphone.

"May nakita daw silang batang lalaki sa may 3rd floor umiiyak" malumanay na sabi nito at hinawakan ako sa balikat.

Agad ko iyong tinabig at tiningala siya. "Kung nakapaghintay ka lang sana ay hindi mangyayari ito" galit pero malumanay na sabi ko dahil katabi ko lamang si Suzy.

"Look, Sam. Hindi ko ginusto yung nangyari" nanghihinang sagot niya.

"Ginusto mo man o hindi ay kasalanan mo pa din iyon dahil hindi ka nakapaghintay! Hindi ba sabi ko naman sayo ako na ang bahala!" medyo tumaas na din ang boses ko kaya naman napatigil si Suzy sa paghikbi sa tabi ko.

"Sam..." frustrated na singhal ni Luke. "Akala mo ba hindi ako nasasaktan na hindi man lang ako kilalanin ng mga anak ko? Limang taon ko silang hindi nakasama Sam!" sumbat niya.

Hindi ko na lang siya sinagot. "Samantha!" sigaw na tawag ni Elijah na lakad takbo ang ginawa para makalapit sa amin.

"What happend?" nagaalalang tanong niya tsaka ako biglang niyakap.

Ginantihan ko din naman ang yakap niya. "Nawawala si Lucas..." sumbong ko sa kanya. Limang taon ko siyang nakasama at talaga namang napakakomportable ko na sa kanya.

"Shhh...Hahanapin natin siya ok?" malambing na pagaalo niya sa akin.

"Stop crying, sweetheart..." baling nito kay Suzy. Agad niya itong kinarga.

Nagulat na lamang lami ng may biglang lumipad na cellphone kung saan. 

"Putangina!" sigaw ni Luke at nagmartsa paalis.

Damang dama ko sa bawat lakad niya ang galit at ang panghihina. "Napakatalas talaga ng dila niyang asawa mo" natatawang sabi ni Elijah.

"Hindi ko na siya asawa" seryosong sagot ko at lumakad na din para makapunta sa 3rd floor kung nasaan may bata daw na nakita.

"You too man, you lied!" naabutan kong umiiyak na sigaw ni Lucas na nakaupo sa sahig habang nasa harap ang nakaluhod na si Luke.

"I'm sorry, Man" malumanay na sagot ni Luke dito.

"You all Lied! I hate liars..." humihikbing sabi ni Lucas habang nagpupunas ng luha.

"I'm so sorry, Man! Promise. I'll make it up to you and Suzy" pagaalo ni Luke.

"Pero bakit ngayon lang po namin kayo nakita?" may hinanakit na sabi ni Lucas.

Agad napayuko si Luke at nagangat ng tingin sa akin. Sa pagtingin niya ay kita mo ang paninisi pero agad din niyang inalis iyon dahil di ko alam kung ano ang pumipigil sa kanya.

"I'm very sorry for that, Man. But I promise hindi na mauulit yon" paninigurado nito.

Agad tumango si Lucas, itinaas nito ang kamao "Promise?" paninigurado niya kay Luke. Napangiti si Luke at sinalubong din ang maliit na kamao ni Lucas. "Promise!"

"Do you want to go home now?" tanong ni Luke sa anak.

Tumango lang si Lucas at naglahad ng kamay, "Oh...kala ko ba big man ka na?" natatawang panunukso niya.

"Akala ko po ba babawi ka?" pangaasar din na sagot ni Lucas dito.

"Ofcourse!" masiglang sabi ni Luke at tsaka kinarga si Lucas.

"Baby..." tawag ko dito ng dumaan sila sa amin. Pero agad kumirot ang puso ko ng sumubsob ito sa leeg ni Luke para iwasan ako.

"Tara na, Baby..." Utos ni Luke. Agad namang jumawak sa kamay niya si Suzy.

Naiwan kaming dalawa ni Elijah duong nakatayo habang pinapanood silang maglakad palayo pero nagulat ako nang huminto ang mga ito.

"Ano bang sabi ko Samantha?" seryosong tanong ni luke sa akin.

"Huh!?" naguguluhang tanong ko.

"Hindi ba sabi ko tara na..."

"Si Suzy yung tina..."

Agad napairap ito sa kawalan "Forget that...Tara na, Hindi ako papayag na maiwan ka siyan sa lalaking yan" seryosong sabi niya.

Agad naman akong bumaling kay Elijah para humingi ng permiso. Agad siyang ngumiti sa akin at tumango "Don't worry...papansinin ka din ni Lucas, Nagtatampo lang yan" natatawang sabi niya at ginulo ng bahagya ang buhok ko.

Tunago ako at tipid na ngumiti. "Samantha!" may pagbabantang tawag ni Luke.

"Can't you wait?" inis na singhal ko sa kanya.

Nagkibit balikatamang ito at tumalikod na, "Nakayanan ko nga maghintay ng limang taon, Ilang minuto pa kaya?" bulong nito habang naglalakad palayo.

Pagkauwi sa bahay ay medyo mailap pa din sa akin si Lucas. Palagi na din niyang kasama si Luke. Walang silang ginawang tatlo kundi magharutan. Gumagaan din naman ang pakiramdam ko dahil naririnig ko na ang munting tinig ni Suzy na humahalakhak. Alam kong hindi pa ganito kadali ito. Marami pa akong kailangang ipaliwanag sa kambal tungkol sa kay Luke. Pero sa ngayon hinahayaan ko muna silang mag enjoy na tatlo.

Si Elijah at Viel naman ay busy sa medical mission, Kaya gusto man naming magkita kita ay wala kaming sapat na oras dahil busy kaming pare. Pero nagulat na lamang kami ng tatlong araw hindi nagpakita si Luke. Kaya naman walang ginawa ang dalawa kundi kulitin ako.

"Mom, Where's Daddy?" tanong ni Suzy.

"Hindi ko alam, Baby eh..." sagot ko.

"Can you call him, Mom?" malambing na tanong niya.

"I'll try, ok?" nakangiting sagot ko kahit di naman ako sigurado dahil wala naman akong bagong number ni Luke.

"Thanks, Mom..." masiglang sabi ni Suzy at niyakap ako.

Pagkatapos akong yakapin ay nagtatatakbo na ito, Agad ako namang napansin si Lucas na nakayuko at mukhang may gusto ding sabihin. "Baby, May gusto ka bang sabihin kay Mommy?" malambing na tanong ko.

"I want to see Daddy, Mom" sagot nito at agad tumakbo palayo.

"Don't run, Lucas. Baka madapa ka..." pahabol na sigaw ko.

Naging abala ako sa paggawa ng mirienda ng kambal habang dinig na dinig ko ang tawanan nilang dalawa habang nanunuod ng Tv. Nasa kalagitnaan ako ng paggawa ng bigla akong nagulat ng may humalik sa pisngi ko.

"Ano ba, Luke!" galit na suway ko sa kanya. Dahil tatlong araw siyang hindi nagpakita tapos ngayon ay bigla bigla na lang pupunta dito at manghahalik pa!

"Hello Baby...Naniss kita" malambing na sabi nito na inirapan ko lang.

"Sorry ha. Hindi ako nakapunta ng tatlong araw, Nagkasakit kasi ako. Ayoko naman na mahawa kayong tatlo sa akin" paliwanag niya.

"Ah Ganun..." tamad na sagot ko at binaling lahat ng atensyon ko sa ginagawa ko.

"Ouch naman. Pero dati pag nagkakasakit ako, Kung makapag-alaga ka parang mamamatay na ako ah..." natatawang kwento niya.

"Paki pulot yung pake ko, Luke" tamad at seryosong pambabara ko sa kanya.

Kaagad tumigas ang mukha nito sa narinig at naging seryoso nanaman. "Pake mo lang ba talaga? O pati yung puso mo nahulog na din?" seryoso at may diing tanong niya tsaka ako tinalikuran at pinuntahan ang kambal.

Sabi niya na nagpatameme sa akin.




(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro