Chapter 41
Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
"Bakit ba ang kulit mo?" inis na bulyaw ko kay Luke.
"Parang sasama lang naman ako..." malumanay na sabi nito.
"Hindi nga kasi pwede!" inis na bulyaw ko.
Kanina pa siya nangungulit, At kanina pa din ako nagluluto ng breakfast para sa kambal pero hindi pa din ako matapos tapos dahil sa kakulitan ni Luke. Mukhang dito na titira sa bahay namin.
"Bakit hindi pwede? Gusto ko lang namang sumama sa inyo mamasyal" sabi nito at patuloy pa din niya.
Sasagot pa lang sana ako pero si Lucas na ang sumagot para sa akin. "Bakit po ba ang kulit niyo Mr? Ayaw nga po ni Mommy!" tamad na suway nito kay Luke habang nagkukusot pa ng mata.
"Good morning, Mommy..." masiglang bati nito sa akin tsaka ako hinalikan.
"Where's Suzy?" tanong ko.
"She is still sleeping, Mom. I'm hungry..." sabi nito at hinimas pa ang tiyan.
"Good morning, Baby..." magiliw na bati ni Luke kay Lucas.
"I'm not a Baby!" inis na sabi ni Lucas dito.
"You're my Baby You and Suzy..." nakangiting sagot nito.
"No! We are Mommy's babies..." sabi nito at tinuro pa ako.
"Both of you are my Babies too" pagpupumilit ni Luke.
"Ofcourse not!" matapang na sagot ni Lucas.
"I'm your..."
"Luke pwede ba? Umagang umaga!" inis na suway ko dito.
Nakitang kong dinilaan lang ni Lucas si Luke para asarin. "Kung makadila toh! pasalamat ka nga sa akin at pinasahan kita ng kagwapuhan ko" natatawang bulong ni Luke.
"May sinasabi po kayo?" masungit na tanong ni Lucas.
Nagkibit balikat lang si Luke at ngumisi. "Mom! He's irritating! I don't want him here. I can't eat!" pagmamaktol ni Lucas.
Tiningnan ko si Luke at pinagtaasan ng kilay. "Umuwi ka na nga sa inyo..." tamad na sabi ko.
"Saan ako uuwi? Eh nandito ang pamilya ko" sagot niya sa akin.
Napairap na lamang ako. "Pwede ba, Luke!"
"Uuwi lang ako mung masama kayo..." seryosong sabi niya.
"At bakit naman kami sasama sa iyo?" taas noong tanong ko.
Sasagot na sana ito ng mapansin mo si Lucas na tahimik na kumakain sa tabi ni Luke kaya naman pumunta ako sa may kusina at iniwan sandali si Lucas sa may dinning.
"Dahil asawa kita at anak ko ang mga batang yon" seryosong sagot nito sa akin.
"Lumayo ka nga!" inis na sabi ko sabay tulak ng bahagya sa kanya dahil Nakasandal na ako sa sink at malapit naalapit na siya sa akin.
"Bakit? Para namang hindi tayo nagkatabi ng ganito kalapit ah?" pangaasar niya.
"Tumigil ka na nga Luke! Nakakairita na eh!" inis na suway ko sa kanya,
"Give me another chance, baby. Please. I'll make it up to you. And also to the kids. I want to take good care of you. Please, Sam. Just another chance" pagsusumamo niya.
"I'm tired Luke. Kung gusto mo ng chance. Sa mga bata mo gawin, Pero sa akin Luke wag ka ng magpagod" sabi ko at iniwanan siyang nakatunganga duon.
Pagkabalik ko sa dinning ay manduon na si Suzy at nilalagyan na siya ng pancake ni Lucas sa pinggan.
"Good morning, Baby..." sabi ko at hinalikan siya, Niyakap naman ako nito.
Pagkatapos naming mag agahan ay pinabihisan ko na ang kambal sa mga yaya nila. Wala sila Mommy maaga daw itong umalis masama si Daddy. Hindi ko naman alam kung saan pumunta sila Ate Sab. Pagkatapos magligpit sa kusina ay umakyat na din ako para makapagayos.
Sinigurado kong nakalock ang pintuan ng kwarto kaya naman pagkatapos nuon ay pumasok na ako ng banyo. Pero nagulat ako sa kalagitnaan ng pagligo ko ay may niglang yumakap sa may bewang ko.
"Anong ginagawa mp dito?" Sigaw na tanong ko kay Luke.
Sa sobrang pagkataranta ko ay hindi ko na malaman kung ano ang dapat kong takpan. Ang katawan ko na o yung mga mata ko dahil nakahubad din ito sa harapan ko kaya maman wala na akong choice kundi ang tumalikod at harapin ang dingding.
"Ito naman! Dalawa na ang anak natin, Samantha..." natatawang sabi niya.
"Umalis ka na!" madiing sabi ko.
"Ayoko nga!" pangaasar niya,
"Isa, Luke!" pagbabanta ko sa kanya.
Pero lalong humigpit ang yakap nito sa bewang ko habang nakatalikod ako sa kanya. Napasinghap ako ng maramdaman mo ang sa kanya sa bandang likuran ko. "Luke lumayo ka nga!" nahihirapang sambit ko at bahagya iyang itinulak.
Pero hindi pa din ito nagpatinag at isinubsob pa niya ang mukha miya sa leeg ko dahilan para mapatingala ako.
"Uhh..." daing ko dahil maramdaman ko nanaman ang pagiwan niya ng marka duon.
"Fuck, Baby. You're turning me on..."
"Stop it, Luke..." sabi ko at pinakalma ang sarili.
"I miss you so damn much..." sabi nito at patuloy pa din sa ginagawa niya.
"I said stop, Luke!"
"I can't..." daing niya.
"I swear! Pag hindi mo tinigilan di ka na talaga makakapasok sa bahay namin!"
Agad siyang napatigil. "Sasama ako. Sa ayaw at sa gusto mo" bulong nito sa tenga ko at ayan nanaman ang labi niya.
"Bahala ka sa buhay mo!" inis na sagot ko.
"Don't worry akong bahala sayo..." sagot niya.
"Huh?..." nagtatakang tanong ko.
Napangisi ito. "Sabi mo bahala ako sa buhay ko. Edi akong bahala sayo..."
"Ano namang kinalaman ko diyan!?" pagtataka ko.
"Ikaw kasi ang buhay ko..." sagot niya na ikinatawa ko ng pagak.
"Buti hindi ka nasusuka sa mga pinagsasabi mo" panunuyang sabi ko sa kanya. At tinangkang iiwan na siya pero nagsalita akong muli. Hindi ko na inalintana na makahubad kaming pareho.
"Kung iniisip mo na makukuha mo ako ulit ng sapilitan. Pwes ,Luke...Pasensyahan tayo dahil hindi na ako katulad ng dati na sunod ng sunod lang sayo." matapang na sagot ko.
"I won't force you, Sam. Cause I will make you fall for me over and over again"
Nginisian ko na lamang siya."Ok lang sana eh...Kaso ang sakit sakit na. Ang sakit bumagsak lalo kung wala namang sasalo sayo" pinal na sabi ko at tuluyan siyang iniwan duon.
----------
"Bakit siya kasama Mommy?" tanong ni Lucas sa akin tungkol sa pagsama ni Luke.
"Ihahatid niya lang tayo baby, Uuwi na siya pagkatapos" sagot ko sa anak ko.
"Hindi ah! Sasama ako sa inyo..." naka ngusong sagot ni Luke na nagdridrive ngayon.
Inirapan mo na lang siya. Bahala siya sa buhay niya.
"Why?" tanong ni Lucas.
"Para may bantay kayo..." sagot ni Luke.
"Why? Are you a body guard?" at ayan nanaman ang bunganga ni Lucas, Wala nanamang preno yan mamaya.
"Nope..."
"Then, what?" mausisang tanong ni Lucas,
"Baby can you behave?" natatawang tanong ko sa kanya.
"I'm just asking, Mom..." nakangusong sagot nito na parang si Luke lang kanina.
Nginitian ko na lamang siya at ginulo ang buhok niya. Pagkadating namin sa mall ay nagtatakbo agad ang dalawa. Hinanap agad nila ang toy kingdom. "Mommy I want a new robot please..." pakiusap ni Lucas.
"Lucas..."
"Please, Mom. I want that and that one...And that one, Oh my... Mommy, I want it all" naghihysterical na sabi niya pagkakita sa mga naglalakihang robot.
"Baby..." malambing na suway ko.
"I'm sorry, Mom. Ok i'll wait for next time" malungkot na sabi niya.
Hindi ko kasi sila sinanay ni Suzy sa luho. Halos lahat nga ng laruan na mayroon sila ay galing at binili ni Viel o Elijah. Wala pa kasi akong trabaho nuon sa US kaya naman di ko naibibigay ang mga gusto ng dalawa dahil mas makabubuti daw kung alagaan ko na lang ang mga ito at ihomeschool dahil pre-school teacher naman ako.
"What's the problem, Baby..." tanong ni Luke dito. Agad naman siyang tiningnan ni Lucas ng may pagbabanta.
Napatawa si Luke. "Ok what's the problem, man..." pagcocorrect niya.
"I want all the robots. But, Mommy don't have enough money," malungkot na kwento ni Lucas dito.
"But, its ok..." pahabol nito.
"Mommy I want this..." sigaw ng isang batang lalaki. Tansya ko ay 12 to 15 years old na ito.
"That's my favorite..." malungkot na bulong nito habang nakatingin sa batang may hawak ng laruang gusto niya.
Nakaramdam ako ng lungot at galit para sa sarili ko dahil hindi ko mabigay ang gusto ng mga anak ko.
"Miss" tawag ni Luke sa sales lady.
"Maglabas ka ng kagaya non" utos ni Luke dito at tinuro yung laruan na hawak na nung batang lalaki.
"Ay naku sorry Sir. Last na po kasi iyon..."
Agad napatingin si Luke sa anak. "Do you really want that man?" tanong niya dito.
"Yes" nakayukong sagot ni Lucas.
Pero napatingin din siya sa akin at niyakap ako. "I'm sorry, Mom. Hindi na po ako magkukulit, hindi ko na po ipipilit..." pagsosorry niya dahil inakala niya sigurong galit ako.
Ngumiti na lang ako sa kanya pero nagulat kami ng may bigla kaming narinig na iyak. "Ako po ang nauna diyan..." iyak ng isang bata.
"Gusto to ng anak ko" sagot ni Luke na ikinagulat ko kaya naman agad kaming pumunta kung nasaan sila.
"Luke!" tawag ko dito.
"Mommy! Mommy!" umiiyak na tawag nung bata.
"Hoy! Ang laki laki mo na umiiyak ka pa" suway ni Luke dito, Pinagtitinginan na sila ng mga tao.
"Anong nangyayari dito?" biglang singit ng isang supladang matabang babae.
"Mommy, ako po ang mauna duon! Akin na po iyon eh!" pagsusumbong nung bata habang tinuturo yung laruan na hawak na ni Luke.
"Ibalik mo yan sa anak ko" mataray na utos ng babae kay Luke.
"Eh kung ayoko?" sagot ni Luke.
"Luke! Ibalik mo na yan" suway ko sa kanya pero di niya ako pinansin.
"Hindi mo ba alam na ang asawa ko ang may pinakamataas na posisyon sa mall na ito? Baka gusto mong ipalabas pa kita sa guard" pananakot ng babae.
Napangisi naman si Luke dito. "Hindi ba nasabi ng asawa mo na ako ang nagpapasahod sa kanya?" pagyayabang ni Luke.
Nagulat ang babae. Kahit ang kambal ay napapatingala din sa akin. Napalunok pa ang babae bago nakapagsalita.
"Sorry po...Mr. Jimenez" naguutal na paumanhin nito at dali daling hinila ang umiiyak na anak palayo.
"Here, man!" masayang baling niya kay Lucas.
"Wow!" sigaw ni Lucas sa sobrang saya.
"Thank you, man!" sagot naman niya kay Luke.
Agad naman nabaling ang tingin ni Luke kay Suzy na nakayakap sa bewang ko. "Ikaw baby anong gusto mo?" malambing na tanong niya dito.
Umiling lang si Suzy. "Tell me baby, anything you want" masiglang paanyaya nito.
Agad namang napatingin ito sa akin. Humihingi siya ng permiso kaya naman tinanguan ko na lang siya at pagkatapos ay magiliw itong lumapit kay Luke at nagturo na din. Matapos nila ay hinintay na lamang nilang maibalot ang lahat ng pinamili. Nakahawak ang dalawa kay Luke at mukhang kinukuha niya ang loob ng dalawa sa pamamagitan ng mga luhong yon.
Pinagmamasdan ko silang tatalo ng may biglang nagtakip sa mata ko. "Guess who..." natatawang sabi Nito.
"Elijah!" masayang sabi ko at niyakap siya. Ginantihan din naman niya ako nang yakap pero mayamaya ay may biglang humila sa akin.
"Tangina pare, Ibibili kita ng kahit anong pwede mong yakapin wag lang yung asawa mo!" inis na singhal ni Luke.
"I'm surprise may asawa ka pa pala" natatawang baling ni Elijah sa akin.
Napailing lang ako. Nang madapo ang tingin mo kay Luke ay galit itong nakatingin sa akin. Anong problema niya eh wala naman na talaga kami di ba? Dahil sa divorce papers 5 years ago.
"Let's go?" tanong ni Elijah at naglahad ng kamay sa akin.
Pero agad akong hinarap ni Luke sa kanya. "Please baby. Wag na kayong sumama sa kanya ako naman ako naman ngayon..." pagsusumamo ni Luke. Hindi ko kinaya ang pagtitig ni Luke kaya naman napayuko na lamang ako. Agad mapabuntong hininga ito at humarap kay Elijah.
"Bakit hindi mo sabihin kung sino ka talaga?" paghamon ni Luke kay Elijah,
Pagak na natawa lang siya. "Sam, bakit hindi mo sabihin sa kanya kung sino ang dahilan kung bakit nangyari sayo ang lahat ng iyon" Paghamon sa akin ni Elija na agad kong inilingan.
Nagkibit balikat lamang ito. "Tingnan natin kung masabi pa niyang deserving siya sayo..." natatawang dugtong niya na pagpakunot sa noo ni Luke
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro