Chapter 39
Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
Nanlaki ang mga mata ko. "Ayoko!" sigaw ko.
Nabigla ito. Napabaling agad ito sa kambal at mangiyak ngiyak silang nakatingin sa akin. Nagulat marahil ang mga ito sa biglaang pagsigaw ko.
Kaagad din naman akong nagsisi ng makita ko ang takot sa mukha ng dalawa.
"Kids, go to your room now please..." pakiusap ni Elijah sa mga ito.
Kita ko ang pagtataka sa mukha nila, pero sa huli ay tumango na lang. Bago tuluyang umalis ay yumakap pa muna silang dalawa sa akin.
"What's the problem, Sam?" nagtatakang tanong ni Elijah.
Dahil sa malumanay na pag tanong niya ay nahiya ako at hindi ko magawang tumingin sa kanya.
"Natatakot ako, anduon si Yesha. Delikado para sa mga anak ko, tsaka..."
"Tsaka ano, Samantha?" tanong niya.
"Baka kuhanin ni Luke sa akin ang mga bata pagnalaman niya..." naiiyak na sabi ko dahil natatakot talaga ako kung mangyari man iyon.
"Bakit kayo ganyan?" malungkot na sabi nito. "Andito naman ako ah? Hindi ko naman kayo pababayaan" dugtong niya tsaka ako niyakap.
"Sorry..." sabi ko at ginantihan ang yakap niya. Oo nga pala, kahit kailan naman ay hindi kami pinabayaan ni Elijah. Palagi siyang nasa tabi namin ng kambal
"Thank you sa alok mo, Elijah. Pero please, wag muna ngayon?" pakiusap ko.
Napanguso ito. "Excited pa maman yung dalawa..." pangungunsensya nito.
Napaisip din ako, pero buo na ang desisyun ko. Ayoko munang sumugal sa ngayon. Ayokong ilagay sa panganib ang buhay ng mga anak ko.
"Uuwi din naman kami eh. Basta hindi lang ngayon" paniniguro ko.
Tipid niya akong nginitian. "Ikaw ang bahala. Mother knows best"
"Mommy, I want to go..." nakangusong sabi ni Lucas sa akin habang pinapatulog ko silang dalawa ni Suzy.
"Shh...Lucas. Suzy is sleeping" malambing na suway ko dito.
Agad siyang napatakip ng bibig at pagkatapos ay yumakap ito sa kapatid niya at hinalikan sa noo.
"Sorry, Suzy..." malambing na sabi nito.
"Can I drink water, Mom?" mahinang sabi nito.
Napangiti ako at tumango. Iaabot ko na sana ang baso "Outside?" pilyong tanong niya.
Kaagad akong napatawa ng mahina dahil humahanap siya ng paraan para malaman ang rason ko. Lucas is smart, matured din ito magisip, thankful naman ako dahil responsable ito pagdating sa kapatid niya.
Tumango ako at agad siyang binuhat. "Palusot mo talaga..." pangaasar ko. Tumawa lang ito ng mahina.
"But Mom, I want to go there..." paliwanag nito habang umiinom siya ng gatas sa may kitchen. Isang paraan nanaman miya para makausap ako ng masinsinan.
"Lucas not now, Trabaho ang pupuntahan duon ni Doc Elijah at hindi bakasyon" paliwanag ko dito.
"But he said..." agad kong pinutol ang sasabihin niya para naman makatulog na siya at hindi na humaba ang paguusap namin dahil naguiguilty ako.
"Akala ko ba ayaw mo may Doc Elijah?" pangaasar ko sa kanya.
"Mom...Bakasyon naman po ang gusto ko, not Doc Elijah. It doesn't matter if kasama po siya o hindi" nakangusong sabi nito.
Ginulo ko ang buhok niya. "Pagiisipan ni Mommy, ok?" paglalambing ko.
"Alright, Mom" malungkot na sabi nito tsaka nagpakarga na sa akin,
"Goodnight, Baby..." halik ko dito tsaka siya kinumutan.
Tipid lang itong ngumiti sa akin. Lalabas na sana ako ng pinto ng magsalita muli ito.
"Mom..." tawag niya.
"Uhmm..." baling ko dito.
"Can Jesus hear me, Mom?" inosenteng tanong niya,
"Ofcourse Baby. Just pray..." nakangiting sagot ko.
"Then can I pray for a Dad? For me and Suzy..." malungkot na tanong niya.
Unti unting napawi ang ngiti sa aking mga labi. "Ofcourse, baby" alanganing sagot ko. Napangiti ito at agad pumikit. Nanlulumo kong isinara ang pintuan. Kailangan pa ba nilang makita si Luke?
"O sige ksasama kita, Dito ka sa loob ng maleta ko" pangaasar ni Elijah kay Lucas. Nasa kwarto niya kasi kami at tinutulungan siyang magempake dahil bukas na ang alis niya papuntang Pilipinas.
"Never mind!" inis na sagot ni Lucas dito.
Samantalang si Suzy naman ay walang ginawa kundi kumain lang ng cookies at sweets habang nanunuod sa amin.
"Suzy! Stop eating sweets. Sasakit ang ngipin mo niyan!" Galit na suway nito sa kapatid.
Agad nabitawan ni Suzy ang mga pagkaing hawak niya. Nagtubig ang mata nito at mukhang iiyak pero imbes na tumakbo sa akin para magsumbong ay tumakbo ito sa Kuya niya at yumakap.
"Sorry, Kuya..." mahinang sabi nito.
Hindi ko na narinig ang mga sumunod na sinabi nito sa kapatid pero nanatili lang silang magkayakap.
"Stop crying, Suzy. I'm just worried" pagpapatahan nito sa kapatid pero anduon pa din yung awtoridad niya bilang isang Kuya.
"Ok, just continue eating, Then after that brush your teeth" sabi nito sa kapatid. Natatawa na lang ako dahil kakaiba talaga magisip itong si Lucas. Minsan nga ay kung ano ano ang ikinukwento niya sa akin na sinasabi daw ni Suzy, alam ko namang marami silang sikretong dalawa.
"Bye, Kids!" masayang paalam ni Elijah sa mga bata.
"Bye, Doc" tamad na sabi ni Lucas dito.
"Bye..." sweet na sabi ni Suzy.
Pinaghahalikan ni Elijah ang dalawang bata at pinangakuan nanaman niya ng kung ano ano. Masyado nilang inispoiled ni Viel ang kambal.
"Magingat ka doon..." paalam ko dito.
Niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "Kayo din dito..." nakangiting sabi niya.
Pagkatapos namin magpaalam kay Elijah ay niyaya ni Viel ang mga bata para manuod ng cartoons. Alam kong tama ang desisyun ko, Para to sa mga anak ko. Pinoprotektahan ko lang sila.
(Luke's Pov)
"What the hell! bakit yung Doctor lang, wala bang kasama?" inis na tanong ko.
Hindi ko nagustuhan ang isinagot nito kaya padabog kong ibinato ang cellphone ko.
"Fuck"
Ngayon dapat ang dating nila Samantha at ng kambal. Pero hindi daw ito kasama ng Doctor na iyon. Mariin akong mapapikit, I have no choice I need to use my plan B.
Agad kong dinial ang number ng taong makakatulong sa akin. I Know it's awkward but siya na lang talaga ang makakatulong sa akin ngayon.
"Hello, Dad..." Bati ko dito. It was Mr. Gazier.
(Samantha Pov)
"Really?" manghang tanong ni Lucas lay Viel habang nasa harap kami ng hapagkainan.
"Ofcourse! It's more fun in the Philippines, Babies!" magiliw na sagot nito. Kanina pa niya ipinagmamalaki ang pilipinas sa mga anak ko at napapairap na lang ako sa kanya dahil lalo niyang iniinggit ang mga ito. Pero wala siyang ginawa kundi ngisian lang ako.
Napapitlag ako ng biglang tumunog ang aking cellphone. Kaya naman nagpaalam muna ako sa mga ito, pero hindi pa din matigil ang ingay nila.
"Hello..."
"Samantha, anak..." Sagot nito.
Napairap ako ng marinig ko ang boses niya. "Ano pong kailangan niyo Daddy?" tamad na tanong ko.
"I miss you, Sam...Kamusta na ang mga bata?" malambing na tanong nito.
Simula ng manganak ako ay lagi na silang dumadalaw ni Mommy sa akin pero naging maingat naman sila. Hindi ko pa din siya napapatawad ngayon, Dahil anduon pa din yung sakit. Pero masaya na ako na close sila ng mga bata at halata namang mahal niya ang mga ito kagaya ng ipinapakita niya kay Fiona na anak ni Ate Sab.
"Ok naman po ang mga bata Dad. Ano po ba talaga ang sadya niyo?" tanong ko dito dahil alam kong may kailangan siya nagpapaligoyligoy lang sya.
Rinig mo ang mabigat na buntong hininga nito. "I'm sick, Sam. Can you take care of me please?" paglalambing niya.
"Andyan naman si Ate Sabrina, Dad...Sa kanya ka magpaalaga" sagot ko.
"But, I want my sweet Samantha to take good care of me" malungkot na sagot nito.
"Dad, wag na po tayong maglokohan dito"
"Ok...Gusto ko lang sanang bumawi sa iyo anak hangga't hindi pa huli ang lahat" madramang sabi nito at umubo ubo pa.
"Sana mapatawad mo ako habang hindi pa ako namama..." naipairap na lamamg ako sa mga pinagsasabi niya.
"Laging mong tatandaan anak. Hindi ko man naipakita at napairamdam sa iyo na mahal kita. Lagi kong ipagdadasal na sana maging masaya ka na hanggang sa huling hininga ko..."
"Okay, okay! uuwi kami diyan ng kambal" pagsuko ko.
Sobra ang saya ng kambal ng malamang susunod na kami kay Elijah sa Pilipinas. Tuwang tuwa pa ang mga ito ng malamang sa Lolo at Lola nila kami tutuloy. Hindi ko alam kung sigurado ba ako sa paguwing ito pero bahala na, isa lang ang nasisiguro ko, magiging malakas at matatag na ako para sa mga anak ko. Kung kailangan kong maging bato ay gagawin ko.
"Omg! So hot!" reklamo ni Viel pagkalabas namin ng airport.
Agad ko namang pinunasan ang mga pawisang anak ko. Namumula na rin ang mga ito dahil sa init.
"No one told me that after the Philippines is the sun..." naiiritang reklamo ni Lucas habang naliligo sa pawis.
"Yeah right!" natatawang sabi ni Viel at Nakipagapir pa kay Lucas.
"Come here, Baby..." tawag ko kay Suzy at itinali ang kulot niyang buhok.
"Asaan na si Lolo, Mom? Siya ba ang susundo sa atin?" naiinip na tanong ni Lucas.
"No Baby. He ask someone to fetch us" sagot ko dito. Habang busy akong itext si Elijah na nakarating na kami ng maayos. Gusto pa sana nitong siya na ang sumundo pero tumanggi ako dahil alam kong busy siya.
"Ang hot nung fafa!" kinikiligkilig na tili ni Viel sa tabi namin. Hindi ko na lang siya pinansin dahil pagkatapos kong itext si Elijah ay tinanong mo si Mommy kung sino ba ang susundo sa amin.
"Where Tita?" Rinig kong tanong ni Lucas.
"There honey oh!" at ang lukang Viel tinuro pa talaga.
"Oh my, Mommy. Am I looking in the mirror? Is there a time machine in this place. I think, I see my future self!" energetic na sabi ni Lucas.
"Ay oo nga Baby ano!" pagsangayon naman ni Viel.
At dahil nacurious ako ay tiningnan ko din ito. " Where baby?" nakangiting tanong ko.
"There, Mom!" masayang turo niya.
Agad akong napatingin sa lalaking nakashades. Napatango ako dahil totoong gwapo nga ito, Head turner. Pero agad nawala ang ngiti ko ng inialis niya ang shades niya. Nanlaki ang mga mata ko.
"Luke..."
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro