Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 38

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________



After 5 years




"Sammy, My gosh!" problemadong sigaw ni Viel mula sa may sala. Nasa kitchen kasi ako para maghanda ng mirienda.

Mabilis akong nagtungo duon at nakitang nakahalukipkip ito sa tabi ng anak ko.

"Lucas what happened to you?" nagaalalang tanong ko tsaka nilapitan ang anak kong basa ng pawis at may mga galos pa. Ramdam ko ding galit nito dahil mabilis ang kanyang paghinga at namumula na siya.

"Ang itanong mo, Kamusta na kaya yung binugbog niyang anak mo" natatawang sabi ni Viel.

"Nakipagaway ka nanaman..." malambing ngunit may diing tanong ko dito.

"No Mom, ipinagtanggol ko lang si Suzy" sabi nito at tsaka humalukipkip.

Napatingin ako sa anak kong babae. Namumula rin ito at halatang kagagaling lang sa pagiyak kaya naman nilapitan ko siya.

"Baby are you alright? May problema ba? Tell it to Mommy please..." paglalambing ko dito. Suzy is a bit weak, parang ako nung bata. May hika siya at bihirang magsalita. Pinatingnan na namin siya ni Elijah, wala namang problema pero sadyang mailap lang.

Umiling lang ito. "Talk to Mommy. Please, Baby..." paglalambing ko. 

Sumuko ako at kaagad na lang siyang niyakap. 

"I'm ok, Mom" mahinang sabi nito. Ganyan lang siya katipid magsalita minsan nga ay hindi talaga.

Lucas Eion and Suzy Laine Gazier. They are my twins, my life. 4 years old na sila. Na caesarian ako nung ipinanganak ko silang dalawa. I was between life and death that time. I was scared ofcourse na baka hindi ko makita man lang ang kambal ko pero God is so good. Halos 2 months akong na coma and that's it. Si Viel ang naging personal nurse slash tagabantay ng mga bata.

Agad kong kinarga si Suzy at tumabi kami kay Lucas. "Ano bang nangyari Lucas?" tanong ko dito. Dahil sinanay ko silang magsalita ng tagalog.

"Inaasar nila kami, Mommy. They make fun of Suzy. They we're saying that Suzy can't talk, Nagsasalita naman siya diba Mommy?" tanong ni Lucas. Napapatitig ako sa anak ko, tuwing kinakausap ko siya. He always reminds me of Luke. The small version of Luke.

"Ofcourse, Suzy is just a little bit shy. Right, Baby?" nakangiting baling ko kay Suzy at hinalikan ito sa noo.

"And..." bumaling agad muli ako kay Lucas ng magsalita ito gamit ang malungkot niyang boses.

"Wala kasi kaming Daddy...Walang magtatanggol sa amin" malungkot na sabi nito. Agad kumirot ang puso ko everytime na yan ang topic nila sa akin.

"Eh anong tawag mo sa akin?" natatawang pangaasar ni Elijah na kakarating lang. Agad bumaba sa akin si Suzy at yumakap kay Elijah. Close talaga ang dalawang iyon. Samantalang si Lucas.

"You are not our Dad..." inis na sabi ni Lucas dito.

"Paano mo naman nasabi?" nakataas kilay na tanong ni Elijah dito.

"It is because I'm handsome and you're not" mapangasar at may diing sabi ni Lucas.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Sabi mo eh" natatawang sabi nito kay Lucas at ginulo ang buhok.

"Tama na yan. Akin na yan si Suzy, Magpapalit muna kayo ng damit tsaka tayo magmimirienda ok?" sabi ko sa kanila at tsaka hinila ang kambal para bihisan.

"Mommy diba. Panget naman si Doc Elijah" nakangising tanong ni Lucas na tinawanan ko lang.

"I heard it, Young boy!" pangaasar na sabi ni Elija dito.

Pero imbes na mahiya si Lucas ay napatawa pa ito. "Oh that's great! I'm just stating a fact, Doc Elijah" balik na pangaasar ni Lucas dito.

Bago pa magbangayan ang dalawa ay hinila ko na si Lucas.

"You're beautiful Suzy" nakangiting sabi nito sa kapatid dahil binihisan ko si Suzy ng isang cute yellow dress.

Ngumiti lang si Suzy at niyakap ang Kuya niya. "Tell me I'm handsome..." utos nito sa kapatid niya.

Humiwalay si Suzy dito at tumango tango. "Nah! Tell me...Sinabihan kitang maganda ka kaya sabihan mo din akong gwapo" pagpapaliwanag niya sa kapatid.

Napatawa ako at ginulo ang buhok ni Lucas. I smiled at Suzy. My baby girl has a natural curly hair, rosy cheeks, small and thin lips, Medyo bilugan din ang mata nito at may makapal at mahabang pilik mata. While Lucas...wala na akong masabi kundi Luke na Luke.

"I'm hungry Mom. Can we eat?" pagrereklamo nito habang makahawak pa sa tiyan niya.

"Ok, Baby..." sabi ko at hinalikhalikan ito. "Ang bango ng mga Baby ko ah!" sabi ko tsaka ihiniga silang dalawa sa kama at pinaghahalikan. Tawa lang sila ng tawang dalawa.

"Mommy mabango na din po ako..." natatawang singit ni Elijah na nakasandal sa may pintuan.

"Tse! Tumigil ka" irap ko sa kanya.

Elijah is very considerate ng sinabi kong ayoko na munang intindihin ang lovelife dahil gusto kong magfocus sa mga anak ko ay hindi niya na ipinilit sa akin ang nararamdaman niya although anduon pa din iyon.

"Kakain na" masayang anunsyo nito tsaka binuhat yung dalawa.

"Bring me down will you? I'm big now" inis na sabi ni Lucas dito.

"I don't want..." pangaasar ni Elijah dito at mabilis na itinakbo ang dalawa kaya walang nagawa ang mga ito at nagsisisigaw habang tumatawa.

"Dahan dahan lang kayo ha!" umiiling na suway ko dahil baka mahulog pa sa hagdan ang mga iyon.

(Luke's Pov)

"Ang tagal mo namang kumilos, Kuya!" bulyaw sa akin ni Elaine.

At kanina pa ako hilong hilo sa kakapaikot ikot niya sa harapan ko. Wala na akong nagawa dito sa opisina ko dahil nakinig lang ako ng sermon niya.

"Can't you wait? I'm making a step, Elaine. Will you please calm down" suway ko dito. Kulang na lang ay maghesterical siya.

"Oh my gahd! Suzy and Lucas is so cute! Nanggigigil na ako sa mga iyon, ang cute nila" pagmamaktol nito.

Napatingin ako sa picture ng magiina ko. Malapit na, malapit ko na silang makita, at sisiguraduhin mong di na ulit kami magkakalayo.

"It's 5 long damn years, Kuya. Paano mo natiis yun?" inis na tanong nito.

"Wag kang exaggerated Elaine. 2 years pa lang simula ng nakita natin sila"

"Eh bakit nga hindi ka gumawa agad ng paraan..." inis na sabi nito na akala mo mas matanda siya sa akin.

"I'm just buying time, Elaine. Akala mo ba madali sa akin iyon!? Gustong gusto ko na silang kunin pero I need to do it in the right way. Ayokong pwersahin si Samantha. Gusto kong malaman niyang ngayon pinahahalagahan ko na siya, na I do respect her decisions" pagpapaliwanag ko. Agad siyang napanganga at hindi na nakapagsalita.

"Isara mo yang nibig mo. Pasalamat ka walang langaw dito sa opisina ko" natatawang suway ko sa kanya.

Agad siyang napanguso at mabilis na yumakap sa akin. "Nakakainis ka, Kuya! Kamukha mo yung kambal! Lalo na si Lucas! Inalagaan ko din naman si Sam ah!" pagmamaktol nito.

"Pasalamat ka nga at hindi mo naging kamukha. Edi kung nagkataon nahawahan mo pa ng kapangitan yung mga anak ko." natatawang pangaasar ko.

"Yabang mo!" nakangusong sabi nito.


(Samantha's Pov)

"Hey kids! Magbabakasyon tayo!" masayang anunsyo ni Elijah sa dalawang bata habang kumakain ang mga ito.

"Really!" sigaw ni Lucas. Samantalang pumapalakpak lang si Suzy habang tumatalon.

"Hoy, hindi ka kasama" pangaasar ni Elijah kay Lucas.

Umirap lang si Lucas dito. "Saan?" tanong ko.

"May medical mission na gagawin. Mukhang bigatin ang sponsor ng event na to kaya inimbitahan ang medical team namin." sagot nito.

"Isasama mo kami?" tanong ko.

Ngumit ito at tumango. "Saan ba?"

"Sa Pilipinas, sweetheart. It's time to face your fears"




(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro