Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 35

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________




(Luke's Pov)



"Anong hindi niyo mahanap? Anong klase trabaho ba yang sa inyo?" sigaw ko sa mga investigator.

"Sir, Wala po kasi talagang Elijah Raymundo na nakaregister sa kahit anong hospital doon..." mahinahong sagot nito.

"Out! Now. Ayus ayusin niyo naman yang trabaho niyo" tamad na sabi ko. Ilang buwan ng wala si Samantha at kahit konting information kung nasaan sila ay wala pa din akong makuha.

"Damn baby...Where are you?" pagod na bulong ko sa kawalan.

[Samantha's Pov]

Wala si Elijah at Viel ngayon dahil may pasok sila sa hospital pero mamaya ay susunduin ako ni Elijah. Sinabihan ko kasi siyang gusto kong sumama sa pag grocery. Kaya naman habang hinihintay ko ang oras ay nagligpit at nagayos na lang ako ng bahay.

"Sino si Elijah Raymundo?" tanong ko sa nakita kong lapel na nakakalat sa kwarto ni Elijah.

"Hindi ba Romualdez siya?" nagtatakang tanong ko dahil Elijah Romualdez naman talaga siya, Bakit may Raymundo dito?

Tinititigan ko ay papel na hawak ko ng biglang may kumuha nito. "Not this, baby..." pilyong sabi nito tsaka mabilis na itinago ang papel.

"Sino si Elijah Raymundo?" tanong ko sa kanya.

Umiling ito. "Just, someone..." sagot niya.

"Eh bakit..."

Hindi niya na ako pinatapos. "Tara na, Bawal kang gabihin sa labas" sabi nito at hinila ako palabas ng kwarto niya at dumiretso sa parking lot at pumunta sa grocery.

"Si Viel, hindi pa uuwi?" tanong ko dito dahil masyado kaming tahimik na dalawa sa loob ng sasakyan.

"Nag over time siya" maiksing sagot niya.

"Ah..." sabi ko at tumango na lang.

Nang makarating kami sa grocery ay siya na ang kumuha ng cart. Tinutulungan ko na lang siyang kumuha ng kung ano ang mga kailangan. Bumagal ang pagsunod ko kay Elijah ng makarinig ako ng iyak ng isang bata kaya naman sinundan ko ito.

"Maggie, I said stop crying..." pagaalo ng isang batang lalaki sa batang babaeng umiiyak.

"I want Mommy. I'm scared..." umiiyak na sabi ng batang babaeng iyon.

Napangiti ako ng yakapin ng lalaki ang babaeng umiiyak. Sa tansya ko ay mga 6 years old pa lang sila. Nagulat ako ng magsalita itong muli.

"Hindi ba, I promise hindi kita iiwan..." may accent na sabi nito.

"I want to go home..." humihikbing sabi ng batang babae.

Napatingin sa akin ang batang lalaki kaya naman nginitian ko. "Hello..." masayang bati ko at nilapitan sila.

"Anong problema?" malumanay na tanong ko sa kanila.

Agad nanliwanag ang mukha ng batang Lalaki. "You're a Filipino?"

Tumango ako. "Bakit siya umiiyak?" baling ko sa batang babae na namumula na.

"Nawawala po kasi kami. We can't find our Moms..." sagot ng batang Lalaki.

"Ganon ba? Tutulungan ko kayo!" nakangiting sabi ko sa kanila.

"Really?" nakangiting tanong ng batang babae. 

Binigyan ko sila ng isang matamis na ngiti at tumango. "What's your name then?"

"I'm Peter...and this is Maggie" pagpapakilala ni Peter.

"Ako naman si Ate Sam, So magkapatid kayo?"

Umiling iling si Peter habang yakap pa din si Maggie.

"Girlfriend ko po siya at boyfriend niya ako" gulat ang agad kong naramdaman sa sinabi niya. Napatawa ako dahil don.

"Pero, You two are too young..." natatawang sabi ko.

Umiling si Peter. "Nope, I can take good care of her and I swear I won't leave her. Cross my heart" sabi nito with action pa.

Nginitian ko na lamang siya ay hinimas ang ulo nilang pareho. "Let's go na. Hanapin na natin ang mga Mommy niyo" sabi ko at pareho silang hinila. Nasa magkabilang kamay ko silang dalawa. Naglalakad kami ng biglang mag salita si Maggie. Napakasarap pakinggan ng boses niya napakasweet.

"Ate Sam, are you full? Why is your tummy big?" tanong nito habang nakatingin sa tiyan kong may pagkaumbok na.

"Mayroon kasing baby dito sa loob..." nakangiting sagot ko

Agad bumitaw ito sa akin at pumalakpak. "Really!? Can I touch your tummy?" masiglang tanong niya.

Tumango ako, dahan dahan niyang hinimas ang tiyan ko. "Is it cute?" magiliw na tanong nito.

"What do you think?" pangaasar ko.

"OfCourse! Because you are beautiful, Ate Sam..."

"Maggie stop it! The baby might cry! Your too noisy!" suway ni Peter sa kanya na ikinatawa ko.

Agad umirap si Maggie dito at naghalukipkip pa. "Then, Ate Sam. How did the baby got there?" tanong ni Maggie at binaliwala si Peter.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanila. Sanay naman ako sa ganito dahil nursery teacher ako kaya lang iba na kasi ang topic.

"Because, Ate Sam's husband love her and also Ate Sam loves her husband, so that..." paliwanag ni Peter kay Maggie pero pinutol niya iyon.

Napanganga ako sa mga pinagsasabi nilang dalawa."Really, Ate sam? Where's your husband then?"

"Maggie!" suway ni Peter.

"Okie, I'll gonna zip my mouth" sabi nito at umaktong ziniper pa ang bibig.

My husband never loved me. Hindi ako mahal ni Luke.

"Maggie, Peter!" rinig naming sigaw.

Napalingon ako at nakita ang dalawang babae. Mabilis na tumakbo sina Maggie at Peter papunta doon. Nang makalapit ay hinila ng dalawa ang mga Mommy nila. Pinakilala nila ako at nalamang mga Filipino din sila at sa bahay ay tagalog pa din ang tinuturo nila sa mga anak nila.

"Goodbye, Ate Sam. Goodbye, Baby..." sweet na sabi ni Maggie at hinalikan ako sa pisngi.

"Goodbye, Ate Sam..." nakangiting paalam din ni Peter.

Kumaway ako pabalik ng wala din silang tigil sa pagkaway sa akin hanggang sa tuluyan na silang mawala sa aking paningin.

 Napahawak ako sa aking sinapupunan. "Konting tiis pa, magkikita na din tayo, Baby" sabi ko dito.

"There you are!"

"Elijah, sorry" pagumanhin ko dahil nakalimutan kong kasama ko nga pala siya.

"It's ok. Tara na babayaran ko na lang ito, may gusto ka bang kainin?" tanong nito.

Umiling  lang ako. Pagkatapos magbayad ay umuwi na din kami. Nakatingin lang ako sa labas buong byahe.  May naalala tuloy ako kay Peter at kay Maggie.

(Flashback : Continuation Of Flashback In Chapter 6)

"Punyeta sino to!? "sigaw nung Lalaki kaya naman lalo akong napaiyak.

Agad niya akong hinawakan sa kwelyo at hinatak patungo sa kaibigan kong umiiyak. "Gago! Bakit may kasama pa!?" sigaw nung nagdridrive.

"Aba! Hindi ko nga alam kung paano napunta yan dito!" Balik na sigaw nung lalaking humatak sa akin.

Napatingin ako sa kaibigan ko. Tumahan na din ito "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Sinamahan kita kasi kawawa ka naman..." umiiyak na sagot ko.

"Wag ka ng umiyak..." sabi niya at inalo ako.

"Aww, ang sweet. Punyeta manahimik ka!" sigaw ng lalaki sa akin dahil sa pagiyak ko.

Pero lalo akong napaiyak sa takot. Kaya naman kaagad akong niyakap nung kaibigan ko. "Wag kang magalala hindi kita iiwan..." malambing na sabi nito sa akin.

Kahit papaano ay natahimik ako dahil sa kanya. Maya maya ay huminto ang sasakyan.

"Baba!" sigaw nung Lalaki.

"You don't need to shout!" balik na sigaw nung kaibigan ko.

"Shut Up! I'll punch you. You want!" natatawang panunuya nung lalaki.

Hindi na lang siya umimik at hinawakan ang kamay ko. Dinala kami ng mga iyon sa isang maliit na kwarto may kamang maliit din pero sira naman. 

"Diyan lang kayo! You little boy! Shut up ok?" natatawang pangaasar nito.

Tahimik lang kaming dalawa. Pero kaagad kaming nakarinig ng nakakatakot na tunog kaya naman napayakap ako sa aking tuhod at napatakip ng tenga. Nagsimula nanamang manginig ang buong katawan ko dahil sa takot.

"Wag ka ng matakot Samantha andito naman ako" sabi nito.

Tiningala ko siya. "Pero nakakatakot sila..." sumbong ko.

"Wag kang magalala. Hindi kita iiwan, Aaalagaan kita..." sabi niya at niyakap ako.

"Thank you...Luke"

(End Of Flashback)

Kasabay ng paggaling niya ay ang pagkalimot niya ng pangako niya sa akin.






(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro