Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 34

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________



[Luke's Pov]

Naglalakad ako sa hallway ng hospital para dalawin si Lola ng biglang may tumawag sa akin.

"Luke..." malambing na tawag nito.

Napalingon ako dahil napakapamilyar ng boses na iyon. "Samantha..." paos na tawag ko dito. Lakad takbo ang ginawa ko para lang makalapit sa sa kanya. Agad kumawala ang mga luha ko ng tuluyan ko na siyang mayakap.

"Baby...baby, I'm sorry. Nagsisisi na ako, nagsisis na ako Sam..." pagsusumamo ko dito.

Hindi ito umiimik, Munting mga hikbi lang niya ang aking naririnig. Ginagantihan niya ang mahigpit na yakap ko sa kanya. Pero nagulat ako ng bigla itong mamilipit sa sakit.

"Luke aray...ang sakit " umiiyak na daing nito.

Sinuri ko ang nuong katawan niya at nagulat ako nang makitang may dugo sa kanyang paanan. Lalo akong nagtaka ng makitang malaki na ang tiyan nito. Samantalang ng yakap yakap ko siya kanina ay hindi ko man lang ito naramdaman.

"Luke masakit, Manganganak na ata ako!" nahihirapang sabi nito.

Agad akong nataranta at hindi malaman ang gagawin. Mabilis ko siyang binuhat.

"Nurse! Tulungan niyo kami!" sigaw ko habang lakad takbo ang ginawa para lamang makaabot sa emergency room.

"Ahh...Hindi ko na kaya" umiiyak na sumbong niya. Puno na din ito ng pawis at namumutla na.

"Sam...wait baby, Malapit na ok...Malapit na" pagaalo ko, kahit ako mismo ay hindi malaman ang gagawin.

Nagsilapitan ang mga nurse sa amin at kinuha si Samantha sa akin at inilipat sa hospital bed.

"Hanggang dito na lang po, Sir" pigil sa akin ng nurse.

Labag man sa loob ko ay napasandal na lamang ako sa pintuang iyon. Habol ko ang aking hininga ng nakita kong nagmamadaling naglakad patungo sa direction ko ang isang Doctor.

"Doc...Please, Please gawin niyong safe ang magina ko" nabubulol na sabi ko dito.

"We will do our best, Mr." nagmamadaling sabi nito at tuluyang pumasok duon sa kwartong pinagdalahan kay Samantha.

Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot, pagod at pagaalala. Pero hindi pa din maiaalis ang saya dahil manganganak na siya. Mga ilang oras akong paikot ikot sa iisang pwesto ko, Upo, tayo din ang ginawa ko dahil hindi ko kayang manatiling nakapirmi lang. Dahil sa pagod ay napaupo ako sa sahig.  Wala akong ibang nagawa kundi ang magdasal. Pero naalintana iyon ng biglang bumukas ang pintuan.

"Nurse, Kamusta na yung asawa't anak ko? Ok na ba, Tapos na ba?" Kinakabahang tanong ko, Para na akong mababaliw dahil ni isa sa kanila ay walang nagabalang sumagot sa akin.

Patuloy lang sila sa paglabas at pagpasok sa pintuang iyon. Gustong gusto ko nang pumusok duon pero iniisip kong baka makagulo lang ako sa kanila.

Napabuga ako ng hininga ng may isang lumapit sa akin. Pero nagulat ako ng hindi lang siya magisa. Kasama niya ang Doctor.

"Ok na po ba, Doc? Kamusta po? Pwede ko na po bang makita yung anak ko? Yung asawa ko po. Ok na po ba?" tuloy tuloy na tanong ko dito.

"I'm sorry Mr. Jimenez but you need to sign a waiver..." mahinahong sabi nito.

"Anong waiver ba yan Doc!? " inis na tanong ko dahil sa frustration.

"I'm sorry, Mr. Jimenez. You need to choose between the mother and the baby"

"What do you mean. Doc?" naguguluhang tanong ko dahil baka nagkakamali lang ako ng dinig.

"Look Mr. Jimenez...Critical ang condition nila ngayon, Kailangan niyo na pong mamili kung sino ang ililigtas natin. If hindi po ito naagapan maaaring dalawa silang mawala"

Nag nit ang ulo ko at kinwelyuhan ito. "Wag mo akong ginagago Doc! Gusto mo bang piliin ko kung sino sa kanila ang gusto kong mabuhay at sino ang mamamatay!" galit na sigaw ko sa pagmumukha niyang kalmado pa din kaya lalong kumukulo ang dugo ko.

"I'm Sor...."

"No! Anong klaseng Doctor ka? Gusto ko sila pareho. Putangina! ibibigay ko lahat ng pera ko. Basta iligtas mo silang dalawa. Walang mawawala. Iyon ang gusto ko!" nanggigigil na asik ko. 

"Mr. Jimenez, I understand kung anong pinagdadaanan niyo ngayon pero please, you need to sign the waiver ASAP" Pakiusap niya.

Ilang mura pa ang napakawalan ko bago ko padabog na kinuha ang pinapapirmahan nila sa akin. Nanginginig ang kamay ko ng pinirmahan ko iyon.   

"Save the mother" madiing sagot ko sa Doctor at parang isang putok ng baril ito at agad siyang nagtatatakbo patungo sa loob.

Halos mapasabunot na ako sa aking buhok. Ano ba itong nangyayari? Is this my karma? Sa lahat ng kagaguhan ko? Bakit kailangan pang madamay ang anak at asawa ko?. Maya maya ay lumabas ang Doctor at mga Nurse, Walang pagaalinlangan akong pumasok sa loob para tingnan si Samantha pero nagulat ako ng wala akong nakitang Samantha duon. Mabilis akong lumabas at nagtatakbo.

Nakakita ako ng isang pinto at pagkabukas ko ay nasa rooftop na ako. 

"Samantha!"

Mabilis itong lumingon sa akin. "Ang sama mo! Ang sama sama mo. Pinatay mo yung anak ko, Pinatay mo siya!" galit na sigaw niya. 

"No baby. Hindi ko gusto yun pero ayokong mawala ka sa akin. Tara na dito please bumaba ka diyan" pakiusap ko.

"Hindi! Kung namatay din naman ang anak ko, Mabuting mamatay na lang din ako"

Lakad takbo ang ginawa ko para lapitan siya. "No baby wait"

"Hindi mo ako mahal, walang nagmamahal sa akin. Ayoko na, mabuti pang mamatay na lang ako" sigaw nito at agad pumihit at tumalon.

"Samantha!"

"Samantha..." hingal na tawag ko, napabalikwas kasi ako dahil sa isang masamang panaginip.

Muli akong napapikit para alisin iyon sa akin isipan. "What a fucking nightmare..."

Napamulat ako ng biglang may kumatok.

"Happy birthday to you. Happy birthday to you..." malungkot na kanta ni Elaine habang may hawak na cake.

"Happy birthday, Kuya..." nakangiting sabi nito pero pilit lamang.

"Thank you, baby" sagot ko at tsaka hinipan ang kandila sa cake na dala niya.

"Para sayo ata ito, Kuya" sabi niya at iniabot sa akin ang isang envelope.

Walang nakalagay kung saan ito galing, pagkabukas ko ay agad napasinghap si Elaine at naiyak. 


(Samantha's Pov)

"Uy masama ang pagiging malungkot. Naiistress ang baby" natatawang suway sa akin ni Viel.

Pinsan ni Viel si Elijah. Nurse naman siya sa hospital na pagmamayari din ng pamilya nila Elijah. Siya ang nagaalaga sa akin pagwala si Elijah at may trabaho. At dahil sa kanya, gumagaan palagi ang pakiramdam ko. 

"Naipadala ko na yung pinapadala mo sa akin"

"Thank you" sagot ko.

Nakakalungkot dahil wala ako sa tabi ni Luke ngayon. Birthday na niya, kung wala sanang nangyaring kung ano mang mga aksidente ay masaya sana ang araw na ito pero naging kabaliktaran. Kaya naman pinadalhan ko na lamang siya ng ultrasound picture, Ayaw pa nga sana ni Elijah dahil hindi pa naman daw iyon makikita duon. Pero nagpumilit talaga ako.

"Pinagbigyan na nga kita malungkot ka pa din?" natatawang tanong sa akin ni Elijah paguwi niya kinagabihan.  

Lumapit ako sa kanya para sana tulungan siya sa mga gamit niya ng pigalan niya ako. "Ayokong napapagod ka" suway nito.

"Parang tutulong lang. NapakaOA naman nito" natatawang sabi ko.

"Nagkulong ka nanaman dito? Bakit hindi ka mamasyal, Magpasama ka kay Viel" sabi niya.

"Ayoko...Nakakapagod, Tsaka ok naman dito sa bahay mas safe" Sagot ko pero napadila ako sa aking labi ng bigla kong gustong kumain ng grahams ball na ginagawa ni Mommy. Minsan nga ay may gusto akong kainin pero nahihiya akong magsabi, puno naman ng pagkain ang refrigirator at cabinet kaya nadidivert ko sa ibang pagkain.

"Anong gusto mong kainin?" natatawang tanong ni Elijah

Umiling ako pero hindi siya nagpatalo. "I know meron, Sam. Sige na, Wag ka ng mahiya..." pagpupumilit niya.

"Uhm ano, Gra..."

"Grahams balls..." natatawang sagot niya.

"Ang galing, Alam mo na agad..." namamanghang sabi ko.

Minsan kasi at talagang naguuwi ito ng mga pagkaing gigil akong kainin. Hindi ko alam kung may pagkamanghuhula ba itong si Elijah o sadyang observant lang siya dahil na din siguro sa pagiging Doctor niya.

"Ganyan talaga pag special sayo yung tao, Nakakabisado mo na lahat ng kung ano ang mga hilig niya" pagyayabang niya habang pinagtataasan pa ako ng kilay.  

Nagkibit balikat na lang ako at hindi pinansin ang sinabi niya. "Ganon? Pero akala ko talaga kasi manghuhula ka na" pangaasar ko na ikinasimangot niya kaya naman lalo akong natawa.

[Luke's Pov]

Titig na titig ako sa ultrasound picture na ipinadala sa akin ng biglang sabihin ng secretary ko na mayroon akong bisita. Bumukas ang pinto at pumasok ang investigator na kinuha ko para mahanap ang aking asawa. Gusto ko ding malaman kung sino ba talaga si Elijah.  

"Kamusta..." 

"Ganon pa din po, Sir. Personal profile pa din po ang dala ko pero may isa akong nakalap na impormasayon tungkol kay Elijah Raymundo..." pagpapaliwanag nito.

"Ano yon?" tamad na tanong ko dahil ilang beses na akong nadismaya sa bagal nilang magtrabaho. Hindi ko alam kung bakit pero biglang may namuong kaba sa dibdib ko ng magsalita itong muli.

"Naging Doctor po siya ng pinsan niyong si Yesha. At sa pagkakaalam ko po, Malapit sila sa isa't isa"






(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro