Chapter 32
Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
(Luke's Pov)
"I Hate you. I Hate you Luke" umiiyak na sabi niya sa akin ng hatiran ko siya ng pagkain.
"Don't worry, Sam. The feeling is mutual. I Hate myself too" nagsisising sabi ko tsaka siya tinalukuran.
Inaamin kong nagkamali ako sa nagawa ko sa kanya kagabi pero nadala lamang ako ng selos at galit sa nakita kong picture nila ng lalaking iyon. Nagdala din ako ng babae sa bahay para maghiganti. Dahil pagkakita ko ng picture nila ay kung ano ano na ang pumasok sa utak ko. Umalis ako ng bahay para pumunta ng hospital ang sabi nila ay gumising na daw si Lola.
Napahinto ako sa guard house nang harangan nila ako. "Mr. Jimenez. Naiwan ho iyan ng bisita niyo" sabi ng guard at iniabot sa akin ang isang ID.
Bago ka kasi makapasok sa subdivision namin ay kailangan mong magiwan ng ID lalo na kung isa ka lang bisita. Kumunot ang noo ko ng nakitang ID iyon ni Yesha.
"Maraming salamat po. Kailan po ba siya pumunta dito?" panguusisang tanong ko pa.
"Yung araw po na sinugod sa hospital ang Lola niyo. Hindi niya na nga po iyan nakuha dahil nagmamadali siya, Nakakapagtaka nga po..." kwento pa ng guard.
"Salamat po" paalam ko at nagdirediretso na. Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon dahil ang importante ngayon ay gising na si Lola.
"Kuya!" nakangiting salubong sa akin ni Elaine tsaka ako niyakap.
"Si Lola?" excited na kinakabahang tanong ko.
Pagkapasok ko sa kanyang kwarto ay pinalilibutan siya ng mga Tita at Tito ko. Pero ng napako ang tingin nito sa akin at itinaas nito ang kamay niya kahit nahihirapan. Pagkalapit ko ay nakita ko agad na isa isang nagtuluan ang masasaganang luha nito.
"Lola, wag ka pong umiyak" malambing na suway ko sa kanya.
"Si Sam..." nahihirapang sabi niya dahil mayroong siyang oxygen mask.
"Mama, Wag po muna kayong magsalita" natatawang suway ng isang Tita ko.
Pero makulit si Lola at inabot pa niya ang mask at tinanggal ito.
"Ma!..."
"Lola..."
Pero hindi niya inintindi ang suway sa kanya ng mga ito. "Si Sam ingatan mo si...Sam" nahihirapang sabi nito. Pero ng sobrang hirap na siya ay ibinalik niya na agad ang oxygen mask niya.
Kumunot ang noo ko. "Mama sino po ba ang gumawa niyan sa inyo? Yung asawa po ba ni Luke!?" tanong ng isa sa mga tita ko.
Kahit hirap ay umiling iling si Lola. "Mama! Wag niyo na pong pagtakpan ang babaeng iyon!" suway sa kanya ni tita.
Pero patuloy lang sa pagiling si Lola. "Ma!"
"Tita, wala nga daw pong kasalanan ang asawa ko" sabi ko pero kinilabutan din ako dahil inaamin kong kahit ako ay hindi naniwala kay Samantha.
Nagulat kami ng biglang itinaas ni Lola ang kanyang kamay at tumuro sa mga nagkukumpulan kong pinsan.
"Tinatawag ka niya, Elaine" nakangising sabi ni Yesha ng pinagtulakan ang kapatid ko.
Lalapit na sana si Elaine nang pinigilan ko siya. "Baka ikaw, Yesha. Baka ikaw ang tawag ni Lola" nakataas kilay na sabi ko.
Nagkibit balikat lamang ito at lumapit kay Lola. Pagkalapit niya ay agad siyang hinawakan ni Lola sa braso at ganuon na lamang ang gulat namin ng mahigpit niya itong hinawakan. May panggigigil at mas lalong umiyak si Lola. Napatingin ako kay Yesha at nakitang namumutla siya.
(Flashback)
Nagalala si Lola ng makita niyang umiiyak na umuwi si Samantha. Lalo din itong Nabahala ng sabihin nitong aalis siya. Hindi niya agad ito nasundan sa itaas dahil may nagdoorbell.
"Lagot talaga sa akin iyang batang yan" nanggigigil na sabi nito dahil malakas ang kutob niyang Si Luke iyon.
Pero nagulat siya ng si Yesha ang nandon. "Oh Hija .Ano't napadaan ka? Diyos ko! Bakit may baril ka!?" ninenerbyos na tanong ni Lola. Amoy alak din ito at parang wala sa sarili.
"Asaan si Samantha!?" galit na tanong nito.
"B...Bakit? Anong kailangan mo kay Samantha?" tanong ni Lola na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin malaman ang gagawin.
Hindi iyon pinansin ni Yesha at nagtuloy tuloy papasok sa loob. "Yesha Hija, Ano ba ang problema?" naguguluhang tanong ng matanda.
Aakyat na sana si Yesha sa hagdan ng harangan niya ito. "Umalis ka diyan Lola!" pagbabanta ni Yesha.
"An...Ano bang kailangan mo kay Samantha!? bakit may hawak kang baril?" mangiyak ngiyak na tanong ng matanda dahil sa takot.
"Papatayin ko siya! Papatayin ko siya at ang anak niya!" galit at nanggigil na sigaw ni Yesha.
Dahan dahang patalikod na umakyat si Lola. "Anong kasalanan ni Samantha sa iyo!? At bakit kailangan mo bang idamay ang bata!?" Galit na tanong ni Lola sa kabila ng takot.
Napatawa ng pagak si Yesha. "Akala mo ba hindi ko alam. Isisikreto niyo kay Luke dahil iyon ang regalo niyo sa birthday niya. Pero hindi lang iyon, sa araw ding iyon ay pormal mo nang ililipat sa pangalan niya ang buong companya." sigaw ni Yesha.
Buti na lamang at sound proof ang mga kwarto dito kaya kahit papaano ay nawala ang pangamba ni Lola na baka bigla na lang lumabas si Samantha. "Ano ba yang pinagsasabi mo Hija? hindi ka namin pinalaking ganyan!" mahinahong pero galit na suway sa kanya ni Lola.
"You made me like this Lola! Wala ng ibang magaling sayo kundi si Luke. Si Luke na lang palagi! Si Luke at Elaine lang ang paborito mo!" mangiyak ngiyak na sumbat nito.
"Yesha Hija. Pantay pantay ang tingin ko sa inyong lahat, Nagkataon lang na isa silang dalawa sa pinakabata sa inyo..." pagpapaliwanag ni lola.
"No, Lahat na ginawa ko! Pero hindi mo nakita iyon dahil si Luke lang ang magaling sa iyo!? Hindi ka nagduda sa kakayahan niya na patakbuhin ang companya kahit hindi niya malutas ang problema nang nakawan!"
"Don't tell me,Hija. Ikaw ang may gawa non?" tanong ni lola.
"Ako nga! At ngayon isa na lang talaga ang problema ko. Yang babaeng yan! Papatayin ko yan!" gigil na sabi nito at umaktong aakyat na.
"Anong nangyari sa iyo, Hija. Hindi ka naman ganyan...Napakataas ng tingin ko sa iyo" nahihirapang sabi ni Lola na nakahawak na ngayon sa batok niya.
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko napapatay si Samantha at ang anak niya" walang pakialam na sabi ni pero bago pa man siya makahakbang pa ng isa ay nahulog na ang matanda.
Nanlaki ang mga mata ni Yesha. Nagising siya mula sa kahibangan niya. Nagkalat ang dugo ng Lola niya sa sahig.
"Hindi ko po sinsadya Lola, Dapat si Samantha...dapat si Samantha yan" wala sa sariling bulong nito tsaka nalasabunot sa buhok. Dahil sa takot ay mabilis itong umalis at lumayo sa bahay.
(End of flashBack)
"I need to go" nauutal na sabi niya
Pilit niyang tinanggal ang kamay ni Lola na nakahawak sa braso niya at nagdali daling umalis. Nabaliwala ang pagwalk out niya dahil ang lahat ay nagaalala sa biglaang pagiyak ni Lola.
"Yesha!" habol na tawag ko dito.
Nang humarap ito sa akin ay todo ang panginginig ng kamay niya. Kagat kagat niya na nga ang labi niya dahil dito.
"May alam ka ba sa nangyari kay Lola?" diretsahang tanong ko.
"A...Ano bang pinagsasabi mo diyan Luke?" nagaalangang tanong nito ng hindi makatingin sa akin.
"Naiwan mo daw ang ID mo sa guard ng village namin. Anong ginagawa mo duon nung araw na na accidente si Lola!?" Galit na tanong ko.
"Ba...Baka nagmakamali lang ang mga guard. Hindi ako nakapunta sa inyo nung araw na iyon. At kung nanduon man ako hindi mangyayari yon, Edi mapipigilan ko sana si Samantha na gawin iyon" sabi nito na ikinainit ng dugo ko.
"Shut up!" sigaw ko dito.
"Pagnalaman ko lang na may kinalaman ka sa nagyari kay Lola, Humanda ka sa akin" pagbabanta ko sa kanya.
"Tumigil ka nga Luke. Asaan ang manners mo? Mas matanda ako sayo, Respituhin mo ako!" Suway nito sa akin.
"You don't deserve respect Yesha. At pagnalaman ko lang, Ipapakain ko sayo yang respetong hinahanap mo! Ikaw ang may kailangan ng manners hindi ako!" giit ko at tinalikuran siya.
Dali dali akong sumakay ng sasakyan at umuwi ng bahay. Kailangan kong makausap si Samantha. Kailangan kong humingi ng tawad sa nagawa ko sa kanya. Ipinapangako kong babawi ako sa kanya at sa magiging anak namin. Mabilis akong bumaba ng sasakyan ng makitang bukas pa ang ilaw sa may sala. Siguradong naghihintay nanaman iyon sa akin.
Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako ng makatanggap ako ng mga palo mula kay Elaine.
"I hate you, Kuya. I hate you!" sigaw nito habang pinagpapalo ako sa dibdib.
"Hey wait...Ano bang nangyayari sayo? Asaan si Samantha?" tanong ko.
Agad siyang natigil at may ibinatong envelope sa akin. "I hate you for that, Kuya!" sigaw nito at tsaka ako sinangga at lumabas ng bahay.
Kinuha ko ang envelope na ibinato niya at ganuon na lamang ang paglambot ng tuhod ko kasabay nang pagtulo ng luha ko ng makitang isa iyong divorce paper at pirmado niya na.
"No. It can't be" paos na sabi ko at parang wala sa sariling tinahak ko ang hagdan.
Napasabunot ako sa ulo ko ng makitang wala na ang mga damit nito sa cabinet namin.
"Damn it!" sigaw ko at pinagbabato ang lahat ng gamit na mahawakan ko. Huli na ang lahat sinukuan niya na ako.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro