Chapter 31
Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
Hindi siya kaagad nakapagreact ng dahil sa sinabi ko. "Sasama ako sayo, Luke. Basta, Please! Wag mo na akong sasaktan" pagmamakaawa ko pa
"Wag mo akong gaguhin, Samantha" madiin banta niya.
"Hindi ako nagbibiro. Totoong buntis ako!" pagpupumilit ko.
"Shut up!" sigaw nito tsaka napasabunot sa kanyangbuhok.
"Pwede ba. Gulong gulo na ako hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Pwede bang wag ka ng makisabay!" problemadong pakiusap niya.
Dahil sa kalagayan ni Luke ngayon ay nanahimik na lamang ako. Naawa ako sa kanyang itsura. Tatlong araw lang kaming hindi nagkita ay pinabayaan niya na ang kanyang sarili. Tahimik akong sumama sa kanya. Takot man ay hindi ko pa rin makayanang iwanan siya dahil alam kong kailangan ni Luke nang kasama ngayon.
Ilang araw na din ako dito sa bahay. Nagalala pa nga si Mommy nang nalaman niya pero sinabi ko namang ayos lang ako. Hindi naman kasi ako sinasaktan ni Luke. Pero ginawa niya naman akong hangin na dinadaan daanan niya lang dito sa loob ng bahay.
"Luke, saan ka ba galing? Nagaalala ako sayo pasado alas dose na" nagalalang tanong ko sa kanya pagkapasok niya ng bahay.
"Pwede ba, Samantha. Naririndi ako!" galit na sigaw nito at agad pumasok sa kwarto at padabog itong isinara.
Umakyat na lang ako at pumunta sa dati kong kwarto. Galit siya sa akin, galit siya dahil ako ang sinisisi niya sa nangyari kay Lola. Kahit pagpunta sa hospital ay hindi ko magawa dahil alam kong galit ang ibang Jimenez sa akin. Hindi ko pa rin nakakausap si Elaine nangangamba tuloy ako na baka ganuon din ang nararamdaman nito. Tumingin ako sa orasan at nakitang 1:30 na ng madaling araw.
"Baby naman...gabi na" kagat labing sabi ko habang nakahawak sa aking sinapupunan.
Bigla kasi akong nagutom at gusto kong kumain ng fries. Ilang beses akong napalunok. Baka sa ganitong paraan ay mawala ang pagkatakam ko. Sinubukan ko na ding matulog pero hindi ko talaga kaya, kaya naman bumangon ako, nagjacket at bumaba. Bubuksan ko na sana ang pinto nang nagsalita ito sa likod ko.
"Saan ka pupunta?" madiin at nakakatakot na tanong niya.
"An...Ano kasi Luke, nagugutom ako" alanganing sagot ko.
"Sa ganitong oras ng gabi? Nagiisip ka ba Samantha!? Eh paano kung may mangyari diyan sa anak ko!?" galit na suway niya.
Agad akong napangiti ng narinig kong nagaalala siya sa anak namin. "Ano ba ang gusto mo!?" tamad at iritadong tanong niya.
"French fries sana..." nahihiyang sagot ko.
Pumasok ito sa kanyang kwarto, pagkalabas niya ay dala niya na ang susi. Walang imik nito akong nilagpasan at lumabas ng bahay. Dahil sa paghihintay ko sa kanya ay naisipan ko na lang munang umakyat sa aking kwarto pero sa hindi ko malamang dahilan ay sa kwarto ni Luke ako dinala ng aking mga paa.
Hindi pa nagugusot ang kama marahil ay hindi pa ito natulog simula nang dumating siya pero napako ang tingin ko sa envelope na nakalagay dito. Agad ko iyong tiningnan at ganuon na lamang ang sunod sunod na pagbagsak ng aking mga luha nang makita kong isa itong divorce papers. Narinig kong dumating na ang sasakyan niya kaya naman mabilis ko itong inayos at lumabas na ng kwarto niya pero hindi pa rin mapigil ang luha ko sa pagtulo kaya naman wala akong ginawa kundi punasan ito.
"Anong iniiyak iyak mo diyan?" iritadong tanong niya sa akin nang makita ako.
"W...wala" paos na sagot ko tsaka ko kinuha ang french fries na dala niya. Dahil sa bigat ng aking nararamdaman ay hindi ko na mapigilan ang paglakas ng aking hikbi.
"Pwede ba samantha! Tigilan mo yang pagiyak mo dahil makakasama yan sa anak ko!" galit na suway niya sa akin.
"Anak ko din, Luke. Anak natin" pagtatama ko sa kanya.
"Hindi ko alam kung ikakatuwa ng anak ko kung malaman niyang ikaw ang ina niya" tagos sa pusong sabi niya sa akin. Dahil duon ay agad lumipad ang dalawang kamay ko para pagsasampalin siya.
"Wala mang karapatang husgahan ang pagiging ina ko sa batang ito Luke!" garalgal na sigaw ko sa kanya
Mabilis na pumula ang pisngi nito dahil sa ginawa ko. "Hindi mo alam kung anong kaya kong isakripisyo mabigyan ka lang ng anak. Kaya kong isakripisyo kahit ang buhay ko maipakita lang sayo na kaya kong gawin lahat para sayo! Pero wala kang karapatang husgahan ako sa pagiging ina ko! Kasi wala kang alam! Wala kang alam Luke!" nahihirapang sigaw ko dahil sa pagiyak.
Kinaumagahan ay maaga kong nagising para ipagluto siya ng almusal. Tahimik naman niya iyong kinain at mabilis ding umalis. Pagkatapos kong maglinis ng bahay ay napagpasyahan kong lumabas at subukang dalawin si Lola sa hospital. Pagkadating ko duon ay isang personal nurse lang ang naabutan ko. Ang sabi nito ay naguwian daw ang mga Jimenez at babalik mamayang after lunch kaya naman kinuha ko na ang pagkakataon.
"Lola gumising ka na po" nagtatampong utos ko sa kanya.
"Pagalitan mo po si Luke! inaaway nanaman ako!" umiiyak na sumbong ko. Para lang akong isang batang nagsusumbong sa kanyang Nanay.
"Katulad nila sinisisi ko din po ang sarili ko sa nangyari sa inyo. Sorry Lola kasi nadamay ka pa sa kamalasang dala ko. Pero maraming salamat Lola kasi dahil sa inyo naramdaman kong possibleng may magmahal pa pala sa akin, Dahil sa inyo Lola lumaki ang pagasa kong tanggapin din ako ng iba" umiiyak na kwento ko kahit tulog na tulog naman siya.
"Gumising ka na Lola. Please...Sorry kung nasabi ko na yung secret natin. Hindi ko na nahintay yung birthday ni Luke. Masaya ako kasi tanggap niya yung anak namin, Ibig sabihin hindi niya mararanasan yung mga naranasan ko kay Daddy. Pero nasasaktan ako Lola kasi sumusuko na siya sa akin. Sa tingin ko gusto niya ng maghiwalay kami..." patuloy na pagsusumbong ko at hindi ko na napigilan ang aking emosyon kaya naman napahagulgol na lang ako sa loob ng kwart.
Dahil hindi ko na kayang magsalita dahil sa pagiyak ay mahigpit ko na lang itong niyakap.
Napatigil ako ng biglang may pumalakpak. "Whoa! Best actress!" sabi nito gamit ang mapanuyang boses niya.
"Wag mong iyakan ang Lola, Samantha! Hindi pa yan patay. Tsaka anong ginagawa mo dito!? Ayaw ka nila dito" pagmamalditang sabi sa akin ni Ate Yesha.
Hindi ko siya pinansin at inayos ko na lang ang aking sarili. Hinalikan ko si Lola sa noo at nagpaalam na. Palabas na sana akong ng pinto ng pigilan ako ni Ate Yesha.
"Kung hindi lang dahil diyan sa anak mo, I bet natanggap mo na ngayon ang divorce papers" nakangising sabi niya.
"Kung hindi lang ako buntis, Papatulan na talaga kita!" matapang na sabi ko at padabog na tinanggal ang kamay niya sa braso ko.
"Oh! Matapang na ngayon si little Samantha!" pangaasar niya sa akin. Agad na lang akong tumalikod at nagdali daling lumabas dahil gusto ko talagang lamutakin ang pagmumukha niya.
Hindi pa ako nakakalabas ng hospital ng makatanggap ako ng text mula kay Elijah gusto nitong makipagkita sa akin. Naalala kong bukas na pala ang balik niya sa Amerika. Kaya naman agad akong pumunta sa lugar kung saan niya gustong makipagkita.
Nakangiti siyang binati ako pero agad nawala iyon ng nakita niyang namumugtog ang mga mata ko.
"Umiiyak ka nanaman" madiin at galit na suway niya sa akin.
"Wala ito. Wag mo na lang akong pansinin" paniniguro ko sa kanya.
"Aalis na ako bukas, Samantha. Sumama ka na kasi sa akin!" giit niya,
"Elijah may asawa ako! Magkakaanak na kami. Hindi ko pwedeng takasan yung responsibilidad ko sa kanya!" pagpapaliwanag ko.
"Pero ginagawa ba niya ang responsibilidad niya sayo? Inaalagaan ka ba niya? Diba pinapabayaan ka nga!" galit na sabi niya.
"Mahal ko si Luke! kaya kong tiisin lahat para sa kanya!" umiiyak na sagot ko dito.
"Samantha naman..." problemadong tawag niya sa akin.
"Isipin mo naman ang magiging anak mo! hahayaan mo bang lumaki siyang walang Ina! Diba alam mo namang pwede mong ikamatay yan!" lalo akong napaluha sa biglang pagsigaw niya sa akin.
"Magisip ka naman. Hindi lang puro si Luke! Puro para kay Luke! Dahil kay Luke!" galit na dugtong niya.
"Hihintayin ko ang tawag mo. Pero kung hindi talaga Samantha, Bahala ka sa buhay mo! Bahala kang mamatay na martyr" wala sa sariling sabi niya, sandali niya akong hinalikan sa labi na ikinagulat ko at agad akong iniwan.
Nanlulumo akong umuwi sa bahay. Naiintindihan ko naman kung bakit ganuon na lamang ang pagaalala sa akin ni Elijah. Pero Lubos akong nalulungkot dahil isang tao nanaman na nagmamahal sa akin ang mawawala. Pagkapasok ko ng pinto ay agad sumalubong sa akin ang nagkalat na lata ng beer. Nagulat ako ng bumukas ang pinto sa kwarto ni Luke at lumabas ang isang matangkad na babaeng nakasuot ng maiksing dress.
"Bye, Luke..." malanding sabi nito sa asawa kong nakapajama lang at walang pangitaas. Lalo sumikip ang dibdib ko at mapahigpit na ikinuyom ko ang aking kamao ng hinalikan ng babaeng iyon ang asawa ko.
Gustong gusto ko silang suguring dalawa pero hindi ko magawa. Maarteng naglakad ang babae palabas ng bahay. Gigil na gigil ako sa kanya pero kahit anong pilit ko ay nabato ako sa kinatatayuan ko. Nang sumara ang pinto tanda na lumabas na ang babae ay agad kong tinitigan si Luke. Blanko ang mukha niya walang bahid ng takot o ano mang pagsisisi.
"Buti naman at umuwi ka na, Maglinis ka na ng bahay" walang kaemoemosyong sabi nito.
"Ayoko na, ayoko na..." mahinang sabi ko hanggang sa lumakas.
"Ayaw mo na ang alin, Samantha?" pilyong tanong niya habang palapit sa akin. Habang lumalapit siya ay lumilinaw sa akin ang mga marka sa hubad niyang katawan ng kahayupang ginawa nila ng babaeng iyon.
"Baboy ka Luke! Ang Baboy mo!" galit na sabi ko habang dinuduro siya.
Pero agad niyang hinila ang kamay ko at sinampal ako kasama ng isang papel. "Kung baboy ako! Baboy ka din!" galit na sigaw nito sa akin. Agad akong napatingin sa papel na iyon at nakitang picture namin iyon ni Elijah ng hinalikan ako. Kanina lang ang kuhang iyon.
"Sa...saan mo yan nakuha?" nauutal na tanong ko.
Napangsi ito ng pagak. "Matanong nga kita, Samantha. Sigurado ka bang akin yang pinagbubuntis mo?" tanong niya na naging rason kung bakit agad lumipad ang kamay ko sa pisngi niya.
"Sayo ito Luke! hindi ako katulad ng babaeng iniisip mo!" galit na sigaw ko.
"Pero kung ganyan ka magisip! Sana nga hindi na lang ikaw ang ama nitong dinadala ko!" tuloy tuloy na sabi ko. Hindi ko naman iyon gustong sabihin pero dahil sa galit ay hindi ko na napigilan ang aking bibig. Dahil duon ay agad namuo ang kakaibang galit sa mga mata niya.
"Napakalandi mo talaga!" galit na sigaw niya at tsaka hinawakan ng mahigpit ang aking panga.
"Hindi ko sinasadyang sabihin yun, Luke" takot na sabi ko habang nauutal pa.
"Sawang sawa na ako sa pang gagago mo, Samantha! Sawang sawa na ako!" bulyaw niya at tsaka ako hinila paakyat.
"Nakuha mo lang maglandi! Matapos ng ginawa mo kay Lola! Napakagaling mo talaga eh ano!?"gigil na gigil na sabi niya.
"Luke naman...Ilang beses ko bang kailangang sabihing wala akong alam don!?" pagmamakaawa ko.
"Shut up! Sana ikaw na lang ang nanduon sana ikaw na lang at hindi na si Lola!" matigas na sabi niya habang nakatitig sa akin. Walang tigil ang pagtulo ng aking luha dahil duon hindi na ako nakapagsalita pero di pa din siya tumigil.
"Teka Luke! Luke! Please wag! Buntis ako!" pagmamakaawa ko habang nagpupumiglas sa paghila niya.
Hindi siya nakinig sa akin. Parang wala na siya sa kanyang sarili. Mabilis niyang binuksan ang kwarto niya at malakas itong isinara. "Luke, please wag!" Pagmamakaawa ko dahil sa takot na baka kung ano ang gawin nito sa akin. Agad niya akong itinulak sa kama at pinangibabawan.
"Luke ano ba! Ayoko!" takot na sigaw ko habang sinusubukang itulak siya pero masyado siyang malakas.
"Ayaw mo. Ayaw mo ha Samantha. Bakit, napagod ka. Napagod ka sa ginawa niyo ng lalaki mo? Sige sabihin mo sino ang mas magaling sa aming dalawa!?" nakakatakot na sigaw niya sa akin. Kita ko ang mga ugat nito sa leeg na parang puputok na.
"Kaibigan ko lang si Elaijah" sigaw ko sa kanyang pero hindi ko kayang pantayan ang ginawa niya kanina.
"Please Luke, ayoko ng ganito. Natatakot ako sa ganito" umiiyak at mahinahong sabi ko dahil baka maunawaan niya ako sa ganitong paraan.
Pero marahas niyang hinubad ang lahat ng saplot ko. "Luke, please wag!" pagmamakaawa ko, Ilang beses ko siyang sinubukang itulak ginamit ko lahat ng lakas ko para makawala sa kanya. Sinubakan kong itulak, sipain at pagsusuntukin siya pero agad akong nakatanggap ng dalawang magkasunod na malakas at nakakabinging sampal.
Pagkatapos kong indahin ang sakit nuon ay nawalan na ako ng malay.
Nanginginig kong uminulat ang aking mga mata balot ng kumot ang hubad kong katawan. Masagan nanamang nagsituluan ang mga luha ko. Binaboy niya ako, Ginawa niya iyon sa akin matapos din nilang gawin iyon ng babae niya dito mismo sa kama niya. Agad namuo ang galit sa aking dibdib. Hindi lang kay Luke kundi sa sarili ko din. Nalukot ang kumot sa pagkakahawak ko.
Maya maya ay bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nuon si Luke na may dalang tray ng pagkain.
"I hate you...I hate you, Luke" hindi ko na mapigil ang pagaralgal ng boses ko dahil sa sobrang pagkamuhi.
"Don't worry ,Sam. The feeling is mutual. I hate my self too" malungkot at maybahid ng pagsisising sabi nito. Pagkatapos ilapag ang tray ay agad na itong lumabas.
Matapos ang ilang minuto ay nanginginig kong kinuha ang aking cellphone. Mahal ko si Luke pero hindi ko na kaya. Mahal ko siya pero sobrang sakit na.
"Hello, Elijah..."
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro