Chapter 30
Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
Matapos akong paalisin ni Luke sa hospital ay kinuha ko ang mga gamit ko sa bahay at kila Mommy pa din ako pumunta.
"Mommy..." umiiyak na sabi ko tsaka siya mahigpit na niyakap.
"I heard about Mrs. Jimenez. Don't worry baby walang may kasalanan. Aksidente lang iyon" pagaalo nito sa akin.
Umiling iling ako, "Kasalanan ko, Mommy. Dapat kasi nagpapigil na lang ako. Edi sana hindi nahulog si Lola" umiiyak pa ding sumbong ko.
"Shh...No baby. Walang may gusto non" patuloy na pagaalo niya sa akin. Pero biglang nanlambot ang tuhod ko at bumigat ang talukap ng mata ko dahilan para mapapikit ako at matumba sa sahig.
"Diyos ko. Samantha, anak!" huling rinig kong sigaw ni Mommy.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay. Dahan dahan akong napamulat sa malambing na paghaplos sa akin buhok.
"Mommy..." naiiyak na tawag ko ng makitang katabi ko ito sa kama.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong nito gamit ang nagtatampong boses.
"Magkakababy na ang Baby ko" natatawang sabi niya pero hindi naiwasan ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"Sorry po..." sabi ko tsaka siya mahigpit na niyakap.
"Dito ka na lang sa akin. Aalagaan kita" malambing na sabi niya.
"I love you, Mommy" umiiyak na sabi ko.
"Mahal kita, Samantha. Mahal na mahal ko ang pinakasweet kong Baby" nakangisi pero paos na sabi nito.
Ng gabing iyon ay magkatabi kaming natulog ni Mommy. Dahil sa pagod ay mabilis naman din akong nakatulog. Pagkagising ko ay wala na ito sa aking tabi. Kaya naman mabilis akong nagayos at bumaba na din.
"Ang galing naman ng baby ko. Hindi pinahirapan si Mommy" masayang sabi ko habang hinihimas ang tiyan ko. Hindi kasi umikot ang sikmura ko ngayong umaga, hindi ko kailangang tumakbo papuntang banyo.
Dahan dahan akong bumaba sa hagdan. Nang makasalubong ko si Mommy.
"Gigisingin pa lang sana kita" sabi nito at hinila ako papuntang dinning.
Duon ko naabutan sina Ate, si Fiona, at si Daddy na nakatakip ang mukha dahil nagbabasa ng dyaryo.
"Andito na si Samantha. Kumain na tayo" masayang pahayag ni Mommy at maingat akong inalalayan paupo.
Nang ibinaba ni Daddy ang dyaryo ay agad ngumisi ito at umiling iling. "Hindi ka na nahiya. Pati ang mga Jimenez ay idinamay mo sa kamalasan mo" panunuyang sabi nito sa akin.
"Pwede ba, Sonny. Buntis ang anak mo, at sa panahong katulad nito tayo ang lubos na kailangan niya" galit na suway ni Mommy dito.
Nagkibit balikat lang ito at nagpatuloy sa pagkain. "Mommy subuan mo ako, Please!?" paglalambing ni Fiona kay Ate Sabrina.
"Shut up, Fiona. Big girl ka na!" suway ni Ate dito.
"Please naman po, Mommy!" pagpupumulit niyo at mukhang paiyak na.
"I said, shut up! Wag kang makulit!" inis na suway ni Ate dito.
"Uhm...Fiona gusto mo ako na lang ang magsubo sayo?" malambing na tanong ko sa kanya.
"I don't want you. You're bad" pagsusupladang sabi nito sa akin.
"Wag na, Samantha. Kumain ka na lang diyan kailangan mong kumain ng madami" sabi sa akin ni Mommy habang pinupuno ang aking pinggan.
"Mamaya maggroGrocery ako. Ibibili kita ng madaming prutas" sabi nito.
"Thank you po" nakangiting sabi ko.
Todo ang alaga ni Mommy sa akin. Naging magaan ang pakiramdam ko dito sa bahay dahil kahit papaano ay hindi naman ako pinapansin ni Daddy. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko kung ano na ang nangyari kay Lola. Gusto ko sanang dumalaw duon pero sabi ni Mommy mas makakabuti kung palipasin ko muna ang init ng ulo ng mga Jimenez. Simula nuong naaksidente si Lola ay hindi ko na nakikita si Luke. Tatlong araw na ako dito kina Mommy at mukhang hindi naman siya nagabalang hanapin ako.
"Pero matagal ng nakaplano iyon. Sophia naman!" pakiusap ni Daddy kay Mommy.
"Pero hindi ko pwedeng iwan si Samantha dito, walang magaalaga sa kanya," problemadong pahayag ni Mommy.
Agad akong bumaba sa sala para daluhan ito."Mommy, ano po ba iyon?" nagtatakang tanong ko.
"May lakad kami. Pupunta kami ng Bicol, ang kaso ayaw na ng Mommy mo dahil sayo" inis at tamad na sagot ni Daddy sa akin.
"Bakit po, Mommy? Sumama na po kayo" sabi ko sa kanya.
"Eh kung sumama ka na lang kaya" suwestyon niya.
"Eh kasi po Mommy. Hindi ko po ata kakayanin ang pagod sa byahe" nagaalangang sagot ko dito.
"Pero..."
"Mommy, ok lang po ako. Marami naman akong kasamang kasambahay dito. Hindi naman ako lalabas ng bahay. Ok lang po ako. Promise!" paniniguro ko sa kanya.
Nanghapon ding iyon ay umalis sila Mommy papuntang Bicol. Pinilit pa nga niya akong sumama na lang pero tumanggi ako. Nang nabagot ako sa bahay ay lumabas ako para pumunta sa isang convinient store. Mayroon kasi akong gustong kainin pero hindi ko malaman kung ano.
Pagkapasok ko sa 7 eleven ay agad tumambad sa akin ang estante ng Siopao. Halos lumuwa ang mga mata ko sa pagkatakam dito. Pumipili ako ng kung ano ang masarap ng biglang may tumusok na kung ano sa tagiliran ko.
"Wag kang sisigaw" seryoso at matigas na utos nito.
"A...anong kailangan mo?" nanginginig na tanong ko dahil sa takot.
"Ok na ako sa hug and kisses" nakangising sagot nito.
Agad akong lumingon at nakahinga nang maluwag.
"Nakakainis ka! Tinakot mo ako!" mangiyak ngiyak na sita ko kay Elijah.
"Iyakin ka pa din" pangaasar niya sa akin.
"Halika nga dito!" malambing na sabi niya tsaka ako niyakap.
Pero hindi ko natuloy ang aking pagyakap. Tinulak ko siya kaagad. "Ang baho mo!" inis na bulyaw ko sa kanya na nakaagaw ng atensyon sa iba pang mamimili.
Mahina siyang napahalakhak dahil duon. "Hoy! Ang bango bango ko nga oh!" natatawang pagtatanggol niya sa sarili.
"Ang baho mo. Lumayo ka sa akin!" pagtataboy ko sa kanya.
Tumitig siya sa akin, Pagkatapos makipagtitigan sa akin ay bumaba ang tingin niya sa katawan ko. Dahil duon ay nanlaki ang mata ko.
"Bastos!" hiyaw ko at pinalo siya. Tumalikod na ako at tsaka nagumpisang kumuha ng siopao na gusto ko.
"Ako na ang magbabayad niyan" seryosong sabi niya pagkadating namin sa counter.
"Wow salamat" naaamaze na sabi ko dahil siya ang magbabayad ng tatlong siopao na binili ko.
Umupo kami sa may lamesa sa loob, Magkaharap kami ngayon. Hindi ito umiimik, seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
"Gusto mo?" pagaalok ko sa kanya.
"Buntis ka" seryosong pahayag niya, hindi iyon isang tanong. Sa tono ng pananalita niya ay parang siguradong sigurado siya.
"Paano mo..."
"Doctor ako, Samantha" mabilis na sagot niya sa hindi ko natapos na tanong.
Napangisi ako at napasapo sa noo. "AKala ko manghuhula ka na eh!" pangaasar ko sa kanya para iwas kahihiyan.
Hindi ito sumagot, nanatili siyang seryosong nakatingin sa akin. "Uhm...Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" tanong ko.
"May pinuntahan lang akong patient malapit dito" sagot niya.
"Kailan ka babalik sa US?" tanong ko pa din. Pero hindi maalis ang pangamba ko dahil sa seryosong tingin niya.
"Next week..." mahinang sagot niya. Maya maya ay mariin itong pumikit at bumuntong hininga.
"May problema ba, Elijah?" nagaalalang tanong ko.
"Alam mo namang delikado kung magbubuntis ka diba?"
Napayuko ako at hindi nakapagsalita. "Sumama ka sa akin sa US. Aalagaan kita doon" malambing na sabi niya tsaka hinawakan ang kamay ko.
Unti unti ko itong inalis. "Salamat Elijah, pero kasi hindi ako pwedeng umalis dito" nahihiyang sabi ko.
"A..aalis na ako" natatarantang paalam ko.
Agad niya akong pinigilan. "Just call me pagnagbago ang isip mo" pakiusap niya sabay bigay sa akin ng calling card.
Wala sa sarili akong tumango at mabilis na naglakad at bumalik sa bahay. Nasa malayo pa lang ay natanaw ko na kaagad ang nakaparadang sasakyan ni Luke sa may tapat ng aming bahay.
"L...Luke" tawag ko at lakad takbo ang ginawa ko para makalapit dito.
"Sir hindi po talaga pwede!" nahihirapang suway sa kanya ng mga guard.
"Bitawan mo ako. Samantha!" sigaw nito.
Naalarma ako ng balak na nitong suntukin ang mga guards namin. "Luke!" sigaw ko at kaagad siyang napatingin sa gawi ko.
"Ma'm pumasok na po kayo sa loob" pakiusap ng guard namin.
"Hindi Kuya...Ako na po ang bahala dito" paumanhin ko at tsaka pinapasok sila sa bahay.
"A...anong ginagawa mo dito, Luke?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw ang dapat tanungin ko niyan, Samantha. Anong ginagawa mo dito! Asawa kita kaya duon ka dapat sa bahay ko!" galit na sabi niya tsaka ako hinawakan ng mahigpit at tinangkang hinila papasok sa kanyang sasakyan.
"T...teka Luke" naiiyak na pagpipigil ko.
"Ano!?" sigaw niya.
"Sa...sasama ako sayo" alanganing sagot ko.
"Pero please...please wag mo akong sasaktan" pagmamakaawa ko.
"Masasaktan ka sa akin Samantha kung paiiralin mo nanaman yang kaartehan mo!" sigaw niya sa akin habang nakaduro pa.
"Buntis ako, Luke" umiiyak na sabi ko sakanya. Agad niyang nabitawan ang mahigpit napagkakahawak sa kamay ko dahil dito
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro