Chapter 28
Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
Naginit ang magkabilang mata ko. Gustong gusto kong sampalin ang naka ngising pagmumukha niya, pero di ko magawa dahil nanigas ako sa sinabi niya.
Marahan niya akong pinalo sa braso. "Ano ka ba. It was for your figure" nakangising sabi niya. Pero matalim ko pa din siyang tinitigan.
Dahil sa pagkabato ay nilapitan na ako ni Elaine. "I think you need to rest na, Ipaghahanda na lang kita ng iba" nagaalalang sabi nito sa akin.
"Rest now, Sam" nakangiting sabi sa akin ni Lola.
"Ano ba ang gusto mong kainin?" nakangiting tanong ni Elaine sa akin pagkadating namin sa kwarto.
"W...wala" tamad na sagot ko at tumalikod na lang.
"Alam ko na ang iniisip ni Lola. Kaya niyo iyan isinikreto ay dahil malapit na ang birthday niya hindi ba!?" magiliw na pagkwekwento niya.
"Excited na akong makita ang pagmumukha ni Kuya pag nalaman niya!" dugtong pa niya, kita kong tuwang tuwa siya.
Nakatulugan ko ng ang pagkwekwento ni Elaine. Pagkagising ko ay napagdesisyunan ko ng tumayo na pero pagkatayo na pagkatayo ko sa kama ay kaagad nanaman akong naduwal. Naluha ako sa pagkaduwal dahil kahit anong pilit ko ay wala namang lumalabas dito. Nanghihina akong bumaba ng hagdan. "Bakit bumaba ka pa? Dadalhan kita ng pagkain duon!" nakangusong suway sa akin ni Elaine.
"Ayoko namang magkulong duon sa kwarto" sabi ko tsaka umupo na lang sa may dinning table kaharap siya.
"Si Lola?" tanong ko ng di ko siya nakita.
"May pinuntahan lang. Kumain ka na" sagot niya tsaka inilagay sa harap ko ang tatlong layer ng pancake na may chocolate syrup. "Wow ang sarap" natatakam na sabi ko pa na ikinatuwa ni Elaine.
"Dapat kamukha din ako ng pamangkin ko ha! Ako kaya ang nagaalaga sayo!" nakangusong sabi nito habang tumataas taas pa ang kilay.
Napangisi ako dahil duon. "Eh kung Maganak ka na lang din kaya!" pangaasar ko pa sa kanya.
"Ayoko! masisira lang ang figure ko!" laban na sabi pa niya at padabog na lumakad papunta sa may sala.
Mabilis kong naubo ang pancake na ibinigay niya sa akin. Pero nakaramdam pa din ako ng gutom.
"Elaine nagugutom pa din ako" pagpapaAwa kong sabi habang nakahawak sa aking tiyan.
"Gosh Sam! That 3 layer of pancake consist of so many carbs and ngayon gutom ka pa!?" naAamaze na sabi niya.
Dahil sa pagquequestion niya sa gutom na nararamdaman ko ay agad akong napaluha. "Sige wag na lang, Matutulog na lang ako sa itaas" mahinang paalam ko sa kanya at tsaka lumakad nang nakayuko.
Agad kong narinig ang pagbuntong hininga niya. "K. Fine! gagawa pa kita!" pagsuko niya.
"Thank you! Madami ha!" nakangiting sabi ko pa.
Naging mabilis ang buong araw para sa amin ni Elaine dahil wala naman kaming ginawa kundi kumain at manuod ng movie. "Lola!" masayang bati niya ng lagkatapos ng tanghalian ay dumating si Lola na madaming dalang prutas.
"Wow! Ang daming grapes!" sigaw ni Elaine tsaka nilantakan iyon.
"Magdahan dahan ka nga baka mabilaukan ka diyan!" nakangising suway ko sa kanya.
"Kumain ka din!" sabi niya tsaka ako sinubuan.
"Anong oras ba dadating si Luke?" tanong ni Lola sa amin habang gumagawa siya ng fruit salad.
Hindi na kami nakasagot ni Elaine nagulat na lamang kami nang sumigaw si Luke. "Andito na!" nakangising sabi pa niya.
"Kuya!" sigaw ni Elaine at tsaka yumakap sa kuya niya. "Para namang totoong namiss niya ako!" panunuyang sabi niya sa kapatid. "Pasalubong ko lang ang gusto mo!" pangaasar niya pa dito.
"K. Fine!" pagsusuplada ni Elaine.
"Lola" malambing na tawag ni Luke dito tsaka ito hinalikan sa noo.
Napairap ako sa kawalan nang hindi siya nagabalang pansinin ako. Ayoko din naman siyang pansinin. Umakyat na lang ako sa kwarto namin tsaka humiga at natulog.
Nagising ako nang may maramdaman akong mabigat na nakadagan sa aking tiyan. Agad akong napatingin dito at nakita ko ang kamay ni Luke. Dahan dahan kong inalis ito pero lalo lamang itong humigpit.
"Luke baba na ako" sabi ko tsaka pinilit tanggalin ang kamay niya.
"Hindi pa tayo naguusap" paos na sabi niya dahil siguro sa pagod. "Mamaya na..." tamad na sabi ko.
"Ngayon na, Samantha" seryosong utos niya sa akin.
"Uhm...Teka naiihi na ako" pagpapalusot ko pa para lang makaalis.
Narinig ko ang pagigting ng panga niya. Tsaka unti unting lumuwag ang hawak niya sa akin. Pagkalabas ko ng banyo ay wala na din si Luke sa kwarto. Marahil ay bumaba na iyon. Kaya naman sumunod na ako at nakita ko siyang nakaupo na sa may dinning para mag finner.
"Hija! Ako ang nagluto ng dinner. Sinigurado kong wala itong bawang" masayang tawag sa akin ni Lola.
"Ano naman kung may bawang?" nagtatakang tanong ni Luke.
"Girl secret" pangaasar ni Elaine habang nakataas pa ang isang kilay niya.
"What's with the girl secret tss..." Panunuyang sabi ni Luke na may kasamang pagirap pa.
"Tara na Hija" sabi ni Lola sa akin at maingat akong inalalayan paupo.
Bigla akong natakam at napadila sa aking labi nang nakita ko ang mga nakahain sa lamesa. Mabilis akong kumuha at naglagay ng mga iyon sa aking pinggan.
"Anong nangyari. Bakit puro prito to? Tsaka puro pang breakfast" nagtatakang puna ni Luke sa mga pagkaing nakahain.
"Naku naman Hijo! Kumain ka na lang!" nakangiting suway sa kanya ni Lola.
Di ko naman sila masyadong pinapansin dahil talagang ang buong atensyon ko ay nasa pagkain sa harap ko. "Ang sarap!" mahinang bulong ko nang sumusubo ako ng scarmble egg na maraming sibuyas at tsaka toccino.
"Hoy Samantha! Magdahan dahan ka nga," suway sa akin ni Luke.
Dahil sa pagpuna niya ay dinahan dahan ko ang subo ko kahit gustong gusto ko na talagang kumain ng marami. Feeling ko kasi ilang araw akong di nakakain. Pero nawalan ako ng gana sa sumunod niyang sinabi.
"Ang takaw" natatawang pangaasar niya pa sa akin.
Tumingin ako kina Elaine at Lola takot ang mga mukha nilang nakatingin kay Luke na sumusubo ng lagkain habang tumatawa tawa pa. Dahil sa nagbabadyang luha sa aking mga mata ay kaagad akong tumayo at tumakbo papunta sa kwarto.
Humiga na lang ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Maya maya lang ay naramdaman kong lumundo ang kabilang parte ng kama. "I didn't mean it" sabi nito pero rinig mo pa din ang pangaasar.
Hindi ako gumalaw, patuloy lang na nakataklob ako ng kumot. Pero napahigpit ang yakap ko duon ng humaplos ang kamay niya sa aking bewang. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Tsaka di ka naman tataba. Ang sexy sexy mo nga oh!" habang sinasabi niya iyon ay itinataas baba niya ang kanyang kamay sa aking bewang.
"Ok " wala sa sariling sagot ko.
"Ayyy..." napahiyaw ako ng bigla niya akong inikot at iniharap sa kanya tsaka tinanggal ang pagkakatalukbong ng kumot sa akin.
"Kahapon ka pa ganyan sa akin, ano bang problema?" nagtatakang tanong niya sa akin.
Umiling iling lang ako. "Tell me..." utos niya sa akin.
Di ko siya sinagot. Napatingin ako sa pagtaas baba ng adams apple niya dahil sa paglunok. Di ko alam kung ano ang nangyayari sa akin at bigla akong tumungo at pumaibabaw sa kanya.
"Ikaw Samantha ah! Tinuruan ka ni Lola an..." hindi ko na siya pinatapos at agad ko siyang hinalikan. Narinig ko ang mumunting halakhak niya sa pagitan ng halik namin.
Agad lumalim iyon dahil nakasuporta ang kamay niya sa batok ko at ang isa naman ay kung saan saan na gumagala. "Luke..." daing ko ng lumapat ang kamay niya sa kaliwang dibdib ko. Pero nadismaya ako ng pinutol niya ang halik. "Bakit parang lumaki to?" nakangising tanong niyang habang nakataas ang isang kilay. Agad akong nailang dahil nakahawak pa din siya duon. "Gan...yan naman talaga yan" nahihiyang sabi ko.
"Hindi ah. Maliit lang to noon" pangaasar niya sa dibdib ko. Kaya naman agad akong nagtakip ng mukha gamit ang dalawang kamay ko at tsaka umalis sa ibabaw niya.
"Si Lola talaga kung ano anong tinuturo sayo!" pangaasar niya habang tumatawa.
Tatagilid na sana ako ng hinila niya ako at siya na ang pumaibabaw sa akin. "Inumpisahan mo yapos di mo tatapusin?" tanong niya gamit ang ang kanyang nakakaakit na boses habang nakataas pa ang kilay.
"Eh kasi nilalait mo" naiilang na sagot ko.
"Sumasagot ka nanaman ha!" pagbabanta niya.
"Eh nagtatanong ka kasi" sagot ko.
"Paparusahan kita" sabi niya tsaka ako sinunggaban ng halik. Mabilis kong sinuklian ang malalalim niyang paghalik pero natigilan ako ng malala kong buntis nga pala ako.
"Pwede bang magdahan dahan ka lang" nahihiyang sabi ko.
Kumurba ang isang mapangasar na ngiti sa kanyang labi. "As you wish, baby" nakangising sabi niya tsaka ako maingat na inangkin.
*~*~*~*
"Saan po kayo pupunta Lola?" tanong ko ng maabutan ko siyang may inaayos sa may dinning.
"Hahatidan ko lang si Luke ng lunch Hija" nakangiting sagot niya sa akin.
"Pwede po bang ako na lang?" kagat labing tanong ko.
"Sigurado ka ba diyan? Ayaw mo bang magpahinga na lang?" nagaalalang tanong niya.
"Gusto ko din po sanang lumabas, nakakalungkot po kasing magkulong na lang sa kwarto palagi" paliwanag ko.
"O siya sige, Basta magingat ka" sabi niya at tsaka ibinigay sa akin ang lunch box.
"Thank you po" masayang sabi ko tsaka mahigpit siya niyakap.
"Ay! Diyos ko kang bata ka! Hindi ako makahinga" natatawang reklamo niya.
"Mahal ko po kayo Lola" parang batang sinabi ko.
"Mahal din kita, Hija" malambing na sabi niya tsaka ako pinayuko at hinalikan sa noo.
Nagpahatid ako sa driver papunta sa companya nila Luke. Pagkalabas ko ng elevator ay nagdirediretso ako sa harap ng pintuan ng opisina ni Luke nakatatlong katok ako dito tsaka ko binuksan.
"Sige...susubukan kong pumunta diyan, alagaan niyo siyang mabuti." sabi niya sa kausap niya sa Cellphone. Agad siyang napangiti at ibinababa ang cellphone niya ng makita ako.
"Hey..." nakangiting tawag niya sa akin at tsaka ako hinalikan sa labi,
"Pinadalhan ka ni Lola ng lunch" sabi ko tsaka ipinakita ang lunch box na dala ko.
"Thank you...sabayan mo na ako." sabi niya tsaka ako hinila papunta sa may sofa.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng magsalita ito. "Babalik ako ng Iloilo bukas, may mga naiwan pa kasi ako duon na kailangang yapusin" sabi nito.
"Ilang araw?" tanong ko.
"1 week lang siguro ulit" sabi niya habang patuloy na sumusubo.
"Ang companya o si Grace?" tanong ko. Agad siyang nagangat ng tingin sa akin. "Sino ang pupuntahan mo don?" dugtong na tanong ko.
"That is non sense, Samantha" seryosong sagot niya sa akin.
"Si Grace ang pupuntahan mo don" mangiyak ngiyak na pahayag ko.
"Di ba? Diba siya nanaman!?" pagpupumilit ko.
"Ok fine! Kaibigan ko si Grace. Kailangan niya ako ngayon. Buntis siya pero iniwan siya ni Kervy..." paliwanag nito.
"Pero kailangan din kita ngayon" umiiyak na sabi ko sa kanya.
"Sam please. Don't be selfish..." sabi niya sa akin na nagpainit ng ulo ko.
"Hindi na natin problema kung sa maling lalaki siya naglandi!" galit na sigaw ko sa kanya. Pero kaagad akong nakatanggap ng isang nakakabinging sampal.
"Watch your words, Samantha. Hindi lang kung sinong babae si Grace!" galit na sabi niya sa akin.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro