Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________



"Baka naman sa sobrang busy diyan hindi ka na kumakain" sabi ko kay Luke isang araw habang magkausap kami sa telepono.

"NamiMiss ko na nga ang luto niyong dalawa ni Lola" malungkot na sagot nito mula sa kabilang linya.

"Kumain ka ng mabuti diyan. Wag kang magpapalipas ng gutom" paalala mo pa sa kanya.

Narinig ko ang pagngisi niya sa kabilanginya. "Alright, Wife" natatawang sabi nito.

"Uhm...Luke nagkita na ba kayo ni Zach?" kinakabahang tanong ko at pagiiba na din.

"Nope. Schedule ko sa kanya is sa 3rd day pa. Bakit mo naman naitanong?" sagot at nagtatakang tanong niya sa akin.

"Wala lang" sagot ko. Narinig ko siyang humikab, Tumingin ako sa orasan at nakitang 11 na ng gabi.

"Matulog ka na Luke, Siguradong maaga ka pa bukas" sabi ko sa kanya.

"Ikaw din. Pero pustahan tayo hindi ka makatulog!" natatawang pangaasar niya sa akin.

"Hindi ah. Masarap naman ang tulog ko" laban ko sa kanya.

"Maniwala ako sayo. Siguradong namiMiss mo na ako eh!" pangAasar pa niya sa akin. Hindi ako nakasagot. Wala akong nagawa kundi gumulong gulong sa may higaan. "Hindi ka makasagot. Sabi ko na nga ba eh!" sabi nito tsaka tumawa.

"Luke. Babalik ka naman sa akin diba?" seryosong tanong ko. Agad napawi ang pagtawa niya.

"Ano namang klaseng tanong yan Samantha?" seryosong tanong niya sa akin.

"Wala naman. Eh kasi..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla itong nagsalita.

"Kala ko ba gusto mong magwork toh?" tanong niya. Tumango tango lang ako kahit di niya iyon nakikita.

"Then trust me. Isang linggo lang naman, Pagkatapos uuwi na din ako diyan" paninigurado pa niya sa akin.

"O...ok" mahinang sagot ko.

"Sleep now Sam. Wag kang magisip ng kung ano diyan. Ikamusta mo na lang ako kila Lola at Elaine. ok?" sabi pa nito.

"Ok" seryosong sagot ko.

"Goodnight" sabi niya.

"Goodnight Luke...I love you" mahinang sabi ko.

Agad naghari ang katahimikan sa pagitan  naming dalawa. "Ah. Sige matutu..." biglang pinutol niya ang sasabihin ko.

"I love you...I love you too, Sam" sabi niya na ikinagulat ko kaya naman agad kong pinatay ang tawag at gumulong gulong sa kama dahil sa kilig.

--------------

Dahil wala kaming tatlong magawa sa bahay ay maisipan ni Elaine na magbake ng cake.

"Sige na Lola! Pagandahan tayong tatlo!" yaya ni Elaine sa amin.

"O siya. Tara na Samantha" yaya sa akin ni Lola.

Busy maming tatlo sa paggawa ng sari sarili naming Cake. Buti na lang at kahit may edad na si Lola ay game na game pa din siya sa mga trip ng mga paborito niyang apo. Hinihintay naming matapos ang mga nakasalang sa oven para malagyan na namin ng icing.

"Pag matapos natin gawin. Picturan natin... Tapos ipost sa Fb. Panalo ang may pinakamaraming likes!" masayang sabi pa ni Elaine.

"Pagkatapos picturan. Ang next game, paunahang maubos!" masayang dugtong nito. Agad napaubo si Lola sa narinig.

"Ay Diyos ko apo. Gusto mo na ba akong mamatay!" tanong ni Lola sa kanya.

"Syempre Lola joke lang!" natatawang sabi nito.

Busy kami sa paglalagay ng icing at iba pang mga decorations sa kanya kanyang cake namin ng biglang may nag doorBell.

"Oh may bisita tayo?" nagtatakang tanong ni Lola sa amin. Pareho kaming napakibit balikat ni Elaine.

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Naku, Baka naman si Kuya yan. Namiss ka na!" pangaasar niya sa akin.

Agad akong lumabas at nagtungo para buksan ang gate. Pero kaagad naginit ang dugo ko nang makita kung sino ang bisita namin.

"Napaka bagal namang kumilos ng maid na ito" masungit na sabi niya sa akin.

"Ate Yesha" naiilang na tawag ko sa kanya.

"Andyan ba si Lola?" masungit na tanong niya sa akin.

Tumango tango ako. "Nasa Lo..." di niya na ako pinatapos at agad akong sinangga at nagdirediretso papasok sa loob.

Sumunod na lang ako sa kanya. Binati niya si Lola at Elaine. Pinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa ko.

"Tamang tama! May judge na tayo!" masayang sabi ni Elaine dahil sa pagdating ng pinsan.

"Oo nga Hija! Malapit na kaming matapos, Ikaw na lang ang judge namin" pagsangayon ni Lola sa kanya.

"Oh Sure Lola" sagot nito. Tumingin ito sa akin at tinaasan ako ng kilay. Di ko na lang siya pinansin at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

Pagkatapos namin ay inihilera ni Elaine sa mesa ang lahat ng mga gawa namin.

"Uhm First place...would be Lola!" masayang sabi ni ate Yesha. Isa lang ang masasabi ko! kanina ko pa napapansing Napaka SIPSIP niya!.

"2nd ofcourse my dear cousin" nakangiting sabi nito kay Elaine.

"Then..." tumingin ito sa akin ng may malungkot na Mukha. "Sorry Sam, May kulang kasi eh" sabi nito sabay baling sa cake na ginawa ko.

"Ok lang" nakangiting sagot ko sa kanya dahil hindi naman iyon big deal sa akin.

"Ok lang yan. Laro lang naman ito, tara sa garden duon natin ito kainin!" sabi at yaya ni Lola sa amin.

"Let's go!" masayang sabi ni Elaine.

Nauna na silang dalawang lumabas. Dahil ayokong makipagaway kay ate Yesha ay pumihit na ako para lumabas pero hinawak niya ang aking braso. Nasaktan ako sa pagkakahawak niya dahil gigil na gigil ito.

"Ate Yesha ano ba? Nasasaktan ako" daing ko at tinangkang alisin ang kamay niya sa akin.

Nagtagumapay akong maialis ang kamay niya sa aking braso pero agad naman itong nalipat sa aking buhok.

"Aray..." daing mo nang napatingala ako dahil sa pagkakahawak niya dito.

"Alam mo mung ano ang problema sa cake mo Samantha?" gigil na tanong niya pa.

"Madumi, Parang ikaw!" sabi nito at padabog na binitiwan ang buhok ko.

Naging tahimik ako sa buong paguusap nila. Pagkatapos ng mirienda ay umuwi na din si ate Yesha. Di ko maintindihan kung ano ba ang problema niya sa akin. Nang napagpasyahan na naming matulog ay nagkanya kanya na kaming pumasok sa kwarto.

"Wala pa din? Baka busy" pagod na sabi ko sa aking sarili habang nakatingin sa aking cellphone. Di la kasi tumatawag si Luke. Lalo ding naghahari ang takot sa puso ko dahil ngayon ang araw nang pagkikita nila ni Zach.

Nakatulugan ko na ang paghihintay sa tawag ni Luke. Nagising na lamang ako kinaumagahan dahil sa paggising sa akin ni Elaine.

"Hey sister in law. Gumising ka na po tanghali na magagahan na tayo"

"Tinanghali ka ata ngayon" puna pa niya.

Labag sa loob ko ang aking pagbangon dahil parang masama ang pakiramdam ko. "Good morning Hija" bati ni Lola sa akin pagkababa ko sa may dinning.

"Good morning din po" sabi ko at umupo na sa table.

"Nag luto ako ng sinangag. Maraming bawang yan kagaya ng paborito mo" masayang pagyayabang pa ni Elaine sa akin bago niya inilapag ang sinangag sa harapan ko.

Pagkalapag na pagkalapag ay agad uminit ang ulo ko dahil parang gumuguhit ang amoy ng bawang sa ilong ko.

"Uhm. Aakyat po muna ako sandali" paalam ko sa kanila dahil para akong maduduwal.

"Oh bakit? Ok ka lang ba hija?" nagaalalang tanong ni Lola sa akin.

Tinanguan ko siya."Opo, May kukunin lang po ako" palusot ko.

Agad akong umakyat sa itaas at sumalampak sa higaan. Kinuha ko ang aking cellphone para tawagan si Luke. Nakailang ring lang iyon nang sagutin niya.  Pero biglang nagsilaglagan ang luha mula sa aking mga mata dahil sa aking narinig sa kabilang linya.

"Hello, Sino to?" tanong ng isang babae.

Di ako nakasagot. "Luke, May tumatawag sayo" sigaw nito.

Lalo akong napaiyak sa sumunod kong narinig. "Grace pakisabi sandali lang" rinig kong sabi ni Luke.
















(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro