Chapter 25
Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinila na niya ako pabalik sa aming table. Walang nagsasalita sa aming dalawa kaya naman ako na ang nag open ako nang topic.
"Uhm...Luke totoo bang mahal ito?" tanong ko sa kanya. Tukoy sa dress.
"Nah...You're Ate is just over acting" tamad na sagot niya sa akin.
"Buti naman" nakangiting sabi ko.
"Pero mahal talaga iyan" dugtong nito.
"Hindi ka na dapat bumili ng mahal na dress" giit ko.
Umirap siya sa akin. "Kasali iyan sa isang auction sa paris" pagbubunyag pa niya na mas lalong ikinalaki ng aking mga mata.
"Sino sino pa yung mga ganito?" tanong ko.
"Kailangan ko pa bang alamin yun?" inis na tanong nito. "Hindi naman. Pero ikaw ang sumali sa auction?" tanong ko pa.
"Malamang! Alanga namang ninakaw ko yan!" inis na sabi nito sa akin.
"Grabe ang mahal nito. Dapat hindi ka na lang gumastos ng ganito kalaki" sabi ko habang nakatingin sa damit.
"Edi hubadin mo" seryosong utos nito na ikinatakot ko pero agad ding napawi ng dugtungan niya itong muli. "Tutal mas lalo ka namang gumaganda pag nakahubad ka eh" nakangising sabi nito tsaka ako kinindatan.
"Napaka bastos ng bunganga mo" suway na sabi ko.
"Masarap naman" pagyayabang pa niya.
Pagkatapos ng party ay nagsiuwian na din kami. Sumama na si Elaine pauwi sa kanila kaya kaming tatlo na lang ulit nila Lola ang natira sa bahay.
"Kailangan kong bumalik ng US" sabi ni Lola ng nakaupo kami sa may sala para sandaling magpahinga.
"Why Lola?" gulat na tanong ni Luke.
"May kailangan lang akong ayusin duon. babalik din naman ako kaagad dito" sagot niya.
"Kailan po ba ang alis niyo?" tanong pa ni Luke.
"Siguro sasabay na lang ako sa tito Felix niyo" sabi nito.
"3 weeks pa" sabi ni Luke.
"Sulitin natin ang 3 weeks" masayang sabi ni Lola.
"At Ikaw. Wag kang bumalik sa dati pag umalis na ako. Baka mamaya mas masahol pa ang suotin mo. Kung makita mo lang ang mga damit ng mga maid ko sa US! Mga imported!" pagyayabang pa ni Lola sa akin kaya naman napangiti ako.
"Opo Lola" tumatangong sagot ko sa kanya.
"Ikaw naman Luke. Alagaan mo itong asawa mo. Wag puro trabaho, Kailangan ng balance, ok!?" pagbaling at pangaral niya sa apo.
"Copy, Lola" nakangising sabi nito.
Kagaya ng sabi ni Lola. Namamasyal kami sa mall ng sumunod na araw para umpisahan ang pagsulit sa natitira niyang bakasyon dito sa Pilipinas. Ang kaso puro girls lang kaming tatlo lang nila Elaine. Busy na din kasi si Luke sa opisina.
"Ahh...Mamimiss talaga kita Lola! Wag ka na lang kasing umalis!" malungkot na sabi ni Elaine. Habang kumakain kami ng Ice cream.
"Apo...Sandali lang naman, Babalik din ako kaagad dito" sabi ni Lola sa kanya.
Napanguso si Elaine at kaagad na nagmaktol.
"Itong Apo kong ito naman. Masyado akong mamiMiss" natatawang sabi ni Lola.
"Oh Alas dose na pala. Bakit hindi natin hatidan ng pagkain si Luke?" suwestyon niya sa amin.
"Sige po" pagsangayon ko.
Nagtake out kami sa isang restaurant para ihatid kay Luke. Nang makarating kami duon ay kaagad kaming pumasok ng elevator.
Nagulat kami sa aming naabutan. Galit na galit ito. "Hanapin niyo! Alamin niyo kung sino at saang department" sigaw nito sa kanyang mga tauhan.
Agad naming nakasalubong ang mga empleyado niyang nakayuko at mangiyak ngiyak na lumabas sa kanyang opisina.
"Calm down, Luke" suway ni Lola dito. Nakapikit siyang sumandal sa kanyang swivel chair.
"Anong problema Kuya?" nagaalalang tanong ni Elaine.
"Nothing..." maiksing sagot ni Luke ramdam na ramdam ko ang kanyang pagod.
"Tell us, Apo..." pangungumbinsi sa kanya ni Lola.
"May...may nagnanakaw sa companya, Malaki laki na ding halaga ang nawawala" problemadong sabi nito sa amin.
"Diosmio. Sino naman ang pwedeng gumawa nito?" nagaalang tanong ni Lola.
Napailing si Luke. "I don't know Lola, Inaalam pa namin" sabi niya.
Minabuti na ni Lolang umuwi na lang kami kaagad dahil kailangan ni Luke makapagisip ng mabuti para sa problema ng companya ngayon.
"Sino naman kaya ang pwedeng gumawa ng ganito?" tanong ni Lola. Hindi ako nakasagot sa tanong niya dahil wala naman akong alam tungkol duon.
Ilang araw naging busy si Luke dahil sa problema sa companya. May mga araw ngang umaga na ito umuwi. Nuong bagong taon nga ay kumain lang kami. Di kami lumabas ng bahay para damayan si Luke. Takot kasi ito sa paputok kaya naman natulog na lang kami ng maaga. Na Extend din si Lola dito at ipinagpaliban muna ang pagbalik sa US.
"Kumpleto na ba? may iba ka pa bang kailangan?" tanong ko kay Luke nang tulungan ko itong magayos ng kanyang bagahe.
"Wala na. Ok na ito." sagot niya sa akin.
Kailangan kasi niyang pumunta sa Iloilo para kamustahin ang iba pa nilang bussiness.
"Mga isang linggo lang naman ako. Nakausap ko na si Elaine, Dito naman daw siya matutulog" sabi pa nito.
"Sandali lang naman ang isang linggo diba?" malungkot na tanong ko.
"Oo naman..." nakangiting sabi niya tsaka ako niyakap.
"Mamiiss kita" sabi ko tsaka niyakap siya pabalik.
Natawa siya dahil sa sinabi ko. "Tatawagan na lang kita araw araw" paninigurado pa niya.
"Magingat kayo dito. Mag lock ng pinto ok!?" Bilin niya sa amin bago siya tuluyang umalis.
"Ok, Ikaw din" sabi ko. Hinalikan niya ako sandali tsaka kami bumaba.
Pagkatapos nuon ay nagpaalam na din siya kay Lola at Elaine. Di na siya nagpahatid sa airport.
"Isang linggong walang Luke nakakalungkot" malungkot na sabi ni lola.
"Oo nga, Nakakamiss din pala si Kuya kahit nakakabwiset siya" malungkot na sabi nito na ikinatawa ko.
"Sandali lang naman daw ang isang Linggo" sabi ko sa kanila.
"Eh Basta! Namiiss ko na siya!" malungkot na sabi ni Lola.
"Manuod na lang tayo ng sine, Please Lola!?" suwestyon ni Elaine.
"Oh sige! magsigayak na kayo," sabi nito.
Pumunta kami ng mall at masasabi kong kahit papaano ay nabawasan ang pagkalungkot namin. Pero sigurado pagUwi sa bahay mamaya ay malungkot nanaman. Lalo na mamaya, wala akong katabi sa higaan.
Dahil may kalahati pang oras bago magsimula ang palabas ay naisipan muna nilang magmirienda.
"Cr lang po ako" paalam ko sa kanila.
Pumunta ako sa Cr ng cafe pero puno ito kaya naman lumabas ako at pumunta sa common Cr ng mall. Pagkalabas ko ng cubicle ay nagulat ako ng makita ko si Zyrene.
"Samantha!" masayang bati niya sa akin tsaka ako niyakap.
"Kamusta ka na?" tanong ko.
"Ok na ako" nakangiting sagot niya.
"Buti naman kung ganuon." sabi ko.
"Sino kasama mo?" tanong niya.
"Lola at kapatid ni Luke" sagot ko
"Uhm...Si Luke?" tanong niya sa akin. Ramdam ko ang kanyang pagkailang.
"Isang linggo siya sa Iloilo. Pupuntahan niya yung Companya nila duon. Tsaka ang alam ko magkikita sila ni Zach duon" sabi ko pa.
"Oo nanduon si Zach sa Iloilo ngayon, kasama si Grace" sabi niya na ikinalambot ng aking mga tuhod. Kung ganuon magkikita sila duon. Kaagad uminit ang gilid ng aking mga mata. Sinikap ko na baliwalain ito. Tiwala lang, Magtitiwala ako kay Luke.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro