Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________




"Oh my! My virgin eyes!"  isang matinis na sigaw ang gumising sa amin kinaumagahan. 

"Elaine" nahihiyang tawag ko sa kanya. Kaagad akong napakapit nang mahigpit sa kumot na nagtatakip sa hubad naming katawan ni Luke.

"Shut up, baby. Virgin eyes, tss." tamad na suway ni Luke sa kanya tsaka yumakap ulit sa aking bewang.

"Bakit, hindi na ba?" tanong ko sa kawalan.

"Nung mga bata pa kami, Sabay silang maligo ni Axus palagi" sabi ni Luke kahit nakapikit pa din at lalong nagsumiksik sa tagiliran ko dahil sa aking pagkakaupo.

"Oh!?" gulat na baling ko kay Elaine.

"Shut up kuya! Isang beses lang iyon!" laban ni Elaine.

"Palibhasa ikaw, bold star ka nung bata!" inis na sigaw ni Elaine tsaka binalibag ang pintuan.

Agad kong narinig ang mahinang pagtawa ni Luke. "Bold star?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

Tiningala niya ako. "Mukha ba akong bold star, Samantha?" seryosong tanong niya sa akin.

Nagkibit balikat na lang ako. "Ewan ko. Sabi kasi ni Elaine eh" sabi ko. Akmang tatayo na ako ng pinigilan niya ako tsaka pilit pumaibabaw sa akin.

"L...Luke umaga na" nahihiyang sabi ko dahil hindi pa ako nagtotooth brush.

Tangkang ilalapit niya na ang labi niya sa akin ng umiwas ako. "Hindi pa ako nag totoothbrush" pagtanggi ko.

"I don't mind" sabi niya tsaka pinagpatuloy ang balak niyang gawin.

Inangkin nanaman niya ako ng umaga ding iyon. Nang maramdaman kong unti unti na siyang bumagal sa paggalaw ay dumilat na ako at tumingin sa kanya.

"Samahan na lang kita mamaya pag punta sa inyo" sabi niya tsaka ako hinalikan sa labi.

"Th...Thank you" marahang sabi ko.

Sabay kaming bumaba ni Luke. Pareho kaming bagong paligo pero syempre hindi kami nagsabay. Naabutan namin si Lola na naglalagay ng plato sa dinning table katulong si Elaine.

"Wow blooming ha!" panunuyang asar niya sa aming dalawa.

"Mukha ba akong bold star, Lola?" tanong ni Luke sa lola niya nang nakaupo na kami at handa na para kumain ng almusal.

Agad natawa si Lola. "Nung bata ka Hijo. Naglalakad sa bahay kahit nakahubo ka lang" masayang kwento niya.

Dumila lang si Elaine kay Luke at umirap. "Pero po mas mukhang bold star si Axus diba?" tanong niya kay Lola pero kay Elaine nakatingin.

"Axus Hector..." agad siyang napatigil "Pangalan pa lang, bastos na" natatawang sabi niya pa.

"Aba't kayong dalawang magkapatid talaga! Magsikain na tayo, Pupunta pa si Samantha sa kanila, Mga lunch time magistart ang family reunion natin" sabi ni Lola sa amin.

"Alright Grannie!" natatawang sabi ni Luke at sumaludo pa.

Pagkatapos kumain ay nagayos ako sandali ng bahay. Pagkatapos ay nag bihis na para pumunta kila Mommy. Nagbibihis ako ng biglang sumulpot si Luke sa aming kwarto.

"Eh...Luke nagbibihis ako" nahihiyang sabi ko dahil naka bra at panty lang ako.

"Ano naman nakita ko na yan" pagyayabang niya.

"Eh kasi..." pagrarason ko sana na agad niyang pinutol.

"Here..." sabay abot niya ng paper bag.

"Yan na ang isuot mo" sabi pa niya.

Kinuha ang paper bag at nakitang isa iyong dress na kulay beige.

"Salamat" nahihiyang sabi ko.

"Yung...yung gift ko sayo nasa cabinet" sabi ko pa.

"Paki kuha na lang" dugtong ko pa.

Sinimangutan niya ako. "Kala ko ba, iba pag ikaw mismo ang nagbigay. Bakit hindi ikaw ang kumuha?" masungit na tanong nito sa akin.

Napanguso ako"Eh nagbibihis ako Luke" laban ko.

"Kahit nakahubad ka pa diyan" sabi niya.

Kaya naman wala akong nagawa kundi ang lumakad patungo sa cabinet ng naka bra at panty lang. "Ito..." abot ko sa kanya.

"Thanks..." sabi niya tsaka humalik sa akin. Niregaluhan ko siya ng relo. Wala na kasi akong iba pang maisip na maireregalo.

"Hintayin kita sa baba..." sabi nito. Ngayon ko lang napansin na nakabihis na pala siya.

"Teka saan ka nagbihis?" tanong ko.

"Dito sa kwarto malamang" sagot nito.

"Paano?" tanong ko.

"Nakatalikod ka kasi, Kaya hindi mo ako nakita" sabi nito.

Hindi na lang ako umimik at nagpatuloy sa pagbibihis. "Ang sexy. Yan yung Samantha na hinahanap ko!" puri ni Elaine pagkababa ko ng hagdan.

Maiksi ang dress na ito at talaga namang hapit na hapit sa katawan. "Beautiful" bulong ni Luke sa akin.

"Napakaganda mo Hija" sabi pa ni Lola.

"Salamat po" nahihiyang sabi ko sa kanila.

"Dumiretso na kayo sa venue pagkatapos. Magaayos na din kami ni Elaine"

"Sino ang maghahatid sa inyo duon Lola?" tanong ni Luke sa kanila.

"Susunduin kami ni Axus" sagot nito sa amin.

"Ah ni Axus" sabi ni Luke nang may pag ungol.

"Nakakabwiset ka Kuya!" inis na sabi ni Elaine at kaagad nagmartsa paakyat.

"Anong nangyari dun!" natatawang tanong ni Luke.

"Alam mo namang close na close ang dalawang iyon" suway sa kanya ni Lola.

Nagkibit balikat na lang si Luke. Matapos naming bumyahe ay nakarating kami agad sa bahay. Sinalubong kami ng mga kasambahay.

"Mommy..." tawag ko dito, Agad niya akong niyakap.

"Sorry sa nangyari, baby" paghingi niya ng paumanhin.

"Uhm...Ibibigay ko lang po sana itong mga regalo ko sa inyo" sabi ko.

"No, Kumain muna kayo. Nagluto ako ng paborito mo" sabi ni Mommy sa amin.

Tumingin ako kay Luke. Kung ok lang ba. Tumango lang ito at nginitian ako. Agad kaming pumasok at dumiretso sa may dinning.

"Nasaan po sila?" tanong ko dahil napansin  kong wala sila Daddy duon.

"Nasa veranda ang tatlong iyon malamang" sagot ni Mommy.

Tumango tango lang ako at hinarap ang inihain ni Mommy na paborito ko. "Kumain lang kayo ng kumain diyan. Luke wag kang mahiya ha" masayang sabi pa niya.

"Opo, Ma" nakangiting sagot ni Luke dito.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang dumating si Ate. Agad akong tumayo para salubungin siya.

"Merry Christmas Ate. Sorry sa nangyari..." paumanhin ko sa kanya.

"K fine" mataray na putol nito sa sasabihin ko. Biglang napako ang tingin niya sa suot kong damit.

"Oh my! Where did you get that dress!?" gulat na tanong niya sa akin.

"Uhm..." hindi pa ako nakakasagot ng magsalita ulit siya.

"That dress is from Paris! It's a limited edition!" Sabi pa nito habang sa dress ko pa din nakatingin.

"Huh!?" tanong ko. Agad akong napatingin kay Luke pero nagpatuloy lang itong kumakain. Nang natingin siya sa akin ay tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Sino nagbigay sayo niyan?" tanong pa ulit ni Ate.

"Regalo ni Luke" sabi ko ng di rin maalis ang tingin ko sa suot kong Dress.

"Oh my!" frustrated na sabi ni ate at umalis na lang.

"Wear by a trash! Horrible!" mumunting bulong niya na narinig ko pa.

Agad akong napabalik sa pwesto ko kanina. "Totoo? Mahal ba ito?" tanong ko kay Luke.

"What? You're a Jimenez. A Jimenez deserves the best" Pagmamalaking sabi pa niya.

Nagpaalam na kami may Mommy para makapunta na sa reunion. Hindi bumaba si Daddy kaya kay Mommy ko na lang ipinaabot ang regalo ko para sa kanila.

Pagkadating namin sa venue ay kaagad sumalubong sa amin ang nakahilerang magagarang sasakyan. Agad humanap ng mapaparkingan si Luke.

"Let's go" yaya niya sabay hawak sa aking kamay.

"Ok..." kinakabahang sabi ko.

"Wag kang kabahan" nakangiting sabi niya.

Pagkapasok namin sa isang doble door ay agad sumalubong sa amin ang eleganteng decoration ng buong venue. May mahabang buffet sa may gilid at naglalakihang mga round tables. Pinagmasdan ko ang mga tao duon at nakita ko ang paggiging elegante ng mga ito.

"Luke, Bro!" salubong sa kanya ng mga pinsan. Hindi ko mapagkakailang ang ganda ng lahi nila Luke dahil kahit ang mga pinsan niya ay parang mga diyos sa kagwapuhan.

Akala ko kagaya ng dati na kailangan kong bumitiw sa pagkakahawak sa kanya pero mahigpit niyang hinawakan ang aking kamay habang pinagkakaguluhan siya ng mga pinsan niya. Pinakilala niya din ako sa mga ito. After ng pagpapakilala ay nakaupo na din kami sa wakas. Hinanap ko si Elaine pero hindi ko siya nakita. Kaya naman nagpaalam ako sandali kay Luke na magcCr lang ako. Pero hindi pala maganda ang pasya ko dahil nakita ko nanaman si ate Yesha.

"Ugly duckling turn into swan huh!?" mapanuyang sabi nito nang tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"You don't deserve everything you have now. Mawawala lahat ng yan sayo, I'll make sure of that" paniniguradong sabi nito.

"Stupid pest" dugtong pa niya. Pero nagulat ako ng may biglang pumulupot na braso sa aking bewang.

"Careful Yesha. Asawa ko ang kausap mo" pagbabanta ni Luke sa kanya.






(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro