Chapter 23
Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
Bisperas ng pasko ay sama sama kaming nagsimba. Katabi ko si Elaine at sa kabila naman ay si Luke. Nakikinig ako ng sermon ng pari nang magulat ako ng hawakan ni Luke ang aking kamay. Tiningnan ko siya pero hindi siya tumingin sa akin. Kaya naman pinabayaan ko na lang siya.
"Peace be with you" sabi ko tsaka nakipagbeso kay Elaine. Ganuon din ang ginawa ko kay Lola. Si Luke naman ay hinalikan ang dalawa sa noo.
"Peace be with you" sabi ko tsaka sinikap abutin at halikan ang pisngi niya.
Umirap siya. "Kung makahalik naman to parang humahalik ka lang sa tatay mo ah" pangaasar niya sa akin.
"Hindi naman ako nakakahalik ng ganyan kay Daddy" malungkot na sabi ko tsaka yumuko na lang.
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. "Peace be with you" bulong niya sa tenga ko tsaka niya ako binigyan ng sandaling halik sa labi.
Matapos ang misa ay umuwi na kami. Luto na ang lahat ng pagkain, nagdinner na kami ng maaga. Hindi na kasi naming pwedeng hintayin ang mag alasdose dahil di pwedeng magpuyat si Lola.
"Kumain ka Elaine, Hindi puro salad" suway ni Luke kay Elaine.
"Diet ako, Kuya!" nakataas pa ang noong sagot niya sa kanyang Kuya.
"Diet!? eh mukha ka na ngang kalansay!" pangaasar niya dito.
Inirapan lamang siya ni Elaine at hindi na sumagot. "Hija, anong oras ka pupunta sa inyo?" biglang tanong ni Lola sa akin.
"Uhm...siguro po mga umaga na lang" hindi pa siguradong sagot ko sa kanya.
"Hindi pwede" sabat ni Luke na ikinagulat ko maging ni Lola.
"Anong hindi pwede Apo? Kailangan din niyang bumisita sa parents niya" giit ba sabi ni Lola sa kanya.
"No need Lola, Nabisita na namin sila" tamad ba sagot nito.
"Hindi po, pupunta ako" sabi ko kaya naman kaagad tumalim ang tingin ni Luke sa akin. Gusto kong umuwi sa amin kahit sandali para maibigay ko kina Mommy ang regalo ko para sa kanila.
"Tama, Umaga ka na lang pumunta. May reunion tayo every Christmas, Anduon lahat ng kapamilya natin. Hindi kayo pwedeng mawala" paalalang sabi ni Lola sa amin. Napatango na lamang ako.
"Excited na ako bukas! Mga magkano kaya ang mapamamasko ko?" natatawang sabi ni Elaine at nagbibilang pa gamit ang kanyang mga daliri.
"Mahiya ka nga Apo! Madami ka ng bagong pamangkin ngayon! Siguradong napakaraming bata duon!" natatawang suway ni lola sa kanya.
"Lola! Bata pa din naman ako. Wala pa akong asawa! Pwede pa akong mamasko!" laban niya.
"Si Axus" sabat ni Lola.
"An...Ano pong si Kuya Axus?" tanong ni Elaine. Ramdam ko ang kaba sa kanyang boses.
"Hindi pa ba iyon magaasawa? Gusto ko ding maabutan ang mga anak ng pinsan niyong iyon! Napakagwapong bata!" nakangiting sabi ni Lola.
"Wala pa siyang girlfriend Lola" sabat ni Luke.
"Wala pang girlfriend!? Aba'y ano namang problema ng isang iyon?" nagtatakang tanong niya. Hindi nakapaniwala sa kanyang nalaman.
Nagkibitbalikat lang si Luke. Samantalang si Elaine ay natahimik na. Pagkatapos kumain ay niligpit na namin ang aming pinagkainan. Pero nasa mesa pa din ang lahat ng pagkain dahil ang sabi ni Elaine ay kailangan naming salubungin ang pasko mamayang alas dose. Sabi niya pag daw nasalubong mo ito at nag wish ka matutupad iyon. Hindi ko alam kung saan niya iyon nakuha.
"May Reunion bukas, Gusto mong umattend duon na malaki ang eyebags mo?" tanong ni Luke sa kanya.
"Eh basta Kuya! Importante itong iwi-wish ko!" giit nito at tsaka itinuon ang mata sa Tv.
"Sasamahan mo naman ako diba, Sam!?" tanong niya sa akin.
"Ah...oo" sagot ko tsaka tumango tango.
"Bahala kayong dalawa diyan" inis na sabi ni Luke tsaka nagmartsang umakyat sa itaas.
Naiwan kaming nakaupo sa sofa. Naaliw ako sa pangatlong movie na pinapanood namin. comedy kasi ang isang ito na may halong love story. Nang matapos na ay naisipan ko munang mag Cr, Ganuon na lamang ang gulat ko ng makitang mahimbing nang natutulog si Elaine.
"Hindi daw matutulog!" natatawang sambit ko.
Agad akong umakyat sa itaas para tawagin si Luke para mabuhat si Elaine papunta sa guest room. Pagkapasok ko ay naabutan ko itong nakaharap sa kanyang laptop.
"Uhm...Luke tulog na si Elaine" pagpukaw mo sa atensyin niya.
"Hayaan mo siya duon, Importante daw ang wish non" nakangising sabi niya sa akin.
"Pero sasakit ang katawan non, Kailangan niyang mailipat sa kwarto" sabi ko pa.
Agad tumayo si Luke. "Matulog ka na...Wag mo sabihing magwiwish ka din, Ano pa ang iwiish mo? Eh mayroon ka ng napakagwapong asawa!" nakangising sabi nito.
"Yung puso mo sana" bulong ko pabiro lang naman sana iyon pero nagcross finger ako. Inisip na hindi naman niya iyon maririnig.
Nakahinga ako ng maluwag nang nagtuloy tuloy itong lumakad palabas, pero agad din iyong naputol.
"Matuto kang makuntento Samantha... Nasa iyo na nga, hinihiling mo pa? Ano akala mo dalawa ang puso ko?" sabi niya tsaka humalakhak.
"Ang corny mo" nakangusong sabi ko.
"Damn girl! Ikaw may kasalanan nito!" inis na sabi niya tsaka tuluyang lumabas ng kwarto.
Nagshower na lang ako para makatulog na. Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong nakahiga na si Luke. Inayos ko lang sandali ang iba ko pang gamit tsaka humiga na din sa kanyang tabi.
"Hindi pa din ako payag na pumunta ka bukas sa inyo" sabi nito sa akin. Nagulat ako akala ko ay tulog na ito.
"Gising ka pa?" tanong ko.
"No, Samantha I'm just sleep talking" panunuyang sabi nito. Hindi ko na lang pinansin ang panloloko nito.
"Gusto kong personal na ibigay ang mga regalo ko para sa kanila" sabi ko.
Kung kanina ay pareho kaming nakaharap sa kisame, ngayon ay magkaharap na kami. "Ayaw ka ng Daddy mo dun" malungkot na sabi niya.
"Aalis naman ako agad. Ibibigay ko lang yung regalo" paliwanag ko.
"IpaDeliver na lang natin" suwestyon niya.
Napanguso ako. "Iba pag perosonal mong naibigay" sabi ko.
"Bahala ka diyan! Napakatigas ng ulo mo!" inis na sabi nito. Tsaka siya muling umayos ng higa at humarap sa kisame.
"Luke..." tawag ko sa kanya pero di niya ako pinansin. Bagkus ay pumikit pa ito.
"Luke naman..." pakiusap ko tsaka dumapa para makita ko siya.
"Gusto ko lang namang ipakita kay Daddy, na kahit anong mangyari mahal ko siya. Kahit ganuon siya, alam kong pwede ko pang mabago ang pagtingin niya sa akin" paliwanag ko pa din pero nanatili lang siyang nakapikit.
"Parang ikaw diba. Nung una ayaw mo din sa akin pero ngayon..." sabi ko pa at kaagad siyang dumilat at tumingin sa akin.
"Ngayon ano Samantha?" seryoso at mapanghamong tanong niya.
"Ah wala..." sabi ko at umayos ng higa. Pero di ito nakuntento siya naman ngayon ang dumapa para mapantayan ang tingin ko. "Ngayon ano Samantha?" paguulit niyang tanong.
"Ano...ok na tayo. Diba, Diba ok na tayo?" paninigurado ko pa.
"Ok na nga ba?" nakataas ang isa niyang kilay na tanong sa akin.
"Feeling ko lang" mahinang sagot ko at umiwas ng tingin.
Nakatitig lang siya sa akin kaya naman ginantihan ko siya ng titig din pero napatingin ako sa nakaawang niyang mga labi. Mariin akong pumikit at nilapit ang labi ko sa labi niya, sandali lang iyon.
"Oh diba. Naramdaman ko ma..." hindi ko na natuloy ang sasabihin kong ng inangkin niya na ang buong labi ko.
Agad kong ginantihan ang malalim na halik na ibinibigay niya sa akin. Dahil duon ay agad siyang pumaibabaw sa akin.
"Luke..." daing ko ng maramdaman kong kung saan saan na napupunta ang kanyang kamay.
Bumaba ang halik niya sa aking leeg kaya naman nagkaroon ako ng chance na makahinga. Di ko na mapigilan ang aking sarili kaya naman naipasok ko na ang kamay ko sa loob ng tshirt niya. Dahil duon ay tumigil siya sa paghalik sa akin at siya na mismo ang naghubad nuon. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay naramdaman ko na lang na wala na ang lahat ng suot kong pantulog. Ganuon din naman si Luke.
Inangkin niya ako ng buong pagiingat. Ramdam ko din na iba na ang paghalik niya sa akin. Sa bawat haplos niya ay parang nakukuryente ako, Yung matagal ko ng gustong maramdaman yung may pagiingat. Yung parang sa bawat paghawak niya ay natatakot siyang mabasag ako. Marahan kong hinaplos ang likod nito ng maramdaman kong tapos na siya. Nanatili lamang siyang nakasubsob sa aking leeg. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa aming dingding.
"Merry christmas, Luke" sabi ko nang makita ko kung anong oras na.
Agad siyang tumango kahit nakasubsob sa aking leeg. Naramdaman ang kamay niya sa tiyan ko. "Let's pray for an angel" sabi niya tsaka ako muling hinalikan.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro