Chapter 22
Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
Dahil sa gaganaping Noche buena bukas ay napagpasyahan naming mamili sa super market. Karaniwan ay mga kasambahay ang gumagawa nito pero dahil nandito si Lola ay kami na ang bumili.
"Basta madaming grapes ha!" paalalang sabi ni Elaine.
Kumunot ang noo ni Luke dahil sa nirequest ng kapatid. "Diba pag bagong taon lang kailangan ng prutas na bilog?" tanong ni Luke sa kapatid niya
Kaagad na napairap si Elaine dahil dito. "Duh! araw araw kailangan ng prutas! Ibig sabihin pag bagong taon ka lang pwedeng kumain ng prutas!? Diba pwedeng trip kong kumain ngayon!?" inis na sabi nito sa kanyang kuya. Natawa na lamang ako at tsaka napailing. Dahil dito ay kaagad siyang nilapitan ni Luke at nagsimula nanaman silang magasara.
Nilapitan ako ni Lola kaya naman nawala sa kanila ang aking atensyon. "Ano pa bang kailangan natin Hija" tanong niya sa akin. Kaagad kong tiningnan ang listahang hawak ko at ang loob ng cart namin.
"Uhm...kumpleto na po tayo sa mga ingredients Lola. Baboy, Isda at Manok na lang po ang kulang" sagot ko sa kanya.
"Ok..." sabi nito at napatango tango.
Nakasunod lamang ako sa kanilang tatlo. Panay pa din ang asaran nina Luke at Elaine.
"Basta Kuya regalo ko ha!" sabi ni Elaine dito.
Sinimangutan siya ni Luke. "Laki laki mo na! Magpaparegalo ka pa!" pangaasar nito sa kapatid kaya naman muling humaba ang nguso nito at napasimangot.
"Bakit? Sabi mo nga nuon ako ang Baby mo diba!?" malungkot na sabi at pangungunsensya ni Elaine sa kapatid.
Nagulat ako ng agad na lumapit sa akin si Luke at inakbayan ako. "May bagong baby na ako" natatawang sabi nito kaya naman uminit ang pisngi ko.
Imbes na magtampo ay humalakhak pa si Elaine. "Eww! ang corny!" natatawang pangaasar nito sa kanyang Kuya.
"Corny ka diyan!"
Sagutan pa din sila ng sagutan nang lumapit sa amin si Lola. "Hindi pala tayo nakakuha ng mansanas" sabi nito.
Agad kong tinanggal ang pagkakaakbay sa akin ni Luke. "A...Ako na lang po ang kukuha" pagprepresinta ko at tsaka mabilis na tumakbo palayo sa kanila.
Pumunta ako sa fruit section. "Tanga...tanga" inis na sabi ko sa aking sarili. Hindi ko man lang pala natanong kung ilan. Tsaka wala akong dalang basket o cart.
"Anim na lang muna" pagkausap ko sa aking sarili tsaka sinuring mabuti ang mga mansanas.
"Shocks!" hiyaw ko ng isa isang itong gumulong sa sahig.
Isa isa ko iyong pinulot ng may biglang tumulong sa akin. "Always clumsy, Sammy" mapangasar na sabi nito.
Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin. Agad akong tumingala at ganuon na lamang ang gulat ko ng makita kung sino Iyon.
"Elijah!" tawag ko sa kanya tsaka siya kaagad na niyakap.
"Damn girl, nilamog mo yung mga mansanas" natatawang sabi nito tsaka ako ginantihan ng yakap.
"Namiss kita!" sabi ko habang nakayakap pa din sa kanya.
"Sino ba ang umalis nang hindi nagpapaalam?" panunuyang tanong niya sa akin.
"Biglaan kasi ang paguwi namin dito" nakangusong sabi ko.
"Kahit pa biglaan! Bestfriends tayo! nakakapagtampo!" pagmamaktol na sabi nito.
Si Elijah ay anak ng isa sa mga naging Doctor ko nuon nung pinagamot ako sa US. Sa bawat check up ko ay palagi siyang nakabuntot sa Daddy niya noon, kaya naman lahat ng tungkol sa akin ay alam niya. Naging matalik ko siyang kaibigan dahil katulad ng Daddy niya inalagaan niya din ako.
"Kamusta ka na?" tanong ko.
"Eto Doctor na din, Iniiyakan pa din ng mga girls" natatawang sabi niya.
"Ang yabang mo!" pangaasar ko sa kanya. "Kailan ka dumating?" tanong ko pa
"Last week lang" sagot niya. "Sa Davao ako magpapasko, And after babalik ako ng US" dugtong na sagot pa niya.
May itatanong pa sana ako ng biglang may nagsalita sa likod namin. "Tutulong lang magpulot, kailangan may yakap pa sa asawa ko?" mapanuyang tanong ni Luke kay Elijah.
Agad akong bumitiw sa yakap kay Elijah. Tinitigan ako ni Luke habang nakahalukipkip siya sa harapan namin. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot ng ganito pero parang feeling ko kasi may nagawa akong kasalanan.
"Luke...kaibigan ko, Si Elijah" Pagpapakilala ko.
Umirap si Luke. "Kahit kaibigan, Kuya o kahit ano pa yan Samantha, Wala akong pake, Ang sa akin lang! Akin ka! kaya ako lang ang pwedeng yumakap sayo!" madiing pagpapaintindi niya.
Alam kong di tamang kiligin sa panahong ito pero kinikilig na talaga ako. "Calm down, Bro..." sabi ni Elijah pero agad niyang pinutol.
"We're not brothers, So don't call me Bro" sabi nito kay Elijah. Agad siyang Lumapit sa akin.
"Tara na" sabi nito at hinila ako.
"Uhm... Nice meeting you again, Elijah!" sigaw ko habang hilahila ako ni luke.
"See you soon, Sammy!" nakangiting sabi niya habang kumakaway pa.
"See you..." hindi ko na natuloy ang pagpapaalam ko ng bigla akong hinarap ni Luke tsaka niya inangkin nang buong ang aking labi.
Hindi ako nakapagreact dahil sa gulat. "Wala ng soon, Baby" sabi nito tsaka ako hinila palayo.
"May LQ!?" natatawang asar ni Elaine sa akin ng mapansin niyang nakasimangot nanaman si Luke at hindi ako masyadong pinapansin.
Kanina kung makahalik! tapos ngayon hindi na niya ako pinapansin. "Uhm Luke, patulong naman pabukas nung mga delata" sabi ko.
Sinusubukan kong kausapin siya dahil natatakot na akong bumalik ulit kami sa dati.
"May can opener, Samantha" sabi nito habang di tumitingin sa akin. Kumakain lang siya ng lrutas sa kitchen counter Samantalang kami nila Lola at Elaine ay busy sa pag gawa ng dessert.
"Eh! Malaki kasi yung lata ng Fruit cocktail" pagrarason ko.
"Edi Huminga ka ng tulong sa Elijah mo, Sammy!" panunuyang sabi nito.
Agad akong napangiti, "NagSeselos ka ba?" natatawang tanong ko.
"OfCourse not!" sabi nito.
"Edi sige ako na lang" sabi ko at bumalik sa ginagawa ko. Sinusulyapan ko lang si Luke pero pagmagtatama ang mga mata namin ay iniirapan niya lang ako.
"Sam, Palit tayo! ako diyan sa salad, Ikaw sa grahams" sabi ni Elaine.
"Ah sige, Papapakin mo lang yung condensed eh" natatawang sabi ko.
Inirapan niya lang ako tsaka tumawa. "Parang last Christmas lang tayo tayo din ang magkakasama sa US" sabi ni Elaine.
Ngumiti lang ako, Nakangiti kong sinulyapan si Luke pero inirapan niya nanaman ako. "Gusto mong itry Luke?" tanong ko pero di niya ako sinagot.
"Hay naku! alam mo bihira lang sa mga lalaki ang mahilig tumulong sa paggawa ng dessert, Ang gusto lang kasi nila ay kumain" natatawang sabi ni Elaine,
"May kakilala akong mahilig gumawa ng dessert, Kaibigan ko siya sa US" kwento ko.
"Oh!? Sino bakit hindi ko kilala" tanong ni Elaine.
"Si Eli..." hindi ko na natulog ang pagbanggit sa pangalan ni Elijah ng napatingin ako kay Luke.
Tumayo ito at lumapit sa likod ko. Agad ko nanamang naramdaman ang labi niya sa tenga ko.
"Isang banggit mo pa sa pangalan ng kaibigan mo, magkukulong tayo sa kwarto buong araw"
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro