Chapter 21
Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
Tahimik lang kami sa buong byahe ni Luke. Ayoko pa ding magsalita tungkol sa nangyari sa bahay. Pinaglalaruan ko ang aking mga daliri dahil sa kaba. Sana ay hindi nagiba ang tingin ni Daddy kay Luke. Sana hindi siya magalit dito. Ok na sa akin na sa akin lang siya galit wag na sanang madamay pa si Luke.
"Akin na nga yan" sabi niya at nagulat ako nang kinuha niya ang kaliwang kamay ko at pinagsiklop ang mga daliri namin bago niya mahigpit akong hinawakan.
"Ah. Wag na Luke mahihirapan kang magdrive" sabi ko at babawin ko sana pero hinila niya ito kaya nasubsob ako sa dibdib niya. Agad niyang inikot ang kamay niya sa likod ko para hindi ako makaalis sa pwestong iyon.
"Bakit ba?" Naguguluhang tanong ko.
"Amoyin mo na lang yang dibdib ko mabango naman yan eh" natatawang sabi niya.
"Pero Luke nagdadrive ka" pagtangging sabi ko.
"Whoo...Kunwari pa toh!" natatawang sabi at pangaasar niya.
"Ma...Mamaya na lang sa bahay" sabi ko na kalaunan ay ikinagulat ko din.
Narinig ko ang halakhak ni Luke. "Silly girl..." sabi nito at umiling iling pa. Agad akong umayos ng upo at tumgin na lang sa may bintana. Napakatanga mo Samantha.
Pagkadating sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto para maglinis ng katawan. Wala si Lola kaya sa kwarto ko na lang siguro ako matutulog ngayon.
"San ka pupunta?" Gulat na tanong ni Luke.
"Sa kabila..." sagot ko.
"At bakit!?" nakataas kilay na tanong nito.
"Wala naman si Lola" nakayukong sabi ko.
"Hindi naman tayo matutulog ngayon" nakangising sabi nito. "Hindi kita papatulugin ngayon" sabi niya na may halong pangaasar.
"Eh ano...ano" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hinila niya ako pababa sa may sala. Agad niya akong pinaupo sa may sofa.
"Di...dito natin gagawin?" nahihiyang tanong ko.
Narinig ko kaagad ang pagngisi niya. Dahan dahan siyang yumuko habang naka tayo sa harapan ko at agad tinukod ang magkabilang kamay niya sa may sandalan ng sofa. Pipikit na sana ako dahil parang hahalikan niya ako ng biglang magsalita ito.
"Anong gagawin Samantha?" nakangising panghamon niya sa akin.
"Yung...yung ano, wala!" kinakabahang sagot ko.
"Bakit ayaw mo bang dito gawin?" pangaasar na tanong niya ulit.
"Ang...ang alin ba kasi!?" naguguluhang tanong ko.
"Ewan ko sayo! Ikaw yung nagtanong sa akin diyan eh!" sabi nito.
"Sabi mo kasi hindi tayo matutulog!" dirediretsong sagot ko.
"Kaya nga!" sagot niya.
"Oh...eh bakit dito? Baka may makakita ..." hindi ko na natuloy ang mahinang pagbulong ko sa kanya ng bigla siyang tumawa.
"Ano naman kung may makakita sa atin dito? hindi tayo matutulog kasi magmoMovie marathon tayo! Pagiisip nito!" natatawang sabi niya sa akin.
Napatingin ako sa may harapan. Duon ko nakita na bukas ang Dvd player at may popcorn pa sa may maliit na mesa.
Patuloy lang siya sa pagtawa sa akin kahit nasa tabi ko na siya. Hindi na lang ako nagsalita dahil sa sobrang kahihiyan, Napahiyaw ko ng bigla niya akong hinila .
"Oh...Amoyin mo na ang dibdib ko!" sabi niya at pinasubsob nanaman ako sa dibdib niya.
"Paano ako manunuod!?" tanong ko.
Nagulat ako ng agad siyang tumayo, Hinila niya din ako patayo, Humiga siya dito at agad tumingin sa akin.
"Tara na" yaya niya.
"Anong tara na?" tanong ko.
Agad niya akong hinila kaya naman nakadapa na ako sa ibabaw niya. Nakapulupot ang dalawang braso niya sa bewang ko habang nasa itaas niya ako.
"Oh diba!" natatawang sabi niya.
Napapikit ako dahil sa posisyon namin ni Luke. Sana lagi na lang kaming ganito. Sana lagi na lang siyang ganyan, Sana mahalin na din niya ako. Naka dalawang movie lang kami ng agad akong dinalaw ng antok. Kaya naman sa ganuong posisyon na lang ako nakatulog.
Nagising ako dahil sa ginagawang paghaplos sa aking buhok. Hindi agad ako dumilat at nakiramdam sa aking paligid. Kala ko panaginip lang pero nandito pa din ako sa ibabaw ni Luke. Unan unan ko ang dibdib niya samantalang siya naman ay marahan na hinahaplos ang buhok ko. Magkukumwari pa sana akong tulog ng magsalita na ito.
"Madaya ka...Tinulugan mo ako!" sabi nito. Pero hindi ko alam kung alam ba niyang gising na ako o kausap niya ako kahit tulog pa ako.
"You don't deserve something like that" mahinang sabi nito. "Your Dad is so cruel. And I bet mas grabe pa ako sa kanya nuon" bulong nito.
"He needs to see that there is something special about you" dugtong niya na nagpalaglag ng luha sa aking mga mata.
Sunod sunod ang paglaglag nito kaya naman di maiwasang mabasa ko ang damit niya. "Oh my God! Naglalaway ka" mahinang tawa niya.
Agad akong tumingala sa kanya at agad lumaki ang mata niya sa gulat. "Gising ka?" Gulat na tanong niya.
Tumango tango lang ako. "Bakit ka umiiyak?" tanong niya habang itinaas niya ang isa niyang kamay para punasan ang luha ko.
"Pinaiyak mo kasi ako" sabi ko.
"Hoy! Wala akong ginagawa sayo ha!" Laban niya.
Nanatili ang katahimikan sa aming dalawa. Tiningnan ko lang siya sa kanyang mata, may gusto akong makita duon, Pero kahit sobrang tagal kong titigan ang mga mata niya ay hindi ko makita ang gusto kong makita. Kaya naman dahan dahan kong nilapit ang labi ko sa kanya, kasabay ng paglapit ko ng aking mukha ay pagakyat din ng kamay niya sa aking batok.
Agad kong naramdaman ang labi niya, Di agad iyon gumalaw, pero kalaunan ay dahan dahan. Nang nakuha ko na ang sagot kagaya nang ginawa niya nuon ay agad ko din iyong pinutol.
"I felt it, Luke" sabi ko.
"Gaya gaya ka ha!" natatawang sabi niya.
"Then, what did you feel Sam?" Mapanghamong tanong niya sa akin.
"Mahal mo na daw ako" lakas loob na sagot ko.
Agad kumurba ang mapangasar na ngiti sa kanyang labi. "Baka nga" pagsangayoh niya
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro