Chapter 20
Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________
Nilibot namin ang buong foundation after ng program. Gusto daw makita ni Lola kung ano pa ang pwedeng gawin duon at idagdag. Para mas lalong gumanda.
"Ok ka lang?" tanong ko kay Elaine nang magakaroon ako ng tyempo.
Tumango lang ito. "Sorry hindi pa ako makakapagshare sayo ngayon. Pero..." sabi niya na agad kong pinutol.
"Ok lang naiintindihan ko naman. Basta pagkailangan mo ng kausap lagi lang akong nandito" paninigurado ko sa kanya. Nasa likod kami nina Lola, Luke, at Axus silang tatlo ang naguusap kung ano ang pwede pang gawin.
Napadaan kami sa tatlong mga teenager na babae. "Ang gwapo ng dalawang kasama ni Lola!" rinig kong bulungan nung tatlong babaeng teenager.
"Oo nga. Sayang si Mr. Jimenez may asawa na. Yung isa sikat na car racer yun diba!?" tukoy nila kay Axus.
"Oo. Iba talaga pag mayaman ano, Sana pagnakalabas ako dito makahanap din ako ng mayaman!" masayang sabi pa nung isa.
Nagtatawanan sila ng may isang batang babae ang dumaan sa gilid nila. "Oy si Joana oh!" Turo sa kanya ng isa. Agad nila itong nilapitan.
"Ikaw Joana. Gusto mo ba magkaroon ng asawang gwapo at mayaman?" tanong ng isa sa mga ito pero patuloy lang na nakayuko ang batang tinawag nilang joana.
"Paano magkakaroon yan ng gwapo at mayamang asawa pagtanda niya eh! Diba na-rape yan! Pati nga yung tatay niya ni rape siya eh!" singit ng isa sa kanila bago sila nagtawanan. Agad tumakbo ang bata kung saan. Hindi ko alam kung bakit pero sinunda ko siya.
Tumigil siya sa isang puno malayo sa may play ground nila. "Uhm...Bata" tawag ko sa kanya.
Pero patuloy lang siyang umiiyak. "Wag ka nang umiyak. Hindi naman totoo yung sinabi ng mga yun" pagaalo ko sa kanya para patahanin siya.
"Nakakadiri na po ako. Tama sila" sabi niya na nagpaantig sa aking puso. "Hindi naman sa ganuon..." Hindi na natuloy ang sasabihin ko ng tumakbo na ito palayo.
Agad namuo ang galit sa puso ko. Alam kong hindi tama na awayin ko din ang mga batang iyon kanina pero kakausapin ko lang sila. Agad ko silang nahanap at nakita ko silang kausap si Luke.
"Ang gwapo gwapo niyo po, Sir" sabi ng Isa.
Tumawa naman si Luke sa sinabi ng mga bata sa kanya, "Salamat" nakangiting sagot niya dito.
"Pero sa tingin ko hindi kayo makakahanap ng katulad niya paglaki niyo" singit ko sa kanila. Galit talaga ako dahil sa ginaw nila kay Joana.
"Hey, Samantha wag mong pagselosan ang mg bata" natatawang biro at suway sa akin ni Luke.
"Bakit kayo ganuon kay Joana?" tanong ko sa kanila. Hindi ko pa din pinapansin si Luke.
"Eh...Nakakadiri po kasi siya eh" sagot ng isa na lalong nagpainit ng ulo ko.
"Anong nakakadiri dun?" medyo tumaas na ang boses ko.
"Hey bata yan" suway ni luke sa akin.
"Na rape po siya. Pati tatay niya ni rape siya, diba po nakakadiri yon?" sagot pa ng isa sa akin talagang lalaban pa siya.
Hindi ako nakapagsalita sa mga pinagsasabi nila. "Kayo po Mr. Jimenez? Magaasawa po ba kayo ng babaeng na rape?" walang malisyang tanong ng isa.
Napayuko ako sa tanong nila kay Luke, tahimik lang siya. Pero yung isang bata na ang sumagot para sa kanya. "Syempre hindi! Gwapo at mayaman si Mr. Jimenez! Dapat sa kanya yung babaeng malinis hindi yung mga babaeng nababoy parang si Joana" sabi ng isa at tsaka sila nagtawanan.
Hindi ko kinaya ang mga pinagsasabi ng mga batang iyon kaya umalis na lang ako duon, Kung di lang ako makakasuhan ng child abuse baka kung ano na ang nagawa ko sa mga iyon. Sinikap kong hanapin si Joana pero hindi ko na siya nakita. Hanggang sa tawagin na ako ni Elaine dahil uuwi na kami. Nakita ko si Lolang nakikipagusap duon sa mga taga foundation, nakatayo sila sa may gilid ng van kasama si Axus. Dumungaw ako sa pintuan at nakita ko si Elaine na nakapikit at may earphones na sa tenga.
Napatingin ako sa likod at nakita si Luke na nakatitig sa akin. yumuko na lang ako "Pa...Padaan" sabi ko dahil nakaupo siya sa may unahan ng upuan.
"Ayoko nga..." pangaasar na sabi nito.
Wala akong nagawa kundi ang dumaan sa kanya pero makakalagpas na sana ako ng hinila niya ang bewang ko kaya napakandong ako sa kanya.
"Luke ano ba..." mahinang sabi ko. Agad akong umalis sa kandungan niya at umusod duon sa may tabi ng bintana.
Naramdaman ako ang paggalaw niya at paglapit sa akin. Nakiliti at nagulat ako ng lumapit nanaman ang labi niya sa tenga ko. "Bakit ba kailangan pang ilapit yung labi mo sa tenga ko pagbubulong ka?" mahinahon kong tanong.
Natawa siya sa sinabi ko. "Ang sungit naman nito" sabi niya at agad humilig sa akin at bahagyang kinagat ang tenga ko.
"Tumigil ka nga please" pakiusap ko sa kanyang dahil ano mang oras ay maaari na akong tumili.
Nanahimik naman siya. "Bakit ba lumalayo ka sa akin ngayon?" mahinahong tanong nito.
"Naiilang lang ako..." sagot ko pero sa may bintana pa din nakatingin.
"Bakit ka naman naiilang?" tanong niya ulit.
"Pa asa ka kasi" bulong ko.
"Hindi ah!" natatawang sabi niya.
"Narinig mo nanaman?" gulat na tanong ko dahil napakahina lang talaga nung pagkakasabi ko.
"Alam kong medyo manhid ako Samantha pero hindi ako bingi" sabi nito.
Napanguso nanaman ako dahil wala talaga akong pwedeng maisikreto sa kanya.
"Kala ko ba gusto mong mag work to. Make me fall, Sam... I'm giving you the chance to break the wall between us" sabi nito at tsaka mabilis na kinagat nanaman ang tenga ko.
Napanguso nanaman ako dahil wala talaga akong pwedeng maisikreto sa kanya.
-----------
"Eh kung itong red na lang kaya?" tanong ni Elaine sa akin. May pupuntahan siyang Christmas party ngayon kaya naman busy siya sa pagaayos.
"Ok na yang black. Mas maganda tingnan ang black sa gabi" sabi ko habang nakaupo sa kama niya at pinagmamasadan siya.
Nandito kami ngayon sa bahay nila dahil dumalaw si Lola sa parents nila Luke. "Sino naman ang kasama mo, Wag kang masyadong iinom duon magagalit nanaman ang Kuya mo" sabi ko pa sa kanya na may pagaalala.
"Si Axus este Kuya Axus" nabubulol na sabi nito. di ko na lang iyon pinansin at tumango tango na lang.
"After nito uuwi na ba kayo ni Lola?" tanong niya pa sa akin para ibahin din ang usapan.
"Sabi niya dito daw muna siya matutulog" sagot ko.
"Edi sumabay ka na sa akin hahatid ka na lang namin ni Ax...Kuya Axus sa bahay niyo" suwestyon niya.
"Hindi na. Susunduin daw ako ni Luke dito. Tsaka may ipinabibigay si Lola na dessert para kila Mommy, Hahatid muna namin iyon" kwento ko pa sa kanya.
"Ah ok" tanging nasagot niya na lang dahil busy siya sa pagaayos.
Magkasunod na dumating si Axus at Luke. Sinundo niya si Elaine at umalis na sila kaagad . Bumati lang sandali si Luke sa parents niya at nagpaalam na din kami. Naiwan din si Lola duon.
"Samantha, Baby! namiss kita!" salubong na yakap sa akin ni Mommy pagkapasok namin ni Luke sa aming bahay.
"Oh Luke Hijo" bati niya kay luke at nakipagbeso pa dito.
"Goodevening po, Ma" magalang na bati ni luke.
"May kausap na bussiness partner ang Daddy niyo sa may dinning. Umakyat na muna kayo sa sala sa itaas. ilalagay ko lang ito sa kusina" sabi ni mommy sa amin.
"Sige po" sabi ko at niyaya si Luke paakyat.
Naabutan namin duon si Ate Sabrina na nanunuod ng Tv. "Si Fiona, Ate?" tanong ko.
"Sleeping..." tamad na sagot nito habang nakatuon ang atensyon sa tv. Pero napaayos siya ng upo ng nakita ang nasa likod ko.
"Oh...Luke nandito ka" naaAmaze na sabi niya.
"Yah..." tamad na sagot ni Luke sa kanya tsaka ako hinila paupo.
"May gusto ka bang inumin?" tanong ko kay Luke.
Umiling Iling lang ito. "Uhm...Pagamit na lang ng Cr" sabi nito.
"Ah sige duon na lang sa kwarto ko" sabi ko hinatid ko siya duon at bumalik sa sala.
"Ang gwapo talaga ni Luke" sabi ni ate sa akin, Nginitian ko lang siya dahil duon pero napawi ang ngiti ko sa sumunod na sinabi niya.
"And you don't deserve him" mapanuyang sabi niya sa akin.
"Ate..." mahinahong tawag ko sa kanya.
"A girl like you Samantha don't deserve the best, you deserve nothing...because you are a trash" madiing sabi nito.
"Then who deserve Luke ate, Ikaw?" Mapanuyang tanong ko.
Nagkibit balikat ito "Sa tingin mo?" panunuyang tanong nito.
"Asawa ko na si Luke, Ate" madiing sabi ko.
"Madali lang mangagaw Samantha" nakangising sabi nito.
Hindi ko napigilan ang aking sarili at agad lumapit sa kanya at sinampal siya. Hindi siya agad nakapagreact.
"How dare you?!" sigaw nito at mabilis na hinatak ang buhok ko.
Rinig na rinig ang sigawan namin ni Ate. Agad kong narinig na nagkakagulo silang umakyat para awatin kami. Naramdaman ko agad ang paghawak ni Luke sa akin upang ilayo kay Ate. Nang tuluyan na kaming napaghiwalay ay nagulat ako ng nakatanggap ako ng isang malakas na sampal mula kay Daddy.
"Daddy..." umiiyak na tawag ko sa kanya. Agad humigpit ang pagkakahawak ni Luke sa akin.
"Tahimik kami dito pag wala ka Samantha. Sana hindi ka na lang nagabalang pumunta dito. Walang kang dulot sa pamilyang ito kundi puro kahihiyan" mahinahon pero madiing sabi nito.
Agad akong tumingin sa palagid. Nasa hagdan ang mga tingin kong kausap ni Daddy kanina. Nakatingin ito sa amin na parang dismayado. Si Mommy ay nasa likod ni Daddy.
"Mommy..." umiiyak na tawag ni Fiona kay Ate at tumakbo ito. Galing ito sa kwarto niya tingin ko ay nagising ito dahil sa ingay.
Mahigpit niyang niyakap si Ate pero agad siyang bumaling sa akin. "Bad Ka! Inaaway mo ang Mommy ko!" sabi niya sa akin.
"Umalis ka na Samantha. Wag ka na ding magAbalang pumunta dito. Di namin kailangan ng presencya mo, tunay ngang malas ang isang p*ta" mapanuyang sabi ni daddy habang umiiling iling pa.
Agad akong nagulat ng binitawan ako ni Luke at hinarap si Daddy. "Mawalang galang na po Mr. Gazier. Hindi naman po ata tamang pagsabihan niyo ng ganyan ang asawa ko, Lalo't lalo ng nandito ako" Sabi ni Luke.
"At wag po kayong magalala hindi ko siya hahayaang pumunta dito. Lalo na kung ganyan din lang ang gagawin niyo" sabi niya dito at tsaka ako hinila palabas.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro