Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 18

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________




"Sabi ko itry lang. Hindi ko akalain na ganuon na kabilis ang mga kabataan ngayon" natatawang pangaasar sa amin ni Lola habang nasa harap kami ng hapagkainan. Napayuko na lamang ako dahil sa sobrang kahihiyan. Nagpalit na din ako ng mas kumportableng damit.

Hindi pa siya nahusto, binalingan pa niya si Luke. "At ikaw naman Hijo, magpapalit ka lang kamo ng damit eh balak mo na palang umiscore" pangaasar pa niya sa apo.

"Lola..." pagod na tawag ni Luke dito.

"Oh siya, kumain na tayo" sabi na lamang nito nang maikitang wala sa mood ang kayang apo na makipagbiruan.

Nasa kalagitnaan kami nang pagkain nang magsalita itong muli. "Samahan niyo ako sa susunod na araw. Napaihanda ko na ang mga kakailanganin. Matagal na din akong hindi nakabista sa foundation." Kwento pa niya sa amin kaya naman marahan kaming tumango sa kanyang hiling. Pagkatapos ay bumaling din ito kay Elaine.

"Sabihan mo din ang Kuya Axus mo na sumama sa atin" utos niya sa apo pero napanguso lamang ito.

"Busy po iyon" tamad na sagot niya.

Nginisian siya ni Lola. "Pag ikaw ang nagyaya, hindi busy iyon" sabi pa nito kay Elaine kaya naman tamad siyang tumango dito. "I'll try Lola" pahabol pa niya.

Pagkatapos kumain ay ako na ang nagayos ng mga plato. "Wala ba kayong balak na kumuha ng katulong para dito?" Nagtatakang tanong ni Lola nang mapansin niyang ako ang gumagawa ng lahat nang gawaing bahay.

"Hindi naman na po kailangan. Magaan naman po ang mga gawain dito sa bahay. Kung minsan po ay pareho naman kaming wala ni Luke dito" paliwanag ko pa sa kanya. Napatingin siya sa kamay ko. "Buti at hindi gumagaspang iyang kamay mo kakahigas Hija" puna pa niya sa akin.

Umiling ako at sasagot pa lang sana ng kaagad siyang magtanong ulit. "Don't tell me ikaw din ang naglalaba?" Hindi makapaniwalang tanong pa niya sa akin.

Marahan ko lamang siyang tinanguan kaya naman nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi makapaniwala sa aking sinabi sa kanya. "Aba! Susmaryosep ka. Ang mga katulong ka nga sa US halos humilata na lang" pagyayabang pa niya kaya naman napangiti na lamang ako.

Akala ko ay titigil na si Lola, pero humilig pa ito sa akin para bumulong. "Maganda yung suot mo kanina, bagay na bagay sayo" sabi pa niya kaya naman muli akong parang kinilabutan ng maisip ang kapirasong tela na iyon.

Napangiwi ako."Eh Lola, mas kumportable po kasi ako pag nakadamit" sagot ko sa kanya. Napaiktad ako ng pabiro ako nitong kurutin sa aking tagiliran. "Aray po Lola" pagdaing ko sa kanya.

"Anong tingin mo duon sa lingerie nakahubad? Dapat nga ay hindi ka na nagdadamit pag nasa kwarto kayo ni Luke" makulit na sabi pa niya sa akin kaya naman humaba ang nguso ko.

"Lola naman..." nahihiyang suway ko sa kanya.

Napairap siya. "Aba'y kanina niyo pa ayaw marinig ang mga kwento ko" may pagtatampo nang puna niya dito.

"Wala naman pong problema" sabi ko pa.

Kaagad na nagbago ang kanyang ekspresyon. Ngumiti ito sa akin. "Gusto mo bang magkaroon ng kambal na anak? Tuturuan kita kung paano yung mga posisyon. Ganito kasi..." hindi ko na siya hinayaan pang ituloy iyon kaagad ko na siyang pinigilan.

"Lola tama na po..." pakiusap ko at kaagad na nagtakip sa aking magkabilang tenga. Tawa ito ng tawa dahil sa aking ginawa.

"Ituturo ko nga sayo!" Giit pa niya.

Mabilis akong umiling sa kanya at sinubukang tumakas kaya naman nagmadali akong lumabas ng kusina para makaakyat na. Binilisan din niya ang lakad para maabutan ako. "Naku wag na po Lola" sabi ko pa sa kanya pero nag patuloy pa din siya sa pagsunod sa akin.

"Naku ingat po kayo sa pag akyat" nagaalalang sabi ko pa dahil patuloy pa din siya sa walang ingat na pagakyat sa hagdan.

"Gusto mo bang dalawang lalaki o babae? O gusto mo tig isa?" Patuloy pa ding tanong niya.

"Good night na po Lola" nakangiting aso nang magpaalam ako sa kanya, mabilis akong pumasok sa kwarto ni Luke habol ko ang aking hininga habang pagod akong napasandal sa likod ng pinto.

Pumunta ako sa cabinet at kumuha ng kumo. Umalis ulit si Luke para ihatid si Elaine pauwi at hanggang ngayon ay wala pa siya. Kumuha din ako ng unan at dumiretso sa may sofa niya. Sofa bed naman ang nandito kaya ayos na sa akin. Binuksan ko muna ang Tv at humiga. Naglipat ako nang naglipat ng channel pero wala akong nagustuhan. Tumayo ako at naghanap nang mapapanuod na video tape. Nakakita ako ng isa at may nakadikit duong sticky note.

My other half

Nacurios ako dahil sa nakalagay kaya naman kinuha ko ang Cd at isinalang iyon sa CD player. Kaagad kong narinig ang isang pamilyar na kanta sa background music.

"Edi ikaw ang maganak!" Sigaw ng isang babae sa video. Nang mamukhaan ko ay duon ko nakumpirma na si Grace iyon.

"Grace, hey baby!" Rinig kong tawag ni Luke dito. Kinunan ang video na iyon sa isang beach. Si Luke ang may hawak ng camera habang panay naman ang takbo ni Grace palayo sa kanya. Rinig na rinig ko ang tawanan nilang dalawa. Sobrang saya nila.

"Ok na ba sayo ang apat?" Natatawang tanong pa ni Luke dito, hindi ko mapigilang hindi masaktan.

Ifinocus ni Luke sa kanyang mukha ito, "Ok" nakangising sagot niya dito, ramdam na ramdam ko ang saya ni Luke sa likod ng camera.

"Yes!" Pagsigaw pa niya sa tuwa.

Kitang kita ko duon sa video kung gaano kasaya si Luke nung mga panahong kasama niya si Grace, hindi ko pa siya nakita o narinig na tumawa nang ganuon pag kasama niya akol

Pinunasan ko ang mga luhang kumawala sa aking mga mata. Kahit ang sakit sakit ay hindi ko magawang ialis ang aking mga mata sa video. Nagpapalitan na sila ng mga halik at kitang kita ko sa mga mata ni Luke ang kasiyahan niya.

Napatulala na lamang ako sa kung saan habang inaalala ang lalagayan ko sa mga panahong iyan. Pero agad akong napapikit at kinundisyon ang aking sarili. Masaya na akong naging masaya siya. Yun na iyon, ayokong manumbat.

Nagulat ako nang bigla itong magsalita sa aking gilid. Hindi ko napansin ang kanyang pagdating. "Sino nagsabi sayong galawin mo ang mga gamit ko?" Matigas na tanong niya sa akin. Kaagad akong nakaramdam ng takot.

Mabilis akong napatayo. "So...Sorry" natatarangtang sabinko at tsaka ako mabilis na lumapit sa may cd player para patayin anh video. Pero bago pa man ako makarating duon ay naunahan na ako ni Luke. Nanlaki ang aking mga mata ng imbes na ibalik sa lalagyan ay itinapon na niya iyon sa basurahan.

"Bakit..." hindi na natuloy ang aking dapat sanang tanong. Hindi pa din ako makapaniwala sa kanyang ginawa.

Mariin niya akong hinarap, seryoso ang kanyang mukha. "Bakit ka umiiyak?" Seryosong tanong niya sa akin kaya naman napayuko na lamang ako sa hiya at sa takot.

"Nasasaktan ka na nga, itinuloy mo pa din" galita na turan pa niya.

Bayolente akong napalunok. "Hindi naman" mahinang sabi at pagsisinungaling ko.

Inirapan niya ako. "Alam mo kasi Samantha ang problema sayo, masyado kang martyr. Masyado mong minamahal yung sakit kaya ka nagkakaganyan" galit na pangaral pa niya sa akin.

Hindi ako nakapagsalita. Nanatili akong nakayuko. "Learn to let go the pain, Sam" pahabol pa niya sa akin.

"I can't" mahinang sambit ko. Kumunot ang noo ni Luke dahil sa aking naging sagot sa kanya. "Why?" mariing tanong niya sa akin.

Tiningnan ko siya. Halos pumungay ang aking mga mata. "Kung pipiliin kong tanggalin ang sakit sa buong sistema ko, para na din akong sumuko sayo Luke" maluha luhang paliwanag ko pa sa kanya. Kita ko ang paglambot ng kanyang mukha, pumungay ang kanyang mga mata.

"Ok lang masaktan, ok lang yun. Normal na iyon sa akin. Basta ayokong mawala ka sa akin Luke. Sorry kung desperada ako, pero mahal lang talaga kita" madamdaming sabi ko pa sa kanya. Panay ang pahid ko sa aking basang mukha.

Pagod niya akong tiningnan. "Pasencya ka na. Hindi ko pa kayang suklian ngayon iyan" kalmadong sagot niya sa akin kaya naman napatango tango ako.

"Alam ko naman. Kaya ko namang maghintay" sagot ko pa sa kanya. Napatango si Luke.

"Matulog na tayo" seryosong utos niya sa akin. Kaagad kong tinuro ang sofa. "Dito na ako sa sofa hihiga" sabi kopa sa kanya dahil ayoko namang maistorbo pa siya sa higaan niya.

Umiling ito. "Duon ka matutulog sa tabi ko" matigas na sabi niya sa akin at tsaka niya hinila ang kamay ko para hilahin ako papunta duon.

Wala na akong nagawa kundi ang gumapang pahiga sa kama ni Luke. Ramdam ko pa din ang kaba dahil makakatabi ko siyang matulog ngayon. Pagkahiga ay mabilis akong tumalikod ng higa sa kanya. Naramdaman ko ang paglundo ng kama dahil sa paghiga niya.

"Humarap ka sa akin" mariiny utos niya sa akin. Bayolente akong napalunok bago ko sinunod ang kanyang iniutos sa akin.

Halos maduling ako dahil sa lapit ng mukha naming dalawa. Titig na titig siya sa akin. Marahan akong napapikit nang haplusin niya ang aking pisngi. Dahan dahan niyang inilapit ang kanyang labi sa akin. Buont lambing niyang inangkin iyon. Hindi nagtagal ay tumigil din siya. Muli niya akong tinitigan.

"I felt it" paos na sabi niya na ipinagtaka ko.

"Ang alin?" Tanong konsa kanya.

"Your pain, and I'm sorry for that" malumanay na sagot niya sa akin bago niya ako niyakap.












(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro