Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________




Biglang lumaki ang aking mga mata dahil sa narinig.

"Bakit naman kayo umuwi ng biglaan?" kabadong tanong ni Luke dito.

"Aba't itong batang ito hindi ka ba masaya na nandito ako!?" mataray na tanong ng matanda sa kanya.

"Syempre masaya..." nakangiting asong sabi ni Luke halatang kinakabahan siya sa hindi ko din alam na dahilan.

Agad nangiti ang matanda, pero nabaling ang tingin niya sa akin.

"Iba na pala ang mga maid ngayon, magaganda at mukhang mayaman" sabi nito habang nakatingin sa akin.

"Asaan ang asawa mo Luke?" tanong niya at nagpalinga linga.

"Lola!" tawag ni Luke sa kanya. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako sa bewang na ikinagulat ko.

"Siya po ang asawa ko. Meet, Samantha" nakangiting pagpapakilala niya sa akin.

"Diosmio!" sabi niya at agad nilapitan si Luke at pinagpapalo ng hawak niyang pamaypay.

"Pinapabayaan mo siguro ang asawa mo!" sabi nito habang patuloy ang pagpalo sa apo.

Kaagad namang napailag si Luke."Lola, Aray masakit" reklamo nito.

"Nang bababae ka ano!? At saan mo dinadala ang pera mo ha!? Tingnan mo nga yang itsura ng asawa mo. Mas mukha pa akong bagets sa kanya!" mataray na sabi ni Lola.

Napangiti ako sa kanyang sinabi. "Lola naman, Mas maganda pag simple!" sagot ni Luke.

"Ewan ko sayo!" sabi ni Lola sabay irap kay Luke.

Napabaling siya sa akin. "Ano nga ulit ang pangalan mo hija?" tanong niya.

"Samantha po" magalang na sagot ko sa kanya habang nakangiti.

"Samantha?" parang nagtatakang tanong niya. "But when I was in US, I always heard about the girl named Grace" sabi nito pa nito.

"Samantha Grace ang pangalan mo?" tanong niya ulit sa akin.

Umiling lang ako. "Samantha Elaine po" sagot ko sa kanya.

"Then, who's Grace!?" galit na tingin niya kay Luke.

Grace was your favorite grandchild's great love. Sasabihin ko sana pero kaagad nang nagsalita si Luke. "Let's not talk about it, Lola" sabi pa ni Luke.

Nagkibit balikat lang ang matanda. "Where's my room then" tanong nito.

Nanlaki ang mata ko sa gulat. "Dito po kayo matutulog" tanong ko sa kanya.

"No. Dito ako titira" sagot nito.

"Ok Lola. Samahan ko na kayo sa kwarto niyo." sabi ni Luke at inakay ang matanda papunta sa dati kong kwarto.

Kaagad akong dumiretso ng kitchen dahil duon. Uminom ako ng tubig sa kusina ng nakarinig ako ng yapak palapit sa akin at natanaw ko kaagad si Luke. "That was close..." hinihingal na sabi nito.

"Gusto mo ng tubig?"pag alok ko sa kanya.

"Yup" sagot nito kaya naman tumalikod ako para kumuha ng baso at tubig sa Ref.

"Ito..." aabot ko sana sa kanya kaso nagulat ako ng makitang hawak niya ang baso ko at madali iyong inubos.

"A...akin yan" sabi ko sa kanya.

"Akin ka! Kaya lahat ng sayo akin din" sabi nito sa akin.

Napayuko ako sa sinabi niya. "Pero ikaw hindi ka akin" bulong ko.

"Just wait, Sam. I told you, I'm trying" sabi nito na ikinagulat ko.

"Huh?" laki matang tanong ko.

Napangisi na lang siya. "Pagpasencyahan mo na si Lola, Tsaka masungit yan minsan kaya sana maging handa ka" pananakot niya pa kaya naman napatango na lang ako.

Pagkatapos magmirienda ay umalis ulit si Luke dahil may kameeting pa daw siyang naiwan kaya naman kami lang dalawa ni lola ang nandito sa bahay, di pa siya lumalabas ng kwarto mula kanina.

"Ano iyan?" biglang tanong niya ng naghihiwa ako ng mga ingridients para sa dinner dahil uuwi daw ng maaga si Luke.

"Lo... Ma'm" di ko malamang sagot ko.

"Lola. call me Lola" sabi niya.

"Para po sa dinner" pagpapatuloy na sagot ko sa kanya.

Agad siyang umupo sa may lamesa malapit sa akin.

"May gusto po ba kayong kainin?" tanong ko.

Umiling lang ito. Agad naghari ang katahimikan sa aming dalawa at tanging paghihiwa ko lang ang naririnig sa buong palagid.

"I heard a lot about you." basag nito sa katahimikan.

"A victim of..." dugtong nito na nagpakirot sa puso ko.Siguradong katulad din siya ng iba, huhusgahan ang pagkatao ko.

"Don't worry I won't judge you, Hindi ako ang klase ng taong babase sa kwento ng iba," pagpapatuloy nito na ikinagulat ko.

"Thank you po..." nakayukong pasasalamat ko.

"Pero hindi ako magiging mabait sayo. Dahil nagseselos ako, may dagdag nanaman akong kalaban sa atensyon ng Apo ko. Hmp..." nakangusong sabi nito na ikinatawa ko, para siyang bata.

"Anong tinatawa mo diyan! hindi tayo bati!" sabi pa nito sa akin.

"Pero...Dalian mo diyan. Tawagan mo din si Elaine magmall tayo, mas maganda pa manamit ang mga katulong ko sa US..." sabi nito habang naglalakad palayo.

Napangiti ako. May matatawag na din akong Lola sa wakas. 






(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro