Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Warning: This might contain words, settings and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
___________



Nang sumunod na araw ay dinalaw ako ni Elaine. Nanunuod lamang siya sa akin habang naglilinis ako ng bahay.

"Bakit ba kasi ayaw niyong kumuha ng kasambahay!" inis na tanong sa akin ni Elaine.

"Eh kasi gastos lang yun. Wala pa namang masyadong ligpitin dito sa bahay dahil dalawa lang naman kami ni Luke." sabi ko pa sa kanya.

Tumango lang ito at nagkibit balikat. "Kahit isang dosenang katulong pa ang kuhanin mo hindi kayo mamumulubi ni Kuya malapit ng ilapat sa pangalan niya ang buong companya" nakangiting sabi nito sa akin.

"Huh? Eh diba siya na ang CEO?" naguguluhang tanong ko.

"Siya nga ang CEO pero wala pa sa pangalan niya iyon" nakangiting sagot niya sa akin.

Sandali akong nagpaalam sa kanya para kumuha ng maiinom namin."Oh Juice" sabi ko sabay lapag ng inumin tsaka ako tumabi sa kanya.

"Uhm. Bakit nakanino ba iyon?" tanong ko pa, naCurious lang ako.

"Hindi ako sure eh. Pero may isa lang condition para tuluyang mailipat na iyon kay Kuya" nakangiting sabi pa nito at may pataas taas pa ng kilay.

"Ano?" tanong ko.

"Kailangan niya ng magkaanak!" masayang sabi nito, pero dahil dito ay naibuga ko ang juice sa mukha niya.

"Haist. Gosh Sam! May date ako ngayon!" pagmamaktol niya sa akin.

"Sorry Sorry!" natatarantang sabi ko sabay punas sa basa na niyang damit.

"Humiram ka na lang muna ng damit sa akin" suwestyon ko pa.

Nakasunod na umakyat sa akin si Elaine, Pero isang palapag na lang sana ay naalala kong magkaiba pala ang kwarto namin ni luke, siguradong magtataka siya.

"Uhm. Hintayin mo na lang ako sa baba" sabi ko sa kanya.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Uhmm..." di ko alam ang sasabihin ko.

Nagulat ako ng ngumisi siya at nagbigay ng mapangasar na tingin.

"Bakit may tinatago kayo diyan ano? kayo ha! ano Samantha!? mga posas? Fifty Shades ang peg niyo ha!" tuwang tuwang pangaasar niya pa sa akin.

"Ewan ko sayo!" asik ko sa kanya dahil sa kahihiyan.

"K. Fine!" pagsuko nito at tsaka nagmartsa na pababa.

Kumuha ako ng damit na maisusuot ni Elaine. Pagkababa ko ay inabot ko kaagad iyon sa kanya. "Magluluto lang ako ng lunch dito ka na kumain" sabi ko pa.

"Alright sister In Law!" nakangiting sabi nito sa akin.

"Baliw!" asik ko sa kanya.

Alas tres na ng hapon ng umalis si Elaine. May ibang lakad pa daw kasi siya, tapos ko na lahat ng dapat kong gawin kaya naman naligo na ako para makapagpahinga. Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako magpapahiga na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello?"

"Bakit ang tagal mo bago sagutin!?" inis na tanong ni Luke.

"Sorry" tipid na sagot ko na lang.

"Ok. This time I need you to cooperate with me. Understand?" seryosong sabi nito sa akin kaya naman napatango tango ako kahit hindi naman iyon nakikita ni luke.

"Ok ano ba yun" tanong ko.

"Listen very carefully" sabi nito. "Lahat ng gamit mo ilipat mo sa kwarto ko, ngayon na" nagmamadaling sabi pa niya sa akin.

"Huh!? Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Just do it! Pauwi na ako naipit lang ako sa traffic" problemadong sabi niya sa akin.

"Pero bakit nga?" naguguluhang tanong ko pa din.

"Ilang beses ko bang kailangang ulitin?" seryoso at may diin ng pananalita nito.

"Ok sige!" sabi ko at biglang namatay ang tawag.

Dali dali akong umakyat para gawin ang inuutos ni luke. Konti lang naman ang gamit ko kaya madali lang iyon.

Nagulat ako ng may biglang mag doorbell. Mabilis akong bumaba dahil sa pagaakalang si Luke na iyon.

"Bakit ba kasi kailangang ilipat?" tanong ko ng di ko pa ito tinitingnan, pero agad akong nagulat sa aking nakita.

"Anong ililipat?" nakataas ang kilay na tanong nito sa akin.

"Sino po..." di ko na natuloy ang aking tanong ng biglang sumulpot si Luke sa likod ng aming bisita.

"Lola!" tawag niya dito.





(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro