Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Warning: This might contain words, settings and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
__________




Kinaumagahan ay kaagad din kaming nahanap ng kanyang mga pinsan. Imbes na ang Kuya niya ang salubungin ay ako kaagad ang niyakap ni Elaine pagkakita nila sa amin.

"Samantha dahan dahan sa pagkain. Baka mabulunan ka niyan!" natatawang suway sa akin ni Elaine ng makabalik na kami sa may cottage.

Nakanguso akong tumingin sa kanya. "Nagugutom talaga ako eh" sabi ko sa kanya sabay ngiti.

Napairap ito at tsaka napangisi. "Dalian mo diyan. After niyan pumunta ka na daw sa kwarto niyo, hinihintay ka na ni Kuya" sabi pa niya sa akin.

Lumaki ang mata ko at binagalan ang pagkain. Matapos ang mga narinig ko sa kanya kagabi ay parang nahihiya ako. Para bang bumalik ako sa pagiging teenager at kinikilig pag andyan ang crush ko.

Napansin ni Elaine ang pagbagal ng aking pagkain. "Oh! Kanina kung makakaain parang mauubusan ka ah, anong nangyari?" natatawang suway niya sa akin.

"Eh sabi mo magdahandahan!"palusot na sabi ko sa kanya.

"Whatever Sam!" sabi nito habang nakairap at tsaka tumawa.

Pagkatapos kumain ay kaagad na akong nagtungo sa hotel room namin. Dahan dahan akong pumasok sa room namin ni Luke. Pagkabukas ng pinto ay kaagad akong luminga linga para hanapin siya pero di ko siya nakita. Agad kong narinig ang pagbukas ng pintuan ng banyo. Tumambad sa akin ang half naked kong asawa. Nakatuwalya lamang siya at tumutulo tulo pa sa kanyang katawan ang mga mumunting butil ng tubig.

"Stop staring Samantha. It's rude" sabi nito sa akin ng mapansin niya ang pagtitig ko sa kanya at tsaka siya pumunta ng closet.

"Sige lalabas na lang ako" nahihiyang sabi ko pa.

"You take a bath Samantha. Gagamutin ko yang mga sugat mo" sabi nito sa akin ng hindi man lang nagabalang tumingin sa akin.

Napaawang bibig ko. "Hindi na, malayo naman ito sa bituka" sabi ko pa.

Kaagad tumalim ang tingin nito sa akin. Kaya naman sa huli ay wala akong nagawa kundi ang pumasok sa banyo. Napapangiwi ako sa hapdi ng tumama ang tubig sa mga sugat at gasgas sa aking katawan. Pagkatapos ay dali dali akong lumabas at napasabunot sa aking buhok ng maalala kong hindi ako nakapagdala ng tuwalya or robe.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto sa cr at agad kong naramdaman ang lamig dahil sa aircon. "L...luke"alanganing tawag ko sa kanya.

"Why?" biglaan niyang pagpapakita sa aking harapan. Nakatapis pa din siya hanggang ngayon ng tuwalya at may hawak na isa pang tuwalya na ipinupunas niya sa kanyang buhok.

Napalunok ako. "Pwedeng pasuyo, paabot ng tuwalya ko?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Natakot akong baka magalit ito sa akin dahil inutusan ko siya.

Tiningnan niya lang ako kaya naman napatango ako."Uhmm. sige wag na lang" sabi ko at isasara na sana ang pinto ng biglang magsalita siya.

"You can use mine" seryosong sabi nito.

Napakunot ang noo ko at kaagad nanlaki ang mga mata ko ng harapan niyang hinubad ang tuwalya at ibinato sa akin.

"Luke!" gulat na sigaw ko sa kanya at mabilis na isinira ang pinto.

Kaagad kong narinig ang kanyang halakhak. "Wag kang maarte, Samantha. Nakita mo na to!" tumatawang sabi nito sa akin.

Pagkalabas ko ng banyo ay dumiretso agad ako sa may closet at nagbihis. Amoy na amoy ko ang pabango ni Luke sa kanyang tuwalya. Sinisinghot singhot ko pa ito ng bigla nanaman siyang nagpakita sa akin.

"Anong ginagawa mo?"seryosong tanong niya.

Nahiya ako, umiling lang ako at umalis sa harapan niya at dumiretso ako sa may kama at umupo. Laking gulat ko ng tumabi siya sa akin at biglang hinila ang paa ko.

"Ano bang nangyari dito?" inis na tanong niya habang tinitingnan ang paa kong napilayan at may mga galos.

"Napakatanga mo talaga" sabi pa niya sa akin.

Hindi na lang ako sumagot sa mga tanong at reklamo niya. Pinagmamasdan ko lang siya habang ginagamot at nilalagyan ng ointment ang mga sugat ko.

Nang matapos ay agad siyang tumayo pero agad ko siyang pinigil ng isang yakap. "Thank you" paos na sabi ko dahil sa nagbabadyang luha.

"Wag mo nga akong artehan Samantha. Para namang unang beses na may gumamot sa sugat mo" panunuya at naiiritang sabi nito sa akin.

Tumango tango ako kahit di niya nakikita. "Unang beses lang may gumamot sa sugat ko. Ngayon lang may nagalala sa akin ng ganito." Kwento ko pa sa kanya.

Mabilis niyang kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya at tsaka niya ako hinarap. "Wag kang assuming. Wala lang akong magawa kaya ginamot ko yan"sabi pa nito at tsaka ako iniwan duon magisa.

Nanahimik na lang ako pagkatapos nuon, imbes na bumaba ay nakaidlip ako.Nagising na lang ako bandang hapon at nakitang palubog na ang araw sa may bintana. Madilim ang kwarto at mukhang nasa baba pa sila luke. Napahawak ako sa aking sikmura ng makaramdam ako ng gutom. Pagkatapos kong magayos ay bumaba na ako magisa akong sumakay ng elevatot at pagkabukas nuon ay agad bumungad sa akin si luke.

"Saan ka pupunta?" tanong ko kaagad sa kanya.

Napaiwas ito ng tingin sa akin. "Pinapasundo ka ni Elaine" mabilis na sabi nito at tsaka tumalikod sa akin at naglakad papunta sa may cottage.

Nagkibit balikat na lang ako at sumunod na lang ako sa kanya. Natanaw ko kaagad ang madami at masasarap na pagkaing nakahilera sa may lamesa sa gitna.

"Oh nasundo mo na yung asawa mo?" tanong ng isa sa mga pinsan niya.

Nanlaki ang mata ko. "Susunduin mo ako dapat?" nakangiting tanong ko sa kanya.

Inirapan niya ako. "Will you just fucking eat and shut up!?" inis na tanong niya sa akin.

Natanggal ang ngiti sa aking labi tsaka dumiretso na lang ako sa may kainan. "Hey bakit ngayon ka lang bumaba?"nakangusong tanong ni elaine sa akin.

"Sorry nakatulog kasi ako. Pero thank you at ipinasundo mo pa talaga ako sa Kuya mo" sabi ko habang sa aking pagkain nakatingin.

"Huh? Hindi ko inutusan si Kuya" nagtatakang sabi pa niya.

Kumunot ang noo ko. "Hindi mo siya inutusang sunduin ako?" tanong ko ulit. "Yup!" sabi nito sabay subo ng saging na kinakain niya.

kaagad hinanap ng mga mata ko si Luke at namataang nakaupo siya sa may dulo ng kubo at nakatingin din sa akin. Pero ng makitang nakatingin ako sa kanya ay agad niya akong inirapan at nagiwas ng tingin.

Tahimik akong kumain sa may labas ng cottage. Malayo iyon sa mga malalakas na tawanan ng mga pinsan nila luke. Nang matapos ay kaagad kong ininom ang pineapple juice na kinuha ko, nasa kalagitnaan ako ng paginom ng may magsalita sa aking likuran.

"Pagkatapos mo diyan pakihugasan lahat ng mga pinagkainan, para kahit papaano ay may silba ka naman"mataray na sabi nito.

Mabilis akong napatayo at nakita si Ate Yesha sa likod ko. "Oh fuck. Nagkamali nanaman ako, Ikaw pala yan Samantha" sabi nito habang tumatawa tawa pa.

Pinagmasdan ko lamang siya, pero kaagad siyang tumigil at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Oh. Poor little Samantha bakit may mga galos ka?" mapangaasar na sabi nito sa akin.

Kinilabutan ako sa paraan ng pagtawag niya sa akin, pero nanatili akong tahimik. "Masakit ba?" tanong nito at akmang hahawakan ako ng mabilis akong umilag.

Napangisi lamang siya sa aking ginawa. "Mommy. Mommy. Wag po, Goodbye little Samantha!." pangaasar nito sa akin na ikinagukat ko. Nakangiti pa siyang nakatingin sa akin.

"Bang!"sabi nito at itinapat pa sa aking ang kamay niyang kunwaring baril. Dahil duon ay hindi ko na napigilan at kaagad ko siyang sinampal.

"How dare you!" gulat at galit na sigaw nito sa akin. Kaagad niyang hinila ang aking buhok at dahil sa lakas ng hila niya ay kaagad akong napahiga sa may buhangin kaya naman mabilis siyang pumaibabaw sa akin.

"You bitch!" sigaw na sabi nito at malayang winasiwas ang buhok ko. Kaagad ko namang narinig ang palapit na sigaw ng mga pinsan nila.

Nang tuluyang makalapit sa amin ay agad nilang hinatak si ate yesha mula sa pagkakadagan sa akin. "You bitch! How dare you?" Wala kang karapatang sampalin ako, nasa teritoryo kita!" sigaw niya pa sa kin habang dinuduro duro ako. Agad akong napatingin sa paligid at nakita ang mga mata nilang may pagkadismayang nakatingin sa akin. Mabilis na kumawala ang mga luha ko. Pero nagulat ako ng may biglang humigit sa aking braso.

Marahas niyang akong kinaladkad papuntang hotel. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin, kita ko din ang mabigat niyang paghinga at ang pag igting ng kanyang panga.

Nang bumakas ang elevator ay kaagad niya akong hinala papasok. "Ano nanamang gulo yon Samantha!?" bulyaw nito sa akin. Pero patuloy lang ako sa pagyuko at pagpunas ng naglalaglagan kong mga luha. kaagad naman niya akong hinawakan sa dalawang braso.

"Ano!?" inis na tanong niya.

Umiling iling lang ako. "Fuck Samantha. Hindi mangyayari iyon kung wala lang!" bulyaw pa nito sa akin.

"Kahit naman sabihin ko hindi ka maniniwala sa akin" sagot ko sa kanya.

Mas lalo itong nainis. "Just fucking tell me. Asawa mo ako!" sabi nitosa akin na ikinagulat ko.

Pinagmasdan ko siyang mabuti kung may balak ba siyang bawiin o may pagsisisi ba siya sa sinabi niya pero wala nuon.

"Pero hindi mo ako mahal..." yun na lamang ang tangi kong nasagot dahil sa naghalo halo na ang lahat sa utak ko.

"Fuck" frustrated ba sambit niya at agad napatingala na para bang ang laki ng problema niya.

Ilang sandali lang ay muli niyang ibinaling sa akin ang kanyang tingin. "Can't you see, I'm fucking trying!?" inis na sabi nito at mabilis akong hinala palabas ng elevator pagkabukas nito.  








(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro