Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11

Warning: This might contain words, settings, and content not suitable for everyone. Read at your own risk.




[Samantha Pov]

Sumandal na lamang ako sa may bato sa aking bandang likuran. Kahit naman anong gawin ko hindi ako makakaalis dito. May parte sa aking natatakot dahil madilim na, pero kagaya nga ng sinabi ko sanay na akong laging magisa.

Napabuntong hinga ako hanggang sa magulat ako ng makarinig ako ng ilang pagsigaw. "Samantha! Samantha!" rinig kong galit na sigaw ni Luke sa hindi kalayuan.

Dahil duon ay sinubukan ko kaagad na tumayo o kahit magpakita man lang sa kanya. "L..luke!" nahihirapang tawag ko sa kanya habang tinataas ang aking kamay para makita niya.

Kaagad siyang tumakbo ng makita na ako. "Tangina ano bang problema mo!?" sigaw kaagad nito sa akin pagkalapit niya sa aking kinalalagyan.

Napangiwi ako dahil nagalit nanaman siya sa akin. "Kanina pa dapat ako pauwi kaso..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko na may pilay ako dahil baka akalain niyang nagpapaawa lang ako.

"Ano!?" sigaw na tanong niya sa akin.

Umiling iling na lang ako at tsaka napayuko. "So wala ka talagang balak tumayo diyan, Ano Samantha. Kakaladkarin pa kita?" inis na pagbabanta nito sa akin.

"Hindi ko kayang tumayo" nakayuko at nahihiyang sabi ko sa kanya.

Tumalim ang tingin niya sa akin. "Bakit!?" galit na tanong niya pa pero dahil sa pagkainip ay mabilis niyang tinabig ang kamay ko at tiningnan ang paa ko. Hindi pa siya nakuntento at hinawakan pa niya iyon.

"Aray" daing ko dahil sa sakit.

"Fuck! May balat ka ba sa pwet ha? pati ako nadadamay sa kamalasan mo!" inis at problemadong sabi nito sa akin.

"Bakit ka pa kasi umalis dun!?" galit at maawtoridad na tanong niya.

Napalunok ako. "Ayaw nila sa akin dun. Kaya umalis na lang ako para naman hindi ko masira ang araw nila" sabi ko habang nakasubsob sa aking tuhod.

Magsasalita pa lang sana siya ng biglang kumidlat. "The fuck!" inis na hiyaw niya muli.

"Napakamalas talaga. Alam mo ba kung gaano kalayo ito?"galit at problemadong sabi nito sa akin.

Hindi na lang ako nagsalita, baka mamaya lalong uminit ang ulo niya at di lang pilay ang abutin ko. Nagulat ako ng bigla niya akong binuhat na parang bagong kasal.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya habang naiilang pa din dahil sa pwesto namin.

"Lulunurin kita sa dagat" seryosong pagbabanta niya sa akin, kaya agad akong bumalikwas at nahulog muli sa buhangin.

"Fuck Samantha. ang kulit mo kasi!" galit na sabi niya at tsaka niya ako ulit sinubukang buhatin.

"Lulunurin mo kamo ako eh!" akusa ko sa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Napakatanga mo talaga!" sigaw nito sa pagmumukha ko at tsaka pinagpatuloy ang pagbubuhat sa akin.

"Umaambon na" sabi ko habang mahigpit na nakahawak sa kanyang leeg. Para akong nananaginip dahil sa pagkakabuhat nito sa akin. Para bang ayoko ng bumaba duon.

"Alam ko Samantha. Hindi ako kagaya mo" akusa niya sa akin kaya naman napanguso ako na lamang ako.

Naglakad na kami pabalik ng bigla na lamang lumakas ang buhos ng ulan. Napamura ng malakas si Luke at tsaka mabilis na tumakbo para makahanap ng pwede naming silungan. Nakita kong papunta ito sa isang maliit na kubo sa di kalayuan sa amin. Madilim duon at nakakatakot.

Kaagad akong nagpanic. "Ayoko diyan Luke!" pagrereklamo ko sa kanya.

"Tangina Samantha wag mo akong artehan!" sigaw niya habang patuloy pa din sa direksyon ng kubo.

"Natatakot ako diyan!" pagsusumbong ko ulit sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa ginagawang pag lakad at takbo. Basang basa na kaming dalawa, manipis pa naman ang tshirt na suot ko.

Kaagad akong nagsumiksik sa bandang dibdib niya. Naamoy ko ang kanyang pabango na sobrang sarap sa ilong. Nang tuluyan na kaming papasok sa kubo ay mariin akong napapikit. Hanggang sa naramdaman kong bibitawan na niya ako kaya naman napakapit ako sa kanyang leeg.

"Hands off, Samantha" matigas na utos niya sa akin.

Napalunok ako dahil sa takot at kaba. "Wag mo akong iwan Luke" naluluhang pakiusap ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot, naramdaman ko ang pagalis niya sa aking harapan kaya naman kaagad akong sumubsob sa aking mga tuhod at pumikit.

"Dalian niyo at dispatsyahin niyo na yan pagkatapos!"

"Mommy..."

"MOMMY HAHAHA"

"Goodbye little Samantha!"

"Bang"

"Gising!" tawag sa akin ni Luke tsaka ako yinugyog.

Idinilat ko ang aking mga mata at nakitang may liwanag na. Nagmumula iyon sa iilang piraso ng kahoy na may apoy. Namula ang pisngi ko ng mapabaling ako sa kanya. Nakita ko nanaman ang katawan niya. Ang ganda ng hubog ng kanyang katawan, wala na akong masasabi.

Napatingin ito sa akin at sa kabuuan ko. Napayuko tuloy ako para magiwas ng tignin. "Maghubad ka Samantha" seryosong utos niya sa akin.

Napaawang ang aking bibig. "Ba...Bakit?" tanong ko sa kanya.

Inirapan niya ako. "Basa ang damit mo!" inis na sabi nito sa akin.

Napailing ako. "Ayoko" sabi ko at tsaka ko na lang niyakap ang aking sarili.

Muli nanamang tumalim ang tingin niya sa akin kasabay ng pagtiim ng kanyang bagang. "Maghubad ka" madiing sabi niya.

Muli lamang akong napailing. "Ayoko nga Luke..." madiing sabi ko din.

"Gusto mong masaktan pa bago mo ako sundin?" pagbabanta niya sa akin.

"Hayaan mo na lang ako. Wala ka namang pakialam sa akin diba?" sabi ko pa sa kanya dahil iyon naman ang totoo.

Pero hindi siya nagpapigil. Nagulat ako ng lumapit ito sa akin at padarag niyang hinila ang laylayan ng aking damit tsaka niya mabilis na hinubad ang suot kong tshirt. Pagkatapos nuon ay ibinigay niyan sa akin ang maliit na piraso ng parang kumot.

"Dami mong arte. Nakakabwiset!" inis na sabi nito at tsaka muling lumayo sa akin at umupo sa may tapat ng apoy.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang ginaw. Mahigpit kong hinawakan ang kumot na ibinigay niya sa akin, tama siya mas nakabuti ang paghubad ko ng basang tshirt ko kanina.

Napatingin ako kay luke at nakitang iniinda na din niya ang lamig. "Shit!" sambit niya.

"Mamamatay na ang apoy" galit na sabi niya sa akin.

"Napakaginaw!" paos na sabi ko at yumuko. Nagulat ako ng biglang kinuha niya ang kumot sa akin at mabilis na pumunta sa likod ko at yumakap sa akin .Inilagay niya ang kumot sa likod niya kaya naman kaming dalawa na ang nasa loob nuon.

"Anong ginagawa mo Luke?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Giniginaw din ako! Wag kang selfish!" galit na sagot niya sa akin.

Bahagya na lamang akong napayuko habang damang dama ko ang paginit ng aking magkabilang pisngi dahil ramdam na ramdam ko ang hubad at mabato nitong katawan sa aking likuran. Damang dama ko iyon maging ang init ng kanyang katawan habang nakasandal ako sa kanyang dibdib at nasa pagitan ng kanyang mga hita.

"Ah...Luke" tawag ko sa kanya para sana magsalita pero kaagad niya akong pinigilan.

"Shut up Samantha. Wag mo akong inisin nabwibwiset ako ngayon!" galit na sabi pa din niya sa akin.

Pero hindi din ako nagpapigil. "Maraming salamat at hinanap mo ako" sabi ko sa kanya.

"Wala akong choice" tamad na sabi niya sa akin.

Napayuko ako at napatango. "Salamat na din sa pagaalaga" dugtong ko pa

"Ayoko lang na paggising ko bukas ay mas lalo pang lumala ang nararamdaman mo" paliwanag niya sa akin kaya naman kaagad akong napalunok.

"Bakit?" tanong ko pa din.

Napangisi siya. "Cause that's an easy way out for you Samantha, you don't deserve it." Mapanuyang sabi pa niya sa akin kaya naman nanahimik na lamang akong muli.  







(Maria_CarCat)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro