Chapter 10
Warning: This might contain words, settings and content not suitable for everyone. Read at your own risk.
______________
Buong pagiingat akong inangkin ni Luke, nagulat ako dahil duon kaya naman hindi ko naiwasang umasa. Kaagad na may namuong pagasa sa aking puso na baka ito na ang simula ng pagiging ayos ng aming pagsasama. Bumagal ang paggalaw niya sa ibabaw ko habang marahan kong hinahaplos ang kanyang likod. Naramdaman kong tapos na siya ng hindi na ito gumalaw pa.
"I love you, Luke..." malambing na sabi ko sa kanya.
Hindi siya kaagad sumagot. Umalis siya sa pagkakadagan sa akin habang pinapanuod ko siyang sinusuot ang kanyang boxer shorts. Dahil wala pa din siyang sagot ay sinubukan kong tanungin siya ulit.
"Ma...mahal mo na din ba ako Luke?" matapang pero kinakabahang tanong ko sa kanya.
Agad siyang napatingin sa akin at tsaka ngumisi. Nadurog ang puso ko, ang klase ng ngisi na iyon. Hindi na niya kailangan pang magsalita pero ginawa pa din niya.
"Pinapatawa mo ba ako Samantha? Mahal kita? kahit kailan Samantha hinding hindi!" nasisiguradong sagot niya sa akin.
"B...bakit?" nahihirapang sambit ko, hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa pagtulo ng luha.
"I'm just bored, Samantha. I just need to have sex with you to kill the boredom" tamad na sagot niya sa akin na para bang wala siyang pakialam kung masaktan ako.
"We made love, Luke..." paalala ko sa kanya.
Umiling iling ito at tumawa. "There's no love, bitch..." matigas na sabi nito sa akin bago siya nagtuloy tuloy papunta sa banyo.
Dahan dahan akong tumayo sa kama. Natawa na lamang ako dahil sa kahihiyan ko. "Ang tanga mo Samantha. Napakatanga mo" akusang bulong ko sa aking sarili.
Ng dumilim na sa labas ay sinundo ako ni Elaine. Nasa baba na daw ang lahat at nagkakasiyahan na. Ayoko pa sanang bumaba pero baka masabihan na naman akong paimportante at walang pakikisama. Nakasuot lamang ako ng short na hindi masyadong maiksi at puting tshirt.
Nang bumaba kami at natanaw namin sila malapit sila sa may pampang at nagkakatuwaan. Ang ibang babae naman ay nasa cottage na parang kubo samantalang ang ibang lalaki at nagiihaw at ang iba ay nagvivideoke. Sumunod lang ako kay Elaine na pumunta sa may nagkukumpulang mga babae malapit sa dagat na nagtatawanan.
Nakiupo din ako sa bilog nila para sana makisalamuha pero nagulat ako ng umalis ang iba habang nakangiwing nakatingin sa akin. Napansin ko ang titig sa akin ni Ate Yesha sa hindi kalayuan. Nakangisi ito, para bang natutuwa sa kanyang nakikita.
"Maglalakad lakad lang ako Elaine" paalam ko dito para ilayo na din ang aking sarili sa kanila.
Nagulat pa ito dahil sa aking sinabi. "Gusto mo samahan kita?" tanong niya.
Nginitian ko siya at umiling. "Ako na lang. Baka hanapin ka ng Kuya mo mamaya" sabi ko sa kanya tsaka ako tumayo at naglakad.
Hindi pa ako gaanong nakakalayo ng salubingin ako ni Ate Yesha. Matalim ang tingin nito sa akin, nakayuko na lamang akong pinagpatuloy ang aking paglalakad.
"Pahugas na ng mga pinggan at pakiayos na ng lamesa. Malapit ng magdinner" maawtoridad na sabi nito. Nagulat ako kaya naman tiningnan ko siya pero hindi siya nakatingin sa akin kundi sa iniinom niya.
"Po?" naguguluhang tanong ko sa kanya.
Agad siyang nagangat ng tingin sa akin at umaktong nagulat pa. "Oh my... Ikaw pala yan Samantha. Sorry kala ko maid" nakangisi at panunuyang sabi nito sa akin. Hindi na niya ako hinyaang makapagreact pa at mabilis akong tinalikuran.
Napatingin tuloy ako sa aking suot. Wala namang mali duon bukod sa balot na balot ako hindi kagaya ng iba. Muli ko tuloy silang nilingon at nahiya para sa aking sarili. Napakagat labi na lang akong tumuloy sa aking paglakad. Hindi lang sila sanay sa aking presencya. Pagtumagal magbabago din siguro ang paningin at pakikitungo nila sa akin.
Naglakad lakad ako habang di ko inalintana kung malapit pa ba ako o malayo layo na sa kinalalagyan nila. Lakad lang ako ng lakad habang tinatanaw ang papalapit ng paglubog ng araw. Natanaw ko ang malaking rock formation sa medyo malayo. Pinuntahan ko talaga iyon at pinilit na umakyat, pagdating sa tuktok ay napapikit ako sa sarap ng hangin na nararamdaman ko sa aking buong katawan.
Napahawak ko ang aking sinapupunan "Gusto ko ng mag ka baby" nakangiti at nakapikit na sabi ko. Pero agad nawala ang ngiting iyon at napalitan ng sunod sunod na pagpatak ng aking mga luha.
(FlashBack)
"Goodbye little, Samantha" nakangising sabi sa akin ng lalaking dumukot ng baril sa kanyang likuran.
Napapikit ako sa takot. Halos manlamig ako ng nakarinig ako ng isang pag putok. Nung una ay di ko naramdaman ang sakit pero isa pang kasunod na putok ang nagpagising sa akin. Isang tama nanaman ng bala sa may bandang tiyan at isa sa may tagiliran. Papikit na ang aking mga mata ng narinig ko ang sigaw ni Kuya Samuel.
"Samantha!" rinig kong sigaw niya pero sunod sunod na putok muli ng baril ang narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Hanggang sa hindi ko na alam ang mga nagyari. Nang magkamalay ay dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Bigla kong nararamdaman ang lahat ng sakit mula sa aking katawan.
Kaagad kong iginala ang aking paningin sa buong kwarto. "I'm afraid makaapekto ito sa kanya to bear a child in the future" rinig kong sabi ng doctor kay Mommy habang nakatayo sila sa paanan ng aking kama.
(End Of FlashBack)
Mariin muli akong napapikit. "Hindi yun totoo. Pwede" sabi ko habang pinapalakas ang aking loob.
Tumingin ako sa paligid at napansing madilim na. Hindi katulad kanina na nagaagaw pa ang liwanag at dilim. Ngayon tuluyan ng nakain ng dilim ang langit. Dahan dahan akong bumaba sa batong kinauupuan ko pero sadyang madulas ito kaya naman hindi ko inaasahan ang pagsubsob ko galing sa itaas pababa.
"Aray. Ang sakit" pagdaing ko habang iniinda ang sakit ng aking paang mukhang napilay. Kita ko din ang mga gasgas sa aking kamay.
Sinubukan kong tumayo pero napaupo muli ako dahil sa sakit ng aking paa. "Ang tanga mo talaga Samantha!" galit na sabi ko sa aking sarili.
Kinapa ko ang aking bulsa at lalo akong napadaing ng malamang hindi ko nadala ang aking cellphone. Maghihintay na lang ako dito, Sana naman hanapin nila ako. Napatitig ako sa dagat ng lumaon dahil mukhang wala ni isa sa kanila ang nakapansin na wala ako duon. Agad akong natauhan. Oo nga pala walang pakialam sa akin ang aking asawa.
[Elaine Pov]
Nagpalinga linga ako para hanapin si Samantha. Baka kasama ni Kuya. Agad akong pumunta sa may cottage kung nasaan siya kasama ng mga pinsan namin.
"Oh Elaine. Kumain ka na!" yaya sa akin ni Kuya Clark, isa sa mga nakakatanda kong pinsan. Umiling ako dito habang nakangiti.
"Mamaya na po" sabi ko sa kanya at tsaka nilingon si Kuya. Nakatingin din ito sa akin na para bang may hinahanap sa aking likuran.
Kaagad ko siyang nilapitan. "Sino hinahanap mo?" tanong ko sa kanya.
Umiling lamang ito at tsaka mabilis na nilagok ang natitirang alak sa kanyang baso. "Tatawagin ko lang ang asawa ko" tamad na paalam nito sa mga pinsan namin at tumayo.
Nginisian ko siya. "Tatawagin, baka hindi nanaman kayo bumaba niyan" pangaasar ko sa kanya at ng iba pa naming pinsang lalaki.
Inirapan niya kami. "Tatawagin ko siya para kumain." Laban nito sa aming mga pinsan. Pero pinagtawanan lamang siya ng mga ito.
Nakampante ang loob ko na baka nga nasa kwarto lang nila ang aking bestfriend. Nakiupo muna ako sa aking mga pinsan hanggang sa nagulat ako ng humahangos na bumalik si Kuya Luke.
"Elaine!" malakas na tawag niya sa akin.
"Asaan si Sam?"tanong ko habang nakatingin sa likod niya.
Masama ang timpla ng kanyang mukha. "Kasama mo ba siya kanina?" inis na tanong niya sa akin.
Napatango ako. "Oo, sabi niya maglalakadlakad lang daw siya" nagaalalang kwento ko sa kanya.
"Damn it!" sigaw na sabi nito at tsaka nagmartsa palayo.
(Maria_CarCat)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro